Nahihintakutan na tumayo si Sandy at hindi niya alam ang gagawin sa pagkakataranta. “Hoy Dimitri! Gago ka ba? Bumalik ka nga rito!” sigaw niya ngunit dahil madlim ay hindi na talaga niya ito makita sa tubig kahit ang kamay mga nito. “Diyos ko naman!” kabadong sambit niya, “lakas ng sapak mong gag* ka! Bumalik ka na, bumalik ka na, please!” Ang lakas ng kalabog ng dibdib ni Sandy sa mga sandaling iyon. Tumayo na siya ‘t nagsasalita nang mag-isa habang ang mga paa ay nagpa-padiyak. Sa isip niya ay pinagti-tripan lamang siya nito, pero iyong lintik niyang puso ay takot na takot sa kung anong nangyayari kay Dimitri. Nang lumipas na ang 15 minutes at hindi pa rin umaahon si Dimitri ay kahit giniginaw dahil sa lakas ng hangin na napilitan na siyang lumusong na rin sa tubig at sinundan ang dereksiyon na pinuntahan nito kanina. Napadali siya ‘t lumangoy pagitna. “Dimitri…” sigaw siya, “Dimitri nasaan ka na? Hindi ako natutuwa! Lumabas ka na!” sambit niya at inilibot ang kanyang pan
Mabilis na pinaharurot ni Corrine ang kotse, mabuti na lamang ay malapit lamang ang ospital at ilang minuto lang ay nakarating na sila. "Bumaba naman sila at humingi ng tulong at dinala na rin sa ER si Mayumi. Ngunit nagkagulatan sila ni Dimitri nang naro'n din ito. "Dimitri!" "Corrine!" halos magkapanabay nilang sambit. "Anong ginawa mo rito? Nasaan si Sandy? Huh?" tanong niya kay Dimitri. "May nangyari at nasa loob ng ER si Sandy," tugon niya naman. "Ano?! Anong nangyari sa kaibigan ko? Anong ginawa mo?! hindi niya mapigilan ang napasigaw. "Mamaya ko na iyan sasagutin, okay? Kayo? Anong nangyari kay Mayumi?" "Hindi namin alam eh, basta! Bigla na lang namin siyang narinig na dumaing ng sakit sa bandang dibdib niya kaya agad na dinala namin siya rito. Kanina pa namin kayo hinihintay, kung hindi tayo nagkita rito ay hindi ko pa malalaman ang nangyari sa kaibigan ko! Humanda ka talaga kapag may masamang nangyari sa kanya, baka mailibing talaga kita ng buhay, Dimitr
Kapuwa humihingal ang dalawa nang bumitaw mula sa mariin at mapusok na pag-angkin ni Dimitri sa malambot at malamang labi ni Sandy Hindi iyon ang pagkakataon na ipinadama nila ang masidhing damdamin para sa isa't isa ngunit ang sandaling iyon ay puno ng kakaibang sensasyon at pagnanais ng pag-uugnay. Wala silang sinayang na sandali. Ang bawat kilos ay may lakip ng pagmamadali. Idagdag pa ang dulot na epekto ng pagkasabik nilang dalawa ang lalong gumagatong sa pagliliyab ng kanilang katawan. "Ahhh.. " Dama ni Sandy ang bigat ni Dimitri sa ibabaw niya. Wala siyang pakialam kung halos pahiklas nitong ginawa na alisin ang lahat ng kaniyang saplot pati na ang kahuli-hulihang tabing sa kaniyang pagkababae. Iisa ang kumikiliti sa kaniyang pakiramdam - iyon ay ang mga haplos ni Dimitri na tila ba kinakabisad niya ang lahat ng kurba ng kaniyang katawan. Mga haplos na humantong sa lambak na nagkukubli ng isang lagusang dinadaluyan ng nectar na unti-unting bumabasa sa mas’werteng mga daliri n
Nakailang beses na napabuga ng hangin si Sandy nang tumigil na sa parking lot ng La Hacienda Hotel ang kotseng kinalululanan. Napatingin sa kaniya ang kaibigan na kasalukuyang nasa driver's seat. "Oh, ano? Tutuloy pa ba tayo?" untag na tanong ni Corrine sa kaibigan, "Puwede tayong bumalik kung hindi mo talaga kayang um-attend sa auction na iyan." "Nakabihis na tayo, so, walang dahilan para umurong tayo at bumalik pa," tugon naman ni Sandy. "Okay." Patango-tango na sagot ni Corrine sa Kaibigan. "Sabagay, imposible namang narito ang taong kinamumuhian natin at may matinding kasalanan sa iyo. Hindi naman natin siguro makikita iyon dahil balita ko ay nasa sa England ito." Ang tinutukoy ni Corrine ay walang iba kung hindi si Dimitri na pilit na kinalimutan si Sandy. Humugot muna ng isang malalim na paghinga si Sandy bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse at lumabas doon. Sumunod na rin naman si Corrine sa kaniya nang makitang tuluyan na siyang nakalabas mula sa kotse. Hindi nga b
"Hey, are you okay?" tanong agad ni Calvin na tila inihanda ang sarili na alalayan siya nang makita nitong tila matutumba siya nang tumayo mula sa pagkakaupo niya. Nang nang tingnan niya ito ay ang malapad na pagkakangiti nito sa kanya. "Uy, Sands! Buti naman dumating kayo ni Corrine," masayang yumakap naman si Nadine sa kanya kaya hindi na niya nasagot pa si Calvin sa tanong nito kung okay lamang siya. "Siyempre naman darating kami, alangan naman na palampasin namin ito, eh, ngayon na lang ulit tayo magkakasama-sama, after 1 year," excited ang tinig na tugon ni Corrine sa sinabi ni Nadine. Ang balak ni Sandy na pumunta muna sa ladies room ay hindi nagkaroon ng katuparan dahil sa naging kumustahan nila. "Kung hindi kay Calvin, wala sanang ganito kaya pasalamat tayo at tungkulin niya na mag-organisa ng ganito," ani naman ni Anya. "Si Margaux ang naging abala sa lahat, siya ang dapat nating pasalamatan," tugon naman ni Calvin na sumulyap pa sa binanggit na dalaga. Isang mabining
Naramdaman ni Sandy ang kakaibang lamig na nanunuot sa kaniyang kalamnan. Pahapit niyang niyakap ng mahigpit ang unan na nasa kaniyang mga bisig at hinila ang kumot pabalot sa sariling katawan. Napangiwi siya nang biglang maramdaman ang bigat at bahagyang pagkirot ng kaniyang ulo. Nasapo niya ang kaniyang noo. Pilit na inaalala ang sanhi ng pagkirot na iyon. Biglang nawala ang kaniyang nadaramang antok nang sandaling iyon at pabalikwas na bumangon. Natutop niya ang kaniyang bibig nang ilinga ang kaniyang paningin sa lugar na kinaroroonan. Hindi sa kaniya pamilyar ang silid na iyon. Para siyang biglang pinagpawisan nang suriin niya ang sarili at makitang naka-nighties lang siya. Malamig ang paligid sanhi ng nakabukas na aircon ngunit ang bumukal na pawis sa kaniya ay tila ba pawis ng nakabilad sa ilalim ng sikat ng araw. Pilit niyang binalikan sa kaniyang alaala ang nagdaang gabi. Ang tanging naaalala niya ay ang pag-attend niya sa Auction nila ng mga kakilala kasama si Corrine. No
Napatigil sa paghakbang si Sandy nang makalabas na siya sa silid kung saan niya iniwan si Dimitri. Napabuga siya ng hangin nang tumambad sa kaniyang paningin ang dalawang pasilyo. Hindi siya sanay sa bahay ng lalaki sapagka’t noong naging sila ay hindi man lamang siya dinala nito roon. Ngayon nga ang unang pagkakataon na narating niya ang ancestral house ng mga Vinocencio. Nang maramdaman niyang bumukas ang pinto ng silid na pinanggalingan ay nagmamadali siyang agad, nagpasya na ihakbang ang mga paa at batid niyang si Dimitri ang lumabas roon sapagkat wala namang ibang tao. Ayaw niyang maabutan pa siya nito kaya tinahak niya ang pasilyo sa gawing kaliwa kahit wala siyang ideya kung saan ito patungo. Ni hindi na man lamang niya tinangkang lumingon sa mga yabag na ramdam niyang kasunod niya. Sa bandang dulo ng pasilyo ay nakakita siya ng hagdan. Buong pagmamadali na bumaba siya roon. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang tumambad sa kaniyang paningin ang dining room kung saan naroon
“Ngayon mo sa akin sabihin na wala na akong epekto sa sistema mo!” Malayo-layo na rin ang nalalakad ni Sandy mula sa tarangkahan ng ancestral house ng mga Vinocencio ngunit tila paulit-ulit pa rin na umaalingawngaw sa kaniyang isip ang sinabing iyon ni Dimitri sa kaniya. “Ang yabang!” sambit niya sa sarili. Bakit nga ba naman kasi sa dinami-rami ng magiging reaksiyon niya ay tila in-enjoy pa niya ang halik na iyon? Ang dapat niyang ginawa ay itinulak ito at sinampal ng paulit-ulit ngunit sa halip na ganoon ang maging tugon niya ay ninamnam pa niya. Bahagya niyang tinapik-tapik ang sariling ulo. Nais niyang mahimasmasan at magising sa kung anumang pakiramdam na saglit na lumukob sa kaniya kanina. Dahil wala sa dinaraanan ang isip ay muntik na siyang matapilok. Para pa siyang batang nagpapadyak sa lupa sa tindi ng inis sa lalaki. Noon niya naramdaman ang bahagyang pagkirot ng mga masel sa kaniyang binti. Marahil ay sanhi ng napakataas na heels ng kaniyang sapatos. Minabuti niyang
"Stop, smiling at me! You're creepy!" Napa-awang ang bibig ni Kai sa sinabing iyon sa kanya ni Darius. Para sa kan'ya kasi ay iyon na ang pinaka-magandang ngiti niya tapos sasabihin lang nito 'mukha siyang creepy!' "Luuh! Hindi ka marunong matumingin ng maganda, nasa harapan mo na nga!" Irap niya sa lalaki. Ang sama ng ugali! "Manang Naida, I want to talk to you in private," sabi ni Darius sa matanda. Gusto niyang malaman kung bakit narito ang babae at kung saan niya ito nakita, ni hindi pa nga nakapagbihis ang babae. "Eh, hijo. Tinulungan niya kasi ako kanina sa mga dala kong pinamili sa palengke nang mapigtas ang isang supot ro'n at nagkalat ang mga laman at hindi niya nagdala isip. Nasabi niya rin na naghahanap siya ng trabaho kaya naro'n siya sa palengke subalit wala umano siyang nakuha. Eh, naawa naman at 'di ba kailangan nating magdagdag ng kasambahay? Siya na iyon, mukhang mabait masipag naman siya," mahabang saad ni Manang Naida. "bakit? May problema ba sa kanya? Pans
Namo-mroblema naman ngayon si Kai kung saan ba siya tutuloy? Ang malas naman kasi niya eh kung bakit ba kasi siya hinahabol ng mga panget na iyon, eh, wala naman siyang pera! Hindi rin naman siya mayaman! "Aysstt! Buwisit na buhay 'to oh! Saan ko naman kaya hahanapin iyong sinasabi ni Ate? Do'n ay magkakapera raw ako, hindi ko naman alam kung paanong pumunta sa address na binigay niya. Kung hindi ba naman tanga!" salita niyang mag-isa. "Sayang din iyong kanina, kung isinama na lang kasi niya 'ko eh! Puwede naman akong mamasukan kahit katulong lang, suplado niya porket guwapo!" Ni singkong duling nga ay wala siya. Paano siya nito ngayon kakain? "Nagugutom na 'ko!" sambit niya nang bigla kumalam ang sikmura niya. Dinukot niya ang papel na nasa kanyang bulsa upang basahin ang unang tanong hahanapin niya at kung sino pa ang mga kasunod sa listahan. "Saka ko na nga muna kayo hahanapin, baka mahuli pa ako ng mga panget na iyon. Sayang naman itong ganda ko!" Naglakad-lakad Kai Hanggang m
Napatiim bagang ako dahil sa mga sinabi ni Daniella nasagi ang ego ko dun ah, sapul na sapul.Pinulot ko ang Resignation letter niya at bago pa man siya makalampas sa akin ay nahawakan ko na siya isang braso."San ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag usap!" Madiin sambit ko, mataas ang pride ko at inaamin ko na hindi ako nag papatalo kahit kanino o sino.. Pero pag dating sa babaeng to ay tila ba nawawalan ako ng sasabihin."Ano?? Tapos na ang sadya ko dito Mr. Montegre.. Wala naman na tayong dapat pag usapan pa.." Pag tataray nito sabay piksi upang bawiin ang braso sakin pero hindi ko siya pinakawalan bagkus ay humugot ako ng malalim na hininga bago nag salita ng kalmado.." Ok i am sorry if i make you feel that way..hindi ko sinasadya " Pag papakumbaba ko, nagulat pa ako ng makita ang pamumula ng Mga mata niya she is fighting her tears.."Bitiwan mo ako...wag ka ng mag panggap, alam ko naman kung anong klase kang tao wag ka ng mag kunwari na may konsensya" Wika niya na halos pumiyok n
Dahil balak na ngang mag resign ni Daniella sa Hotel na pinag tatrabahuhan niya ay agad niya rin na tinanggap ang inaalok ni Lucas..Nang mga mga sandaling iyon ay napagtanto niya na Pag mamayari pala ni Mr. Montegre ang Hotel na yun dahil narin sa Pangalan nito.."Lets grab some coffee, and talk about your salary" Nakangiting wika ni Lucas kay daniella pero dahil hindi pa naman niya masyading kilala ang lalaki ay pinag isipan muna niya ang isasagot..Nahalata naman agad iyon ni lucas dahil batid niyang pinag aaralan ni daniella ang kabuuan niya.."Ms. FORTALLA, wag kang mag alala mapag kamatiwalaan ako, nais ko lamang na makatulong sayo, alam ko naman ang pinag dadaanan mo ngayon.." Senserong wika ni lucas sa nag dadalwang isip pang su Dalaga..Isang buntong hininga nalang ang naitugon ni daniella sa lalaki bago mag salita.."Sige Mr. Salvador, sasama ako sayo, pag kamatiwalaan dahil alam kong may utang ma loob din ako sayo." Wika ni daniella sabay matipid na ngumiti.Napa palatak na
THIRD PERSON POVKagaya nung una siyang hagkan ng lalaki ay hindi agad nakahuma ang dalaga.Tila ba hindi niya alam kung anong dapat gawin, hindi siya makagalaw at makapanlaban dahil sa bigat nito na nakadagan sa ibabaw niya.Nakakadama man ng takot ay hindi iyon ipinakita ni Daniella kay steve.. "Ano nasarapan ka na ba sa halik ko? At hindi ka na nakakilos?" Nakangising wika nito sa kanya ng ilayo nito ang mukha sa mukha niya.. "Nasarapan? Nakakasuka ang isang katulad mo Mr. Montegre" May pangiinsulto na ngiti ang iginawad niya sa lalaki na agad namang sumimangot.. "Talaga sigurong sinusubukan mo ako Ms. Daniella.." Mahinang wika nito, at pinagapang ang isa nitong kamay sa hita niya.. Napalunok si Daniella dahil sa gigawang iyong ng lalaki.. "Bakit? Ano bang gusto mo? Mag sumigaw ako? sa palagay ko naman ay walamg makakarinig sakin kahit mag wala ako dito.." Tugon pa ni daniella na pinapanayuan na ng balahibo sa buong katawan.. Dahil sa ginagawang pag himas ni steve sa hita niya
DANIELLA POVI clear my throat before to knock on the royal room's door." Good evening po, house keeping" Medyo malakas na wika niya inihanda niya ang matamis na ngiti sa kali mang may mg bukas na ng pinto..Pero wala namang nag bukas.. Kaya medyo nainis ako, muli akong kumatok."House keeping.." Muling wika ko."the door open, just get inside" Mula iyon sa loob ng kwarto, lalaki ang nag salita napakalalim ng boses nito na tila ba pamilyar sa kanya."Ok po, papasok na po ako" Paalam niya muna bago pihitin ang gintong seradura.Ng makapasok siya ay napasinghap siya sa ganda at laki ng kwarto first time makapasok at makakapag linis doon.Inilibot ko ang aking mata sa buong paligid.."wow.. Ang ganda naman at ang lawak" Mahinang bulalak ko, pero maya maya ay napakunot noo ako ng may mapansin.Wala namang kahit anong kalat sa loob.Parang wala pa namang gumagamit nga gamit doon.. Ang kama ganun parin ang ayus malinis..Asan na ba ang naka check in dito?Nahawakan ko ang handle ng dala ko
"Bakit mo nagawa iyon?" tanong ni Sandy nang sila na lamang dalawa ni Dimitri ang natira sa private room nito. Nag-aalangan naman na umupo si Dimitri sa tabi ni Sandy nang sumenyas itong maupo sa tabi niya. Napa-kamot pa ng ulo niya ang lalaki at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng asawa. "Ano na? Sumagot ka, Dimitri. Sabihin mo, sinad'ya mo ba talagang magpakalunod? Magpapakamatay ka ba dapat?" Umiling naman si Dimitri na ngayon ay kita-kita ang lungkot at pagsisisi sa mga mata. "Hindi, hindi ko gusto ang nangyari, Sands. I'm really sorry, please... Babe, takot na takot ako na akala ko ay mawawala ka na sa 'kin." Kinuha niya ang dalawang kamay ni Sandy at hinalik-halikan niya ang mga iyon habang idinikit sa kanyang mukha. Namumula ang mga mata ni Dimitri na pinipigilan ang kanyang mga luha. Napabuntong-hininga naman si Sandy dahil maging siya ay inakalang katapusan na niya. "Ikaw lang ba!" Bawi ni Sandy sa mga kamay na inirapan si Dimitri, gusto niyang malaman nitong hindi
Hindi ma-ipinta ang mukha ni Dimitri habang nakatingin kina Sandy at Clay habang kinukuhanan ng eksena. Iyon ang unang scene para sa pagtatambalan nilang dalawa at unang araw rin ng shooting nila kung saan ang tagpo ay sa isang kubo sa taniman ng mga bulaklak. Dahil sa pagkatakot sa palaka ng karakter na ginaganapan ni Sandy ay patakbo itong lalapit sa karakter ni Clay at yayakap rito nang mahigpit at kakandong nang paharap rito. Magkakaroon ng pagdadaite ng mga katawan at mahigpit na pagyakap ni Sandy sa lalaki sanhi ng ipinapakitang takot. Ngunit bago pa iyon magawa ng dalaga ay pinuputol na agad iyon ng director. Matalim na pinukol ng tingin ni Sandy ang lalaki dahil ito lang naman ang nag-utos na putulin iyong! Wala siyang pakialam kung ito ang producer ng pelikula nila. Ang nais niya ay umarte at magtrabaho ngunit tila ipinararamdam yata nito sa kaniya ang tensyon. Kung hindi siya nagkakamali ng hinala ay ayaw ni Dimitri sa tagpong yayakapin niya at kakandong siya nang paharap ka
Isang munting dila ang naramdaman ni Sandy na halos bumasa sa buo niyang mukha. Iyon ang gumising sa kaniya nang umagang iyon. Tuluyan na siyang napamulat ng mga mata nang makailang beses pa siyang tahulan ng alagang aso. Naihilamos niya sa sariling mukha ang dalawang palad at kaagad na naupo sa kama dahil kung hindi niya iyon gagawin ay lalo lamang siya nito kukulitin. “Ano bang problema mo?” baling niya sa tutang nasa tabi niya na walang tigil sa pagkawag ang buntot at tila nakangiting nakatingin sa kaniya. Tila naintindihan naman siya nito at nagpa-cute pa sa kaniya habang nagpapagulong-gulong sa ibabaw ng kama niya. "Gutom ka na ba kaya nanggigising ka na?” tanong pa ulit niya. Wala siyang pakialam kung hindi man ito sumagot o kung naiintindihan ba siya nito o hindi. Ang totoo, hindi naman talaga niya ito balak isama sa pagbabakasyon niya rito sa Adelfa’s Garden dito sa Quezon. Ang nangyari kasi, aksidente niya itong nabangga noong nagmamaneho siya paparito at ayon sa mga naka