Home / Romance / My Husband's Hidden Heart / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of My Husband's Hidden Heart: Chapter 81 - Chapter 90

108 Chapters

KABANATA 81

“Gusto kita, pero hindi kita pipilitin kung ayaw mo sa akin. Dahil hindi ko kontrolado ang nararamdaman mo. At hindi ko din kayang kontrolin ang nararamdaman ko para sayo.” Tila nagkaruon ng linaw si Alex sa sinabi ni Brandon.“Pero hayaan mo akong pagsilbihan kita, at iparamdam ang nararamdaman ko sayo.” dagdag pa nito.Lumuwag ang pagkakahawak ni Brandon kay Alex at tila ba nakaramdam ng pagkadismaya ang dalaga. “Pumasok ka na sa loob at uminom ka nang maraming tubig. Para hindi ka magkaroon ng hang over. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako… O di kaya ay kumatok ka lang sa pinto.” tinuro pa ni Brandon ang pinto ng kanyang kwarto sa kanyang likuran.Inangat ni Brandon bigla ang kanyang kamay at binuka ang palad na tila ba may hinihingi. “Room card mo. Bubuksan ko ang pinto.”Tila naman nahimasmasan si Alex at umiling ito. “Hindi na kailangan. Kaya ko naman itong buksan.” sambit niya saka kinuha ang room card sa kanyang bulsa.Nagmadaling pumasok si Alex sa kanilang hotel room
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

KABANATA 82

Gaya ng inaasahan, sa tuwing tatawag ang ginang kay Alex ay aayain niya itong umuwi sa bahay upang kumain. Pero ang ganoong pag-anyaya ay palusot lamang at hindi naman talagang kainan ang pakay ng Ginang sa kanya.“Tita salamat po sa dumplings na gawa mo. Nagustuhan ko po iyon. Pero pasensya na po at hindi ako makakapunta. Sobrang busy lang po namin ngayon at malapit na ang deadline ng project namin. Tinatapos na namin ito agad. Bukod po roon ay nasa site po ako. Masyadong malayo at matraffice kung babyahe pa ko pabalik dyan sa CIty. Hayaan niyo po, kapag natapos na ang proyektong ito, bibisita po ako dyan sa bahay.” Sagot ni Alex.“Naku! Ano ba naman yan si James. Bakit masyadong iniipit kayo sa deadline? Ano ba ang dahilan bakit nagmamadali siya? Nakasalalay ba sa project niyo ang kaligtasan ng mundo? Gugunaw ba ang mundo pag hindi niyo natapos iyon? Hayaan mo at pagsasabihan ko ang batang iyon.” Kunwaring inis na galit ng Ginang.“Tita, huwag niyo po siyang sisihin dito. Ako din po
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

Kabanata 83

“Late na ba ako para sa lunch?” Pagtawag pansin ng Ginang sa mga naroon.“Madam,” nakangiting bati ni Cynthia at sumama kay Alex upang salubungin at tumulong na din sa pagbubuhat ng mga pagkaing dala ng Ginang.“May dala akong lunch niyo na pwede nyong pagsaluhan.” Tinutukoy ni Mary Anne ang pagkaing dala.“Tita, nakakahiya, nag abala pa po kayo.” sagot ni Alex.“Ikaw talaga… Ano bang gusto mo? Araw-araw kayong kumakain ng fastfood. Hindi healthy yan sa katawan. Magkakasakit kayo niyan.” Paalala ni Mary Anne sa kanila.“Naku… tawagin niyo na iba niyo pang kasama para makakain na din.” Utos ng Ginang na agad naman sinunod ni Cynthia at tinawag ang mga engineer, kabilang na doon si Brandon.“Salamat po talaga sa masarap na pagkain na ito, Madam.” Pasasalamat ni Cynthia kay Mary Anne matapos niyang tawagin ang mga engineer na kasama nila.“Halika na kayo, kain na tayo. May dalang pagkain ang ating inang reyna para sa mga kawal!” pabirong saad ni Cynthia na ikinatawa ni Mary Anne. Napail
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more

KABANATA 84

“Iha, payo ko lang. Huwag mong isarado ang puso mo sa iba. Marahil ay nasaktan ka dahil sa ginawa ng anak ko sa iyo. Pero… anak, marami pang isda sa dagat. At sigurado akong dahil sa angkin mong kagandahan, katalinuhan at busilak na puso ay maraming maghahabol sa iyo.” saad ni Mary Anne.Ngumiti si Alex. “Alam ko po iyon. Maraming mabubuting lalaki. Pero sa ngayon po, hindi po iyon ang priority ko.” sagot ni Alex.“Tama ka riyan,” sagot ni Mary Anne na ikinahinga ng maluwag ni Alex.“Pero tumatanda na rin tayo. At tayong mga babae ay may timeline pagpatungkol sa pag-aanak. Kung gusto mo magka-anak, kailangan mo na rin makahanap agad ng mapapangasawa.”Nasamid si Alex sa sinabi ni Mary Anne. Tama ang Ginang. Hindi na siya bumabata at gusto din ni Alex na magkaanak. Ngunit dapat nga bang magmadaling makapagpahanp ng mapapangasawa? Gayung hindi pa naghihilom ang sugat sa kanyang puso.Nag-angat ng kamay si Mary Anne at dahan-dahang hinaplos ang kanyang ulo. “Maganda ka, mabait, at matali
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more

KABANATA 85

‘Anong nangyayari?’ takhang tanong ni Alex sa sarili.Papasok na sana si Alex sa loob nang marinig niyang nagsalita si Secretary Kenneth“Sabi ni Mr. Lopez, kami ang responsable sa nasabing problema at hindi sayo.”Tila naiintidihan na ni Alex ang mga nangyayari. Kaya naglakas loob na itong pumasok sa loob at makisali sa usapan.‘Hinid kaya dahil nakita niya kaming magkasama ay ginawa na niyang personal ang trabahong ito? Napaka unreasonable ang gagawin niya! Hindi ako papayag na iipitin niya kami sa trabaho dahil sa isang personal na bagay.“Hindi ako sang ayon.” sabat ni Alex, na ikinalingon ng tatlong lalaki.“Miss… Ito po ang gusto niyang mangyari.”“Kung ano man iyon, hindi ako sang ayon. Isa pa… ako ang in charge sa proyektong ito. ANo man ang problema rito ay sagutin ko. Kahit siya pa ang CEO ng kumpanyang ito as long as hawak ko ang project, wala siyang karapatan na pakialaman ang desisyon ko. Ang ayoko sa lahat ay biglang magpapalit ng empleyado sa kalagitnaan ng trabaho. Hind
last updateLast Updated : 2025-01-02
Read more

KABANATA 86

Bakas sa mga mukha ni James na hindi niya nagugustuhan ang pangyayari at naiinis siya na lahat ng mga empleyadong nakakasalubong ay sinasamaan niya ng tingin. Tahimik na nakasunod si Alex at si Secretary Kenneth. Agad silang napahinto ng huminto si James at binigyan ng masamang tingin si Kenneth. “Hindi kita kailangan. Si Ms. Bautista lamang ang gusto kong makausap.” Tila namang napahiya ang kawawang sekretarya, at piniling hindi na lamang din sumunod sa kanila.“Sorry,” hinging paumanhin ni Alex kay Kenneth bago ito sumunod sa mainit na ulong si James.Tahimik na nakasunod si Alex kay James, ngunit nakakunot ang kanyang noo ng hindi pa rin humihinto mula sa paglalakad si James. Tiningnan niya ang paligid, malayo na ito sa mga tao at malapit na sa horror house. Ang horror house ay hindi pa nagfafunction at madilim ang lugar na iyon. Wala ding mga tao, kaya hindi maiwasan ni Alex ang kabahan dahil baka mamaya ay dito siya saktan ni James. Alam niya paano magalit si James. Nagwawala it
last updateLast Updated : 2025-01-04
Read more

KABANATA 87

“HUwag mong sasabihing nalasing ka at nagkamali ka ng tingin… At sasabihin sakin ngayon na akala mo ako ang n*******n mo.” hindi makapagsalita muli si James.Natawa si Alex sabay irap kay James. “Magkaparehas ba kami ng amoy ni Ivy? Magkasingtulad din ba kaming humalik? Magkahulma ba kami ng katawan? Na sa pagkakatanda ko, malaman akong di hamak sa kanya. Bukod roon magkaiba din ang kulay ng aming balat. Siya maputla ang kanyang pagkaputi, at ako naman ay katamtamang puti. Mas matangkad di siya kaysa saakin. Halos magkalebel lang kayo ng tangkad. Samantalang ako, kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha mo. Kaya huwag mong sasabihing nagkamali ka lang at akala mo ako iyong n*******n mo.” saad ni Alex.Tila ba nainis si James sa sinabi ni Alex. Dahilan upang kumunot ang noo niya at ikuyom ang kanayang mga kamay.“OO! Aaminin ako na isa akong tarantado and nadala sa espiritu ng alak at hinalikan siya. Pero hanggang doon lang iyon at walang ibig sabihn ang lahat ng iyon!” inis na
last updateLast Updated : 2025-01-04
Read more

KABANATA 88

***Sa basketball covered courtDumating si Timothy at napansing naglalaro mag-isa si James. Napabuntong hininga ang kaibigan. ALam niyang wala sa mood si James at pumupunta lamang ito sa kanilang hideout kapag wala sa mood o kapag masaya. Ngunnit sa pagkakataong ito… Magkasalubong ang kilay nito at tila pinagsakluban ng langit ang mukha.“Laro tayo?” napalingon si James nang marinig na magsalita si Timothy. “Dating gawi?” dagdag nito.Ipinasa ni James ang bola sa kanya malakas ito at kung hindi siya nakapaghanda ay malang natumba na si Timothy.“Ahoy!” Tumawa si Timothy. “Mukhang wala tayo sa mood ah.” pang-aasar nito.“Tss. Laro na.” Iritang sabi ni James.Nagsimula silang maglaro at hinayaan ni Timothy na magshoot ng bola si James sa basket ngunit nakailang beses na niyang pagtatangkang ishoot ang bola, ay hindi pa rin niya ito maipasok sa basket kaya inis siyang ibinato ang bola sa sahig dahil upang tumalbog ito sa malayo.“Nagtalo na naman kayo ni Alex ano?”Masamang tingin ang pin
last updateLast Updated : 2025-01-04
Read more

KABANATA 89

Napatingin si Alex bigla kay Brandon na abala pa rin sa pagpapalit ng mga ilaw, bago muling nilingon si Cynthia. “Alam mo, Cynth… Matulog ka na. Inaantok ka lang. Dami mong naiisip na eh.” Marahan niyang tinutulak ang kasama na masaya namang nang-aasar sa kanya.“Parehas kasi kayong workaholic. At kahit als dose na ng gabi, ang energy niyo full battery pa rin. Ano ba yang iniinom niyo nang makainum ako niyan? Motolite ba?” saad nito habang nagpapatulak naman siya kay Alex.Pinaupo na ni Alex si Cynthia sa isang bench upang makapagpahinga. “Grabe… HAaayyy” Humikab si Alex. “Antok na talaga miss. Hindi ko na kinakaya.” Napipikit niyang sabi.“Pwede ka magpahinga saglit. Pero hintayin mo kaming matapos. Kailangan nating matapos ang pag-aayos ng mga ito, para in ten days… Tapos na tayo.” pakisuyo ni Alex sa inaantok na kasama.Nang matapos ang area ng scheduled plano ng pag-aayos nila ng mga ilaw, ay tumawag na ng taxi cab si Alex pabalik sa kanilang hotel. Nasa passenger seat si Brandon
last updateLast Updated : 2025-01-05
Read more

KABANATA 90

Magkasamang dumating si John at James sa site na ikinapagtaka ni Alex. Lalo pa at nakita niya na nakasuot ng uniform na pangtrabaho si John.“Kuya John,” Nakangiting tanong nito ng may pagtataka. “A-anong ginagawa mo rito?” tanong nito kahit naman na alam na niya sa suot pa lamang nito ay alam na niyang magtatrabaho si John ngunit ang pinagtataka ni Alex ay kung bakit?Samantalang tinapunan lang niya ng tingin si James at hindi ito binati man lang.Ngumiti si John. “Andito ako upang magtrabaho, miss Bautista.” inilahad ni John ang kanyang upang makipagkamay sa dalaga.‘HIndi pa ba siya babalik sa US? Akala ko ba stable na siya doon? Bakit niya pa kailangan magtabaho rito? At sino ang nagutos sa kanya? Pinadala kaya siya ng mga Lopez upang bantayan ang bawat kilos ko, lalo pa at naiisip nilang may namamagitan saamin ni Brandon? Kung ano man o sino man ang dahilan ng pagtatrabaho niya rito, wala na akong pakialam. Dahil unang-una, wala naman akong ginagawa. Pangalawa wala silang makikit
last updateLast Updated : 2025-01-06
Read more
PREV
1
...
67891011
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status