Home / Romance / My Husband's Hidden Heart / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of My Husband's Hidden Heart: Chapter 71 - Chapter 80

111 Chapters

KABANATA 71

Sumasakit talaga ang ulo ni Alex sa problema sa kanyang bahay ngayon. Para sa kanya, tila mas madaling ayusin ang problema sa amusement park kesa harapin ang problema sa bahay niya.“Wala ka bang tiwala sakin?” tanong ni Brandon na nagpabalik mula sa malalim na pag-iisip ni Alex.“Hindi naman sa ganoon…” dumapo ang tingin ni Alex sa maduming puting t-shirt ni Brandon at basang pantalon. Maging ang sapatos na suot nito ay basa na rin.Tila naman naawa siya sa binata.“Magagawa ko ito agad. Huwag ka mag-alala.” sagot ni Brandon.Ngumiti ang lalaki habang hinaplos ni Brandon ng bahagya ang kanyang ulo. Tila may kung anong init sa pakiramdam ng gawin iyon ni Brandon sa kanya. Malayong-malayo mula kay James.‘Bakit kay James hindi ko naranasan ang mga ito? At bakit sa kanya ko lang ito nararanasan? Sino ka ba, Brandon? Bakit ginugulo mo ang puso ko?’Nagtagpo ang mga mata nila, kaya agad na nag-iwas ng tingin si Alex. Muli ay bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya agad itong umalis at bini
last updateLast Updated : 2024-12-25
Read more

KABANATA 72

Biglang tulak ni Alex kay Brandon. Mabuti na lamang at lumuwag na din ang pagkakakapit ni Brandon sa kanya. Nagmamadali namang tumakbo si Alex papunta sa sala, hindi alam kung ano ang gagawin.‘Bakit ako tumakbo?’ takhang tanong sa sarili.“Bahay ba ito dati ng mga magulang mo?” nagulat si Alex nang biglang nagsalitang muli si Brandon, na tila ba walang nangyari kanina.“Oo,” sagot ni Alex.Inilibot ni Brandon ang tingin sa kabuuan ng unit at napansin ang mga award, certificates, at pictures ni Alex kasama ng kanyang mga magulang noong bata pa siya.Napako ang tingin ni Brandon sa isang litrato ng isang buo at masayang pamilya. Ang mga magulang ay nakayakap na tila ba prinoprotektahan nila ang batang nasa gitna, nakatirintas ang buhok, kulay pula ang suot na dress, at itim ang boots. Nagniningning ang mga mata ng batang nakangiti.“Wala pa rin pinagbago ang mukha mo mula noon hanggang ngayon.” Anas ni Brandon.“Matalino ka din pala noong bata ka,” ani ni Brandon habang tinitingnan isa
last updateLast Updated : 2024-12-26
Read more

KABANATA 73

“S-sorry,” anas ni Alex nang mapansin ang basang balikat ni Brandon dahil sa pamunas na ginamit ni Alex sa braso ng binata.Agad naman niyang tinanggal ang kanyang kamay na may hawak na pamunas sa ibabaw ng balikat ni Brandon.“Matagal ka na bang nakatira sa Butuan?” tanong ni Alex na ikinatango ni Brandon.“Oo. Simula pa nung bata pa ako.” Doon kami nakatira ng magulang ko.” sagot niya na ikinagulat ni Alex.“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Alex.Napansin naman ni Alex ang peklat ni Brandon sa bandang kamay nito nang iniabot ni Brandon sa kanya ang tuyong face towel.“Napaano iyan?” tukoy ni Alex sa peklat na pahaba ang hiwa.“Ito?” tinignan ni Brandon ang kanyang kamay. “Nasugatan ako noong may tinulungan akong bata na natinik ng halaman. Natumba ako at tumama sa matalas na bolo,” sagot ni Brandon.Napasinghap naman si Alex sa narinig. ‘HIndi kaya siya talaga iyong bata na napapanaginipan ko?’ tanong ni Alex sa sarili.‘Matagal tagal ko na di siyang kilala ngunit ngayon ko l
last updateLast Updated : 2024-12-26
Read more

KABANATA 74

Mula sa di kalayuan, nakatayo ang isang babaeng may hawak na tray ng pagkain. Malaki na ang umbok ng kanyang tiyan. Ilang saglit pa lamang ay lumapit ito sa lamesa nila Alex.“Alex,” bati nito.“Andito ka din pala. What a coincidence!” sabi niya ngunit ang kanyang mga mata ay nakapako sa lalaking kaharap ni Alex at walang pakialam na kumakain ng kanyang pagkain.‘Mga kabit nga naman sa panahong ito, wala nang hiya-hiya sa katawan. Saan kaya niya nakuha ang balat niya at may gana pang makipagbatian sakin?’ singhal ni Alex sa kanyang isip.Hindi talaga matatawaran ang kagwapuhang taglay ni Brandon. Lahat ng kababaihan ay hahanga talaga sa kanyang kagwapuhan. Kaya hindi masisisi ni Alex kung hindi mawala wala ang paninigin ni Ivy kay Brandon.“Ay oo naman. Restaurant to eh. At andito kami para kumain. Ganun ka din naman hindi ba?” sarkastikong tanong ni Alex na ikinahilaw ng mukha ni Ivy.Hindi pa rin nawala ang tingin ni Ivy kay Brandon, na hindi naman tumitingin sa kanya.‘Wala dito si
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 75

“You deserve someone who will love and not hurt you,” napatulala si Alex sa sinabi ni Brandon.“Kaya huwag ka ng umiyak.” dagdag nito at bahagyang ngumiti sa kanya.‘Tama siya. Kailangan ko ngayon ay kapayapaan. Ano man ang nangyayari ngayon sa dalawa ay hindi ko na dapat pag-abalahan pa.’ sabi niya sa isip.Ngumiti si Alex kay Brandon. “Salamat,” saad niya ng ibigay ni Brandon ang panyo nito. Muling tumingin si Alex sa kanila ni James at sa pagkakataong iyon ay nagtama ang kanilang mga tingin. Ngunit agad naman nagbawi si Alex nang mapansing kinuha ni Brandon mula sa kanyang kamay ang helmet na hawak niya at isinuot iyon sa kanya.“Gusto mo ba ng milk tea?” tanong nito.Tumango na lamang si Alex, bago sumakay sa motor ni Brandon. Nakarating sila sa isang sikat na milktea shop di kalayuan sa restaurant na kanilang kinainan.‘Siguro naman di na sila pupunta dito.’ sabi ni Alex sa isip.Ngunit napanganga na lamang siya nang makita ang sasakiyan ni James na nakaparada sa labas ng milk tea
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 76

Huminto sila Alex sa harap ng motor ni Brandon nang magkahawak ang kanilang mga kamay. Napatingin sila pareho sa knanilang magkalingkis na kamay at tila ba napapasong binitawan ni Alex ang kamay ni Brandon.“Sorry,” saad ni Alex.Kinapa ni Alex ang kanyang bulsa upang hanapin ang kanyang cellphone. Ngunit naalala niyang naiwan ito sa lamesa sa loob ng milk tea shop.“Balik muna ako sa loob. Naiwan ko ang phone ko.” sabi ni Alex.Pipigilan na sana siya ni Brandon, ngunit mabilis itong bumalik sa loob. Kinuha ni Alex ang kanyang phone at pumunta sa banyo upang magbanyo. Sa kanyang paglabas ay nagulat siya nang may isang kamay ang humawak sa braso niya. Mahigpit ito kaya napapiksi siya sa sakit.“Ano ba bitawan mo nga ako!” inis na singhal ni Alex.Nagngingit ngit naman sa galit si James. Ang kanyang mga mata ay nanlilisik na tila ba lalamunin niya ng buhay si Alex.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong nito kay Alex.Naguguluhang tinignan ni Alex si James sa mata.“Ano bang pinagsa
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 77

Habang sila ay nasa byahe, nadaanan nila Alex at daan papunta sa building ng kompanya nina James. At naalala ni Alex na may naiwan siyang papeles doon. Kinalabit ni Alex si Brandon.“Okay lang banag dumaan muna tayo saglit sa kompanya? May kukunin lang akong papeles.” sabi nito.Tumango si Brandon at ipinarada ang motor sa harap ng mataas na building.“Saglit lang ako,” saad ni Alex at nagmadaling pumasok sa loob ng kompanya.Nakarating si Alex sa sixteenth floor at wala nang tao roon. Madilim na rin ang paligid dahil gabi na din at nagsiuwian na ang empleyado. Agad na nagtungo sa kanyang desk at binuksan ang ilaw ng kanyang phone upang mahanap ang papeles na itinago niya sa kanyang drawer.Lalabas na sana siya ng makita niya ang kanyang hinahanap… Ngunit nakarinig siya ng mga yabag at pamilyar na mga boses na nag-uusap.“James, mahal mo pa si Alex, hindi ba?” tanong ni Ivy.“Oo, at siya pa rin ang fiance ko.” sagot ni James na ikinasinghap ni Alex.‘Mahal niya ako?’ hindi makapaniwala
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 78

Madilim ang paligid at ang tanging may ilaw lamang sa loob ay ang parte kung saan ang wine bar, ang sumalubong kay Alex pagkapasok niya sa Pub.“Sarado po ang Pub- Alex,” bati sa kanya ng isa sa may ari ng Pub na si Pablo, isang bading na entrepeneur. Dalawa sila ng kanyang partner ang nagmamay ari ng bar na ito.Nagulat man ay natuwa ito sa pagbisita ng kaibigan. “Nice to see you here. Bakit napadalaw ka?” tanong ni Pablo.Mapait na ngumiti si Alex. “Sarado pala kayo?” tanong ni Alex.“Oo, pero para sa iyo, bubuksan ko ang bar ko.” ngiting sambit ni Pablo sa kanya.“Isang tequila ako.” sabi ni Alex sabay upo sa high chair sa harap ng wine bar. Inilapag niya sa counter top ang kanyang cellphone.Nag-aalalangang tiningnan ni Pablo si Alex. “Sure ka? Eh, hindi ba at mahina kang uminom? Usually cocktail drinks ka lang.”“Gusto kong mag inom ngayon.” ngiting sambit ni Alex.“Are you okay?” tanong ng nag-aalalang kaibigan.Tumango si Alex bilang sagot.Naghanda si Pablo ng tequila drinks p
last updateLast Updated : 2024-12-28
Read more

KABANATA 79

“Pablo,” nanigas si Alex nang marinig ang pamilyar na boses.‘Anong ginagawa niya rito?’ takhang tanong ni Alex sa sarili.Nasa likod ni Alex ang lalaking nagsalita kanina, at hindi niya na kailangang lumingon para makita kung sino iyon.“Tinawagan mo ba siya?” bulong na tanong ni Alex.Tumango si Pablo at ngumiti sa bagong dating.“John, good to see you!” bati nito at nagbeso sa bagong dating.“Bababyaran ko na ang ininom niya.” Bago pa mang makapagprotesta si Alex, ay nakapagscan na si John at nabayaran ang kanyang ininom.“Sobra itong binayad mo,” saad ni Pablo.“Dyan na lang ang sukli. Ibawas na lamang iyan sa susunod na mag-iinom siya rito.” sagot ni John.‘Anong akala mo sakin lasinggera?’ napairap si Alex sa kanyang isip.“Halika na. Ihahatid na kita sa bahay mo.” saad ni John, sabay hawak kay Alex sa braso upang alalayan ito sa lpaglalakad. Hindi naman na nakapagprotesta si Alex at ramdam pa niya ang pagkahilo dahil sa pagkalasing.“Anong sinakyan mo papunta rito?” tanong ni J
last updateLast Updated : 2024-12-28
Read more

KABANATA 80

Dahil sa pangyayari, ay tila nawala ang kalasingan ni Alex. Akala niya sa palabas lamang nakikita ang pinag-aagawan ng dalawang lalaki. Pero nararanasan na niya ito ngayon at tila siya pa ang nahihiya. At upang matigil lamang ang mga ito ay kailangan ni Alex na magdesisyon. At para sa kanya malinaw sa kanya na imposibleng magkaroon siya ng romantikong relasyon kay John. At kung pipili man siya, ang pipiliin niya ay si Brandon.Muntik nang ikasal si Alex at James at hindi naman magandang tingnan kung papatulan niya pati ang kuya nito. “Kuya, inaantok na ako.” At sa wakas ay nagkaroon muli ng lakas ng loob si Alex na makapagsalita.Nakahinga siya ng maluwag nang binitawan ni John ang kanyang kamay. Inalalayan naman siya ni Brandon papasok sa loob ng hotel. Hindi na niya nilingon si John, ngunit alam niyang nakatingin pa rin ito sa kanila.Maya-maya pa ay naramdaman ni Alex na nakalutang na siya. Binuhat siya ni Brandon in a bridal style, habang naglalakad papuntang elevator.“Ibaba mo
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more
PREV
1
...
678910
...
12
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status