‘Anong nangyayari?’ takhang tanong ni Alex sa sarili.Papasok na sana si Alex sa loob nang marinig niyang nagsalita si Secretary Kenneth“Sabi ni Mr. Lopez, kami ang responsable sa nasabing problema at hindi sayo.”Tila naiintidihan na ni Alex ang mga nangyayari. Kaya naglakas loob na itong pumasok sa loob at makisali sa usapan.‘Hinid kaya dahil nakita niya kaming magkasama ay ginawa na niyang personal ang trabahong ito? Napaka unreasonable ang gagawin niya! Hindi ako papayag na iipitin niya kami sa trabaho dahil sa isang personal na bagay.“Hindi ako sang ayon.” sabat ni Alex, na ikinalingon ng tatlong lalaki.“Miss… Ito po ang gusto niyang mangyari.”“Kung ano man iyon, hindi ako sang ayon. Isa pa… ako ang in charge sa proyektong ito. ANo man ang problema rito ay sagutin ko. Kahit siya pa ang CEO ng kumpanyang ito as long as hawak ko ang project, wala siyang karapatan na pakialaman ang desisyon ko. Ang ayoko sa lahat ay biglang magpapalit ng empleyado sa kalagitnaan ng trabaho. Hind
Bakas sa mga mukha ni James na hindi niya nagugustuhan ang pangyayari at naiinis siya na lahat ng mga empleyadong nakakasalubong ay sinasamaan niya ng tingin. Tahimik na nakasunod si Alex at si Secretary Kenneth. Agad silang napahinto ng huminto si James at binigyan ng masamang tingin si Kenneth. “Hindi kita kailangan. Si Ms. Bautista lamang ang gusto kong makausap.” Tila namang napahiya ang kawawang sekretarya, at piniling hindi na lamang din sumunod sa kanila.“Sorry,” hinging paumanhin ni Alex kay Kenneth bago ito sumunod sa mainit na ulong si James.Tahimik na nakasunod si Alex kay James, ngunit nakakunot ang kanyang noo ng hindi pa rin humihinto mula sa paglalakad si James. Tiningnan niya ang paligid, malayo na ito sa mga tao at malapit na sa horror house. Ang horror house ay hindi pa nagfafunction at madilim ang lugar na iyon. Wala ding mga tao, kaya hindi maiwasan ni Alex ang kabahan dahil baka mamaya ay dito siya saktan ni James. Alam niya paano magalit si James. Nagwawala it
“HUwag mong sasabihing nalasing ka at nagkamali ka ng tingin… At sasabihin sakin ngayon na akala mo ako ang n*******n mo.” hindi makapagsalita muli si James.Natawa si Alex sabay irap kay James. “Magkaparehas ba kami ng amoy ni Ivy? Magkasingtulad din ba kaming humalik? Magkahulma ba kami ng katawan? Na sa pagkakatanda ko, malaman akong di hamak sa kanya. Bukod roon magkaiba din ang kulay ng aming balat. Siya maputla ang kanyang pagkaputi, at ako naman ay katamtamang puti. Mas matangkad di siya kaysa saakin. Halos magkalebel lang kayo ng tangkad. Samantalang ako, kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha mo. Kaya huwag mong sasabihing nagkamali ka lang at akala mo ako iyong n*******n mo.” saad ni Alex.Tila ba nainis si James sa sinabi ni Alex. Dahilan upang kumunot ang noo niya at ikuyom ang kanayang mga kamay.“OO! Aaminin ako na isa akong tarantado and nadala sa espiritu ng alak at hinalikan siya. Pero hanggang doon lang iyon at walang ibig sabihn ang lahat ng iyon!” inis na
***Sa basketball covered courtDumating si Timothy at napansing naglalaro mag-isa si James. Napabuntong hininga ang kaibigan. ALam niyang wala sa mood si James at pumupunta lamang ito sa kanilang hideout kapag wala sa mood o kapag masaya. Ngunnit sa pagkakataong ito… Magkasalubong ang kilay nito at tila pinagsakluban ng langit ang mukha.“Laro tayo?” napalingon si James nang marinig na magsalita si Timothy. “Dating gawi?” dagdag nito.Ipinasa ni James ang bola sa kanya malakas ito at kung hindi siya nakapaghanda ay malang natumba na si Timothy.“Ahoy!” Tumawa si Timothy. “Mukhang wala tayo sa mood ah.” pang-aasar nito.“Tss. Laro na.” Iritang sabi ni James.Nagsimula silang maglaro at hinayaan ni Timothy na magshoot ng bola si James sa basket ngunit nakailang beses na niyang pagtatangkang ishoot ang bola, ay hindi pa rin niya ito maipasok sa basket kaya inis siyang ibinato ang bola sa sahig dahil upang tumalbog ito sa malayo.“Nagtalo na naman kayo ni Alex ano?”Masamang tingin ang pin
Napatingin si Alex bigla kay Brandon na abala pa rin sa pagpapalit ng mga ilaw, bago muling nilingon si Cynthia. “Alam mo, Cynth… Matulog ka na. Inaantok ka lang. Dami mong naiisip na eh.” Marahan niyang tinutulak ang kasama na masaya namang nang-aasar sa kanya.“Parehas kasi kayong workaholic. At kahit als dose na ng gabi, ang energy niyo full battery pa rin. Ano ba yang iniinom niyo nang makainum ako niyan? Motolite ba?” saad nito habang nagpapatulak naman siya kay Alex.Pinaupo na ni Alex si Cynthia sa isang bench upang makapagpahinga. “Grabe… HAaayyy” Humikab si Alex. “Antok na talaga miss. Hindi ko na kinakaya.” Napipikit niyang sabi.“Pwede ka magpahinga saglit. Pero hintayin mo kaming matapos. Kailangan nating matapos ang pag-aayos ng mga ito, para in ten days… Tapos na tayo.” pakisuyo ni Alex sa inaantok na kasama.Nang matapos ang area ng scheduled plano ng pag-aayos nila ng mga ilaw, ay tumawag na ng taxi cab si Alex pabalik sa kanilang hotel. Nasa passenger seat si Brandon
Magkasamang dumating si John at James sa site na ikinapagtaka ni Alex. Lalo pa at nakita niya na nakasuot ng uniform na pangtrabaho si John.“Kuya John,” Nakangiting tanong nito ng may pagtataka. “A-anong ginagawa mo rito?” tanong nito kahit naman na alam na niya sa suot pa lamang nito ay alam na niyang magtatrabaho si John ngunit ang pinagtataka ni Alex ay kung bakit?Samantalang tinapunan lang niya ng tingin si James at hindi ito binati man lang.Ngumiti si John. “Andito ako upang magtrabaho, miss Bautista.” inilahad ni John ang kanyang upang makipagkamay sa dalaga.‘HIndi pa ba siya babalik sa US? Akala ko ba stable na siya doon? Bakit niya pa kailangan magtabaho rito? At sino ang nagutos sa kanya? Pinadala kaya siya ng mga Lopez upang bantayan ang bawat kilos ko, lalo pa at naiisip nilang may namamagitan saamin ni Brandon? Kung ano man o sino man ang dahilan ng pagtatrabaho niya rito, wala na akong pakialam. Dahil unang-una, wala naman akong ginagawa. Pangalawa wala silang makikit
‘Umayos ka, Alex. Focus! Focus! Focus sa trabaho at huwag sa liliko kung saan-saang landas.’Ipinagsawalang bahala ni Alex ang nararamdamang kakaiba sa sarili. “Mr. Montenegro. Mag-usap nga tayo.” saad ni Alex at ipiangsawalang bahala ang sinabi ng lalaki kanina lang.“Nag-uusap na tayo,” sarkastikong tugon ng lalaki at nagpatuloy ito sa paglalakad.Nakasunod lamang si Alex na pinapakalma ang sarili dahil umuusok na ang ilong at tenga niya sa pagiging sarkastiko ng kausap.“Ano iyong ginawa mo kanina?” tanong ni Alex.Huminto si Brandon at nilingon ang sumussunod na si Alex ngunit sa bilis ng paglalakad ng dalaga upang makahabol sa lalaki ay nabangga ito sa mismong dibdib ni Brandon.“Nahulog ka na naman sakin.” pang-aasar ni Brandon na ikinasinghal ni Alex.Tinulak niya ang lalaki. “Magtigil ka sa banat mo. Seryoso ako.”“At seryoso din ako… sayo,”“...” Namula si Alex at di kaagad nakapag salita sa sinabi ng lalaki.Ipinikit ni Alex ang kanyang mga mata at bumuntong hininga ng malali
I LOVE YOUNakakunot ang noo ni Alex habang naguguluhang nakatingin kay Brandon.‘Seryoso? Nagcoconfess ba siya sakin, sa oras ng trabaho? At hindi lang gusto kita ang nakalagay… kundi I love you. Seryoso ba talaga ang lalaking ito sakin?’ tila nabibingi na si Alex sa kabog ng kanyang dibdib. Mabuti na lamang at maingay ang helicopter dahil baka marinig ni Brandon ang kalabog kung walang ibang maingay sa paligid.“Ikaw,”“Dito ang area kung saan pwedeng magpropose ang mga guests sa kanilang love ones. Nasa plano iyan, hindi ba?” paliwanag ni Brandon.Tila naman gumuho ang paligid sa kanyangpananagiip ng gising. At dahil sa iniisip, gusto ni Alex na maghukay ng lupa at ibaon ang sarili doon.“‘Tang ina.” mahinang bulong ni Alex ngunit di niya inaasahan na maririnig iyon ni Brandon.“Minumura mo ako? May mali ba sa ginawa ko?” tanong ng lalaki.“No… HIndi… Ibig kong sabihin.. Nakakaputang ina ang ginawa mo. Ang ganda kasi. Mapapamura ako.” ngiting sabi ni Alex.Ngunit mas lalong naguluh
Ilang minuto silang tahimik dalawa habang binabaybay ang daanan patungo sa kanilang patutunguhan. At dahil sa dilim ng paligid, hindi namalayan ni Brandon ang tumatawid na aso sa kalsada. Kaya naman sa gulat nito, ay ikinabig niya ang manibela sa kabilang linya, dahilan upang makasalubong nila ang isang malaking trak na papalapit sa kanila.“Ahhh!!!” Sigaw ni Alex na agad nagpikit ng mata sa takot na sila ay mababangga. Ang kabang naramdaman ni Alex ay halos humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan.Ngunit kalmado lamang ang nagmamanehong si Brandon, na agad iniliko ang minamanehong sasakyan pabalik sa dating linya. Agad na itinabi ni Brandon ang kotse at nilingon ang nakapikit at mahigpit na nakakapit sa kanyang seatbelt na si Alex.“Alex… Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nito.Doon lamang napagtanto ni Alex na sila ay ligtas at hindi napahamak sa kalsada. Nakahinga siya ng maluwag at agad na tinanggal ang suot na seat belt upang mayakap si Brandon. Naramdaman na lamang
Napaawang ang bibig ni Alex at hindi makapaniwalang tiningnan si Brandon.Lalalabas na sana sila ng bahay nang huminto si Alex at binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Brandon.“Ganyan ka ba sa lahat ng babae?”Napalingon si Brandon kasabay ang pagkunot ng noo nito? “Hah?” nagtatakang tanong ni Brandon.“I mean… Hindi mo lang siguro napapansin, at naiintindihan ko naman na lalaki ka at nagiging maginoo ka sa lahat ng babae. Pero ganyan ka ba sa lahat ng nakakasalamuha mo na mga babae?”Tila nagugulumihanan pa rin si Brandon sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung saan patungo ang tanong ni Alex. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Brandon.“Yung ganito… Aasikasuhin ako… Papayag ka na maging nobyo ko kahit pagpapanggap lamang ang lahat ng ito. Iyong aalagaan ako. Sinisigurado mong nakakain na ko, at ngayon… H-hinahawakan ang kamay ko. Ganyan ka ba sa iba?” Tanong ni Alex na tila naguguluhan na din sa kanyang nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing nakakas
Natapos ang kanilang usapan nang mapansin ni Alex ang orasan na nakasabit sa pader ng kaniyang bahay.“Alas siyete na pala. Kailangan ko nang mag-ayos.” Palusot ni Alex sa kanyang kausap.“Okay, miss. Ingat po sa lakad mo. Enjoy mo nalang ang party. Huwag mo na pansinin si Boss James. He-he.” Natatawang sambit ni Cynthia.Natawa na lamang din si Alex sa sinabi sa kanya ng kausap. “Sige na. Babay na.” saad nito bago pinatay ang tawag.Saktong pagpindot nito ng end button sa kaniyang selpon, ay narinig naman nito ang pagbukas ng pinto mula sa katabing pintuan.‘Kararating lang ni Brandon… Mauuna na lang siguro ako. Message ko nalang siya na magkita na lamang kami sa entrance ng hotel.’ Sabi ni Alex sa sarili.Lumabas si Alex at napansing, nakaawang ng bahagya ang pintuan ng bahay ni Brandon.‘Ano ba itong lalaking ito… Bakit di niya man lang sinarado ang bahay niya. Tapos na din kaya siya? Sinuot na kaya niya ang binili kong damit para sa kanya?’ MAraming katanungang pumapasok sa isipa
“Lalo na kapag andito si boss… Naku! Manggigil ka sa sobrang pagkalambot niya… Nasobrahan sa pagkakapakulo sa kaniya. Alam mo yun!!! Kaunting kilos… Kunwari mahihimatay… Tapos itong si Boss James naman… Todo alalay sa kanya. Para bang pinaparamdam niya sa mga tao dito na anak ni Boss James ang dinadala niya.” Dagdag ni Cynthia.“Malay natin. Baka nga.” Sagot ni Alex.“Talaga ba?!” Tila nagulat si Cynthia sa sinabi ni Alex. “Kung talagang anak nga iyon ni Boss James… Ibig sabihin.. Matagal ka na nga palang niloloko ni Boss?”Bumuntong hininga si Alex sa kabilang linya.“Pero miss… Kung talagang anak ni Boss James ang ipinagbubuntis niya… Sa ugali niya, malamang ipangangalandakan niya iyon. At hndi siya magmamalaki, dahil nilokoko ka nila. Pero hindi eh… Lagi niya sinasabi sakin na may utang na loob daw siya sayo. At malaki daw iyon.” dagdag ni Alex.Napakamot ng sintido si Alex sa narinig mula kay Cynthia.“Nasa kanya na iyon… Siguro naman alam niya kung sino ang nakabuntis sa kanya. A
Hindi nakapagsalita si Ivy na naiwang nakanganga ang bibig, habang nakatingin kay Alex na papalayo ng boutique. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya nakaganti ng salita sa babae.“Grrr!!!” Nagngitngit sa galit si Ivy na ngayo’y masama na ang titig kay Alex.“Pakibilisan ng pagbalot!” Naiiritang pasigaw na utos ni Ivy sa mga staff ng boutique.‘May araw ka din sa akin, Alex.’ sabi niya sa isip.***Salamantala… Habang si Alex ay naglalakad palabas ng mall… Napansin niyang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, ay agad niyang sinagot.“Hello,”“Hello… Nakalimutan ko palang itanong… Anong oras pala mamaya at saang lugar?”“Sa hotel ng mga Lopez. Alas otso ng gabi.” Sagot ni Alex kay Brandon sa kabilang linya.“May kailangan ba akong dalhin?” tanong ni Brandon.Napatingin si Alex sa dala niyang bagong binili na pangreregalo sa magdiriwang ng kaarawan.“Hindi na kailangan. Nakabili na rin ako.” Sagot ni Alex.“Sige… Susunduin na lamang kita ng alas siye
Bumalik si Alex sa mall, at napagdesisyunang pumunta sa isang luxury brand ng mga aksesoryang panlalaki. At naisipan niyang bilhan ng cufflinks si Anthony Lopez. Alam niyang mahilig itong magsuot ng mga tuxedo at iba pang suits at isa sa mga aksesorya niya ang cufflinks.Lumapit si Alex sa babasaging estante kung saan mayroong nakalatag na cufflinks na may iba’t ibang desenyo.“Magandang araw po. Ano pong maitutulong ko? Ano pong hinahanap niyo?” Tanong ng isang sales staff nang may magiliw na ngiting iginawad sa kanya.Ngumiti din si Alex bilang ganti. “May bagong designs kayo ng cufflinks?” Tanong ni Alex.“Pwede ko bang malaman para kanino ang cufflinks?”“Para sa tito ko.” sagot ni Alex.Tumango ang sales staff at umalis ito. Sa kanyang pagbalik, kasama na nito ang kanilang manager na may hawak na cufflinks na nakasilid sa nakabukas na kahon na tila ba ingat na ingat. May dala rin ang sales staff na kausap ni Alex. Ngunit ang kumuh ng kanyang atensyon ay ang cufflinks na hawak ng
‘Wala akong dapat na ikatakot. At pawang mga katotohanan ang sinabi ko bukod sa balitang magnobyo kami. Dahil lahat ng ito ay nangyari sa amin ni Brandon. At mas kapani-paniwala ang aming relasyon kung ito ang sasabihin ko.’ Sabi ni Alex sa sarili.Ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa braso ni Alex ay unti-unting lumuwag. Ngunit mariing tinitigan parin ng lalaki si Alex at tinatya kung ito nga ba ay nagsasabi ng totoo. Ngunit nang mapagtantong totoo nga ang mga sinabi ni Alex, tuluyan na siyang binitawan ni John. Yumuko ito upang hindi mapansin ng dalaga ang malungkot nitong mga mata. Ngunit pansin naman sa kanyang katawan ang panginginig, dahilan upang mapakunot ng noo si Alex at pilit na titigan si John sa kanyang mata.Namumula ang mga ito, at tila ba ay maiiyak na. Naglalabasan na din ang mga ugat sa kanyang noo, dala ng pagpipigil ng kanina pang gustong sumabog na emosyon.Sakit, pagkadismaya, at pagsisi… Pagkadismaya dahil kung bakit palagi na lamang siyang nahuhuli… Pagsisi
“Nobyo ko, kuya. Boyfriend ko in english.” Sarkastiko nitong pag-uulit sa sinabi.Tila nanigas si John sa pasabog na balita ni Alex, dahilan upang hindi ito agad makapagsalita.Alam ni Alex na maigiging ganito ang reaksyon ni John. Lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ito sa kanya at sinabi niya iyon noon. Bakas sa mukha ni John ang sakit ng malaman niya iyon. Ngunit para kay Alex, makabubuti na ito upang tigilan na siya ni John, James at ng kanilang ina sa pagpupumilit sa kanya at magising sila sa katotohanang ayaw na niya.“S-sino siya?” Nauutal nitong tanong na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa balitang pinasabog ni Alex.“Si Brandon,” Agad nitong sagot.Ang kaninang hindi maipintang mukha ni John ay mas lalong kumunot.“Alex…”“Tama ang pagkakarinig mo, Kuya. Si Brandon Montenegro.” Pag-uulit ni Alex.“Pero…”“Kuya John, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako nakikipagbiruan pagdating sa relasyon. Masaya ako sa piling niya ngayon. Sana masaya din kayo para sa
Nang maalala ni Alex ang kanyang magiging pakay sa pamamahay ng mga Lopez, ay agad niyang ipinaalam ito kay John.“Kamusta na pala sila Tito at Tita?”“Aray ko naman… Ako ang andito pero sila ang hinahanap mo.” Pagbibiro nito na ikinairap ng mga mata ni Alex.“Okay lang naman sila. Namimiss ka na nila. Pero mas namiss kita.” Hirit pa ni John.“Tigil-tigilan mo na nga ako sa pagbibiro mo, kuya.” Inis na sambit ni Alex.Tumawa na lamang ang lalaki. Maya-maya pa ay matagal niyang tinitigan si Alex. “Ikaw, kamusta na?” tanong nito.Sa titig pa lang ni John, alam na ni Alex na may alam ang lalaking nasa kanyang harapan ang pinaggagawa ng kapatid nito. “Sa totoo lang… Hindi okay…. Kasi…”“Kasi ano?” Naningkit ang mga matang nakatingin si John kay Alex habang naghihintay ito ng sagot.Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. “Alam mo ba na ang kapatid mo ay iniipit ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon?” Tanong nito.Bakas sa lalaki na hindi na ito nagugulat sa sinabi ni Alex. Kaya na