“Late na ba ako para sa lunch?” Pagtawag pansin ng Ginang sa mga naroon.“Madam,” nakangiting bati ni Cynthia at sumama kay Alex upang salubungin at tumulong na din sa pagbubuhat ng mga pagkaing dala ng Ginang.“May dala akong lunch niyo na pwede nyong pagsaluhan.” Tinutukoy ni Mary Anne ang pagkaing dala.“Tita, nakakahiya, nag abala pa po kayo.” sagot ni Alex.“Ikaw talaga… Ano bang gusto mo? Araw-araw kayong kumakain ng fastfood. Hindi healthy yan sa katawan. Magkakasakit kayo niyan.” Paalala ni Mary Anne sa kanila.“Naku… tawagin niyo na iba niyo pang kasama para makakain na din.” Utos ng Ginang na agad naman sinunod ni Cynthia at tinawag ang mga engineer, kabilang na doon si Brandon.“Salamat po talaga sa masarap na pagkain na ito, Madam.” Pasasalamat ni Cynthia kay Mary Anne matapos niyang tawagin ang mga engineer na kasama nila.“Halika na kayo, kain na tayo. May dalang pagkain ang ating inang reyna para sa mga kawal!” pabirong saad ni Cynthia na ikinatawa ni Mary Anne. Napail
“Iha, payo ko lang. Huwag mong isarado ang puso mo sa iba. Marahil ay nasaktan ka dahil sa ginawa ng anak ko sa iyo. Pero… anak, marami pang isda sa dagat. At sigurado akong dahil sa angkin mong kagandahan, katalinuhan at busilak na puso ay maraming maghahabol sa iyo.” saad ni Mary Anne.Ngumiti si Alex. “Alam ko po iyon. Maraming mabubuting lalaki. Pero sa ngayon po, hindi po iyon ang priority ko.” sagot ni Alex.“Tama ka riyan,” sagot ni Mary Anne na ikinahinga ng maluwag ni Alex.“Pero tumatanda na rin tayo. At tayong mga babae ay may timeline pagpatungkol sa pag-aanak. Kung gusto mo magka-anak, kailangan mo na rin makahanap agad ng mapapangasawa.”Nasamid si Alex sa sinabi ni Mary Anne. Tama ang Ginang. Hindi na siya bumabata at gusto din ni Alex na magkaanak. Ngunit dapat nga bang magmadaling makapagpahanp ng mapapangasawa? Gayung hindi pa naghihilom ang sugat sa kanyang puso.Nag-angat ng kamay si Mary Anne at dahan-dahang hinaplos ang kanyang ulo. “Maganda ka, mabait, at matali
‘Anong nangyayari?’ takhang tanong ni Alex sa sarili.Papasok na sana si Alex sa loob nang marinig niyang nagsalita si Secretary Kenneth“Sabi ni Mr. Lopez, kami ang responsable sa nasabing problema at hindi sayo.”Tila naiintidihan na ni Alex ang mga nangyayari. Kaya naglakas loob na itong pumasok sa loob at makisali sa usapan.‘Hinid kaya dahil nakita niya kaming magkasama ay ginawa na niyang personal ang trabahong ito? Napaka unreasonable ang gagawin niya! Hindi ako papayag na iipitin niya kami sa trabaho dahil sa isang personal na bagay.“Hindi ako sang ayon.” sabat ni Alex, na ikinalingon ng tatlong lalaki.“Miss… Ito po ang gusto niyang mangyari.”“Kung ano man iyon, hindi ako sang ayon. Isa pa… ako ang in charge sa proyektong ito. ANo man ang problema rito ay sagutin ko. Kahit siya pa ang CEO ng kumpanyang ito as long as hawak ko ang project, wala siyang karapatan na pakialaman ang desisyon ko. Ang ayoko sa lahat ay biglang magpapalit ng empleyado sa kalagitnaan ng trabaho. Hind
Bakas sa mga mukha ni James na hindi niya nagugustuhan ang pangyayari at naiinis siya na lahat ng mga empleyadong nakakasalubong ay sinasamaan niya ng tingin. Tahimik na nakasunod si Alex at si Secretary Kenneth. Agad silang napahinto ng huminto si James at binigyan ng masamang tingin si Kenneth. “Hindi kita kailangan. Si Ms. Bautista lamang ang gusto kong makausap.” Tila namang napahiya ang kawawang sekretarya, at piniling hindi na lamang din sumunod sa kanila.“Sorry,” hinging paumanhin ni Alex kay Kenneth bago ito sumunod sa mainit na ulong si James.Tahimik na nakasunod si Alex kay James, ngunit nakakunot ang kanyang noo ng hindi pa rin humihinto mula sa paglalakad si James. Tiningnan niya ang paligid, malayo na ito sa mga tao at malapit na sa horror house. Ang horror house ay hindi pa nagfafunction at madilim ang lugar na iyon. Wala ding mga tao, kaya hindi maiwasan ni Alex ang kabahan dahil baka mamaya ay dito siya saktan ni James. Alam niya paano magalit si James. Nagwawala it
“HUwag mong sasabihing nalasing ka at nagkamali ka ng tingin… At sasabihin sakin ngayon na akala mo ako ang n*******n mo.” hindi makapagsalita muli si James.Natawa si Alex sabay irap kay James. “Magkaparehas ba kami ng amoy ni Ivy? Magkasingtulad din ba kaming humalik? Magkahulma ba kami ng katawan? Na sa pagkakatanda ko, malaman akong di hamak sa kanya. Bukod roon magkaiba din ang kulay ng aming balat. Siya maputla ang kanyang pagkaputi, at ako naman ay katamtamang puti. Mas matangkad di siya kaysa saakin. Halos magkalebel lang kayo ng tangkad. Samantalang ako, kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha mo. Kaya huwag mong sasabihing nagkamali ka lang at akala mo ako iyong n*******n mo.” saad ni Alex.Tila ba nainis si James sa sinabi ni Alex. Dahilan upang kumunot ang noo niya at ikuyom ang kanayang mga kamay.“OO! Aaminin ako na isa akong tarantado and nadala sa espiritu ng alak at hinalikan siya. Pero hanggang doon lang iyon at walang ibig sabihn ang lahat ng iyon!” inis na
***Sa basketball covered courtDumating si Timothy at napansing naglalaro mag-isa si James. Napabuntong hininga ang kaibigan. ALam niyang wala sa mood si James at pumupunta lamang ito sa kanilang hideout kapag wala sa mood o kapag masaya. Ngunnit sa pagkakataong ito… Magkasalubong ang kilay nito at tila pinagsakluban ng langit ang mukha.“Laro tayo?” napalingon si James nang marinig na magsalita si Timothy. “Dating gawi?” dagdag nito.Ipinasa ni James ang bola sa kanya malakas ito at kung hindi siya nakapaghanda ay malang natumba na si Timothy.“Ahoy!” Tumawa si Timothy. “Mukhang wala tayo sa mood ah.” pang-aasar nito.“Tss. Laro na.” Iritang sabi ni James.Nagsimula silang maglaro at hinayaan ni Timothy na magshoot ng bola si James sa basket ngunit nakailang beses na niyang pagtatangkang ishoot ang bola, ay hindi pa rin niya ito maipasok sa basket kaya inis siyang ibinato ang bola sa sahig dahil upang tumalbog ito sa malayo.“Nagtalo na naman kayo ni Alex ano?”Masamang tingin ang pin
Napatingin si Alex bigla kay Brandon na abala pa rin sa pagpapalit ng mga ilaw, bago muling nilingon si Cynthia. “Alam mo, Cynth… Matulog ka na. Inaantok ka lang. Dami mong naiisip na eh.” Marahan niyang tinutulak ang kasama na masaya namang nang-aasar sa kanya.“Parehas kasi kayong workaholic. At kahit als dose na ng gabi, ang energy niyo full battery pa rin. Ano ba yang iniinom niyo nang makainum ako niyan? Motolite ba?” saad nito habang nagpapatulak naman siya kay Alex.Pinaupo na ni Alex si Cynthia sa isang bench upang makapagpahinga. “Grabe… HAaayyy” Humikab si Alex. “Antok na talaga miss. Hindi ko na kinakaya.” Napipikit niyang sabi.“Pwede ka magpahinga saglit. Pero hintayin mo kaming matapos. Kailangan nating matapos ang pag-aayos ng mga ito, para in ten days… Tapos na tayo.” pakisuyo ni Alex sa inaantok na kasama.Nang matapos ang area ng scheduled plano ng pag-aayos nila ng mga ilaw, ay tumawag na ng taxi cab si Alex pabalik sa kanilang hotel. Nasa passenger seat si Brandon
Magkasamang dumating si John at James sa site na ikinapagtaka ni Alex. Lalo pa at nakita niya na nakasuot ng uniform na pangtrabaho si John.“Kuya John,” Nakangiting tanong nito ng may pagtataka. “A-anong ginagawa mo rito?” tanong nito kahit naman na alam na niya sa suot pa lamang nito ay alam na niyang magtatrabaho si John ngunit ang pinagtataka ni Alex ay kung bakit?Samantalang tinapunan lang niya ng tingin si James at hindi ito binati man lang.Ngumiti si John. “Andito ako upang magtrabaho, miss Bautista.” inilahad ni John ang kanyang upang makipagkamay sa dalaga.‘HIndi pa ba siya babalik sa US? Akala ko ba stable na siya doon? Bakit niya pa kailangan magtabaho rito? At sino ang nagutos sa kanya? Pinadala kaya siya ng mga Lopez upang bantayan ang bawat kilos ko, lalo pa at naiisip nilang may namamagitan saamin ni Brandon? Kung ano man o sino man ang dahilan ng pagtatrabaho niya rito, wala na akong pakialam. Dahil unang-una, wala naman akong ginagawa. Pangalawa wala silang makikit
“Miss, si Sir James… Alam na po niya kung saan ka nagtatrabaho.”Tila hindi naman nagulat si Alex sa anunsyo ni Kenneth sa kanya at bakas sa kanya na inaasahan niya itong mangyari. Maraming pera si James, at ang pamilya niya ay isa sa tinitingalang negosyante sa kanilang bansa. Alam niyang may kakayahan si James o di kaya ang pamilya nito na hanapin kung saan man siya naroroon. Ayaw lang naman ni Alex na makasama pa ang ex at hindi din siya nagtatago rito. Kaya ang malaman ni James kung saan siya nagtatrabaho, ay hindi na kataka-taka.“Ano ngayon?” Sarkastikong tugon ni Alex. “Nagbabalak ba siya na takutin ang kompanyang nilipatan ko upang mapatalsik ako roon, at bumalik sa kompanya niya?” dagdag nito.“Miss… Hindi ba at ito ang pangarap mo? Ng iyong ama, na gumawa ng amusement park kasama ang pamilya ni Sir James?” Napakunot ang noo ni Alex sa sinambit ng sekretarya.‘Mukhang may binabalak nga ang lalaking iyon sa nilipatan ko. Ano na naman kaya ang masamang balak na kanyang gagawin?
Tila naikot na ni Alex ang buong kama ng kanyang mga magulang dahil hindi ito makatulog. Nakakaramdam si Alex ng kaba at panatag na kalooban ngayong may ibang tao sa kanyang bahay at si Brandon pa iyon. Kahit na alam niyang ligtas siya kay Brandon at wala itong gagawing masama sa kanya ay naninibago pa rin siya. Ngayon pa lamang nagkaroon ng ibang tao sa kanyang bahay at ang pakiramdam na iyon ay pamilyar sa kanya.Dahan-dahang lumapit si Alex sa dingding upang pakinggan kung natutulog na si Brandon. Ngunit nakarinig siya ng mga yabag sa paa. Kaya minabuti niyang humiga na lamang ulit siya sa kama. Kahit paano ay nakaramdam si Alex ng saya sa kanyang puso, dahil naalala niya noong panahong bata pa lamang siya at naririnig niya ang mga yabag mula sa labas nagaling sa kanyang mga magulang habang siya ay nasa loob ng kwarto.Pinapakinggan lamang ni Alex ang mga yabag o ang bawat kilos ni Brandon hanggang sa di niya namalayang nakatulog na rin siya. Nagising si Alex ng hating gabi nang ma
“Alex,” tawag ni Brandon sa kanya kasabay ang mahigpit na pagyakap sa nanginginig na katawan ng dalaga.“Ligtas ka na,” Saad nito nang maramdaman niya ang pagtulo ng luha ni Laex sa kanyang balikat na ikinabasa ng kanyang suot na damit.“Kaya mo bang tumayo?” Sa panglalambot ng katawan, umiling si Alex bilang sagot.“Akin na ang susi.” inilahad ni Brandon ang kanyang kamay upang hingiin ang susi sa bahay ng dalaga, na agad naman binigay ni Alex.Matapos mabuksan ang pinto ay binalikan siya ni Brandon at walang pag alinlangang binuhat ito na tila ba bagong kasal sila. Hindi naman nagprotesta pa si Alex dahil wala na din siyang lakas na makipagpalitan ng salita rito. Nang makapasok sa bahay ay pinaupo siya agad ni Brandon sa upuan sa kanyang sala at binuksan ang ilaw ng bahay. Kinuhaan din siya ng malamig na tubig na inilagay ni Brandon sa baso at pinainom kay Alex.“Salamat.” saad ni Alex matapos nitong makainom ng tubi at kumalma sa nangyari.Ito ang pangalawang beses na may taong gust
‘Pupunta ba ako o hindi?’ Yan ang tanong na sumasagi sa isipan ni Alex matapos nilang mag usap ni Mary Anne, ina ni James.Nagliwanag ang kanyang mga mata nang makitang tumunog ang kanyang telepono at si Grace ang tumatawag dito.“Hello… Salamat at tumawag ka.” Tila nabunutan ng tinik si Alex sa pagtawag ng kaibigan.Habang nasa loob ng taxi, napansin niya ang isang bazaar malapit sa kanyang lugar.“Teka lang ah,” paalam niya kay Grace bago kinalabit ang drayber ng taxi.“Manong, dito na lamang po ako.” Saad nito at saka huminto ang sinasakyang taxi. Nagbayad siya, bumaba, at muling kinausap ang kaibigan sa telepono.“Hello,”“Oh, saan kaba? Hindi ka pa ba nakarating sa bahay mo?” Tanong ni Grace.“Traffic sa Cavitex,” saad ni Alex.“Dito na ko malapit saamin, may dinaanan lamang akong bazaar. Bagong bukas.” Dagdag nito.“Ahh..”“Ay, Grace… Tumawag si Tita Mary Anne.”“Mama ni James? Oh… Ano sabi?” Tanong ng kaibigan.“Kaarawan na kasi ni Tito Anthony sa susunod na linggo… At gusto niy
Kulay dilaw ang kanyang buhok at asul ang kanyang mga mata, ngunit sa pakiwari ni Alex ay hindi ito banyaga. Kaya naningkit ang kanyang mga matang nakatingin sa lalaking ngayon ay kanyang kahrap.“May problema ba?” tanong ng lalaki nang mapansin ang pgtitig ni Alex sa kanya.“Pinoy ka naman hindi ba? Totoo bang asul ang mga mata mo?” Walang prenong tanong ni Alex na nagpatawa sa lalaki.“Oo. Mestiso lang ako pero contact lens ko lang yan. Sabi kasi nila bagay daw sakin ang asul na mga mata. Kaya madalas na napagkakamalan akong banyaga. Bakit? Akala mo ba may lahi akong amerikano?” tanong nito na agad ikinaiking ni Alex.“Hindi. Hindi kasi matangos ang ilong mo- I mean… Matangos ang ilong mo. Don’t get me wrong. Pero di gaya ng mga banyaga na pointed… kumbaga matulis ang ilong nila.” Paliwanag ni Alex na nagpatango sa lalaki.“That make sense.” ngumiti ito sabay higop ng kape sa kanyang tasa.Tumikhim naman si Alex. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa.” Umpisa ng dalaga na nakakuha ng ate
Bumuntong hininga si Alex “At…” ‘Sa totoo lang gusto kita. Gusto na kita. Kaso natatakot ako. Natatakot akong masaktan muli. O baka masaktan kita. Naguguluhan ako sa sarili ko ngayon.’ Gustong sabihin ni Alex ang lahat ng iyon. Ngunit alam niya rin sa sariling hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon. “At ano?” tanong ni Brandon. Umiiling si Alex at napangiti “Wala.” tanging sambit niya. “At gusto din kita.” Nanlaki ang mata ni Alex sa sinabi ni Brandon na tila ba nababasa nito ang sinabi niya sa kanyang isip. Tila nang init ang kanyang pisngi at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. “A-anong sinasabi mo diyan?” Nauutal nitong tanong at agad na nanag alis ng tingin. Pakiramdam ni Alex ay nag-iinit ang kanyang pisngi sa hiya. Tumikhim si Alex bago muling magsalita matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “So, ano? Pumapayag ka na bang maging pekeng boyfriend ko?” tanong ni Alex kay Brandon. “Hindi.” Napaguso si Alex kasabay ang pag-irap nito sa
“Hindi na ako nakainom ngayon. Pwede ka bang makausap na?” Palakad lakad si Alex sa kanyang sala, habang mahigpit na hinahawakan ang kanyang telepono at naghihintay ng reply mula kay Brandon. Ngunit kalahating oras na ang lumipas at wala pa ring mensahe mula sa lalaki.‘Marahil ay nasa trabaho pa siya.’Kinansela na rin ni Alex ang kanyang pakikipagkita sa kanyang kablind date ng tanghali at pinakiusapang alas sais na lamang ng gabi sila magkita. Mabut at pumayag ang lalaking kanyang kausap. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Brandon, na agad niyang ikinaalerto.Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mabasa ang nakarehistrong pangalan na nagpadala ng mensahe sa kanya.“Marami pa akong ginagawa. Gusto mo pumunta ka dito sa site. Nasa open field ako.”Ang open field na area ay kung saan nila nilagyan ng espesyal na lugar ang mga magkasintahan na balak isiwalat ang kanilang nararamdaman. Mas tinatawag nila itong Confession Park. Napapaligiran iyon ng iba’t-ibang uri ng
Nanginginig ang buong kalamnan ni Alex sa galit niya kay James. Gayunpaman, palingon-lingon siya sa paligid upang masiguradong hindi na nga siya sinundan pa ni James. Nakahinga ng maluwag si Alex nang mapansing wala na nga si James. Pumasok siya sa kanyang bahay at siniguradong naka doble ang siradura ng kanyang pinto.Nang makapagbihis ay umupo si Alex sa kahoy na upuan sa kaniyang sala, ipinatong ang kanyang mga paa rito at niyakap ng mahigpit. Ikinulong ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod at tahimik na tumutulo ang kanyang mga luha. “Kailan pa ba ako lulubayan ng lalaking iyon?” tanong niya sa sarili.Nag angat siya ng ulo nang marinig na tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong kinuha mula sa lamesa at tiningnan ang mensahe. ‘Pwede ba tayong magkita bukas?’ tanong ng lalaking kanyang nakapalitan ng mensahe sa isang dating app.“Okay.” tanging sagot niya.‘Huling iyak ko na sana ito para sa lalaking iyon.’ Pangako ni Alex sa sarili.Napagpasyahan niyang matulog na upang
“Alex,” Marahas na napabintong hininga si Alex nang marinig ang pamilyar na boses na ayaw niya na sanang marinig.Nilingon niya ang laaki. “Bakit ka andito? Paano mo nalamang andito ako? Naiiritang tanong ni Alex. Nakakunot ang noo nito at mahigpit na hinawakan ang kanyang telepono, handa sa kung ano man ang gagawing paghakbang ng lalaki.“Bakit di ka pumunta sa Laguna?” pabalik na tanong ni James.Hahakbang pa sana siya palapit kay Alex ngunit pinigilan siya nito.“Isang hakbang mo pa. Hindi ako magdadalawang isip na tumawag ng pulis para ireport ka.”“Alex… Seryoso ako. Ikaw lamang ang babaeng papakasalan ko at gusto kong makasama habang buhay. Sana paniwalaan mo iyon.”Umiiling- iling na natatawa si Alex sa nasambit ni James, na tila ba may nakakatawa sa sinabi nito.“Talaga ba? Nanawa ka na ba sa pakikipaglaro mong bahay-bahayan at tatay-tatayan kay Ivy at sa magiging anak nito, kaya ka lumalapit sa akin ngayon?” Mapang-asar na tanong ni Alex.“Maniwala ka man o sa hindi… Si Ivy,