Home / Romance / Taming The Dangerous Beast / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Taming The Dangerous Beast : Kabanata 21 - Kabanata 30

39 Kabanata

Chapter Twenty One

Dahil sa kaniyang pagbubuntis ay madalas nag-aalala si Lucille tungkol sa mga bagay-bagay at palaging walang ganang kumilos.Sinusubukan niya rin humanap ng part time job sa mga online na platform nang sa ganoong paraan ay nakakapagtrabaho siya nang hindi masyadong napapagod. Kung ano-ano na lang ang naiisip niyang negatibong mga bagay na alam niyang hindi makabubuti sa kanila ng ipinagbubuntis niya kaya madalas ay inuubos na lang niya ang oras niya kasama si Wendy para naman malibang-libang siya. "Buti naman at nakauwi ka na! Kung hindi ka pa umuwi ay mamamatay na kami ng inaanak mo sa gutom!" Pabirong saad ni Lucille kay Wendy nang makauwi ito. "Mamamatay sa gutom? O.A! Patingin nga?" Natatawang saad nito saka hinimas ang kaniyang tiyan. "Oo nga! Gutom na gutom na nga ang baby na 'yan!" dagdag pa nito. "Loka-loka ka talaga!" Sabay silang nagtawanan na kahit papaano ay nakapagpagaan sa kalooban ni Lucille. "Tara na! Bumangon ka na diyan, sa labas na tayo maghapunan," yaya ni W
last updateHuling Na-update : 2024-11-06
Magbasa pa

Chapter Twenty Two

Dumating si William at saka hinila si Kevin, makahulugan pa itong tumingin kay Lucille bago ngumiti. "Bakit hindi kayo nag-uusap? Naalala ko noon Lucille sobrang close kayo ni Kevin, naging kayo hindi ba?" tanong nito sa kaniya. Pinili ni Lucille na huwag nang sumagot at binigyan na lamang ng tipid na ngiti si William. "Ang daldal mo 'no? Kung ano-anong pinagsasabi mo!" Sita ni Wendy sa binata saka ito pinukol ng matalim na tingin. Pero hindi iyon alintana ng binata na ngumiti pa nang nakakaloko at saka muling nagsalita. "Madaldal na ba 'yon? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Alam naman nating lahat na noong panahon na 'yon, halos lahat ng babae at lalaki sa school e naiinggit sa kanilang dalawa." "Tumahimik ka na nga! Ang dami mong sinasabi!" naiinis na saad ni Wendy, nag-aalala ito para sa mararamdaman ng kaniyang kaibigan. "Huwag ka ngang makulit diyan," makulit na sagot ni William kay Wendy. Walang nagawa si Wendy upang pigilan si William nang muli itong magtanong n
last updateHuling Na-update : 2024-11-07
Magbasa pa

Chapter Twenty Three

Dinudumog ang kainan sa likod ng kanilang university kaya naman doon na lang napagpasiyahang dumiretso nang magkaibigan na sina Lucille at Wendy matapos nilang umalis sa reunion. "Boss dalawang fried rice po please." Hinawakan ni Wendy si Lucille gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay humihimas sa kaniyang tiyan. "Kasalanan 'to nang bwiset na William na 'yon eh. Naantala tuloy ang pagkain ko," reklamo ni Wendy. Maging si Lucille ay gutom na rin, sa sobrang gutom niya ay halos maglaway na siya. "Best gusto ko kumain ng wallnut crisps," saad niya. "Sige sandali bibili ako," sagot naman ng kaibigan niya.Hindi na nagdalawang-isip pa si Wendy na bumili ng gusto ni Lucille, subalit napahinto ito at napatingin sa kaniya nang biglang may napagtanto. "Parang masiyado ka yatang ginaganahan kumain ngayon? Sa gabi ang dami mong kumain? Hindi ka ba natatakot tumaba?" nagtatakang tanong nito. Sa totoo lang ay nahihirapan nga si Lucille. Napansin niya rin na lumalakas ang gana niya
last updateHuling Na-update : 2024-11-08
Magbasa pa

Chapter Twenty Four

Nangunguna ang balita tungkol sa isang pasabog di umano na nakasulat sa pula at malalaking letra na talagang nakakakaba. Mabagal ang internet connection kaya naman tensyonadong naghintay pa ng medyo matagal si Lucille bago niya nabuksan ang nasabing balita. Pagkatapos ng ilang pangungusap tungkol sa balita ay mayroong video na kasama at ito ay kuha sa gate ng isang establisyemento.Hindi maganda ang anggulo ng surveilance camera kaya naman medyo malabo ang kuha sa pangyayari. Ang tanging nakita lamang ay pinagbuksan ng gate ng isang lalaki ang palabas na si Dylan. Nang makalampas ng kaunti ay bigla na lamang bumunot ng kutsilyo ang lalaki at saka inundayan ng saksak si Dylan. Nagulat ang huli nang ilang segundo at tila hindi alam ang gagawin, ngunit nang makahuma ay bigla itong kumilos at naibalibag ang lalaki sa sahig. Sa eksenang iyon na nagtapos ang naturang video. Ilang minutong video lamang pero sapat na para manginig sa takot at kaba si Lucille. Kahit pa sabihing hindi sil
last updateHuling Na-update : 2024-11-09
Magbasa pa

Chapter Twenty Five

Sigaw ni Dylan habang hawak ng mahigpit ang kaniyang braso. "Saan ka pupunta kung hindi ikaw ang mag-oopera sa akin?" "Hindi kita maaaring operahan. Intern lang ako, hindi ako puwedeng mag-opera ng mag-isa," mahinahon na paliwanag ni Lucille. "Wala akong pakialam! Ikaw lang ang gusto kong mag-opera sa akin!" Muling sigaw nito.Ayaw siyang bitiwan ni Dylan at kahit pa mababakas ang panghihina sa mukha nito ay matalim itong nakatitig sa kaniya.Hindi na lamang nakakibo si Lucille. Nasaksak na nga at lahat ay ubod pa rin ng pasaway! Akala mo eh bata!Hinabaan na lamang ni Lucille ang kaniyang pasensya at inisip na lamang niya na ang kaniyang kapatid ang kausap niya. Hindi maayos ang sitwasyon nito at may sakit itong iniinda sa katawan kaya pinili niyang mas lawakan pa ang pang-unawa. "Si Doc Gomez ay teacher ko at siya ang mag-oopera sa'yo. Hindi mo kailangang mag-alala dahil kilalang magaling na surgeon siya sa buong bansa." "Kahit sino pang poncio pilato 'yan ay wala akong pakial
last updateHuling Na-update : 2024-11-10
Magbasa pa

Chapter Twenty Six

Umayos ng tayo si Lucille at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang uniporme habang nakatitig kay Jenny. Naghahanda sa maaaring komprontasyon na magaganap, kilala niya ang kapatid. Alam niya kung gaano kagaspang ang ugali nito. Girlfriend siya ni Dylan, alam niyang magkukrus ang landas nila sa mga susunod na araw pero hindi niya inaaasahan na ganito kabilis at sa ganitong pagkakataon pa sila muling magkakaharap. Si Jenny naman ay nakatingin rin kay Lucille na bagama't mukhang kalmado ang hitsura pero sa loob niya ay tila nagkakarambola ang puso niya sa sobrang kaba. Nakita rin niya ang balita sa social media tungkol sa nangyari kay Dylan kaya kagabi pa lamang ay nais na niyang pumunta sa ospital. Pero nang tawagan niya si Jerome ay sinabihan siya nito na huwag munang magpunta dahil hindi pa maayos ang lahat at maghintay na muna. Sabi ni Jerome ay tatawagan siya nito kapag maaari na siyang magpunta.Buong gabi siyang naghintay ng balita galing kay Jerome ngunit hindi ito nagp
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Chapter Twenty Seven

Inagaw ni Jenny ang baso ng tubig sa nurse at siya na ang nagpatuloy na magpainom kay Dylan. "Paano nangyari ito? Kilala mo ba kung sino ang may gawa nito sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Jenny sa binata. "Hindi ko alam," sagot ni Dylan habang umiiling at matalim ang mga mata. Ang taong naglakas loob na saktan siya ay kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya at sila na ang bahala na kumuha ng mga impormasyon sa kaniya. Naroon si Jerome para asikasuhin ang mga bagay-bagay at sisiguraduhin nilang malalaman nila ang puno't-dulo ng bantang ito sa buhay niya. Gusto niya ring makaharap kung sino ang mga taong nasa likod ng mga hindi kaaya-ayang pangyayari sa kaniya nitong mga nakaraan. Talaga bang pagpatay ang pakay ng mga ito sa kaniya?"Hindi mo na kailangang alalahanin ang mga bagay na 'yon. Ako na ang bahala do'n," ani Dylan na ayaw nang pag-usapan ang mga nangyari. Marahang tumango si Jenny bilang pagsang-ayon."Kung iyan ang sabi mo ay sige hindi na ako magtatanong pa ng tungkol
last updateHuling Na-update : 2024-11-12
Magbasa pa

Chapter Twenty Eight

Sa puntong iyon ay bukas ang damit na pang-itaas ni Dylan habang yakap niya sa kaniyang mga bisig ang isang magandang babae. Napakagandang sandali, para kang nasa isang telenobela. Pero dahil sa kilalang tao siya at makapangyarihan ay ni isa sa mga bagong dating ay walang nagtangkang magsalita o mag-react man lang. Ang lahat ay umakto at nagpatuloy sa kaniya-kaniya nilang ginagawa na tila ba wala silang nakita at normal lang ang lahat sa paligid. Si Lucille ay nanatiling kalmado habang sinisimulang ipaliwanag ang kondisyon ni Dylan sa doktor na magiging kapalitan niya para sa araw na iyon."Ang kutsilyo ay bumaon sa abdominal cavity ng pasyente sa lalim na 3.2 centimeter , maswerteng walang mga organs na tinamaan. Maayos na sa ngayon ang kaniyang kalagayan pero kailangan pa ring obserbahan dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya." Walang ganang makinig si Dylan sa mga sinasabi ng dalaga kaya hindi na niya inintindi pa ang mga iyon at ibinaling na lamang ang atensyon kay Jenny.M
last updateHuling Na-update : 2024-11-13
Magbasa pa

Chapter Twenty Nine

Hindi nagustuhan ni Dylan ang tono ng pananalita ni Lucille dahil tila ito kung sino na nag-uutos sa kaniya. Ngunit sa kabila no'n ay sumunod pa rin naman siya. Nang nag-umpisa si Lucille na tingnan ang sugat ni Dylan ay hindi na nito pinansin ang paligid. Masyado itong focus sa pag-eksamin nito sa kaniyang sugat. Hindi siya tumitingin sa kung saan maliban sa sugat nang binata. "Galit ka ba sa 'kin?" Hindi na napigilan ni Dylan na magtanong. "Huh?" nagtatakang tanong din ni Lucille. "Ako? Galit sa 'yo? Bakit naman? May dapat ba akong ikagalit?" Dagdag pa nito."Mas maigi kung wala," balewalang sagot ni Dylan. Hindi pa rin naintindihan ni Lucille ang ibig sabihin ni Dylan pero pinili niyang huwag nang magtanong muli. Yumuko siya at pinisil ang drainage tube na nakakabit sa sugat nito saka nagpatuloy sa paglilinis ng sugat ni Dylan."Kailan ba aalisin ang tubong 'yan? Hindi ako kumportable na may nakakabit na ganyan sa 'kin," tanong muli ni Dylan. "Hindi pa pwede sa ngayon. Lahat
last updateHuling Na-update : 2024-11-14
Magbasa pa

Chapter Thirty

Matapos ang isang oras na break ni Lucille para sa pananghalian ay naglalakad na siya pabalik sa kanilang istasyon galing sa cafeteria ng ospital. Dito ay nakasalubong niya si Dylan na naglalakad ng mabagal at dahan-dahan habang nakaalalay ang nakababatang kapatid na si Jerson. "Aba, ayos ha?" puri niya kay Dylan. "Malakas ang resistensya ng katawan mo, matapos ang nangyari at operasyon ay nakakabangon at ngayon ay nakakalakad ka na kaagad. Tama 'yan, mas mapapabilis ang pag galing mo kung kikilos-kilos ka. Pero huwag ka namang masyadong magpakapagod at baka bumuka ang tahi mo," paalala niya sa binata. "Masusunod ate dok!" magiliw na saad ni Jerson. Tuluyan na sana niyang lalagpasan ang magkapatid nang bigla siyang pigilan ni Dylan. "Sandali!" saad nito."Bakit may problema ba?" tanong niya saka bumaling ng tingin dito. "Ah, wala naman, ano kasi--" napapahiyang sagot ni Dylan na napakamot pa sa kaniyang batok."Anong gusto mo?" biglang tanong ng binata sa kaniya. Huh? Hindi al
last updateHuling Na-update : 2024-11-15
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status