Inagaw ni Jenny ang baso ng tubig sa nurse at siya na ang nagpatuloy na magpainom kay Dylan. "Paano nangyari ito? Kilala mo ba kung sino ang may gawa nito sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Jenny sa binata. "Hindi ko alam," sagot ni Dylan habang umiiling at matalim ang mga mata. Ang taong naglakas loob na saktan siya ay kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya at sila na ang bahala na kumuha ng mga impormasyon sa kaniya. Naroon si Jerome para asikasuhin ang mga bagay-bagay at sisiguraduhin nilang malalaman nila ang puno't-dulo ng bantang ito sa buhay niya. Gusto niya ring makaharap kung sino ang mga taong nasa likod ng mga hindi kaaya-ayang pangyayari sa kaniya nitong mga nakaraan. Talaga bang pagpatay ang pakay ng mga ito sa kaniya?"Hindi mo na kailangang alalahanin ang mga bagay na 'yon. Ako na ang bahala do'n," ani Dylan na ayaw nang pag-usapan ang mga nangyari. Marahang tumango si Jenny bilang pagsang-ayon."Kung iyan ang sabi mo ay sige hindi na ako magtatanong pa ng tungkol
Sa puntong iyon ay bukas ang damit na pang-itaas ni Dylan habang yakap niya sa kaniyang mga bisig ang isang magandang babae. Napakagandang sandali, para kang nasa isang telenobela. Pero dahil sa kilalang tao siya at makapangyarihan ay ni isa sa mga bagong dating ay walang nagtangkang magsalita o mag-react man lang. Ang lahat ay umakto at nagpatuloy sa kaniya-kaniya nilang ginagawa na tila ba wala silang nakita at normal lang ang lahat sa paligid. Si Lucille ay nanatiling kalmado habang sinisimulang ipaliwanag ang kondisyon ni Dylan sa doktor na magiging kapalitan niya para sa araw na iyon."Ang kutsilyo ay bumaon sa abdominal cavity ng pasyente sa lalim na 3.2 centimeter , maswerteng walang mga organs na tinamaan. Maayos na sa ngayon ang kaniyang kalagayan pero kailangan pa ring obserbahan dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya." Walang ganang makinig si Dylan sa mga sinasabi ng dalaga kaya hindi na niya inintindi pa ang mga iyon at ibinaling na lamang ang atensyon kay Jenny.M
Hindi nagustuhan ni Dylan ang tono ng pananalita ni Lucille dahil tila ito kung sino na nag-uutos sa kaniya. Ngunit sa kabila no'n ay sumunod pa rin naman siya. Nang nag-umpisa si Lucille na tingnan ang sugat ni Dylan ay hindi na nito pinansin ang paligid. Masyado itong focus sa pag-eksamin nito sa kaniyang sugat. Hindi siya tumitingin sa kung saan maliban sa sugat nang binata. "Galit ka ba sa 'kin?" Hindi na napigilan ni Dylan na magtanong. "Huh?" nagtatakang tanong din ni Lucille. "Ako? Galit sa 'yo? Bakit naman? May dapat ba akong ikagalit?" Dagdag pa nito."Mas maigi kung wala," balewalang sagot ni Dylan. Hindi pa rin naintindihan ni Lucille ang ibig sabihin ni Dylan pero pinili niyang huwag nang magtanong muli. Yumuko siya at pinisil ang drainage tube na nakakabit sa sugat nito saka nagpatuloy sa paglilinis ng sugat ni Dylan."Kailan ba aalisin ang tubong 'yan? Hindi ako kumportable na may nakakabit na ganyan sa 'kin," tanong muli ni Dylan. "Hindi pa pwede sa ngayon. Lahat
Matapos ang isang oras na break ni Lucille para sa pananghalian ay naglalakad na siya pabalik sa kanilang istasyon galing sa cafeteria ng ospital. Dito ay nakasalubong niya si Dylan na naglalakad ng mabagal at dahan-dahan habang nakaalalay ang nakababatang kapatid na si Jerson. "Aba, ayos ha?" puri niya kay Dylan. "Malakas ang resistensya ng katawan mo, matapos ang nangyari at operasyon ay nakakabangon at ngayon ay nakakalakad ka na kaagad. Tama 'yan, mas mapapabilis ang pag galing mo kung kikilos-kilos ka. Pero huwag ka namang masyadong magpakapagod at baka bumuka ang tahi mo," paalala niya sa binata. "Masusunod ate dok!" magiliw na saad ni Jerson. Tuluyan na sana niyang lalagpasan ang magkapatid nang bigla siyang pigilan ni Dylan. "Sandali!" saad nito."Bakit may problema ba?" tanong niya saka bumaling ng tingin dito. "Ah, wala naman, ano kasi--" napapahiyang sagot ni Dylan na napakamot pa sa kaniyang batok."Anong gusto mo?" biglang tanong ng binata sa kaniya. Huh? Hindi al
Nang matapos ang oras ni Lucille sa trabaho ay nakatanggap siya ng tawag galing sa kaibigang si Michael."Lucci huhuhuhu," kunwari'y atungal nito sa kabilang linya ng sagutin niya ang telepono. "Anong problema?" Natatawang tanong ni Lucille. "Wala na bang mas ipepeke yang iyak mo?"Agad na tumigil sa pag-iiyak- iyakan si Mikael dahil sa sarkastikang tanong ng kaibigan. "Importante 'to Lucci, makisama ka naman. Nasa blind date ako ngayon. Bilis puntahan mo na 'ko parang awa mo na," nakikiusap na saad ng binata. "Hindi ba at si Wendy naman ang naka-toka ngayon?" mataray na tanong ni Lucille habang umiirap. "Hindi matawagan ang telepono ni Wendy, ikaw lang ang meron ako ngayon please. Bilisan mo na ha? Hintayin kita pakiusap!""Hello?"Hindi na muling sumagot pa si Mikael sa kabilang linya, senyales na binaba na ng kaibigan ang tawag. Naiwang nagtataka si Lucille dahil sa naging pag-uusap nila. Hindi naman na bago sa kanila ng kaibigang si Wendy ang pakiusap ni Michael ngunit hangg
Yumakap si Lucille kay Michael at sumubsob sa matipunong dibdib nito. Doon ay kunwaring nag-iiyak ang dalaga. "Michael, napakatapang niya. Natatakot ako!" Humihikbing saad nito."Huwag kang matakot, nandito lang ako," kunwari ay pag-alo ni Michael kay Lucille. "Isa kang malanding babae na nang-aakit ng mga lalake! Malandi ka!" Galit na galit nasigaw ng babae. Sa sobrang galit ng babaeng ka-blind date ni Michael ay itinaas nito ang kaniyang kamay upang saktan sa Lucille. Ngunit nagulantang ito nang imbes na kay Lucille ay sa mukha ni Michael dumapo ang pinakawalang malutong na sampal. "Talagang pinoprotektahan mo siya ha?!" Gulat at galit na saad nito. Nagdilim ang mukha ni Michael at tiim bagang itong tumayo sa harap ni Lucille upang protektahan ito. "Girlfriend ko siya! Natural poprotektahan ko siya! Sinong nagbigay sa'yo ng lakas ng loob para saktan siya ha? Umalis ka na dito!" Mahina ngunit matigas na utos ng binata."Okay fine! Talagang aalis ako!" Sigaw ng babae saka um
Nag-angat ng tingin si Lucille at doon ay nakita niya ang isang magandang babae na lumabas galing sa banyo. Napaka-aga pa ay narito na kaagad ito. Si Jenny ay isang bata at magandang babae. Lumabas galing sa banyo na bagong ligo habang ang sugat naman ni Dylan ay muling bumukas. Hindi na siya magtataka kung bakit, napakadaling hulaan kung ano ang nangyari sa pagitan ng dalawang ito. Maaaring ito ay nangyari kagabi o ngayong umaga lang. "Narito pala si doktora para tingnan ka," saad ni Jenny.Iniligay ni Jenny ang kaniyang kamay sa dibdib ni Dylan, habang nakangiti at masuyong nakatingin sa binata. "Makikiraan," aniya sa bahagyang nakaharang na si Lucille. "Sure," saad ni Lucille saka natawa. Matapos niyang ieksamin at lagyan ng gamot ang sugat ni Dylan ay diretsuhan siyang nagsalita at nagpaalala. "Kayong dalawa, hindi ganoon kaayos ang kasalukuyang kalagayan ng pasyente. Hindi pa siya maaaring kumilos masyado lalo na ang pakikipagtalik."Matapos tumigil sandali ay nagpatul
"Agh!"Napahiyaw sa sakit si Michael at nag-angat ng tingin. Matalim siyang tumingin kay Dylan na may halong gulat at pagtataka. Sa puntong iyon ay wala na siyang pakialam sa kung sino at ano pa man ang kapangyarihan at yaman na mayroon ang lalaking iyon. Isa rin naman siyang tagapagmana ng mga Santillan. Hindi niya ito uurungan."Dylan, sira ulo ka na ba? Wala akong ginawang hindi maganda sa 'yo! Bakit mo 'ko sinuntok tarantado ka?!Habang binibitawan ang mga katagang iyon ay nagawa na niyang maibangon ang kaniyang sarili at ang kaniyang posisyon ay handa na ring makipaglaban. Ngunit mabilis na humarang ang kambal na sina Jayson at Jerson sa harap ni Dylan. Handa ang mga ito na protektahan ang binata."Mister Santillan, paumanhin ngunit kailangan mo munang dumaan sa amin!"Ang kambal na ito ay sanay sa ano mang klase ng pakikipaglaban dahil kapwa sila mga sundalo, nasa special forces pa nga ang mga ito at ni minsan ay hindi pa natalo pagdating sa mga labanan. "Mga sira ulo!" Galit
Sinulyapan ni Lucille ang disenteng si Dylan saka niya lihim na pinagtawanan ang sarili. "Mali ako, buong akala ko ay para sa akin ang porselas. Dapat no'ng oras na iyon ay sinabi mo sa akin na hindi pala iyon para sa akin," saad niya. "Anong sinasabi niya?" takang tanong ni Dylan sa sarili. Hindi maintindihan ng binata ang ibig sabihin ni Lucille ngunit pinili niya munang pakinggan ito upang patuloy na magsalita. "Mr. Saavedra, sa susunod ay huwag mong ibibigay sa ibang tao ang mga gamit ng girlfriend mo. Noong kinuha ko iyon ay kinailangan mo pa tuloy bumili ng panibago para may maibigay sa kaniya. Hindi ba at abala iyon?"Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay tinalikuran na niya si Dylan saka siya tuluyan nang umalis. Bumalatay ang lungkot sa mukha ni Dylan. Nagkakilala ba sila ni Jenny? Saan kaya sila nagkakilala?Ngunit para kay Dylan ay hindi iyon mahalaga. Ang importante sa kaniya ay kung saan niya nakita si Jenny na suot ang porselas?So, hindi siya natutuwa? Bakit?K
"Martha, ano kaya kung---" "Ano pang hinihintay niyo? Hindi ba at binayaran ko na kayo? Bilisan niyo ng tibagin at hukayin 'yan!" singhal ni Martha sa mga manggagawa. Hindi na nito binigyan pa ng pagkakataon si Roldan na magsalita pero dahil sa inasal nito ay mas lalong nagalit si Martha."Kapag inantala niyo pa 'yan ng kahit ilang segundo pa ay irereklamo ko kayo!" pagbabanta pa ni Martha.Napansin ni Martha na hindi tumatalab ang mga sinasabi niya kaya may naisip siyang paraan na alam niyang hndi na magdadalawang isip kung hndi sumunod ang mga ito. "Kilala niyo si Mr. Dylan Saavedra hindi ba? Boyfriend lang naman siya ng anak ko! Kapag hindi ako natuwa sa inyo ay siguradong hindi rin matutuwa ang anak ko. At kapag hindi natuwa ang anak ko ay siguradong hindi iyon magugustuhan ni Mr. Saavedra!" matapang na banta nito.Ang ilang tao na nag-aalinlangan kung huhukayin nga ba ang puntod ay kumilos na matapos marinig ang sinabi ni Martha. Sa bayan nila, sino nga ba ang hindi nakakakil
Natigilan si Lucille nang ilang sandali bago tuluyang sumakay sa sasakyan ng binata.Kahit biglang sumulpot si Kevin sa kanilang lugar na ngayon ay nasa harapan niya at kahit hindi tama na basta na lang siya sumakay sa kotse nito ay wala na siyang pakialam. Sa mga oras na 'yon ay wala na siyang iniisip kung hindi makaalis kaagad. "Salamat! Sa Eternal Garden of Memories tayo sa West City." nagmamadaling saad niya.Eternal Garden of Memories, iyon ang pangalan ng sementeryo sa West City. Hindi na bago kay Kevin ang lugar na iyon, bata pa lang sila ni Lucille noong minahal nila ang isa't-isa at madalas silang magkasama sa kung saan-saan. Noong panahon na iyon ay palagi niyang sinasamahan si Lucille na manalangin sa tuwing nalalagay sa peligro ang buhay ng kaniyang inang may sakit. "Pero bakit siya masyadong nagmamadali ngayon?" takang tanong ni Kevin sa sarili."Okay!" sagot ng binata.Hindi na masyado pang nagtanong si Kevin at basta na lang pinaarangkada ang kaniyang sasakyan papun
Ah!" Napatili si Lucille nang bumalik siya sa kaniyang ulirat. Sa sobrang hiya ay tinakpan niya ng kaniyang mga kamay ang kaniyang mukha saka siya nagtatakbo palabas ng banyo. "Oh my gosh! Ano bang ginawa ko?" nahihiyang untag niya sa kaniyang sarili. Sinusubukan niyang payapain ang kaniyang sarili na natataranta. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Doktor siya, anong problema kung makakita man siya ng lalaking hubad?Pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili at hindi naman siya nabigo, matapos ang ilang paghinga ng malalim ay tuluyang bumalik sa normal ang kaniyang nararamdman. Hindi pa lumalabas ng banyo si Dylan kaya naman kailangan niya pa itong hintayin. Dahil sa nangyari ay hindi na siya nagtangkang maglibot sa kuwarto o tumingin man lang sa kung saan-saan. Sa lamesa ay may isang jewelry box na nakabukas. Laman noon ang isang napakaganda at mukhang mamahaling porselas na gawa sa dyamante. "Ang ganda naman nito," namamanghang saad ni Lucille. "Nagustuha
Natawa si Lucille sa inasal nito at napailing na lamang. "Gusto ko lang naman magpasalamat sa 'yo para sa pagtatanggol mo sa 'kin," sinserong saad ng dalaga.Nagulat si Dylan sa narinig. Tama nga ba ang dinig niya?"Agh!" bigla siyang nakaramdam ng labis na sakit kaya mariin niyang hinawakan ang kaniyang sugat. "Dylan?" kinakabahang tawag ni Lucille sa binata saka ito yumuko at tiningnan ang sugat nito sa tiyan.Hindi inaasahang nagtama ang kanilang mga mata, ang mga mata ni Dylan na kasing itim ng gabi na tila hinihigop si Lucille sa kawalan. Tila naging blangko ang lahat at tanging si Dylan na lang ang kaniyang nakikita. Parang hinaplos ang puso ni Dylan.Ngunit sa loob ng ilang segundo ay agad siyang bumalik sa reyalidad dahil kay Lucille na tila galit na naman. "Ang bilin ko sa iyo ay huwag kang masyadong magkikilos! Pero ano? Nagawa mo pa talagang makipag-away! Palagay ko ay gusto mo ulit maoperahan!" Naiinis na sermon nito. Ang babaeng 'to! Napakabilis magbago ng mood na a