Home / Romance / Taming The Dangerous Beast / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Taming The Dangerous Beast : Chapter 11 - Chapter 20

39 Chapters

Chapter Eleven

Nang makarating sa kwarto ng butihing matanda ay agad na naupo si Lucille sa tabi ng kama nito."Lucille, kumusta ang iyong paghahanda? Nakapag impake ka na ba?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.Anong nakahanda? Anong impake?Nagulat si Lucille sa tanong ni Mr. Saavedra at hindi siya kaagad nakasagot.Agad namang napansin ng matanda na tila may hindi tama sa reaksyon ni Lucille."Hindi ba sinabi ni Dylan sa'yo? Pasaway na bata! Sinasabi ko na nga ba at niloloko lang niya ako!"Mangyari pala ay may kaibigan ang matanda na magdiriwang ng kaarawan at dahil hindi siya makakapunta ay inatasan niya ang apong si Dylan na pumunta kasama si Lucille. Hindi niya alam na nagkakaproblema ang mag-asawa kaya ginagawa niya ang mga paraan na alam niya para paglapitin ang mga ito. "Lucille makinig ka, hindi sanay si Dylan na pinakikialaman at pinangungunahan siya. Pero kasal na kayo, wala na kayong magagawa kung hindi pakisamahan ang isa't-isa at mamuhay ng masaya." saad ng Lolo na nag-aalala sa ka
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter Twelve

"Bitiwan mo siya," utos ni Dylan kay Jerome. "Opo Kuya."Bagaman mahinahon ang boses ni Dylan ay nakaramdam pa rin ng bahagyang takot si Jerome kaya agad siyang tumalima para sundin ito."Matapos ang mga nangyari ay talagang tulog pa rin siya? Tulog mantika!" Sa isip-isip ni Dylan.Alam ni Dylan na ang kaniyang lolo ang nag-utos kay Lucille na sumama kaya kapag nagsumbong ito sa kaniyang lolo kung paano niya ito tinrato ay siguradong malilintikan siya. Buwisit talaga! Madilim ang mukha niyang tinitigan ang natutulog na si Lucille saka ito binuhat at basta na lang inilapag sa kama. Nang bahagyang malilis ang kaniyang palda ay nakita ni Dylan ang mga pasa at gasgas ni Lucille sa tuhod. "Saan galing ang mga pasa na 'to? Kaya pala siya napasigaw sa sakit kagabi," aniya sa sarili nang lapitan niya ito. Habang nakasandal sa matipunong dibdib ni Dylan ay nakaramdam ng ginhawa si Lucille kaya mas inihilig niya pa ang kaniyang ulo at lalo pang siniksik ang kaniyang sarili. Bahagyang na
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Chapter Thirteen

Saavedra family? Interesting! Namamanghang tumingin si Mr. Han kay Lucille at Dylan. "Oh? So anong ginagawa mo rito kasama si Dylan?" Itong apo ng kaniyang kaibigan na si Mr. Saavedra ay magaling sa lahat ng bagay maliban na lang sa bagay na parang hindi siya makatao. He is hard to tease and to please. "Ang totoo ho niyan ay pinakiusapan po ako ni lolo na samahan si Dylan dito Mr. Han." "Since you are here for my birthday, do you prepare any gift for me?" nakangiting tanong ng matanda kay Lucille. Nagulat si Dylan sa tanong ni Mr. Han at nag-alala para kay Lucille. Hindi ito nagpakita ng kagalakan sa ibinigay niya paano pa kaya kay Lucille? Tumango si Lucille at ngumti na halos mawala na ang mga mata. "Of course Mr. Han, pinaghandaan ko ito." Mas lalong nagulat si Dylan sa sagot ni Lucille. Pinaghandaan? Talaga ba? Pinisil niya ang kamay ng dalaga. Mukha lang siyang nakangiti pero sa isip niya ay binabalaan niya na ang dalaga. "Huwag kang gagawa ng kalokohan dito!"
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

Chapter Fourteen

"Buhay ang nakataya dito!"Ang oras ay buhay.Kailangan niyang masunod ang golden three minutes para sa rescue. Bawat segundo ay mahalaga dahil kung babagal-bagal siya ay maaaring mapahamak si Mr. Han."Kahit tumawag ka ng doktor ngayon, gaano pa katagal bago siya dumating? Bigyan mo 'ko ng dalawang minuto sisiguraduhin kong magiging maayos si Mr. Han!" Natatarantang saad ni Lucille.Isa, dalawang segundo.Pinagpapawisan na ng malamig si Lucille at kinakabahan."Bilisan mo! Wala ka ng oras para mag-isip!"Sa kritikal na sitwasyon na iyon ay pinili ni Dylan na magtiwala Kay Lucille.Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero naniniwala siya rito."Sige," aniya saka binitawan ang kamay ni Lucille.Nakaramdam ng tuwa ang dalaga dahil pinagkatiwalaan siya ni Dylan."Kutsilyo! May kutsilyo sa lamesa!""Okay."Naging tila assistant ni Lucille si Dylan at inabot nito ang kutsilyo sa kaniya."Dylan nababaliw ka na ba?" Bakas ang kaba na tanong ni Alvin sa binata.Hinablot nito ang kuwelyo ni Dyl
last updateLast Updated : 2024-11-02
Read more

Chapter Fifteen

"Dylan."Nagulat din si Lucille sa nangyari, nakasandal siya sa matipunong dibdib ni Dylan at halos naririnig na niya ang tibok ng puso nito.Lalo siyang nailang sa pwesto nila."Sorry, puwede mo na kong bitiwan okay lang ako.""Okay? Eh mukha ngang malapit ka nang mahimatay," saad ni Dylan na nakatingin ng malamig sa kaniya.Napangiti si Lucille.Alam niyang maikli ang pasensya at hindi maganda ang tabas ng dila ng binata, pero kahit ganoon ay hindi mapagkakailang napakaguwapo ng lalaking ito."Ayos lang talaga ako, medyo nagugutom lang. Hypoglycemia ganoon, saka nanghihina ang mga tuhod ko.""Kaya nga halika na at kumain!"Ang ospital ay malapit sa paanan ng bundok kaya mahihirapan sila kung babalik pa sila sa Villa. Dahil doon ay humanap na lamang si Dylan ng restaurant sa malapit.Dahil liblib ang lugar ay kakaunti lamang ang tao sa restaurant at ang mga pagkain ay pawang pangkaraniwan lamang.Mababakasan na ng pagkairita ang mukha ni Dylan."Wala namang masarap na pagkain. Sandal
last updateLast Updated : 2024-11-03
Read more

Chapter Sixteen

Hindi naman nakaramdam ng lungkot si Lucille, para sa kaniya ay natural lang naman kay Dylan na samahan ang kaniyang nobya. Iyon nga lang, dahil umalis si Dylan at binabaan siya ng telepono, nangangahulugan lamang na wala itong pakialam sa kaniya. Isa lang ang ibig sabihin no'n, babalik siya sa villa ng mag-isa. Paglabas niya ng restaurant ay nagulat siya sa nakita. Ito ang unang beses na nakarating siya sa lugar na iyon at buong byahe naman ay hindi niya napansin ang daan dahil abala siya. Ngayon niya lang nakita na sobrang liblib pala ng lugar at wala man lamang siyang makita na istasyon ng bus o tren. Karaniwan sa mga taong nagpupunta dito ay may dalang sariling sasakyan kaya sa palagay niya ay wala ring Taxi na dadaan. Inilabas niya ang kaniyang telepono at sinubukang kumuha ng sasakyan online pero nadismaya lamang siya dahil walang tumatanggap at iisa lang ang dahilan, iyon ay dahil sobrang layo at liblib ng lugar na kinaroroonan niya. "Sabi ko nga maglalakad na lang ako e
last updateLast Updated : 2024-11-04
Read more

Chapter Seventeen

"Bitiwan mo nga ako! Ano ba?" Labis na nasasaktan si Lucille at halos mapaiyak na siya. Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Dylan sa kaniyang braso. "Bitawan mo sabi eh!" Pero hindi siya binitawan nito. Mali ito nang iniisip tungkol sa nangyari ngayong gabi. Walang pakialam si Dylan sa tama o mali. Labis siyang nag-alala at na-guilty sa pag-iwan kay Lucille kaya nang makita niya itong nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa isang lalaking may magarang sasakyan ay matinding galit ang naramdaman niya. Kumibot-kibot ang labi niya, nais niya sanang humingi ng paumanhin. "Ayaw kitang makausap!" Ngunit ayaw makinig ni Lucille. Matapos siyang iwanan ng binata ay ito pa ang magagalit sa kaniya? Sa anong dahilan? Patuloy siyang nagpumiglas upang makawala kay Dylan. Nang bitawan siya nito ay nahirapan siyang tumayo ng maayos at napaatras ng ilang beses dahilan para lalong sumakit ang kaniyang paa."Ah, aray!" napasigaw siya sa sakit. Nagulat si Dylan sa naging reaksyon ni Lucille. "Ano na
last updateLast Updated : 2024-11-04
Read more

Chapter Eighteen

Kalmadong tumgin si Lucille kay Dylan, "Hinihintay kong maluto 'tong noodles kasi kakain ako." Anong klaseng eksplanasyon 'yan?Naghahanap ba talaga ng away 'tong babaeng 'to?Pilit kinalma ni Dylan ang sarili, alam niyang hindi maayos ang samahan nila ngunit hindi maipagkakailang malaki ang naitulong ni Lucille sa kaniya. Malinaw na binigyan niya ito nang card at nag-withdraw ito ng dalawang daang piso, pero bakit naghahanap ito ng trabaho at noodles lang ang kakainin?"Huwag mong kainin 'yan! Anong sustansya ang makukuha mo diyan sa noodles? Bibilhan kita ng ibang pagkain." "Hindi, okay--" Pero hindi na siya pinatapos ni Dylan na magsalita at hinala sa mga pagkain para makapili. "Anong gusto mong kainin?"Malamig siyang tiningnan ni Lucille at hindi man lang nag-abalang sumagot. "Ayaw mong sumagot? Okay ako na ang pipili," masungit na saad nito. Agad itong dumampot ng salmon sushi, fresh milk at itlog sa lagayan saka dumiretso sa counter upang bayaran ang mga ito. "Oh ito a
last updateLast Updated : 2024-11-05
Read more

Chapter Nineteen

"Tama po kayo," takot na sagot ng doktor sa galit na si Dylan."Masyado pang maaga, tatlong linggo pa lang ang kaniyang pinagbubuntis. Nawalan siya ng malay dahil sa hypoglycemia na minsan eh maagang sintomas din ng pagbubuntis. Kung hindi nangyari 'yon, hindi pa natin malalaman na nagdadalang-tao siya." Dagdag paliwanag pa nito.Kunot na kunot ang noo ni Dylan at talagang hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Tumalikod si Dylan at biglang hinila ang kurtina na tumatakip sa kama ni Lucille. "Narinig mo ba lahat ng sinabi niya Lucille?| "Oo," sagot ni Lucille na hinang-hina pa ang katawan. "Ano ngayon ang plano mo?" Kalmadong tanong ni Dylan na para bang hindi siya apektado at wala siyang pakialam. "Ano--"Napahawak si Lucille sa kaniyang tiyan at sandaling natigilan. Maski siya ay hindi makapaniwala na buntis siya at hindi niya alam kung anong gagawin o sasabihin. Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip niya at halo-halo ang nararamdaman niya na para bang masusuka
last updateLast Updated : 2024-11-05
Read more

Chapter Twenty

Labis siyang natatakot sa operasyon, dalawampu't isang taong gulang pa lamang siya para pagdaanan iyon. Pero walang puso si Dylan at gustong operahan siya kaagad. Hindi ba puwedeng ipagpaliban muna pangsamantala?Hindi pa siya handa, hindi na yata siya magiging handa. Iyon nga lang ay natagalan na siya sa pagsagot at hindi na siya makahiling pa kay Dylan, alam niyang magagalit ito. "Ano?" nauubusan ng pasensyang tanong ni Dylan. Bago pa man sumagot si Lucille ay narinig niya ang isang pamilyar na boses ng isang matanda. "Lucille, Dylan, bakit narito kayo mga apo?" Nang marinig ang pamilyar na boses ay sabay na nag-angat ng tingin sina Lucille at Dylan at sabay din na nagbago ang reaksyon ng kanilang mga mukha. Sa hindi kalayuaan ay naroon si Don Arturo, ang lolo ni Dylan na nakasakay sa wheelchair at itinutulak ng isang nurse papalapit sa direksyon nila. Sa palapag kung saan gagawin ang abortion ay may iba pang mga examination department kaya hindi na nakakapagtaka kung napa
last updateLast Updated : 2024-11-05
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status