CHAPTER 50— FinaleHelliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—MATAGAL na panahon na rin yata simula noong umiyak ako ng tudo kasama ang sakit, kabog sa dibdib, kaguluhan sa isip, pag-aalala at halo halo na. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Tipong para na akong namamanhid dahil sa nakikita ko.Noong bata ako ay takot na talaga ako sa dugo, pero hindi gano'n kalala. Kapag kaunting dugo ay hindi naman ako natatakot. Natatakot ako hindi dahil sa parang trauma, natatakot ako rito dahil noong nasugat ako ng malaki ay nagdugo ito at subrang sakit sa pakiramdam. Iniisip ko noon na paano na kaya ang malaking sugat? Baka subrang sakit na. Pero 'yong ganitong nakikita ko ngayon, na halos panligo na ang dugo ay hindi ko kayang tignan.Napasigaw ako at agad na lumapit sa kinaruruunan ni Ashray. Panay ang kalabog ng puso ko at pagtulo ng luha. Ako na mismo ang naghila sa mga first aid kit at pinaalis ang mga paharang harang na nanunuod lang. Hindi ko mapigilang nagalit dahil
Last Updated : 2024-11-03 Read more