“Wala naman, anong sabi ng doktor?” tanong ng kakambal ko na tila kabado.“Migraine lang, kaya wala kang dapat na alalahanin.” Nakita ko kung paano lumuwag ang kanyang paghinga ng sabihin ko iyon. “Isa pa, lagi naman akong sinasamahan ni Sandro kaya wala ka talagang dapat na ipag-alala.”“Ayan Marco, makakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong may tumitingin na sa kakambal ko.” Sabi ni Ashlyn sabay tingin kay Marco na nakatingin naman sa akin.“Wala kang trabaho?” tanong ni Marco sa ngayon ay katabi ko na ring si Sandro.“Meron, pero hawak ko ang oras ko. I’m a lawyer.”“Lawyer ka?” bulalas na tanong ni Ashlyn. So, hindi niya alam ang profession talaga ni Sandro kagaya ng sinabi sa akin ng lalaki.“Oo.” Simpleng tugon ni Sandro.“Wait lang at kukuha ako ng mamimiryenda natin.” Tumayo ang kakambal ko at nagsimula ng lumakad papunta sa kitchen.“Ah, saan ang restroom niyo?” tanong naman ni Sandro. Itinuro ni Marco kung saan at umalis na rin ang lalaki kaya naiwan na kaming dalawa ng la
Last Updated : 2024-11-05 Read more