Palambing naman po ng like, comment, gem votes at rate. Maraming salamat.
Ashley“Hmm… ang bango bango mo sweetheart.” ang sabi ni Marco habang sige ang pagsimsim niya sa aking leeg habang sarap na sarap naman ako. Feel na feel ko ang ginagawa niya habang gumagapang ang kanyang mga kamay sa aking katawan lalo na sa aking mga dibdib. Ang mga maliliit na koronang nasa tuktok ay marahan din niyang nilalaro na nagbibigay ng ibayong ligaya sa akin lalo na kung medyo ipi-flick niya iyon. “I miss you so much sweetheart, sana huwag ka ng aalis ng ganon katagal.” Ang sabi pa niya sabay tingin sa akin. Sinalubong ko naman ang kanyang mga mata at tsaka nakangiting sinabi “I just buy some groceries Marco,” lagi na lang siyang ganyan. Kapag nasa bahay ito ay hindi ako pwedeng umalis. Ang gusto niya ay lagi niya akong nakikita at ganun din naman ako.“Kahit na, let the maids do it instead.” Ang sagot niyang akala mo ay bata sa pagmamaktol. Nasa office niya kami. Isa iyong spare room sa bahay at ginawa niyang office dahil dati ay madalas siyang mag-uwi ng trabaho. Isa pa
Simula ng lahat....AshleyAko si Ashley Ruiz. Isa akong kerida, kabit, mistress at kung ano ano pang tawag sa taong karelasyon ng isang taong may asawa na. Ang tanging pinag-iba ko sa kanila ay mas malala ako sa kanila dahil sarili kong kapatid ang inaahas ko. Hindi lang basta kapatid, kung hindi sarili kong kakambal. Nagsimula ang lahat ng idilat ko ang aking mga mata mula sa pagka comatose matapos maaksidente ang sinasakyan ko kasama ang aking mga magulang at ang aking kakambal na si Ashlyn. Mukha agad niya ang natunghayan ko at kahit na wala akong maalala ay sobrang gaan agad ng loob ko sa kanya. Ramdam ko ang pagmamahal at worry niya for me at ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi ay naghatid din sa akin ng kakaibang ligaya. Naisip ko na sobra ko siyang pinag-alala dahil mukha din itong walang tulog.“Are you feeling okay?” ang tanong niya. Pinakiramdaman kong mabuti ang aking sarili bago sumagot. Medyo masakit pa ang aking katawan ngunit ayaw kong makita ang pag-a
Ashley“Hey sis.” ang bati sa akin ni Ashlyn. Napaka masayahin nito at napakabait. Nasa penthouse na ako at nakikitira sa kanila. Napansin ko na parang hindi ako tanggap ni Marco sa kanila, ngunit ikinibit balikat ko na lang since ang kakambal ko naman ang importante sa akin. Sinikap ko na lang na makatulong sa mga gawaing bahay para hindi naman ako magmukhang pabigat.Araw araw na nakikita ko ang lalaki ay hindi ko mapigilan ang humanga sa kanya kahit na napakasungit nito sa akin kapag hindi nakatingin ang kakambal ko. Hindi naman ako batang paslit para magsumbong dahil ayaw ko rin naman na mag away pa sila ng dahil sa akin. Kapag nagkataon ay magkakaroon ng dahilan ang pagiging masungit nito.“Hey, good morning.” ang bati ko rin naman. Umaga at kasalukuyan siyang nasa kitchen. Natanghali ako ng gising kaya naman ready na ang breakfast pag labas ko. Si Marco ay nakaupo na at ready to dig in na rin.“Take your seat and let’s eat.” ang masayang sabi ni Ashlyn. Wala akong matandaan abou
WARNING!!! MATURE CONTENT!!!AshleyAnong nangyayari? Bakit niya ginagawa ang ganito? “Marco,” ang sabi ko ng bahagyang maghiwalay ang aming mga labi para sumagap ng hangin kaya naman marahan ko rin siyang itinulak palayo. Hindi siya nagsalita at muling sinakop ang aking bibig. Litong lito ako, hindi ko alam kung tutugunin ko ba siya or hindi dahil naiisip ko ang kakambal ko.Sige pa rin sa ginagawa niyang paghalik sa akin si Marco at inaamin ko, konti na lang at bibigay na ako. Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako dahil sa bait ni Ashlyn ay ginagawa ko ang bagay na ito. Dapat ay itulak ko siya, tama, ganun nga. Pero kahit na anong pagtulak ko ay hindi ko siya mailayo sa akin. Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang habang idinidiin niya ang ibabang bahagi ng kanyang katawan sa akin kaya naman ramdam na ramdam ko ang tigas ng kanyang pagkalalaki.Hindi pa rin ako tumigil at sige pa rin ang ginawa kong pagtulak sa kanya ngunit hinawakan niya ako sa magkabilang puls
Kasalukuyan...AshleyIyon ang naging simula nang aming kataksilan sa iisang babaeng pareho naming mahal. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nagi guilty din si Marco. Maaaring pinaglabanan nya ng husto ang nararamdaman niya para sa akin, kaya mas pinili niya ang magalit kapag kaharap ako.Hindi sa sinisisi ko ang aking kakambal, pero ang lagi niyang pagkawala ay nagbigay ng pagkakataon sa amin ni Marco. Pakiramdam ko ay hindi rin kayang iwan ng bayaw ko ang kakambal ko dahil nga sa sobrang bait nito. Hindi ko mapigilan ang masaktan kapag naghahalikan sila sa harapan ko. Yes, hindi pwedeng tumanggi si Marco kung ayaw niyang makatunog sa amin si Ashlyn. Kaya naman mas pinili kong manatili na lang sa aking silid kapag pareho silang nasa penthouse, at ngayon nga ay sa bahay na nila.After ng first time namin ni Marco ay nagdesisyon akong maghanap ng trabaho. Pero pinigilan niya ako dahil mas gusto niya na nasa bahay lang ako kaya nag isip ako na mag freelancing job na lang. At ngayon n
WARNING!! WITH MATURE CONTENT!!AshleyKinaumagahan na naka alis si Ashlyn. Gusto daw niyang masiguro na okay ako at na talagang magpapacheck up nga ako. Sinamahan niya ako hanggang hospital at dinala na sa doktor bago ako iniwan. Natural ay binigyan na naman ako ng gamot na kailangang inumin kahit na okay naman ang lahat ng laboratory ko.Nakakasawa na rin ang mga iniinom kong gamot dahil pakiramdam ko ay hindi naman iyon umeepekto. Minsan ay tinanong ko si Ashlyn tungkol dito, dahil kahit siya ay nagte-take din noon. Ang sabi niya ay nagkakaroon naman siya ng improvement dahil parang manaka naka ay mga alaalang nagpa-flash sa utak niya. Siguro daw kaya hindi ko maramdaman ang epekto ay dahil mas grabe ang tinamo ko mula sa aksidente kumpara sa kanya. Matagal din akong comatose kaya naman pinaniwalaan ko na lang siya.Magtatanghalian na ng matapos ako ng check up kaya naman diretso na ako sa isang fast food chain. Gutom na rin ako kaya hindi na ako namili ng makakainan. Ang sabi ni As
MarcoHindi ko akalain na magagawa kong lokohin ang aking asawa. Mahal na mahal ko siya at alam ko yon sa aking sarili. Nang mangyari ang aksidente ay parang gumuho ang aking mundo. Natatandaan kong mabilis akong pumunta sa ospital at hinanap siya. Nilukob ako ng sobrang takot ng malaman kong wala itong malay at hindi sigurado kung kailan magigising. Lumipas ang ilang araw at nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong isa sa kambal ang nagising na at iyon nga ay walang iba kung hindi ang aking asawa. Noong una ay hindi nila malaman lung sino ang sino. Kasama kasi niya sa aksidente ang kanyang kakambal na si Ashley at mga magulang nila na hindi na rin nakaligtas.Magkamukhang magkamukha silang magkakambal at aaminin ko na kahit ako ay nalilito. Pero ng makita ko ang suot na sing sing ng isa sa kanila ay kinilala ko ito bilang aking asawa.Masaya akong malaman na nagising siya. Yun nga lang ay wala itong maalala. Pero okay lang naman sa akin. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari kaya
Marco“How's your trip?” Ang tanong ko sa aking asawa. Nasa aming silid kami at kakarating lang niya. Kasalukuyan akong nakasandal sa kama at nagbabasa ng pumasok ito. “Maayos naman. Sobrang ganda ng lugar at bagay na bagay sa mga scenes para sa teleseryeng gagawin namin.” Ang sagot niyang ngiting ngiti habang naghuhubad sa aking harapan. Hindi ko iniaalis ang aking paningin sa kanya kaya naman nagtataka ako kung bakit wala man lang akong maramdamang kahit na katiting na libog rito. Nagulat na lang ako ng bigla ito ulit magsalita dahil hindi ko na namalayan na lumilipad na naman ang aking isipan sa aking kasalanan sa kanya. “Yang tingin mo, pagod pa ako kaya magpapahinga na muna ako.”“Bakit, paano ba ako makatingin?” Ang curious kong tanong. “Na akala mo ay isang taon kang hindi nakakita ng hubad na katawan ng babae.” Ang mapang akit niyang sagot. I chuckled bago ko inilapag ang librong binabasa ko sa bedside table. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging tingin niya sa kinikilos
Author's Note: Reminder ko po, original names na po nila ang gamit sa POV dahil nagbalik na ang alaala ng tunay na Ashlyn na dating si Ashley.AshleyNakuhanan na ako ng dugo at lumabas na rin ang result. Hinihintay na lang namin ang doktora na tumingin sa akin. “Magiging okay lang ho kaya siya, dok?” tanong ni Marco habang hawak hawak ang aking kamay.“Kung gusto niyong makasiguro since malapit na rin ang due ni Mommy ay pwede niyo naman na po siyang ipa-admit. Kung dito po siya nagpapacheck at nandito ang doktor niya ay pwede po namin siyang i-inform about it,” sabi ng doktor.Tumingin ang doktora sa akin kaya naman bahagya akong ngumiwi para naman hindi niya mahalatang umaarte lang ako.“Siguro po ay mas maigi ng ma-admit siya para masiguro ang kaligtasan nila ni baby lalo at madalas sumakit ang tiyan ni mommy.”“Do what you think is necessary, doc.” Halatang halata ang concern sa tinig ni Marco kaya naman puspos ako ng kaligayahan ng mga oras na ‘yon.“Okay po,” tugon ng doktor b
Ashley“Uminom ka ba ng gamot mo? I’m sure binigyan ka ng doktor mo,” nag-aalala kong tanong pero hindi dahil sa kalagayan niya kung hindi dahil baka natuklasan na niyang peke ang gamot na pinapainom ko sa kanya.“Oo, binigyan ako ng doktor ko ng gamot. Sinasabay ko sa gamot natin at si Sandro ang madalas na mag-remind sa akin.” Nakahinga ako ng maluwag matapos niyang sumagot. Napangiti ako sa kanya at nilapitan pa siya lalo at nakita ko si Marco na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Hawak pa rin niya ang kanyang ulo at tila nasasaktan talaga siya dahil na rin sa luhang tumutulo na mula sa kanyang mga mata. Alam kong nag-aalala na si Marco kaya kailangan kong magdahilan.“Ah!” sabi ko. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte sabay hawak sa aking tiyan. Nakita ko ng yapusin ni Sandro ang kambal ko habang mabilis na lumapit naman sa akin si Marco.“May masakit ba?” nag-aalala niyang tanong.“Masakit ang tiyan ko, manganganak na yata ako..” sabi ko kahit na alam kong hindi pa naman. Hindi na ma
“Wala naman, anong sabi ng doktor?” tanong ng kakambal ko na tila kabado.“Migraine lang, kaya wala kang dapat na alalahanin.” Nakita ko kung paano lumuwag ang kanyang paghinga ng sabihin ko iyon. “Isa pa, lagi naman akong sinasamahan ni Sandro kaya wala ka talagang dapat na ipag-alala.”“Ayan Marco, makakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong may tumitingin na sa kakambal ko.” Sabi ni Ashlyn sabay tingin kay Marco na nakatingin naman sa akin.“Wala kang trabaho?” tanong ni Marco sa ngayon ay katabi ko na ring si Sandro.“Meron, pero hawak ko ang oras ko. I’m a lawyer.”“Lawyer ka?” bulalas na tanong ni Ashlyn. So, hindi niya alam ang profession talaga ni Sandro kagaya ng sinabi sa akin ng lalaki.“Oo.” Simpleng tugon ni Sandro.“Wait lang at kukuha ako ng mamimiryenda natin.” Tumayo ang kakambal ko at nagsimula ng lumakad papunta sa kitchen.“Ah, saan ang restroom niyo?” tanong naman ni Sandro. Itinuro ni Marco kung saan at umalis na rin ang lalaki kaya naiwan na kaming dalawa ng la
AshleyIlang linggo pa ang lumipas at nagiging panay panay na rin ang pagdaloy ng mga alaala kong ayaw kong tanggapin. Dahil sa mga nalaman ko at sa mga alaalang patuloy na nagpa-flash sa aking isipan ay unti-unti kong nare-realize ang katotohanang napakasakit para sa akin.“Okay ka lang ba, Ash?” tanong ni Sandro. Napatingin ako sa kanya, naisip ko na ang kakambal ko talaga ang siyang Ash na tinutukoy niya na nagkaroon siya ng friends with benefits status. Gusto kong sabihin sa kanya iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka naman hindi pa talaga nakakaalala ang kakambal ko, kagaya ng sinabi ni Dr. Encinares ay suppressant ang laman ng botelya ng gamot na pareho naming tine-take. Paano kung biktima rin lang pala siya non.“Oo naman, bakit mo naitanong?”“Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh.”“May mga plot kasi na pumapasok sa isipan ko at alam mo na, bilang writer, nagsisimula na akong isulat din iyon sa isip ko.” Natawa siya dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko na rin. “Puro
AshleyNang umalis si Marco ay hindi na rin ako natahimik. Habang sige ang pagtawag niya sa akin ng Sweetheart ay paulit ulit na nagpa-flash sa isipan ko ang kanyang nakangiting mukha at tumatawag ng “sweet”.Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil litong lito na rin ako. Bakit ko nakikita ang mga bagay na ‘yon? Hindi na ako lumabas ng aking silid hanggang sa gumabi at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nakatulugan ko na rin ang hapunan at maagang maaga nagising ng kasunod na araw. Tumingin ako sa salamin at nakita kong medyo maga ang aking mga mata dala ng pag-iyak. Tinapik ko ang aking magkabilang pisngi bago bumuga ng hangin at tsaka ako lumabas ng aking silid para magsimula ng aking araw.Lumipas pa ang mga araw na ni hindi na rin nag text or tumawag si Marco. Nalungkot ako at patuloy na nasaktan ngunit pinilit kong kayanin. Salamat sa presensya ni Sandro na patuloy na nagpapatawa at nagpapagaan ng aking kalooban. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at sa paglipas din ng mga araw ay may mga pag
Ashlyn“Buwisit!!!” sigaw ko sabay bato ng aking cellphone.“Bwisit ka Marco!!” tili ko pa. Nasa aming silid ako at dahil late na ay gusto kong i-check kung nasaan siya at baka kasama na naman niya ang kambal ko. Pero ano ito? Sinigawan niya ako!Unang beses iyon na ginawa ni Marco na may kasamang bad words. Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Anong nangyari at mukhang mainit ang kanyang ulo? Nanggaling ba siya sa kakambal ko? Nagkausap ba sila? Nagselos na naman ba siya kay Sandro at sa akin niya ibinunton ang kanyang galit? Peste talaga ang kakambal ko na ‘yon. Kahit kailan ay tinik siya sa kaligayahan ko.Mamatay ka na, mamatay ka na Ashlyn! Kahit na pinagpalit ko na ang ating kalagayan ay ikaw pa rin, ikaw pa rin ang pinipili ni Marco! Lahat na ginawa ko para tuluyan ng maging akin ang asawa mo, pero talagang hindi mo ako pinatatahimik! Oo, ako ang tunay na Ashley at ang kakambal ko ang tunay na Ashlyn na siyang tunay na asawa ni Marco.Kinalma ko ang aking sarili bago ko kinuha ang aki
MarcoPagka-uwi namin ni Ashlyn galing sa hospital ay hinayaan ko na siyang magpahinga. Si Ashley ang gusto kong dalhin sa doktor para ma-check-up dahil sa sakit niya ngunit hindi iyon ang nangyari.Sobra ang naging pag-aalala ko ng malaman kong nilagnat siya. Halos magdamag ay magkasama kami at halos magpakasawa din ako sa pag-angkin sa kanya. Pero sa isang text lang ni Ashlyn ay nagawa ko siyang iwanan. I feel guilty, dahil alam kong nasasaktan din siya.Tapos merong Sandro na nagbibigay sa kanya ng atensyon na dapat ay sa akin nanggaling. May palagay akong alam ng lalaking iyon ang nangyayari sa amin ni Ashley at sigurado din akong sinusulsulan na niya ang mahal ko para makipaghiwalay sa akin.Ilang araw na kaming hindi nagkikita at dahil sa guilty ako ay hindi ko rin magawang tawagan siya. Ang gusto ko ay makausap siya ng personal kaya naman agad akong pumunta sa condo niya ng makakuha ako ng pagkakataon.Ngunit hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang iyon sa bibig niya
Ashley“Buntis?” takang tanong niya.“Do you know her?” tanong ko. Kasi parang kilalang kilala niya ang kakambal ko. “She’s married so natural lang naman na mabuntis siya, right?” dagdag ko pa.“I see, I just couldn’t believe it. Maybe prayer did help her.”“What do you mean?” Na-curious na ako sa mga sinasabi niya at gusto ko pa siyang kausapin.“Anyway, may pasyente pa akong kailangan na puntahan.” Iyon lang at tinalikuran na niya ako. Gusto ko siyang habulin at kausapin pa, bigla kasing parang kinabahan ako na ewan. Pakiramdam ko ay may malalaman akong importante kung magkakausap pa kami. Ngunit wala akong nagawa kung hindi ang sundan lang siya ng tingin.Ako naman ay nagpatuloy na lang din sa paglalakad papunta sa Neurology Department. Mas importante na unahin ko ang sarili kong kalagayan sa ngayon kaysa ang iba.“Ms. Ruiz,” tawag ng nurse kaya naman lumapit ako sa kanya at iginiya ako papasok sa isang silid. Umabot ako sa palistahan at may cut off pala ng lunch time. Meron namang
AshleyHindi ko na ipinaalam pa kay Ashlyn ang desisyon kong magpa-check up dahil malayo naman na kami sa isa’t-isa. Alam ko naman rin na ang pag galing ko ang tangi rin niyang hiling kaya wala akong nakikitang masama kahit na hindi ko pa iyon ipaalam sa kanya.Matagal ko na rin sinabi sa kanya na hindi ako naniniwala na umeepekto sa akin ang niresetang gamot ng aming doktor ngunit kagaya nga ng sinabi niya ay nakakaranas na siya ng mangilan ngilang pagbalik ng kanyang alaala.Nang kasunod na araw ay maaga akong gumising upang ipaghanda ang sarili ko ng breakfast at idinamay ko na syempre si Sandro just in case na magpunta siya. Ayaw ko naman na siya na lang lagi ang paglutuin ko at nakakahiya naman.Hindi nga ako nagkamali dahil mga bandang 8 am ay dumating ang lalaki. “Wow, nakaluto na ah!”Ngumiti ako sa kanya at itinuro ang upuang katapat ng sa akin para sabay na kaming mag-almusal. Bihis na bihis ito at mukhang may pupuntahang importante.“May meeting ka?” tanong ko.“Sort of. Nag