CHAPTER 25.2 Nang nasa loob na siya ng kaniyang kuwarto ay magkahalong emosyon ang bumalot sa kaniyang buong katawan. Dahil iyon sa relasyon na mayroon silang dalawa ni David, sa kaniyang pagbubuntis, sa pagbabago ni Harris na sobrang hindi kapani-paniwala, at ang mga problema niya dating hindi niya alam kung masusulusyunan pa. “Ang dami ko na talagang problema sa buhay!” giit niya. Kumuha siya ng isang libro. Natapos na kasi niyang sabihin ang nabasa noon. Uupo na sana si Charlaine ay naipikit na lamang niya ang kaniyang mga mata nang kumatok si Harris. Napahawak siya sa kaniyang tiyan. Nagdalawang-isip din siyang pagbuksan ba ito. “Wait,” sambit niya. Napansin ni Charlaine na hindi sumigaw si Harris. Kung nagbago ito, kailangan niyang hintayin muna kung ano ang magiging reaksyon nito. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ay hindi siya agad nagbukas ng pintuan. Muling kumatok si Harris. Hindi pa rin siya nagbukas. “Charlaine, may ibibigay lang ako sa ‘yo.” Mahinahon ang
Last Updated : 2025-01-05 Read more