CHAPTER 57INAKALA ni Charlaine na aabutin pa ng maraming taon bago siya muling makabalik sa kaniyang asyenda. Ngunit hindi na siya nagdalawang-isip pa na puntahan ang asyenda. At ngayon, nasa harapan na niya ito. “Mom, ano pong gagawin natin dito?” tanong ni Yuhan. Nakadungaw ito sa malaking pintuan ng gate. Magkahalo ang emosayong naramdaman ni Charlaine dahil sa dahilan ng kanilang pagpunta dito. “Dito muna tayo for the rest of the day,” paliwanag niyang hindi alam kung hanggang kailan ang sinabi niyang the rest of the day. “Maganda po ba dito?” tanong ulit nito. Isa sa kaya niyang ipagmalaki ay ang kagandahan talaga ng kaniyang asyenda. Lumingon siya sa kaniyang anak. “Sobrang ganda nito anak. Actually, pagmamay-ari ito ng mommy. And in the future, ikaw na rin ang magmamay-ari nito.” Masaya si Charlaine habang sinabi niya iyon. Humigpit ang paghawak ni Yuhan sa kaniyang kamay. “Talaga po?”
Last Updated : 2025-03-08 Read more