May sampong minuto ng nakakaalis ang matangkad na lalaking nagdala sa kanila sa hospital pero tulala pa rin si Erika. Shock pa rin siya sa nagyari. Kelan pa ba ang huling nagpanic siya ng ganito, aah matagal na matagal na. Napaluha si Erika, lahat ng paraan ginawa niya noon para maiwasan ito pero naulit na naman. Dalawang taon si Dos ng una itong mangyari.Kapos na kapos sila noon dahil hirap na hirap siyang magtrabaho at parang may takot siya a mga tao. Hindi niya kayang umuwi. Wala siyang mukhang iuuwi .Wala na nga isyang balita mula ng magkaroon ng matinding baha sa lugar nila. Wala naman siyang mapagtanungan lalong wala namang mahiraman ng pero para sana makauwi.Sa murang edad ni Dos noon ay kasa kasama na niya ito maglako ng basahan, walis tambo, kaldero at kung ano ano pa. Inilalako niya iyon tapos komisyun pa ang kita. Sa totoo lang ang halagang isang daan ay pinagkakasya nila buong araw kasama na ang gatas noon ni Dos. Bukod pa doon sa murang edad at isipan nito ay mulat si D
Read more