Share

Chapter 2

Pero ang ngiti at kembot ni Dos ay hindi ata kaya ni Erika na sirain. Ang sayang nakikita niya kay Dos ay parang punyal na nakatarak sa dibdib niya na kahit masakit na, kahit halos ikamatay niya ay hindi niya kayang mawala. Gutong pumatak ng luha ni Erika pero pinigil niya.

Ayaw niyang sirain ang moment na yun. Aalis lang dapat siya at dadalo sa pagpupulong ng mga samahan ng magkakapit bahay. Ayon kase kay manang Fe ay may bago na raw nagmamay ari ng lupa kung saan sila nakatirik. May laban ang ibang mga meyembro ng samahan dahil may right silang hawak at ang iba pa nga ay na award na daw sa kanila ang lupa.

Matagal ng uspaan ang issue ng government o private property ang lugar. Parang ang nagiging issue ata ay karamihan na nagbayad ng reservation dati at rights dati na tag sasampong libo ay scam lamang. Walang kahit anong kasulatan si Erika, mapa rights o kahit kapirasong kasulatan na may pahintulot siyang manirahan doon.

Kaya siya dadalo sa pagpupulong ay dahil una makiki update siya at makikisama sa pakikipaglaban ng iba. Kapag nga naman napakiusapan ang may ari kapang nga naman nakipag deal ang may ari ay baka madamay sila. Baka itigil ang developing ng lugar at pati ang kinatitirikan ng barong barong nila ay maabsuwelto.

“Aah Dos, may pupuntahan lang ang nanay ha, may meeting kami nila manang Fe. Makipaglaro ka muna kina Petong ha malamang naman naroon din ang mga yun” sabi na lamang ni Erika para malimutan ng bata ang tungkol sa bubuyog na palaging kumakaway.

“Naman Mommy eh? Scam ka naman eh. Bakit mo ba ako pinagbihis kung makikipag tumbang preso lang pala ako kay Petong. Scammer ka mommy” sabi ni Dos. “Anong scammer kelan kita hiningian ng pera aber?” natatawang sabi ni Erika naiiling sa mga salitang natototonan ni Dos sa Tv.

“Scam Mommy di mo alam? Yung pinangakuan ka tapos di tinupad. Sabi noong nagla live selling sa pinapanood mo diba maraming nagma mine daw tapos di naman pala manloloko lang pala scam lang pala ganun yun “ paliwanang ni Dos na may pa taas taas pa ng kamay na akala mo abogado.

“Oo na sige na scam na kung scam basta ako ang pinakamagandang scammer” sabi ni Erika para matapos na. Alam niyang hindi siya uubra sa kabibuhan ng anak. Mana ata ito sa ama kase siya ay puro palakol ang grado noon sa secondarya.

Meron pa nga bastos na 69 eh, nahabol lang ng padalhan ng Inang kalahating sakong bigas ang kanyang maestra kaya pagkuha niya ng grado naging dobleng palakol bigla. Ganun din ang nangyari sa isa pang subject niya binilhan ng Inang niya ng peanut brittle at longanisa si Teacher niya kaya ayon naging paboritong numero naman sa bingo ang grado niya nubenta. Lulugo lugo ang anak ng hawakan niya palabas ng bahay nila hindi na ito nang abalang magsapatos dahil maglalaro lamang naman daw pala ng tumbang preso. Natutukso na siyang halikan ito sa matambok na pisnge at sabinan na "smile na magbibida ang saya na tayo" Ang kaso wala siyang pera pa sa ganun.

Ang isang kainan sa fast food na yun ay katumbas na ng isang kilong bigas at ulam nila sa dalawang araw. Walang siyang kita kagabi dahil tulad ng mga nakaraang gabi at mga gabi pang lumipas, ang prinsipyo niya ang kanyang pinairal. Kung numan ang pera dumaan sa kamay niya ay agad na kinukuha ng may ari para sa utang na hindi malaman ni Erika kung kelan nga ba matatapos.

Ang buhay niya ay parang tournament laban lamang ng laban pero hind niya alam kung kelan ang champion ship. Pagdating nila sa may bungad ng lugar kung saan naroon ang luma at pagiba ng chapel ay binitiwan na niya si Dos.

Nagbilin lang siya sa anak na huwag lumayo at dapat doon lamang sila sa nakikita niya, Tumango ang anak at sumaludo pa na parang ginagaya si Iron man. Pumasok si Erika sa loob, pero dalawang hakbang pa lamang siya ay para ng pinapaso ang lahat ng bahagi ng katawan niya sa matatalim at mapang husgang tingin ng lahat ng lumingon pag dating niya.

Nagtataka si Erika, maayos naman ang suot niya, nakapajama naman siya na may print na kitten oo nga at sleeveless ang suot niya pero hindi naman mahalay dahil may suot naman siyang bra. Hindi na niya kasalanan kung nangunguna sa parada ng paglalakas niya ang dibdib niyang inalayan ng itlog ng nanay niya para maging kasing alindog ng bundok ng hibok hibok.

“Saka Kasalanan ba niyang kapag naglalakad siya ay pati ang mga nanahimik na langgam ay napapapalakpak sa indayog ng balakang niyang kusang nagleleft and right?

"Kasalanan ba niyang sumasayaw sa maalinsangang hangin ang unat na unat niyang buhok na kahit hindi plansahin ay straight dahil alagang creamsilk? Kalasalan ba niyang maging dalagang ina pero mukhang kakadebut lang ang hitsura? Kasalanan ba niyang maging maganda” muni muni ni Erika na naupo na sa pinakalikod na bahagi ng silya.

Kung tutuusin ay ayaw niya ng mga ganitong eksena, mga pulong na alam naman niyang pagpipiyestahan siya ng mga marites pero kailangan nila ng matitirahan ni Dos. Bilang mabuti naman ang pakikisama sa kanila ni Manang Fe at mura ang renta ay kailangan niyang s******p dit at supportahan ito. Samantala...Inis naman si Tyler habang nagmamadali. Dahil kase sa sinabi ng kanyang sekretarya na kanina pa daw tawag ng tawag si Attorney Santos ay kanda ugaga siyang naligo at heto at hals sa kanyang sasaktan na nagaayos ng polo. Nangkakanda lubak lubak na si Tyler sa kakamadali. Wala ng humps humps sa kanya makarating lamang agad sa pupuntahan. Kaya ng marating niya ang lugar na sinasabing pagdadausan ng pulong ay paharabas niyang ipinarada ang sasakyan niya. Nang mga sandaling iyon ay patakbo naman si Dos para damputin ang pato ni Petong na naibato nito ng malakas. Saktong pagdampot ni Dos ng pato ay siya namang pagharabas dating niTyler na mabilisan sanang magpa park. Nagulat ang bata at napasigaw saka napasadsad ng upo sa semento.

"Oh, what the F*ck..!" malakas na sabi ni Tyler ng makitang may nabuwal na bata sa harap ng bumper niya. Pagminamalas naman talaga. Kasalanan ni Attorney ito. kasalana nng mga lintek na old tennats ito' bubulong bulong na sabi in Tyler na bumuntunghininga muna bago nagbukas ng pinto ng kotse niya.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status