Share

Chapter 6

Isinakay ng tricycle ni Erika ang anak matapos mapirmahan ang waver. Bagamat hind na nagdurugo ang ilong ni Dos ay iningatan pa rin niyang ma stress ang bata. Pinahinto niya ang tricycle sa tapat ng isang fast food kung saan alam niyang kapag bumili siya doon ay ikangingiti ni Dos. Burger, French fries, spaghetti at ice cream ang ilang sa alam niyang ikasasaya ng anak at hindi nga siya nagkamali.

Pag abot pa lamang niya ng ice cream kay Dos at isang brown paper bag na may nakaprint na pulang bubuyog na naka smile ay ganun din kalapad ang ngiti ng anak niya. Napapaiyak si Erika sa napakasimpleng kaligayahan ng kanyang anak. Sa pagkain ganito lamang ay pawi na ang lahat ng hirap ng katawan na pinagdaanan nito.

 

“Wow mommy, wow! Thank you po. Mommy bakit ang bait nyo sa akin ngayon mommy dahil po ba nasa hospital na naman ako?” tanong ng anak.

 

“Bakit mo naman nasabi yan Dos? hindi ba mabait si Mommy palagi? Witch ba si mommy tulad ni Maleficent” sakay ni Erika sa daldal ng anak.

 

Parang balewala kay Dos ang pinagdaan. Nang magkamalay ito ay parang hindi galing sa panginginig at sa pamumutla. Agad itong nagdaldal at nag usisa. Tinanong pa nga agad siya kung nagbayad daw yung poging pulis. Umuo na lamang siya para hindi na magusisa pa at sinabi niyang ibinayad na nila sa hospital.

 

“Ay sayang” sabi pa nga ng anak niya. "Pera na nawala pa” dagdag pa nito. Sa batang isip kase ni Dos ay mulat ito sa kahirapan nila at sa lahat ng pinagdadaanan nila. Sa daldal at talino ni Dos ay hindi ka makakapaglihim dito. Sakay ng tricycle ay inuwi na nga ni Erika ang anak saka maagang pinagpahinga. Pati siya ay hindi na nagawang umalis at maghanap buhay dahil binantayan muna niya si Dos.

 

Matapos linisan at palitan ng damit ang anak ay pinagpahinga na muna niya ito sa kuwarto nila. Ang kagandahan sa anak niyang si Dos ay masunurin ito at napakabait na bata. Nagtungo si Erika sa lamesa sa makipot nilang kusina saka nagtimpla na lamang ng kape. Malamang magiging kape na naman lang ang almusal pati hapunan niya dahil malawakang pagtitipid na naman ang kasunod nito lalo pa at mga ilang araw na naman siyang aantabay sa kalagayan ng anak.

 

Panalangin ni Erika na sana sa kabila ng katotohanang hindi na nila mababago pa ay maging okay sana ang kalagayan ni Dos sa paglipas ng ilang araw tulad ng mga nakaraan. Bitbit ang tasa ng kape ay nagtungo sa Erika sa altar at kinuha ang isang kulay violet na lumang notebook na may desenyo ng puso at bulaklak. Notebook iyon ng kapatid niya doon niya nabasa ang lahat lahat kaya ang unang delubyo ng buhay niya ay doon niya rin isinulat hanggang sa magtuloy tuloy na. Halos maubos na nga ang pahina.

 

Hinila ni Erika ang upuna sa lamesa ng makablaik siya at komportableng umupo. Sa tuwing mabigat na ang lahat, tuwing hind na niya kaya ang sakit at sa tuwing paa na siyang sasabog ay nagsusulat si Erika sa notebook na ito. Parang diary yun nga lamang sa isang mumurahn notebook lamang.

>

September 11:05 pm

Dearest ate,

Kamusta ka dyan? ang daya mo ngayon mukhang nakalimot ka atang magbantay. Ang usapan natin babantayan mo hindi ba? Nasaan ka? Bakit nangyari ito? kaalanan mo ito. Natatakot na ako. Takot na takot na ako. Sana matapos na ito. Ang daya mo simulat simula ang daya daya mo. Pero ang tapang ng Dos natin ngayon hah, mas matapang na siya ngayon kesa sa Dos noon. Hindi na siya umiyak ngayon ng makakita ng dugo. Hindi tulad dati na mas nataranta pa ako sa iyak niya kesa sa pagdurugo ng ilong niya.

Kaso mas malala ngayon ate, noon nagdurugo lang pero ngayon nangisay si Dos at nawalan ng malay.

Natatakot ako....please ituro mo sa akin ang dapat gawin. Tulungan mo akong maging malakas para kay Dos. Hindi ko kakayanin kung may mangyayaing masama kay Dos. Hindi ko kayang mawala si Dos. Madaya ka tumakas ka. Ano ng gagawin ko….. Ano ng gagawin ko.

 

Pumatak ang luha ni Erika sa pahina ng notebook na sinusulatan kaya itinigil na niya at tiniklop na muna saka siya yumuko at tinakpan ang bibig at tahimik na umiyak. Hindi niya gustong makita ni Dos na hindi pa siya okay. Ayaw niyang marinig ni Dos na umiiyak pa siya. Ang pagod at stress ng pagaalala at takot kanina ay nagpagupo ng lakas ni Erika kaya matapos ang tahimik na pagluha ay nakaidlip na ito sa lamesa kahit ala una lamang ng tanghali.

 

Samantala…

 

“A-Ano? They what?” takang tanong ni Tyler sa doctor.

Medyo naantala kase ang pagbabalik niya sa hospital dahil sa pinuntahan pa niya ang presidente at hinanap. Pagbalik kase ni Tyler sa kapilya ay walang katao- tao. Sinubukan niyang magtanong- tanong sa mga bata at bahay na malapit sa paligid ng kapilya kung saan ang bahay ng Presidente ng HOA. Kailangan na kase nilang magkapagusap dahil naaantala ang project nila.

 

Itinuro naman ng ilang residente ang bahay kaya nakausap din niya pero mahirap na daw likumin ang mga miyembro dahil may mga trabaho ang iba kaya napagkasunduan na e re-sched na lang ang pulong itong darating na weekend. Sumangayon na lamang si Tyler kahit pa nga may lakad siya ng sabadong iyon.

Sinabi na lamang ng binata na umaga sana gawin para magawa pa niya ang ibang lakad niya.

 

"Yes Mr. De Dios pumirma po ng waver si Mrs. Bernal na ilalabas na niya ang anak niya' sabi ng doctor na inabutan ni Tyler.

 

“But why? sinabi nyo ba doc na sagot ko naman ang lahat?” tanong ulit niya.

“Yes Mr. De Dios but she insisted. Alam na daw niya ang sakit ng anak niya at uuwi na daw sila. Pagdating sa ganyan na pasyente na po ang unwilling po wala na kaming magagawa” Sabi ng Doctor.

 

“Ah okay. Siguro naman hindi na sila maghahabol sa akin. I mean legaly. Hindi ko sila tinakbuhan and I paid for all their expenses naman eh . Sige Doc thank you" sabi ni Tyler at tumalikod na para magpunta sa cashier kung saan niya iniwan niya ang card kanina.

 

"Mr. De Dios wait lang ho. Sa inyo ko na lamang po ibibigay ang mga resulta ng laboratories ng bata total mukhang kilala nyo naman sila" sabi ng doctor.

 

Sasabihin sana ni Tyler na hindi niya kilala ang mga ito pero nanahimik na lamang si Tyler baka magka problema pa.

"Ah nasan ang mga result. Ano ho na ang finding? may tama ba sa bungo o matindi ba talaga ang tama ng pagkakabundol ko which I doubt naman dahil mahina naman ang takbo ko?" usisa ni Tyler.

 

"Ah sumunod po kayo sa akin Mr. De Dios e- explain ko na din po ang result para maipagbigay alam nyo na din sa pasyente. Kailangan nyo pong masabi agad sa kanila bago mahuli ang lahat" sabi ng doctor na ikina curious ni Tyler.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status