Share

Chapter 5

May sampong minuto ng nakakaalis ang matangkad na lalaking nagdala sa kanila sa hospital pero tulala pa rin si Erika. Shock pa rin siya sa nagyari. Kelan pa ba ang huling nagpanic siya ng ganito, aah matagal na matagal na. Napaluha si Erika, lahat ng paraan ginawa niya noon para maiwasan ito pero naulit na naman. Dalawang taon si Dos ng una itong mangyari.

Kapos na kapos sila noon dahil hirap na hirap siyang magtrabaho at parang may takot siya a mga tao. Hindi niya kayang umuwi. Wala siyang mukhang iuuwi .Wala na nga isyang balita mula ng magkaroon ng matinding baha sa lugar nila. Wala naman siyang mapagtanungan lalong wala namang mahiraman ng pero para sana makauwi.

Sa murang edad ni Dos noon ay kasa kasama na niya ito maglako ng basahan, walis tambo, kaldero at kung ano ano pa. Inilalako niya iyon tapos komisyun pa ang kita. Sa totoo lang ang halagang isang daan ay pinagkakasya nila buong araw kasama na ang gatas noon ni Dos. Bukod pa doon sa murang edad at isipan nito ay mulat si Dos sa madilim nilang mundo.

Nakitira siya sa isang kaibigan noon sa high school na ang buong akala kase niya ay nakakaangat sa buhay. Yun pala ay may ibang dahilan ang ganda ng hitsura ar mga mamahaling gamit nito.Sa gabi pala ito rumarampa.

Hindi niya nadala sa doctor noon si Dos dahil halos saglit lang naman ang pagdugo ng ilong. Tatlong taon si Dos ng maulit, at nagpanic na siya ng halos mabasa na ang buong towel ng dugo mula sa ilong ni Dos. Sa tulong ni Rommel ang syota ng kaibigan niyang hostes na naroon ng sandaling iyon ay itinakbo nila si Dos sa Luban Provincial Hospital. Doon unang gumuho ang mundo ni Erika.

Hindi niya alam kung saan kukuha ng pang bayad sa hospital, kailangan ng mga laboratories ng anak pero ni bente sa bulsa wala siya ng sandaling iyon. Tumakbo siya sa ilang kakilala pero walang makatulogn sa kanya  kahit pa nga halos lumuhod na siya at magmakaawa. Ang ilang kapit bahay naman ay nangabot ngunit pamasahe lamang sa biyahe ay ubos na. Sinubukan niang tumakbo sa lalaking minsang naging parte ng buhay niya pero  wala ito, ang masaklap na ng araw na iyon lamang niya nalaman na iba pa pala bukod sa kanya  dahil ito ang bumungad sa kanya sa apartment nito at dahil matabil ang dila at magulo ang isip ni Erika.

 

Hinablot niya eto at kinaladkad sa kalsada. Ang anak ng mahadera ay tumawag ng baranggay at ipinadampot siya. Halos lumuhod siya sa nakausap na pulis na paalisin na lamang siya dahil nasa hospital ang anak niya. Matapos ang mahabang paliwanang at sabihin ang dahilan ay sinapian yata ng kabutihan ang pulis at pinakiusapan ang mahadera na pauwiin na siya.

 

Wala na siyang ibang mapuntahan at matakbuhan kaya sinubukan niyang mangutang sa kaibigan kaso alam niyang maluho ito at kung anuman ang meron ito ay mga bigay lamang ng mga binobola nitong matatanda. Pero isang alok nito ang nagpaningning nang pagasa sa mga mata ni Erika. Sa gipit na sitwasyun, sa nanlalabong isipan at sa takot na mawala sa kanya ang anak.

 

Pumayag si Erika na sumama sa club ng gabi mismong iyon. Bitbit ang halagang kabayaran ng kanyang pride at pagkatao, tumakbo si Erika sa hospital para puntahan ang anak. Halos umabot ng singkuwenta mil ang ginastos niya para daw sa mga laboratories ng anak niya. Nanatili si Dos sa hospital ng mga tatlong araw. Binabantayan niya ang bata sa umaga at pupuslit sa gabi. Pero ang paglabas ng lahat ng resulta ng kalagayan ni Dos ang tila bakal na pumalo sa katinuan niya.

 

Ikalawang pagguho ng mundo niya at doon halos mabaliw si Erika. Tulala si Erika matapos makausap ang doctor at ilatag sa kanya ang mga kailangan gawin at ingatan para sa bata. Muling nagpunta sa club si Erika para katagpuin ang taong pwede niyang mahingian ng tulong para makalabas na anak. Kailangan na niyang ilabas si Dos kung hindi ay mababaon lamang sila sa pagkakautang at maging si Erika mababaon at malulugmok sa hindi niya gustong lugar.

 

Paglabas ni Dos ng hospital ay sinikap ni Erika na bantayan at alagaan ito.Iniwasan na muna niyang magtungo sa club para mabantayan ang anak. Hindi niya pinalalabas si Dos at madalas ay pinagsusuot niya mask. Marumi ang kapaligiran nila at hindi daw iyon maganda para kay Dos. Dapat daw ay sariwang hangin at lahat ng pagkain at prutas ay sariwa. Naiiyak na lamang si Erika dahil wala siyang magawa sa anak.

 

Dalawang linggo ng nakakalabas si Don sa hospital ng magkaroon ng panauhin si Erika. Nagulat siya pagbukas ng pinto pero hindi na siya nagtaka. Malaki nga naman ang puhunan sa kanya ng lalaki kaharap. At dahil hindi siya nagpapakita sa club nitong mga nagdaang gabi ay marahil inaakala nito na ginuguyo na niya ito.

 

Magpapaliwanag sana si Erika sa lalaki kung bakit hindi siya nakakapunta sa club at sasabihin sana niya na wala siyang balak sumira sa usapan. Pero isang babae ang sumulpot mula sa kung saan at hinila siya saka siyang pinagsasampal.

 

“Puny*ta kang babae ka! Ikaw ba? Ikaw ba ang kinahuhumalingang tar*ntado kung asawa? Sayo niyan ba ginagastos ang suweldo niya at ginugutom ang pamilyar niya ha. Hay*p ka walang kang awa” sigaw ng babae habang pinagasampal si Erika.

 

Hindi lumaban ang dalaga, guilty siya. Alam niyang hinuhuthutan niya ang lalaki alam niyang suweldo nito ang ibinigay sa kanya. Kasama pa siya ng mag withdraw ito ng savings daw nito para sana sa manganganak na asawa. Inaawat naman ng lalako ang asawa habang sng mga usisero at usisera at nangkukumpulan na.

 

Tahimik sicErika na hawak lamang ang kamay ng babaeng nakasabunot sa buhok niya habang dinuduro siya nito. Alam niyang mali siya at hindi puwedeng magalit sa kanya ang lalaki.Hindi pwedeng mawala ang nagiisang tumutulong sa kanya. Iniingatan din ni Erika na huwag masyadong mapuwersa ang buntis na asawa nito.

 

“Paging Doctor Palaez…Paging Doctor Palaez you're needed in the emergency room” boses ng isang babae mula sa micropono ang nagpabalik sa kasalukuyan kay Erika.Nagpunas ng luha ang dalaga ng maalala ang mga pangit na nakaraan. Tumayo si Erika at nagtungo sa kama sa emergency room at kinausap ang papasok naman noon sa emergency room na si Doc Rafael Pelaez.

 

“Doc aah ilalabas ko na lang po ang anak ko.Sa bahay na lang po siguro siya magpapagaling” sabi ni Erika.

“Huh! what? Pero sabi ng lalaking naghatid sa kanya ay gawin na namin ang mga laboratories para matukoy ang sakit ng bata diba. If you worried about the expences wala ng problema misis iniwan niya ang Card niya” sabi ng doctor.

 

“Alam ko na po ang sakit ng anak ko at walang magagawa ang pera ng lalaking iyon. Sapat na po na nabigyan ng first aid ang anak ko. Pipirma po ako ng waiver na kusang loob kung ilalabas ang bata” determinadong sabi in Erika.

 

“Pero misis delikado kung patatagalin pa ang kondisyu ng bata may magbabayad naman ng laboratories eh” giit ng doctor na kanina pa malagkit ang tingin ka Erika.

 

“Ako ho ang magulang ng bata, hindi kung sino lang na mayaman. Siya pa nga ang may atraso sa anak ko eh. Sige na ho paki bigyan ako ng waiver at iuuwi ko na ang anak ko” Sabi ng dalaga na bumalik na sa pagkakaupo sa tabi ni Dos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status