Share

Chapter 3

"Oh f*ck! what!? Pag minamalas ka talaga" sabi ni Tyler na nahampas ang manibela sa inis, mukhang may nasagi pa ata siyang bata.

"Dos..!" sigaw ni Petong sabay takbo sa loob ng chapel at hinanap ang nanay ni Dos.

"Aling Erika, Aling Erika... si ...Dos po. Si Dos po ano..anu ba yun?ahh ano po sinagasaan ng kotse" humihingal na sabi ni Petong na bulol pa.

"Sinagasaan? Nasaan ba kayo?diyos ko ang anak ko.....Ang anak ko..."hindi pa man nakakahakbang ay humahagolhol na ng iyak si Erika. Agad itong hinila ni Petong patungo sa gilid ng chapel at kitang kita niyang nasa ilalim ng kotse ang kalahati ng katawan ni Dos.

"Doooos!!!!Diyos ko anak ko.." sigaw agad ni Erika pero imbes na hugutin ang anak na nasa ilalim ng sasakyan ay sinunggaban agad ni Erika ang lalaking nakasalamin ng itim na papalabas na ng kotse nito.

"Lintek kang rekless driver ka. D*monyo ka!"sabi ni Erika na pinaghahambalos ng sariling kamay ang lalaking mabigla sa pagsugod niya. Nagulat naman si Tyler sa biglang pagsulpot ng babae mula sa kung saan at pinaghahampas siya kaya hindi siya nakailag at sapol siya sa mukha at nabasag pati ang salamin niyang kakabili lang niya sa Celine.

"Ouch...! Hey! Wait.. wait"sabi ni Tyler. Pero patuloy sa paghambalos ang babae sa kanya pati paa nito ay ginamit na at pinagsisipa siya. Kanda iwas naman siya dahil muntikan ng matamaan ang bling-bling niya.

"Ganyan kayong mayayaman mga walang kayong kaluluwa.Kung makaasta kayo ay para kayong mga diyos at hari ng daan.Mga halimaw naman kayong halang ang kaluluwa" sigaw ni Erika.

Kumunot ang noo ni Tyler sa mga lumabas sa bibig ng babae sa kakapigil niya dito ay sa ulo niya ito nahawakan para hindi na umabot pa ang suntok nito.

 

"Hey! enough lady sobra ka na.Bukod sa ginawa mo na nga akong demonyo ginawa mo pang halang ang kaluluwa ko.Teka nga..! teka nga sabi eh" sabi ni Tyler na itinulak ang babae para lamang sana makalayo sa kanya at matigil ang pagsuntok sa kanya.

 

"Hoy! Bakit mo itinutulak ang mommy ko?" Biglang sigaw ni Dos na humarang sa harpa ng nanay niya.

"Pisimal Asut yan ah" sabi ni Dos na ang ibig tuluyin ay Pisikal assult.

 

"Saka bakit mo sinisigawan ang mommy ko sino ka ba? pulis ka ba? anong rango mo ha? mas magaling pa rin sayo si Iron man noh! hoy mamang kulogo, walang pulis pulis dito. Baylens again in womanhood yan hoy. Dyan ka lang tatawagin ko si Tatay Emong, siya ang captain barbel  ng lugar namin " dere- deretsong sabi ni Dos. Inilapag ang maiiksing kamay na akala mo mapopotekthaan ng katawan niya ang ina. Inihagis nito kay Petong ang paborito nitong pato na nasa isang tabi at nanguusyuso naman.

 

"Ano!? what? Teka is this a hokos focus ha. Sinadya mo bang mapailalim sa kotse ko para perahan ako?"

Sita ni Tyler sa bata. Pero laking gulat niya ng sipain siya ng bata sa harapan at nasapol na nga ng tuluyan ang lanyang bling bling. Mabuti na lang at bata lang ito kaya di ganun kasakit kung hidi baka baog na siya ngayon. Pero nakita niya ang bata na hinila ang babae sa likuran ng bata saka ito umakmang akala mo makikipag suntukan sa kanyan. Yung laki niya na yun?

 

"Dyan ka lang mommy relax ka lang sagot kita. Hindi uubra sa akin ang pa victim nitong diyablo na ito" pabulong na sabi ni Dos sa inang hinatak niya patungo sa likod niya.

"Hoy mamang kapre Ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa ang bintangero.Hindi kami mukhang pera.Katulad ka rin ng mga costumer ni mommy mapang api" sigaw ni Dos.

"Look, will you relax.."

"Huwag mo kaming nilolooklook dyan mamang kapre. Nabundol mo ako pwes mag sorry man lang" sabi ni Dos.

 

"That's what I'm about to do kaso naghurumentado na siya" turo ni Tyler sa babae sa likod ng bata.

"Huwag nyo akong ini english hoy, top 1 ako sa school pero nursey na saling pusa pa lang ako" sabi ng bibong si Dos.

"Nak, ako na ang makikipag usap please" Singit na ni Erika. Matabil ang anak niya at may trauma si Dos sa away sa kalsada.

 

"Hindi mommy hindi tayo dapat pumapayag ng inaapi.Hindi ka dapat pumapayag ng inaalipusta. Babangon tayo at dudurugin natin ang mga mapang api" sabi ni Dos.

Nakaramdam ng awa si Erika sa anak. Ang dialigue na yun ay napanood nito malamang sa palabas na naman at ang eksenang iyon ay hawig sa eksenang nagdulot ng takot kay Dos isang taon na ang nakakaraan.

 

"Oh, d*mn this drama. Oh my, are you really into this scheme for money? Okay na sige na para matapos na.Wait magkano ba ang atraso ko babayaaran ko na. Yung hospital bill niya gamot magbibigay ako. Baka pati oras nyo na naabala ko babayaran ko na rin" sabi ni Tyler.

Isa pa uling sipa mula sa batang paslit ang tinamo niya at doon mismo na naman sa bling bling niya. Mukhang aral ang bata kungn saan dapat palagi ang tumbok ng sipa.

"Will you tell him to stop doing that"utos ni Tyler sa babae para sawayin ang anak. Hinarap ni Erika si Dos saka mahinanong tinanong.

 

"Dos, Dos tumingin ka sa nanay...please! dito lang ang tingin" sabi ni Erika para makuha ang atensyon ng anak at mabaling sa kanya.Kailangan ni Dos na madivert ang atensyon para makalimutan ang trauma.

Humarap naman sa kanya ang anak matapos bigyan muli ng isa pang sipa ang lalaki.

"Dos, may masakit ba sayo?Tumama ba ang ulo mo? anong nangyari Dos pwede mo bang ikuwento sa nanay?" malumansy na sabi ni Erika. Kumunot ang noo ni Tyler sa paraan ng pagkausap ng babae sa bata. Kanina lang ay napakatapang nito pero ngayon ay parang napakaamo at napakaganda....

"Napakaganda..!? saan nanggaling yun Tyler!?" Biglang ipinilig ni Tyler ang ulo sa pumasok sa isipan saka dinukot na lang ang wallet at tiningnan kung sapat ang dalang cash para mabayaran na lang ang mga ito para tapos na ang aberya.

 

"Mommy, mommy... huwag mo po ako papagalitan ha, kase naglalaro kami ni Petong eh tapos yun pato ni Petong tumilapon sa malayo hinabol ko lang kaso biglang sulpot ng sasakyan kaya nagulat ako at napadapa" mahinang bulong ni Dos.

 

"Ang kaso napailalim sa kotse ang pato ni Petong kaya kinuha ko sa ilalim kaso na stock ako parang sumabit ang damit ko kaya natagalan ako makaalis" sabi ni Dos sa pabulong na paraan.

 

"Nayakap na lang ni Erika ang anak. Nagpapasalamat siyang walang masakit sa anak at mukhang hindi naman nabungo ang bata kundi natakot lang. Pero hindi na iyon dapat pang malaman ng lalaki lalo lamang itong magyayabang. Ang mahalaga kay Erika ay naitawid ni Dos ang sitwasyun.

 

Nakapagkuwento si Dos ng mahinahon at walang takot. Okay na siya doon.Nagawa ni Dos na maalala ang nangyari. Balak sana ni Erika na umalis na lang at huwag ng gambalain ang lalaki.Wala man siyang balak sabihin ang narinig sa anak. Wala rin naman siyang balak palakihin pa ang sitwasyun.

Pero laking gulat niya ng si Dos ang kumilos. Kumawala si Dos sa pagkakahawak niya at biglang lumingon sa lalaki sabay yumakap bigla sa nagulat din na lalaki.

 

 

 

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status