3053RD POV Nakatitig lang ito kay Dell, habang may ngiti sa labi niya. “Miss Dell.” Wika ng isang ginang, matapos itong makalapit sa kanila. “Tama na ‘yan.” Muling wika nito, habang bumitaw ang binata, sa pagyakap kay Dell. “Kumusta na siya?” Tanong ni Dell, sa ginang. “Maayos lang siya, pero hanggang ngayon, ay hindi pa rin siya nakakapag-salita.” Sagot nito, habang kita niya sa mukha ng binata ang lungkot. “Hayaan mo, baka malapit kanang gumaling.” Ngiting wika niya, habang hinaplos ang buhok nito. “Mukhang masayang-masaya na siya ngayon, dahil nakita kana niya.” Wika nito kay Dell, habang napatingin ito sa binata.“Wala pa rin ba kayong balita, tungkol sa pamilya niya?” Tanong niya sa ginang. “Wala pa rin Miss Dell, mukhang wala talaga siyang pamilya, dahil kung meron. Sana hinanap na siya.” Sagot nito sa kanya, kaya napatingin siya sa binata, na muli na naman na yumakap sa kanya. “’Wag kang malungkot, dahil kung wala talagang maghahanap sa ‘yo, at wala kang pamilya. Nand
최신 업데이트 : 2025-03-06 더 보기