2883RD POV “Gusto mo bang magpahangin sa labas?” Tanong nito, kaya lihim siyang natutuwa. “Pwede po ba ako pumunta ro’n?” Tanong niya rito. “Oo naman, basta ‘wag ka lang tumakas, alam mo kasi. Ikaw lang ang mapapahamak, kapag gagawin mo ‘yon.” “Hindi ko naman po ‘yon, gagawin.” Ngiting wika niya rito.‘Sa ngayon.’ Napangiti siya, habang inalalayan siya nitong tumayo. Lihim siyang natutuwa, dahil mapag-aralan na rin niya ang labas. Pero hindi pa ito ang panahon, para tumakas siya, kailangan niya pang malaman ang pagkatao ni Noah. Nang huminto sila, ay muli niya itong tinatong. “Nasa labas na po ba tayo?” Wika niya, habang pina-upo siya nito sa upuan. “Oo, alam mo bang maganda rito, malayo sa mga tao.” Gusto niya sana na i-dilat ang kanyang mga mata, pero pinipigilan niya ang kanyang sarili, dahil alam niya na kahit paman sa kabaitan na ipinakita nito, ay hindi niya pa rin ito kakampi.“Gusto ko sana na iwan ka rito, pero baka tatakas ka, kaya sasamahan nalang kita.” Napakunot
Huling Na-update : 2025-02-26 Magbasa pa