265 3RD POV “Aaron, ano bang nangyari sa 'yo?” Inis na tanong ni Hanma, sa kanya. Simula kasi noong nakalabas siya, sa hospital ay lagi nalang nakabuntot sa kanya si Aaron. “Gusto ko lang maalala mo ako.” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa kanyang narinig. “Maalala? Anong ibig mong sabihin?” Taka na tanong nito, kaya umiling siya. “Ito ang tandaan mo Hanma, mahal na mahal kita.” Hindi napigilan ni Hanma, na matawa, dahil sa sinabi ni Aaron, sa kanya. “‘Wag ka nang magbiro ng ganyan.” “Hindi ako nagbibiro.” Inis siyang hinampas ni Hanma, dahil sa sinabi nito.“‘Wag mo nga akong lokohin. Alam mo, akala mo siguro, madadaan mo ako sa mga ganyan mo no? Hoy! Lalaki, hindi ko nakakalimutan ang buwan-buwan mong sweldo sa akin.” “Kung gusto mo, sa ‘yo na ang lahat ng pera ko, ayos lang sa akin.” Natigilan si Hanma, dahil sa sinabi nito. “Seryoso kaba talaga? Alam mo naguguluhan na ako sa ‘yo, sinabi ko na sa ‘yo, Aaron. Na hindi ako ang asawa mo noon.” Wika niya, kaya natahimik si Aa
Huling Na-update : 2025-02-14 Magbasa pa