Home / Romance / Fate's Cruel Dance / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Fate's Cruel Dance: Chapter 71 - Chapter 80

121 Chapters

Chapter 70

Chapter 70Agad kong tinawagan ang mga tauhan ko para sa paglusod. "Ito na ang oras, upang wakasan ang mga taong malaking kasalanan sa akin," bulong ko sa aking sarili. Ang oras ay tila gumagalaw nang mabilis habang binabaybay namin ang madilim na kalsada patungo sa susunod na bahagi ng operasyon. Ang hangin ay malamig, at sa bawat patak ng ulan na bumagsak sa aming mga sasakyan, ramdam ko ang bigat ng paghahanda. Ito na ang pagkakataon—ang huling pagkakataon na maghahatid ng katarungan para kay Mikaela. Kung may isang bagay na hindi ko kayang tanggapin, ito ang mawalan ng hustisya. Ang bawat hakbang ko patungo sa misyon na ito ay para sa kanya, at hindi ko titigilan hanggang hindi ko nakikita ang mga nagdulot ng kanyang pagkamatay na nagbabayad sa kanilang mga kasalanan. "Maghanda kayo," utos ko sa mga tauhan ko. "Wala nang atrasan. Nasa atin ang pagkakataong tapusin ang lahat ng ito," seryoso kong sabi. Kasama ko ang ilan sa mga pinaka-tiwala kong alagad sa batas—mga kasamaha
last updateLast Updated : 2024-11-06
Read more

Chapter 71

Chapter 71 Sa bawat hakbang ko papunta sa susunod na yugto ng operasyon, ang bigat ng aking mga desisyon ay patuloy na sumusubok sa aking lakas. Hindi ko na kayang balikan ang mga alaala ng mga sandaling kasama ko si Mikaela. Hindi ko kayang muling makita ang kanyang mga mata na puno ng saya, ng pag-asa—ng buhay. Ang mga gabi na iyon, na puno ng pagmamahalan at pangarap, ay nagsimula nang maging isang alaala na puno ng sakit. Ngunit ngayon, ang tanging layunin ko ay hindi na lang ang maghiganti. Hindi ko na kayang makita ang paghihirap ni Aerol. Kailangan ko siyang protektahan, at ang mga taong responsable sa pagkamatay ni Mikaela ay kailangan bayaran ang kanilang mga kasalanan. Ngayon, narating ko na ang puntong pinakahihintay ko. Si Javier—ang utak ng lahat ng ito. Ang tao na may hawak sa mga buhay ng mga mahal ko, at ng buong pamilya ko. Ang oras ng paghuhukom ay malapit na. Pagkatapos ng ilang araw ng paghahanda at mga tahimik na operasyon, nakatakda na kaming magtagpo ni Javi
last updateLast Updated : 2024-11-06
Read more

Chapter 72

Chapter 72 Hindi ko na pinansin ang mga huling salitang lumabas mula sa bibig ni Javier. Ang mga ito ay parang hangin na wala nang halaga sa mga sandaling iyon. Isa lang ang tumatakbo sa aking isipan—ang pagkawala ni Mikaela, ang sakit na dinulot sa buhay ko at sa aking anak, at ang katotohanang hindi na magbabalik sa amin ng buhay ang aking asawa. Wala nang ibang importante kundi ang paghihiganti, at ang mga ginawa ni Javier sa aking asawa ay hindi ko hahayaang hindi ito managot sa kanyang ginawa. Ang mga mata ko ay naglalabas ng apoy—ang galit at sakit ay tumagos sa bawat hibla ng aking katawan. Sa mga sandaling iyon, wala nang atrasan pa. Kung may kalaban man na nagbigay ng sakit sa aking buhay, siya na iyon. Si Javier at ang mga kasapi nito. Ibinaba ko ang aking mga kamay, at mula sa aking gilid, ang mga tauhan ko ay mabilis na sumunod. Isang mabilis na galaw. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa. Agad kong binaril ang kanyang puso habang sumisigaw sa so
last updateLast Updated : 2024-11-07
Read more

Chapter 73

Chapter 73Habang nasa biyahe kami ay malungkot akong nakatanaw sa labas ng binata habag ang aking driver ay tahimik lamang nag mamaneho sa kotse. Naramdaman ko ang bigat ng bawat sa aking puso habang bumibiyahe pa- umuuwi sa mansyon. Ang mga iba kong tauhan ay sila ang inatasan kong nagsasagawa ng mga plano upang itago ang lahat ng ebidensya, upang matiyak na walang makakakita sa mga ginawa ko sa pag-patay kay Javier—hanggang sa malinis ang lahat ng bagay. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, isang bagay lamang ang tanging nagpapalakas sa akin, ang makita muli si Aerol. 'Ang anak ko, ang tanging dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban. Ang tanging ilaw na natitira sa akin sa dilim na bumalot sa aking mundo,' usal ko sa aking isipan. Pagdating ko sa mansyon, ang katahimikan na nag-hari sa paligid ay tila baga isang malamig na ulap na bumabalot sa lahat ng bagay. Walang tunog, walang ingay—tanging ang mga alaala ni Mikaela ang sumasalamin sa bawat sulok ng bahay. Ang bawat paso
last updateLast Updated : 2024-11-07
Read more

Chapter 74

Chapter 74 Tumayo ako at nagtungo sa kabaong upang masilayan ang aking asawa nasa loob ng kabaong, biglang humawak ang aking anak sa kamay ko kaya sabay kaming nagtungo. Habang nakatayo kami sa harap ng kabaong ni Mikaela, ang kalungkutan sa aking dibdib ay parang isang mabigat na bigat na hindi ko kayang itanggi. Si Aerol, na nakatayo sa tabi ko, ay patuloy na nakatingin sa kanyang ina, hindi na makapagsalita. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang malalim na hininga niya at ang tahimik na mga patak ng luha na bumagsak mula sa kanyang mga mata. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang sakit ng pagkawala ay hindi madaling tanggapin. Wala akong ma-isip kung bakit pati ang asawa ko ay kabilangan pa nila idamay sa kanilang galit sa akin. Si Mikaela, ang aking tanging kabiyak, ay hindi na muling magbabalik. Isang bahagi ng aking kaluluwa ay umalis kasama siya. Ang bawat sandali ay puno ng panghihinayang, ng mga hindi nasabi at hindi nagawang mga bagay na sana’y nagawa
last updateLast Updated : 2024-11-07
Read more

Chapter 75

Chapter 75 Lumipas ang isang linggo, at dumating na ang araw ng libing ni Mikaela. Ang araw na iyon ay isang mabigat na pagninilay—isang pagninilay na puno ng sakit at hindi malirip na kalungkutan. Habang tinatanaw ko ang mga mata ng aking anak, si Aerol, na punong-puno ng pangungulila at pighati, alam kong hindi ko na kayang ipaliwanag ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero siya—siya ang kailangan ko upang magpatuloy. Kailangan ko siyang protektahan mula sa mga bagay na hindi ko kayang baguhin. Ang kabaong ni Mikaela ay dahan-dahang ibinaba sa libingan. Ang malamlam na sikat ng araw ay tila hindi kayang magbigay liwanag sa dilim ng aming puso. Sa bawat patak ng luha ni Aerol na bumagsak, ang sakit sa aking dibdib ay tumitindi. Hindi ko alam kung paano ko siya papatahanin, paano ko siya bibigyan ng pag-asa, ng lakas. Ang batang ito, na ni minsan ay hindi pa nakaranas ng buong lungkot at sakit, ngayo ay naranasan na nito dahil sa pagkawala kanyang ina. Ang sunod-sunod na katanu
last updateLast Updated : 2024-11-07
Read more

Chapter 76

Chapter 76 Isang linggo pa ang lumipas, ngunit ang mga alalahanin at galit na aking nararamdaman ay hindi nawawala. Sa halip, patuloy itong lumalaki, tulad ng isang apoy na hindi kayang patayin ng hangin. Hindi ko kayang magpatawad sa mga taong nagdulot ng lahat ng ito kay Mikaela. Ang kanilang mga pangalan ay parang mga sugat na patuloy na dumudugo sa aking isipan. Hindi ko na kayang maghintay pa ng isa pang araw. Kailangan ko nang kumilos. Nagpunta ako sa isang dating kasamahan sa trabaho, si Ricardo, isang investigator na matagal ko nang kaibigan. Alam niyang may mga nangyaring hindi maganda sa likod ng mga pangyayari, at may mga tao na hindi basta-basta tinatamaan ng batas. Hindi ko kailangan ng mga ebidensya na mahirap kunin. Kailangan ko ng aksyon. "Ricardo, may kailangan akong malaman," sabi ko nang binanggit ko ang pangalan ni Javier at ang mga koneksyon niya. "Ang mga tao sa likod ng lahat ng ito, gusto ko silang makita. Gusto kong makuha ang lahat ng impormasyon tungkol s
last updateLast Updated : 2024-11-07
Read more

Chapter 77

Chapter 77 Hindi ko na kayang maghintay pa. Masyado nang matagal ang panahon ng pag-iwas at pagtitimpi. Kailangan ko nang magsagawa ng aksyon, hindi lamang para kay Mikaela, kundi para kay Aerol, at para sa hustisya. Ang mga pwersa na nagdulot ng lahat ng ito, ang mga taong nagwasak sa aming buhay, ay patuloy pa rin sa kanilang mga malupit na plano. Hindi ko na sila kayang hayaan na magpatuloy. Ang pagkamatay ni Mikaela ay hindi ko na pwedeng ituring na isang aksidente. Ito ay isang sinadyang plano, isang pakana na nagmula sa mga taong may kapangyarihan at koneksyon. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Ricardo, at sinabi niya na may mga bagong impormasyon na lumutang. Kailangan ko na agad kumilos. Ipinatawag ko ang mga tao kong matagal ko nang pinagkakatiwalaan—si Snake, ang aking assassin, si Mark at Jeff, ang mga kaibigan ko at mga tauhan sa mga operasyon. Agad akong tumawag kay Snake. "Snake, kailangan ko ng tulong mo. May mga tao na may kinalaman sa pagkamatay ni Mikaela, at h
last updateLast Updated : 2024-11-07
Read more

Chapter 78

Chapter 78 Agad kong tiniklop ang sulat na aking binasa. Isinilid ko ito sa aking drawer saka ko nag-isip ng isang plano para sa aking anak, kailangan kong makasiguro ang kanyang kinabukasan. Bago kami maglunsad ng anumang operasyon, kailangan kong tiyakin na si Aerol ay may matibay na kinabukasan, kahit na ako ay magtuloy-tuloy na sa isang madilim na landas. Alam ko na ang plano ko ay magdadala ng panganib, at hindi ko kayang iwan si Aerol sa kawalan. Bago ang lahat, nais kong matiyak na ang lahat ng aking ari-arian ay mapupunta sa kanya, at kung sakali man ay mawala ako sa laban na ito, hindi siya mawalan ng kabuhayan o proteksyon. Agad kong tinawagan si Mark. “Mark, kailangan ko ng tulong. Gusto ko sanang ayusin ang lahat ng mga legal na usapin ukol sa mga ari-arian ko, pati na ang mga business shares ko. Nais kong ilipat ang lahat kay Aerol—gusto kong siguruhing magiging maayos ang kanyang kinabukasan, kahit anong mangyari sa akin," seryoso kong sabi. "Sige, aayusin ko
last updateLast Updated : 2024-11-07
Read more

Chapter 79

Chapter 79 Dumating ang araw ng operasyong paglusob. Hindi ko alam kung anong magiging resulta, ngunit isa lang ang sigurado, ito na ang huling pagdanak ng dugo. Hindi na ako maghihintay pa ng tamang pagkakataon—kailangan ko nang tapusin ito. "Ang mga kalaban ko ay hindi lang basta tao, sila ay mga halimaw na walang awang pumatay ng inosenteng tao," sabi ko sa aking saloobin tungkol sa kalaban ay puno ng galit at pagkamuhi. Sa gabing iyon, dumating ang mga tauhan ko—si Snake, Mark, at Jeff—ang bawat isa ay handa na para sa mga susunod na hakbang. Si Snake, na may dalang mga detalye ng galaw ng mga tao ni Ray, ay ipinakita ang plano sa amin. Tinutukan namin ang mga lokasyon kung saan nagtatago ang mga pwersa ni Ray at kung saan matatagpuan ang mga warehouse na ginagamit nila sa kanilang ilegal na negosyo. Si Mark, bilang abogado, ay nagsisiguro na lahat ng legal na aspeto ng aming operasyon ay nakalinya. Minsan ay mahirap para sa kanya, ngunit ang mga pagkakataong tulad nito ay hi
last updateLast Updated : 2024-11-08
Read more
PREV
1
...
678910
...
13
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status