All Chapters of The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance: Chapter 81 - Chapter 90

99 Chapters

Kabanata 81

Nawala ang ngiti sa labi ni Sandy. "Busy pa kasi ako," tanging nasagot na lang niya. "Ganon ba, kung wala ka ng sasabihin ay maari na ba akong umalis?" Bilib talaga si Sandy sa lalim magsalita ng lalaki. Kung siya na taga-probinsiya hindi niya halos magamit iyon dahil nakikibagay siya sa mga taga-siyudad dahil mas moderno ang ginagamit nilang salita, kumbaga may ibang salita na hindi na mauunawan kung gagamitin pa ang malalim na pananalita. "Sige, maraming salamat sa pagdala mo ng ulam." "Walang anuman." Yumuko pa ito bago umalis ng tuluyan. Napaisip si Sandy habang tinatanaw palayo si Sandro. Naalala niya ang paraan ng pananalita at kilos ni Sandro, para itong totoong prinsipe kung umasta. Napakunot ang noo niya, hindi nga malabo kung ganon man, bagay naman sa lalaki. Kinuha ni Sandy ang container sa ibabaw ng upuan saka pumasok na ng bahay. Bukas kailangan niyang maagang magising dahil hindi niya matatawagan si Dwight para sabihing babalik na siya at siya na muli ang magiging
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

Kabanata 82

Nagpasalamat naman si Sandy ng tahimik dahil malapit lang ang ospital sa lugar na iyon kaya agad na napasok sa operating room si Sandro. Mabilis at detalyado ang sinagawang pagpapaliwanag ni Sandy sa nangyari kay Sandro at sa nakaraang nangyari rito, kaya agad na nagsagawa ng operasyon ang mga doctor doon. Pagod na napasandal si Sandy sa pader sa labas ng operating room. Naubos ang lakas niya dahil masyadong maaga at halos wala pa sa kondisyon ang katawan niya para sa malalang aksidente. Samantala, lumakad ang oras na hindi nakarating si Sandy sa ospital ni Samantha. Halos malapit ng magtanghalian ay naghihintay pa rin si Dwight sa pasilyo ng ospital. Habang si Samantha ay nakabantay at laging tinitingnan si Dwight na hindi na umalis ng puwesto nito. Lumapit si Samantha kay Dwight. "Dwight, mukhang hindi na siya makakarating ngayon." "Puwede mo ba siyang tawagan?" Agad namang kinuha ni Samantha ang telepono niya sa kanyang bulsa. Nag-dial siya at nilapit sa kanyang tenga ang te
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

Kabanata 83

"Nahihiya lang po siguro, pero sa operasyon na nangyari, hindi na po siya makakabalik sa ginagawa niyang pag-akyat-baba sa buko, ale." "Mukhang ganon na nga." Humarap muli si Sandy kay Sandro na mahimbing pa rin nag tulog. Mahaba-habang pagpapahinga ang kailangan nito dahil hindi pa ito maaring tumayo o tumihaya ng higa. Baka abutin ng buwan na narito si Sandro sa ospital. "Ako na lamang po ang bahala sa billing niya." Ani Sandy. Umiling ang ale. "Hindi. Ako ang bahala doon anak, wala akong asawa at anak kaya tinuring ko na ring anak si Sandro sa mahabang panahon na nasa poder ko siya, makakabangon muli ako kung sakali na malaking gastos ang kakaharapin namin." Malungkot na napangiti si Sandy, kailan kaya siya magkakaroon ng ganon. Ang kadugo nga niyang ina ay hindi siya maturing na sariling anak, kaya ang suwerte ni Sandro dahil kahit hindi kadugo ay talagang paglalaanan ng pansin at yaman para lang sa kaligtasan nito.Napabuntong-hininga si Sandy. "Kailangan ko na pong umuwi.
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Kabanata 84

"May nadala kong papel na pagmamay-ari mo, Dwight." "Papel?" litong saad ni Dwight. Isa pa, masinop siya sa lahat ng gamit niya at dahil na rin mahahalaga ang bawat papel sa kumpanya niya. "Yes, nadala ko siya at ilang araw ng nasa akin." "Kung ganon, ibalik mo na sa akin ng makauwi na ako." Takang-taka pa rin si Dwight habang may kinukuha si Angelo sa attache case nitong dala. "Ito." Nilagay ni Angelo ang maliit na papel sa palad ni Dwight. Binukas ni Dwight ang palad niya at nadismaya sa papel na sinasabi ni Angelo. "Hindi ako nakikipagbiruan, Angelo. Kung pumunta ka lang dito para gawan ako ng biro, umalis ka na lang." Balak na sanang itapon ni Dwight ang lukot na papel, pero pinigilan siya ni Angelo. "Teka, huwag mo munang itapon 'yan, baka pagsisihan mo sa huli." Habang naka-angat ang kamay ni Dwight na nakahawak sa papel at tinitigan niya si Angelo. "Anong ibig mong sabihin?" "Sobrang mahalaga ang nakasulat diyan, kahit lukot-lukot 'yan. Ikaw rin baka pagsisihan mo s
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Kabanata 85

"Sa palagay ko ay bukas na lang natin pag-usapan ng seryoso ang usapin na 'yan. Matulog ka na lang muna, bukas rin ay aalis na tayo rito at ililipat kita sa ibang bahay na mas magiging kumportable ka." Hindi sumagot si Sandy. Sinusubukan nitong tumayo, pero laging nasasadsad sa lamesa. "Sino ba kasing may sabi na inumin mo ang lahat ng alak na 'yan, at saan mo ba nakuha 'yan! Hindi mo naman kaya, ininom mo pang lahat," sermon ni Dwight habang inaabot ang kamay ni Sandy. "M-Masarap..." Napangiwi si Dwight. Oo nga't masarap pero ang lakas ng tama ng tuba lalo pa't babae si Sandy. "Halika na, aalalayan na lang kita papunta sa kwarto mo rito." Nakatayo si Sandy, pero halatang pasuray-suray. Hawak ni Dwight ang kamay nito, at dahan-dahan na hinala at naging maingat para hindi maipit ang paa sa gulong ng wheelchair. Nasa kalahatian na sila ng sala nang mabuwal si Sandy at saktong sa kandungan ni Dwight bumagsak. Napapikit si Dwight bago hawiin ang buhok ni Sandy na halos tabingan na
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Kabanata 86

Mabilis na napadilat ng mata si Sandy. Napatitig siya sa tao sa harap niya ngayon na humihigop ng kape habang nakatitig sa kanya. "Kumusta ang paglalasing mo kagabi? Masakit ba ang ulo mo? Sa itsura mo mukhang tama ang hinala ko." Kumukurap lang ang mata ni Sandy habang nakatingin kay Dwight. Hindi naman siguro siya nananaginip na nasa harap niya ang binata. Ngumiti si Dwight kaya nagising na si Sandy na totoo nga na nasa bahay niya si Dwight. "P-Paano mo—" "Ang bahay mo?" Tumango naman si Sandy. "May tao lang na nagbigay ng impormasyon kung nasaan ka, kaya ko nalaman." Napaisip si Sandy. Walang nakaka-alam kung saan siya naninirahan bukod kay Angelo. "Lagyan mo na lang ng mainit na tubig ang tasa na 'to para makainom ka ng kape, kumain ka na lang muna mamaya para makainom ka na rin ng gamot para sa sakit ng ulo." Nakatulala pa rin si Sandy kay Dwight. Ilang araw niyang hindi ito nakita pero bakit parang pumayat ito sa paningin niya. Kinuha ni Sandy ang tasa at nilagyan iyon
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Kabanata 87

Nilapit ni Sandy ang sandok sa bibig ni Dwight. Tinikman naman iyon ni Dwight at nilasahan. "Okay na sa akin ang timpla." "Sigurado ka?" "Oo " "Okay, maluluto na 'yon. Malapit na tayong kumain." Ilang minuto ang lumipas nang tuluyan ng maluto ang sinigang na isda. Nilagay ni Sandy ang kaldero sa lamesa at dalawang plato't kutsara, kumuha na rin siya sa isang malaking mangkok ng ulam nila ni Dwight. Magana na kumain ang dalawa lalo na si Dwight. "Napansin ko lang Dwight na pumayat ka. Nahirapan ka ba sa pag-te-therapy sayo ni Sam?" Sinubo muna ni Dwight ang pagkain na nasa kutsara bago sumagot, "Hindi naman, pero nawalan kasi ako ng gana na kumain ng marami nitong nagdaan na araw." "Bakit?" "Siguro ay dahil sa sakit ng katawan, mas gusto ko na lang magpahinga pag may oras kaya konti lang ang nakakain ko." "Pero hindi tama iyon, Dwight. Kailangan mong kumain ng madami, pero syempre yung healthy dapat." Ngumiti si Dwight at tinapos na ang pagkain. Hinugasan lang ni Sandy ang
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Kabanata 88

Lumipas ang oras na nahanda na lahat n iSandy maging ang grocery na inayos niya sa cabinet sa kusina. Nakausap at nagbayad na rin ng eksaktong isang buwan si Sandy sa may-ari kahit wala pa siyang isang buwan. Nagbiyahe sila Sandy papunta sa condo na sinasabi ni Dwight pero huminto sila sa isang malaking bahay. Nagtaka si Sandy dahil parang hindi naman condo itong pinuntahan. Bumaba si Sandy at binuksan ang kabilang pinto ng kotse kung saan naka-puwesto si Dwight. "Tapatin mo nga ako. Condo ba para sayo itong bahay na 'to? Bahay na 'to e!" Ngumiti naman si Dwight. "Condo lang 'yan." "Huwag mo kong biruin, mansion ng matatawag 'to!" Tumingin si Dwight sa bahay na may kulay na light gray mga bintana na babasagin. Parang may naaalala o nakikita si Dwight sa paraan nito ng pagtitig sa malaking bahay. Ibinaba na si Dwight at parehas na sila ni Sandy na humarap sa bahay ngayon. "Tama ka, hindi 'to condo, dahil bahay ko talaga ito kung sakali nga na magkakaroon ako ng pamilya, kaya ika
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

Kabanata 89

"Okay na ko rito. Ako lang naman." Ngumiti si Dwight. "Puwede na akong tumira rito, kasama ka." Matagal tinitigan ni Sandy si Dwight bago pinapangit ang mukha niya na ikinatawa naman ng binata. "Hindi puwede. May bahay ka pang uuwian, makikituloy nga lang ako dito." "Pag naman kinasal na tayo ay magsasama rin naman tayong dalawa." Nagbuga ng hangin si Sandy. "Hindi pa sigurado, Dwight. Kahit ikaw pa ang magdesisyon, wala kang magagawa kung ayaw nila." Dumilim ang mukha ni Dwight. "Gagawin ko ang lahat matuloy lang kung ano ang unang napagkasunduan. Hayaan mo sila dahil hindi kasiyahan nila ang magpapasaya sa ating dalawa." "Matigas din ang ulo mo. Nasaan parte na nga pala kayo ni Samantha sa therapy?" "Sa buhatan palang, at sa stretching ulit." Tumango-tango si Sandy. "Sa susunod buong katawan mo manginginig, kailangan na nating gumamit ng kuryente." "Kuryente?" "Oo, kukuryentihin ang katawan mo." "Hindi nga?!" na may gulat na ekspresyon ni Dwight. "Hindi naman ako nagb
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

Kabanata 90

"Tumigil ka Dolores. Litrato lang ito at walang makakapagsabi kung ano ang kwento sa likod niyan! Bakit nag-isip na agad kayo ng malisya? Paano kung pasyente ni Sandy 'yan, kahiya-hiya pa tayo pag nagkataon!" galit na sigaw ni Amdno. "Dad, ako ang nakakita kaya alam ko ang kwento sa likod ng litrato na iyan. Nagsasabi ako ng totoo, hindi ako nagsisinungaling para lang ako ang kampihan mo!" Paawang mga salita ni Amara. "Tama na!" Tumingin ang lahat kay Dwight. "Hindi niyo ako maloloko sa isang litrato lang na 'yan. Kilala ko ang lalaki at alam ko kung sino siya kay Sandy. Tuloy pa rin ang kasal namin ni Sandy, pero wala na kayong makukuha mula sa pamilya ko na perang tulong para sa inyong maliit na kumpanya. Humanap na lamang kayo ng puwede niyong mauto na mag-invest sa negosyo niyo para lumago. Sa nangyari ngayon, mas paniniwalaan ko si Sandy kaysa sa kanyang pamilya na pinili siyang palayasin dahil sa mga rason na wala namang kwenta!" "Hindi mo alam ang sinasabi mo Dwight. Hindi
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status