CHAPTER 106Pagkarating nila Lucas at Ayesha sa mansyon nila Lucas ay agad na rin silang bumaba ng sasakyan ng binata at nag tig isa pa sila ng hawak sa kambal.Habang sila Bryan at Brylle naman ay iginagala ang kanilang paningin habang naglalakad sila papasok ng mansyon nila Lucas."Daddy dito po ba kayo nakatira?" tanong na ni Brylle sa kanilang ama."Yes baby. Dito ako nakatira kasama ang lolo at lola nyo," nakangiti pa na sagot ni Lucas sa kanyang anak."Wow daddy ang laki naman po pala ng bahay nyo. Siguro ang saya saya nyo po rito," daldal naman ni Bryan sa kanyang ama at manghang mangha nga ito sa laki ng mansyon nila Lucas."Oo masaya naman kami dito. Pero mas masaya sana kung may mga cute at bibong mga bata rin dito na kasama kami," nakangiti pa na sagot ni Lucas sa kanyang anak."Talaga po daddy? Pwede po ba kaming tumira rito?" tanong pa ni Bryan."Of course baby. Pwedeng pwede kayong tumira rito ng mommy nyo perp hindi pa siguro sa ngayon," sagot ni Lucas saka nya sinulya
Last Updated : 2024-11-20 Read more