All Chapters of Destined to be the Billionaire's Wife: Chapter 111 - Chapter 120

169 Chapters

Chapter 111

CHAPTER 111"Yehey. Finally ay mabubuo na rin kami," nagtatatalon pa na sabi ni Bryan. Natawa naman silang mga naroon dahil sa bata."Bakit baby? Buo naman tayo ah. May mommy at daddy naman kayo ah," sagot ni Ayesha sa kanyang anak."Mommy syempre iba pa rin po kapag kinasal na kayo ni daddy," sagot pa ni Bryan sa kanyang ina kaya naman napapailing na lamang si Ayesha rito."Oo nga pi mommy. Iba pa rin po talaga kapag nakakasama na namin kayo parehas ni daddy palagi," sabat naman ni Brylle. Nagkatinginan naman sila Lucas at Ayesha at sabay pa nga silang natawa sa kanilang kambal na anak dahil mukhang tuwang tuwa nga ang mga ito ngayon."Kayo talaga. Don't worry soon magkakasama.sama na rin tayo palagi. Pangako yan," sabi ni Lucas sa kambal na sila Bryan at Brylle.Tuwang tuwa naman lalo ang kambal dahil sa sinabi ni Lucas."Congratulations mga anak," malawak ang ngiti na bati ni Shiela kila Lucas at Ayesha ng makalapit sya sa mga ito."Thank you mom," sagot naman ni Lucas sa kanyang
last updateLast Updated : 2024-11-23
Read more

Chapter 112

CHAPTER 112Agad naman na hinatid ni Lucas ang kanyang mag iina at hindi na nga sya pumasok pa sa loob ng bahay ng mga ito dahil malalim na rin talaga ang gabi at kailangan na rin na magpahinga ng mga ito.Pagkapasok naman nila Ayesha sa kanilang bahay ay nadatnan nga nya ang kanyang ina na naghihintay sa kanilang mag iina."Mom bat gising pa po kayo?" tanong na ni Ayesha sa kanyang ina dahil gabing gabi na nga ay naroon pa rin ito."Hinihintay ko lamang kayo na umuwi. Kumusta ang lakad nyo ng mga bata?" agad naman na tanong ni Rita kay Ayesha.Sinenyasan naman na muna ni Ayesha ang yaya ng mga bata para paakyatin na ito saka nya hinarap ang kanyang ina."Ayos naman po mom. Tuwang tuwa nga po sila at halos hindi nga po sila makapaniwala na mayroon na silang kambal na apo," sagot ni Ayesha saka sya naupo na sa sofa na naroon at agad din naman na sumunod si Rita kay Ayesha."Talaga? Naku mabuti naman at hindi sila nagalit," sagot ni Rita dahil kinakabahan talaga sya kanina lalo na at ba
last updateLast Updated : 2024-11-24
Read more

Chapter 113

CHAPTER 113Kinabukasan naman ay pagkagising ni Lucas ay napapangiti na lamang talaga sya dahil sa mga nangyare kagabe. Masaya sya na finally ay nakapag propose na sya kay Ayesha. Matagal na kasi nya sana iyong balak kaso ay ipinagpaliban na lamang muna nya dahil na rin sa pakiusap ng ina ni Ayesha. Gusto pa raw kasi muna nitong makasama pa ang kambal dahil kapag nga naman nagpropose sya at naikasal na sila ni Ayesha ay bubukod na talaga sila ng kanilang tirahan.Agad naman na rin na kumilos si Lucas dahil kailangan pa nga nyang pumunta kila Ayesha dahil ihahatid pa nila ang nga bata sa eskwelahan gaya ng nakagawian na nila araw araw.Pagkababa nya ng kanilang hagdan ay naabutan nga nya ang kanyang ina na nasa sala at napangiti na nga lamang ito ng makita sya."Kumain na muna tayo anak. Para naman may kasabay ako na kumain ng agahan," sabi ni Shiela kay Lucas.Napatingin naman si Lucas sa kanyang suot na reli at maaga pa naman kaya pinagbigyan na nya muna ang kanyang ina na sabay nga
last updateLast Updated : 2024-11-24
Read more

Chapter 114

CHAPTER 114"Good morning. Ang sweet nyo naman na dalawa," nakangisi pa na bati ni Jessa kila Lucas at Ayesha. Nagkatinginan naman sila Lucas at Ayesha at hinawakan pa nga ni Lucas ang kamay ng dalaga."Good na sana ang morning namin kaso ay narito ka. Anong kailangan mo? Bakit keaga aga ay nangugulo ka rito sa opisina ko?" masungit na sagot ni Lucas sa dalaga dahil alam nya na mangungulit na naman ito sa kanya."Ang sungit mo naman," maarte pang sabi ni Jessa saka nya inirapan ang binata. "Well narito lang naman ako para bawiin ang dapat ay akin. Matagal tagal din akong nanahimik at hinayaan kayo sa kahibangan nyo. It's about time naman para bawiin na kita mula sa babae na yan," dagdag pa ni Jessa saka nya sinamaan ng tingin si Ayesha.Mapakla naman na natawa si Lucas sa dalaga at saka nya ito sinamaan din ng tingin."At sino naman ang nagsabi na pag aari mo ako. Sa natatandaan ko ay wala naman talaga tayong relasyon at tanging kayo lamang ng ama mo ang may gusto na matuloy ang kasa
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more

Chapter 115

CHAPTER 115Pakiramdam ni Ayesha ay mabubunot ang lahat ng buhok nya dahil sa pagsabunot sa kanya ni Jessa. Hindi nya kasi napaghandaan iyon kaya talaga namang buong lakas syang nasabunutan ng dalaga at ni hindi man lang nya nagawang manlaban dito dahil mas malaking babae rin talaga kesa sa kanya si Jessa.Nang tuluyang maawat na nga ng nga gwardya si Jessa ay agad nga nilang inilayo si Jessa kay Ayesha at agad naman itong yinakap ni Lucas at galit na galit nga ito dahil sa ginawa ni Jessa sa kanyang nobya."Lumayas ka na babae ka rito sa opisina ko at wag na wag ka ng babalik pa rito dahil baka makalimutan ko na babae ka at ano pa ang magawa ko sa'yo," dumadagundong ang boses ni Lucas habang sinasabi nya iyon dahil sa galit nya kay Jessa dahil sa ginawa nito kay Ayesha.Napahigpit naman ng yakap nya si Ayesha kay Lucas dahil ramdam nya ang galit nito ngayon. Ramdam din ni Ayesha ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa ginawa sa kanya ni Jessa."Babalik ako at sa pagbabalik ko si
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more

Chapter 116

CHAPTER 116"Naabutan po namin sa opisina ko si Jessa at sya po ang may gawa nyan kay Ayesha," seryosong sagot ni Lucas sa kanyang ina at halata pa sa mukha ng binata ang galit nito."Jessa? Hindi pa rin ba sya tumitigil sa pangungulit nya sa'yo?" kunot noo na tanong ni Shiela kay Lucas. Dahan dahan naman na tumango si Lucas sa kanyang ina."Yes mom. Hindi pa rin po. Ang akala ko nga po ay natauhan na ang babae na yun pero hindi pa rin po pala. Sadyang tumahimik lamang po sya at eto nga po at nagsisimula na naman syang manggulo sa amin," sagot ninLucas sa kanyang ina.Napabuntong hininga naman si Shiela at saka nya naaawang tinitigan si Ayesha."Sige na mabuti pa ay dalhin mo na muna si Ayesha sa iyong silid para makapagpahinga na muna sya bago tayo mag usap," sabi ni Shiela sa kanyang anak. Agad naman na tumalima si Lucas at agad na nga nyang dinala si Ayesha sa kanyang silid at hinintay na nga rin muna nya itong makatulog bago sya nagpasya na lumabas n amuna ng kanyang silid.Pagk
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 117

CHAPTER 117Napabuntong hininga naman si Lucas at agad na nga nyang ikinuwento sa ginang ang mga nangyare sa kumpanya nya kanina at kung bakit hindi nya kasama si Ayesha ngayon."Nabanggit na rin po siguro sa inyo ni Ayesha na nagpropose na po ako sa kanya at mamamanhikan na po sana kami mamaya ng mga magulang ko," sabi pa ni Lucas."Teka hijo. Hindi ba dapat ay ayusin mo na muna ang gulo sa babae na yun bago kayo magpakasal ng anak ko. Baka guluhin lang kayo ng babae na yun at lalong hindi matahimik ang inyong pamilya nyan. Sinabi mo na rin na galing sa kilalang pamilya ang babae na iyon at hindi natin alam kung ano ang maaari niyang gawin sa anak ko," nag aalala pa na sabi ni Rita kay Lucas."Wag po kayong mag alala dahil magpapadagdag po ako ng security sa mag iina ko. At isa pa po ay sa tingin po namin ni mommy ay matitigil po ang paghahabol sa akin ni Jessa kung kasal na kami ni Ayesha dahil wala na po syang magagawa pa roon," sagot naman ni Lucas sa ginang.Saglit namang napais
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 118

CHAPTER 118Pagkarating nila sa bahay nila Ayesha ay naabutan nga nila na naroon na rin ang ama ni Ayesha na halos kararating pa lamang ng kanilang bahay. Kita rin nila na biglang napangiti si Rita ng makita nya si Shiela dahil ito nga ang madalas na kakwentuhan nya noon lalo na ng nag aayos na sila ng para sa kasal nila Ayesha at Lucas noon."Good evening po tita, tito," bati ni Lucas sa mga magulang ni Ayesha."Good evening din hijo," bati rin naman ni Rita sa binata."Ahm. Tito, tita mga magulang ko nga po pala. Sila Mr. Rico Madrigal at Mrs. Shiela Madrigal," pagpapakilala ni Lucas sa kanyang nga magulang."Naku hijo. Kilala na namin sila matagal na," nakangiti naman na sagot ni Rita kay Lucas. "Kumusta ka na Shiela? Ling time no see," baling naman nito sa ina ni Lucas."Ayos lamang naman ako. Akalain mo at si Ayesha at ang aking anak pa rin pala ang magkakatuluyan sa huli," nakangiti naman na sagot ni Shiela kay Rita."Oo nga. Hindi ko rin akalain yan. Siguro ay talagang nakatad
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

Chapter 119

CHAPTER 119Mabilis naman na lumipas ang mga araw at naghahanda na nga sila Lucas at Ayesha sa nalalapit nilang kasal.Ang una nga nilang inasikaso ay ang wedding gown ni Ayesha dahil ipapasadya pa nga iyon at kailangan ding maipa rush ito.Hindi naman din muna nila pinaalam sa iba nilang kakilala ang tungkol sa kasal dahil ang balak nila ay kapag ilang araw na lamang ang kasal.ay saka lamang sila mamimigay ng imbitasyon.Ngayon nga ay magkasama si Shiela at Ayesha sa isang restaurant para sa food tasting doon."Akalain mong mauulit pala ito hija. Naalala mo dati ay magkasama rin tayo noon para sa food tasting para sa kasal nyo dapat noon ni Lucas," natatawa pa an sabi ni Shiela kay Ayesha habang nasa daan sila papunta sa restaurant."Oo nga po mommy. Kahit ako nga po ay hindi makapaniwala na mauulit ulit ito at sa pagkakataon na ito po ay talagang matutuloy na nga po ang kasal namin ni Lucas," nakangiti pa na sagot ni Ayesha sa ginang."Hay naku. Excited na talaga ako sa nalalapit ny
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

Chapter 120

CHAPTER 120Pagkababa ni Ayesha ng sasakyan ng ina ni Lucas ay agad na nga syang dumiretso sa kanyang silid at agad na pumunta ng banyo.Agad naman na naisuka ni Ayesha ang lahat ng kinain nya kanina. Hindi nya talaga maintindihan ang kanyang sarili dahil kanina naman ay ayos naman ang pakiramdam nya pero ngayon nga ay bigla ngang sumama na naman ang kanyang ang kanyang pakiramdam.Matapos magsuka ay agad naman na nahiga si Ayesha sa kanyang kama dahil parang bigla naman syang nahilo ngayon at hindi na nga nya namalayan pa na nakatulog na pala sya.Bigla namang naalimpungatan si Ayesha ng maramdaman nya na parang may humahaplos sa kanyang ulo kaya naman agad na syang nagmulat ng kanyang mata at agad nga na tumambad sa kanyang harapan ang gwapong mukha ni Lucas."Babe anong giangawa mo rito? Diba nasa opisina ka dapat?" agad na tanong ni Ayesha kay Lucas. Hindu na kasi sya muna nito pinapapasok sa opisina dahil ayaw umano nito na mapagod sya ayaw pa nga sanang pumayag ni Ayesha pero mu
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
17
DMCA.com Protection Status