CHAPTER 109Nagkwentuhan pa naman sila Ayesha at Shiela roon at nagkwento nga si Ayesha sa ilang mga nangyare noong nasa probinsya pa nga silang mag iina.Namangha naman si Shiela sa mga ikinuwento ni Ayesha sa kanya at hangang hanga nga sya rito dahil nagawa nga nitong mamuhay sa probinsya na malayo sa mga magulang nito at mag isang inalagaan ang kambal nitong anak."Grabe hija. Mabuti at nakaya mo ang lahat ng iyon. Hindi ko akalain na ang dami mo palang pinagdaanan matapos na hindi matuloy ang kasal nyo noon dapat ni Lucas," sabi pa ni Shiela sa dalaga. "Pasensya ka na nga pala hija kung nahusgahan kita noon. Nagulat kasi ako noon na bigla ka na lamang nabuntis at akala ko ay kung ano na ang ginawa mo noon kaya pagpasensyahan mo na ako," dagdag pa ni Shiela."Naku wala po iyon. Ni hindi ko nga po inisip na huhusgahan nyo ako noon dahil napakabait nyo po at ako nga po ang nahiya noon dahil nakahanda na po ang lahat noon para sa kasal pagkatapos ay hindi po iyon natuloy," sagot naman
CHAPTER 110"Tumayo ka nga r'yan Lucas. Ano na naman bang pakulo mong yan. Nakakahiya sa mommy mo," sabi pa ni Ayesha sa kanyang nobyo.Parang wala namang naririnig si Lucas at hindi talaga sya natinag at nanatili nga syang nakaluhod sa harap ni Ayesha."Babe alam ko na napakarami mo ng pinagdaanan and I know na malaki ang pagkukulang ko sa inyo ng mga bata kaya nga gustong gusto ko ng makabawi sa inyo sa ilang taon na hindi ko kayo nakasama at mag isa mo silang binuhay," sabi ni Lucas kay Ayesha habang titig na titig sya sa dalaga.Nagtataka naman si Ayesha sa sinasabi ni Lucas dahil hindi naman ito dati ganito."Ano bang pinagsasasabi mo r'yan. Tumayo ka na nga," sagot ni Ayesha sa binata."Alam mo ba babe na sobrang tagal na kitang pinahanap noon at halos mabaliw na talaga ako dahil hindi ka nila mahanap hanap at sobrang saya ko na makalipas nga ang ilang taon ay kusa ka na rin talaga na nagpakita sa akin. Hindi nga ako makapaniwala noong araw na yun na nasa harapan na kita kaya n
CHAPTER 111"Yehey. Finally ay mabubuo na rin kami," nagtatatalon pa na sabi ni Bryan. Natawa naman silang mga naroon dahil sa bata."Bakit baby? Buo naman tayo ah. May mommy at daddy naman kayo ah," sagot ni Ayesha sa kanyang anak."Mommy syempre iba pa rin po kapag kinasal na kayo ni daddy," sagot pa ni Bryan sa kanyang ina kaya naman napapailing na lamang si Ayesha rito."Oo nga pi mommy. Iba pa rin po talaga kapag nakakasama na namin kayo parehas ni daddy palagi," sabat naman ni Brylle. Nagkatinginan naman sila Lucas at Ayesha at sabay pa nga silang natawa sa kanilang kambal na anak dahil mukhang tuwang tuwa nga ang mga ito ngayon."Kayo talaga. Don't worry soon magkakasama.sama na rin tayo palagi. Pangako yan," sabi ni Lucas sa kambal na sila Bryan at Brylle.Tuwang tuwa naman lalo ang kambal dahil sa sinabi ni Lucas."Congratulations mga anak," malawak ang ngiti na bati ni Shiela kila Lucas at Ayesha ng makalapit sya sa mga ito."Thank you mom," sagot naman ni Lucas sa kanyang
CHAPTER 112Agad naman na hinatid ni Lucas ang kanyang mag iina at hindi na nga sya pumasok pa sa loob ng bahay ng mga ito dahil malalim na rin talaga ang gabi at kailangan na rin na magpahinga ng mga ito.Pagkapasok naman nila Ayesha sa kanilang bahay ay nadatnan nga nya ang kanyang ina na naghihintay sa kanilang mag iina."Mom bat gising pa po kayo?" tanong na ni Ayesha sa kanyang ina dahil gabing gabi na nga ay naroon pa rin ito."Hinihintay ko lamang kayo na umuwi. Kumusta ang lakad nyo ng mga bata?" agad naman na tanong ni Rita kay Ayesha.Sinenyasan naman na muna ni Ayesha ang yaya ng mga bata para paakyatin na ito saka nya hinarap ang kanyang ina."Ayos naman po mom. Tuwang tuwa nga po sila at halos hindi nga po sila makapaniwala na mayroon na silang kambal na apo," sagot ni Ayesha saka sya naupo na sa sofa na naroon at agad din naman na sumunod si Rita kay Ayesha."Talaga? Naku mabuti naman at hindi sila nagalit," sagot ni Rita dahil kinakabahan talaga sya kanina lalo na at ba
CHAPTER 113Kinabukasan naman ay pagkagising ni Lucas ay napapangiti na lamang talaga sya dahil sa mga nangyare kagabe. Masaya sya na finally ay nakapag propose na sya kay Ayesha. Matagal na kasi nya sana iyong balak kaso ay ipinagpaliban na lamang muna nya dahil na rin sa pakiusap ng ina ni Ayesha. Gusto pa raw kasi muna nitong makasama pa ang kambal dahil kapag nga naman nagpropose sya at naikasal na sila ni Ayesha ay bubukod na talaga sila ng kanilang tirahan.Agad naman na rin na kumilos si Lucas dahil kailangan pa nga nyang pumunta kila Ayesha dahil ihahatid pa nila ang nga bata sa eskwelahan gaya ng nakagawian na nila araw araw.Pagkababa nya ng kanilang hagdan ay naabutan nga nya ang kanyang ina na nasa sala at napangiti na nga lamang ito ng makita sya."Kumain na muna tayo anak. Para naman may kasabay ako na kumain ng agahan," sabi ni Shiela kay Lucas.Napatingin naman si Lucas sa kanyang suot na reli at maaga pa naman kaya pinagbigyan na nya muna ang kanyang ina na sabay nga
CHAPTER 114"Good morning. Ang sweet nyo naman na dalawa," nakangisi pa na bati ni Jessa kila Lucas at Ayesha. Nagkatinginan naman sila Lucas at Ayesha at hinawakan pa nga ni Lucas ang kamay ng dalaga."Good na sana ang morning namin kaso ay narito ka. Anong kailangan mo? Bakit keaga aga ay nangugulo ka rito sa opisina ko?" masungit na sagot ni Lucas sa dalaga dahil alam nya na mangungulit na naman ito sa kanya."Ang sungit mo naman," maarte pang sabi ni Jessa saka nya inirapan ang binata. "Well narito lang naman ako para bawiin ang dapat ay akin. Matagal tagal din akong nanahimik at hinayaan kayo sa kahibangan nyo. It's about time naman para bawiin na kita mula sa babae na yan," dagdag pa ni Jessa saka nya sinamaan ng tingin si Ayesha.Mapakla naman na natawa si Lucas sa dalaga at saka nya ito sinamaan din ng tingin."At sino naman ang nagsabi na pag aari mo ako. Sa natatandaan ko ay wala naman talaga tayong relasyon at tanging kayo lamang ng ama mo ang may gusto na matuloy ang kasa
CHAPTER 115Pakiramdam ni Ayesha ay mabubunot ang lahat ng buhok nya dahil sa pagsabunot sa kanya ni Jessa. Hindi nya kasi napaghandaan iyon kaya talaga namang buong lakas syang nasabunutan ng dalaga at ni hindi man lang nya nagawang manlaban dito dahil mas malaking babae rin talaga kesa sa kanya si Jessa.Nang tuluyang maawat na nga ng nga gwardya si Jessa ay agad nga nilang inilayo si Jessa kay Ayesha at agad naman itong yinakap ni Lucas at galit na galit nga ito dahil sa ginawa ni Jessa sa kanyang nobya."Lumayas ka na babae ka rito sa opisina ko at wag na wag ka ng babalik pa rito dahil baka makalimutan ko na babae ka at ano pa ang magawa ko sa'yo," dumadagundong ang boses ni Lucas habang sinasabi nya iyon dahil sa galit nya kay Jessa dahil sa ginawa nito kay Ayesha.Napahigpit naman ng yakap nya si Ayesha kay Lucas dahil ramdam nya ang galit nito ngayon. Ramdam din ni Ayesha ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa ginawa sa kanya ni Jessa."Babalik ako at sa pagbabalik ko si
CHAPTER 116"Naabutan po namin sa opisina ko si Jessa at sya po ang may gawa nyan kay Ayesha," seryosong sagot ni Lucas sa kanyang ina at halata pa sa mukha ng binata ang galit nito."Jessa? Hindi pa rin ba sya tumitigil sa pangungulit nya sa'yo?" kunot noo na tanong ni Shiela kay Lucas. Dahan dahan naman na tumango si Lucas sa kanyang ina."Yes mom. Hindi pa rin po. Ang akala ko nga po ay natauhan na ang babae na yun pero hindi pa rin po pala. Sadyang tumahimik lamang po sya at eto nga po at nagsisimula na naman syang manggulo sa amin," sagot ninLucas sa kanyang ina.Napabuntong hininga naman si Shiela at saka nya naaawang tinitigan si Ayesha."Sige na mabuti pa ay dalhin mo na muna si Ayesha sa iyong silid para makapagpahinga na muna sya bago tayo mag usap," sabi ni Shiela sa kanyang anak. Agad naman na tumalima si Lucas at agad na nga nyang dinala si Ayesha sa kanyang silid at hinintay na nga rin muna nya itong makatulog bago sya nagpasya na lumabas n amuna ng kanyang silid.Pagk
CHAPTER 162Matapos na mag usap nila Lucas at Jessa ay hinarap naman ngayon ni Lucas ang mga magulang nila ni Ayesha."Humihingi ng limang bilyon si Jessa bilang kapalit ni Ayesha," sabi ni Lucas sa mga kasamahan nya roon."Limang bilyon? Napakalaki naman na halaga iyon. Anong gagawin ng babae na yun sa pera gayong mayaman naman na sila dapat ay sabihin na natin ito sa mga pulis para matulungan nila tayo," gulat pa na sabi ni Rita."Wag nyo po itong sasabibin sa mga pulis dahil ang kabilin bilinan ni Jessa ay wag itong sasabohin sa mga pulis dahil oras na malaman nya na nagsumbong tayo sa mga pulis ay hindi na raw natin makikita pa sila Ayesha ng buhay. Kaya mas mabuti pa po na wag na lamang natin itong sabihin sa mga pulis para makasigurado po tayo sa kaligtasan ni Ayesha. Ang tungkol naman po sa pera ay eala naman pong problema roon dahil kaya ko pong ibigay iyon sa kanya basta maging ligtas lamang po si Ayesha at ang aming anak.. Ang problema ko lamang po ay kung paano ko makukuha
CHAPTER 161Habang naghihintay naman sila sa muling pagtawag ni Jessa ay tinuloy naman nila Lucas at ng mga magulang ni Ayesha ang pag alis nila para maglibot at magbaka sakali na maghanap nga nila si Ayesha."Sana naman ay ligtas na makabalik sa atin si Ayesha," sabi ni Rita habang nasa sasakyan na nga sila ni Lucas at naghahanap sa kanyang anak."Wag po kayong mag alala dahil gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para lamang po makabalik ng ligtas si Ayesha sa atin," sagot naman ni Lucas dito."Salamat hijo," sagot ni Rita kay Lucas.Nagatuloy naman na sila sa kanilang paglilibot at tinatawag tawagan nga rin ni Lucas ang mga tauhan nya kung may balita na ba pero wala pa nga ring magandang balita ang mga ito.Halos maghapon naman ng naghanap sila Lucas at bagsak ang balikat na bumalik na nga sila sa mansyon dahil ni anino ni Ayesha ay hindi man lang nila nakita. Ni hindi na nga nila ininda ang kanilang gutom at pagod sa maghapong paghahanap kay Ayesha."Kumusta? Anong balita?" ag
CHAPTER 160"At bakit naman kita susundin?" galit pa na tanong ni Lucas kay Jessa"Dahil kung hindi ka susunod ay baka pasabugin ko na lamang ang ulo ni Ayesha kasama ang inyong anak na nasa sinapupunan pa lamamg nya," sagot ni Jessa rito. "Oopppsss saglit lang I have good news nga pala sa'yo. Baka sakaling sundin mo na ang gusto ko. Bumalik na nga pala ang alaala ni Ayesha at nakikilala na nya ako. Ang saya saya diba?" dagdag pa ni Jessa.Hindi naman malaman ni Lucas kung ano ba ang mararamdaman nya ngayon dahil masaya sya sa kaalaman na nakakaalala na nga si Ayesha pero natatakot nga sya para sa kalagayan nito ngayon lalo na at kasama nito si Jessa ngayon."K-kung talagang nasa iyo si Ayesha. Pakausap ako sa kanya. Kahit saglit lang para makasiguro ako na ligtas sya," sagot ni Lucas kay Jessa."Grabe ka sa akin ha. Wala ka talagang katiwa tiwala sa akin. Pero sige kung yan ang gusto mo ipapakausap ko sa'yo si Ayesha pero gusto ko rin na sundin mo ang nga gusto ko," sagot naman ni Je
CHAPTER 159Lumipas naman ang magdamag na iyon ay wala pa ring balita sila Lucas tungkol sa kinaroroonan ni Ayesha ngayon.Naikuyom na lamang talaga ni Lucas ang kanyang kamao dahil naiinis na sya sa isipin na baka nga na kay Jessa si Ayesha ngayon."Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo para may lakas tayo sa paghahanap kay Ayesha," sabi ni Shiela sa kanyang anak at sa mga magulang ni Ayesha na matyaga pa nga rin na naghihintay ng balita tungkol kay Ayesha.Napabuntong hininga naman si Lucas habang seryoso nga nyang tinitingnan ang mga kasamahan nya roon. Naaawa nga rin sya sa kanyang ina dahil kagabi pa nga ito iyak ng iyak dahil sinisisi nito ang kanyang sarili kung bakit nawala si Ayesha dahil sya nga ang kasama nito bago ito nawala."Sige po. Tara na po munang kumain," pag aaya na rin ni Lucas sa mga naroon. Agad naman na sumunod din ang mga magulang ni Ayesha sa kanila ahabang ang kambal ay tulog pa rin kaya nauna na nga sila na kumain ng agahan."Mamaya nga po pala ay aalis po m
CHAPTER 158Samantala naman halos dalawang oras din na nawalan ng malay si Ayesha at nagising na nga lamang sya na masakit sakit pa rin ang kanyang ulo kaya naipikit na lamang nga nya ulit ang kanyang nga mata dahil doon.Maya maya ay napamulat na rin naman si Ayesha ng bigla nyang maalala ang nga nangyare kanina at ngayon nya narealize na nakakaalala na nga sya dahil naalala nya bago sya mawalan ng malay kanina ay biglang dagsa ng nga alaala nya sa kanyang isipan at hindi na nga nya nakayanan pa iyon kaya sya nawalan ng malay.Dahan dahan naman na syang bumangon sa kanyang kinahihigaan at nasapo pa nga nya ang kanyang ulo dahil sumasakit pa rin iyon. Sakto naman na nakaupo na si Ayesha ay bigla namang bumukas ang pinto ng silid na iyon."Gising na pala ang best actress natin. Kumusta naman ang tulog mo? Hindi mo naman kasi kaagad sinabi na nabitin ka pala sa pagtulog mo kanina pinakaba mo pa kami," nakairap pa na sabi ni Jessa kay Ayesha at bahagya pa nga syang natawa rito."Baliw
CHAPTER 157Inabot na nga ng dilim sila Lucas sa mall kaya naman napagpasyahan na lamang nya na umuwi na muna sila ng kanyang ina. Pero ang mga tauhan nya ay patuloy pa rin sa paghahanap kay Ayesha at hindi nya nga pinapatigil ang mga iyon sa paghahanap. Bukod sa mga tauhan ni Lucas ay may mga pulis na rin na nag iikot at naglagay ng mga check point para mahanap si Ayesha.Naroon na nga rin ngayon sa mansyon nila Lucas ang nga magulang ni Ayesha at naghihintay nga rin ang mga ito ng balita sa paghahanap sa kanilang anak. Ang kambal namang anak nila Lucas ay iyak na rin ng iyak dahil nag aalala na nga rin ang mga ito para sa kanilang ina."Kumusta ang paghahanap nyo kay Ayesha? May balita na ba sa anak ko?" agad na tanong ni Rita kay Lucas ng dumating ang mga ito sa mansyon.Napabunting hininga naman si Lucas at saka sya dahan dahan na umiling rito.Parang bigla namang nanghina si Rita dahil doon at napaupo na lamang nga sya sa sofa na naroon at saka tahimik na umiyak. Lahat din pati k
CHAPTER 156"Ayesha gumising ka. Ano ba ang nangyayare sa'yo?" taranta naman na sabi ni Jessa at agad na nga nyang linapitan si Ayesha. Kahit naman kasi galit sya rito ay natatakot pa rin naman sya na baka kung ano ang mangyare rito ngayon."Anong ginawa mo? Bakit wala na yang malay?" tanong ng lalakeng kasama ni Jessa kanina pa na si Brent."Hindi ko alam kung bakit nawalan yan ng malay. Masakit daw ulo nya tapos bigla na lang sya nagkaganyan," sagot naman ni Jessa habang inaalog nya ang balikat ni Ayesha."Pano na yan? Baka kung anong mangyare r'yan sa babae na yan. Imbes na magkapera tayo ay maging bato pa," sabi ni Brent kay Jessa."Tsk. Mukha ka talagang pera," naka irap pa na sagot ni Jessa kay Brent.Tumakas lamang kasi si Jessa sa mental at sinadya nyang magbaliw baliwan nga noong nada kulungan sya dahil alam nya na mas madali nga naman syang makakatakas doon kesa sa kulungan. Kaya naman umasta syang baliw at noong nasa mental na nga siya ay humanap naman sya ng pagkakataon pa
CHAPTER 155Samantala naman nagising na lamang si Ayesha na nasa hindi pamilyar na silid na siya kaya naman napabalikwas na lamang talaga sya ng bangon at nagpalinga linga pa nga sya sa kinaroroonan nya ngayon."Gising na pala ang prinsesa natin. Mukhang napasarap pa yata ang tulog mo ah," rinig ni Ayesha na sabi ng isang boses babae at paglingon nga nya roon ay nakita nya ang babae na kasama nya kanina."S-sino ka ba? A-anong kailangan mo sa akin?" kandautal na tanong ni Ayesha sa babae na nakangisi pa nga sa kanya."Tsk. Mukhang totoo nga ang nabalitaan ko na nagka amnesia dahil hindi mo ako naaalala at ang tanga tanga mo pa dahil sumama sa ka sa akin," nakangisi pa na sagot ng babae."Sino ka nga? Bakit mo ito ginagawa?" tanong pa muli ni Ayesha."Well. Sige tutal ay hindi mo nga pala ako maalala kaya magpapakilala na ako sa'yo. Ako nga pala si Jessa Castro. At sa tanong mo kung bakit ko ito ginagawa ay simple lang naman ang sagot ko r'yan dahil gusto kong maghiganti sa'yo," pagpap
CHAPTER 154"Mommy napatawag po kayo? Kumusta po ang lakad nyo ni Ayesha?" agad na tanong ni Lucas sa kanyang ina pagkasagot nya sa tawag nito."Lucas anak si Ayesha," sabi ni Shiela sa anak nya at halos hindi nga nya agad masabi rito ang nangyare. Bigla namang natigilan si Lucas sa kanyang ginagawa ng marinig ang sinabi ng kanyang ina at halata nya nga sa boses nito na kinakabahan nga ito."Bakit mom? Ano po ang nangyare kay Ayesha?" tanong pa muli ni Lucas sa kanyang ina."B-bigla kasing n-nawala si Ayesha anak. H-hindi ko na sya makita. Natatakot na ako anak baka kung anong mangyare kay Ayesha," naiiyak ng sabi ni Shiela sa kanyang anak na nasa kabilang linya."Mom calm down. Pumunta ka na muna sa customer sevice ng mall at ipa page mo ang pangalan ni Ayesha. Dun mo na lamang din ako hintayin pupunta na ako r'yan," sagot ni Lucas sa kanyang ina. At agad na nga nyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at nagmamadali na nga sya kaagad na makaalis sa kanyang kumpanya."Sige anak. Bi