Althea~ Puno ng pag-asa at bagong simula matapos ang kaguluhan kahapon, kampante akong papasok sa trabaho. Ang totoo, kinakabahan ako kasi nangako ako kay Boss na aayusin ang gusot ng isyu. Sa halip, wala akong nagawa. Wala akong ideya paano lulutasin ang problema. Aasa ako kay Lord na sana tutulungan niya ako na malampasan ito. Ako na ang naagrabyado pero si Mikhael pa ang galit sa akin. Hindi niya alam na sinara niya ang buhay ko. Pinahiya niya ako kahapon kaya heto pakakapalin ko ang mukha para sa future namin ng anak ko. Suot ang doll shoes at minimalist beige blazer at pants, buong pag-iingat akong pumasok. Kailangan nila ang marketing manager, hindi ako pwedeng um-absent. Dumantal ang malamig na simoy ng hangin sa umagang 'to habang naglalakad ako papasok ng gusali. Pilit akong ngumiti nang nilapitan ko ang security desk para mag-check in. Pangatlo araw.Sana may magandang manyayari sa araw na ito. "Good morning po,"bati niya sa akin na abot-tenga ang ngiti. I clutche
Read more