ホーム / Romance / Addicted to the Imperfect Billionaire / チャプター 231 - チャプター 240

Addicted to the Imperfect Billionaire のすべてのチャプター: チャプター 231 - チャプター 240

256 チャプター

Chapter 78.3

PARANG HINIHIWA NA ang puso ni Daviana sa mga salitang iyon ng ina na para bang pinagtatabuyan o tinatakwil siya ng araw na iyon, pero ang totoo gusto lang nitong maging maayos ang buhay niya. Ayaw na ni Nida na maranasan ng anak ang kahirapan sa piling ni Danilo. Gusto niyang mamulat doon ang anak. At ang mga salitang iyon ay ang kanyang tanging instrumento upang ipakilala sa kanya ang katotohanan.“Mag-aral ka pa rin, huwag mo iyong kakalimutan at pipiliing itigil. Magtapos ka. I-pursue mo ang mga pangarap mo. Kung kinakailangan mong tumigil muna para makapag-ipon ng mga gagastusin, gawin mo. Huwag ka lang babalik sa bahay. Naiintindihan mo, Viana? Hindi iyon ang magandang option sa ngayon.”Hilam na sa luha ang mga mata ni Daviana. Ilang beses siyang umiling. Masama na naman ang loob niya pero batid niyang may punto naman ang kanyang ina. Tama ito, nais nitong suportahan ang gusto niya.“Sorry Viana, kasalanan ko ang lahat kung kaya nagkaroon ka ng amang kagaya niya. Okay naman siy
last update最終更新日 : 2025-02-10
続きを読む

Chapter 79.1

HINDI MATANGGAP NG damdamin at parang sasabog na ang isipan ni Daviana sa sinabing iyon ng ina. Hindi niya lubos maisip na ganun ang hangarin ng kanyang nobyo. Maaring tama nga ito ng kanyang hinuha, pero malakas pa rin ang kanyang paniniwala na hindi iyon kayang gawin ni Rohi. Mabuting tao ang kanyang nobyo. Sobrang mahal na mahal din siya nito kaya bakit naman siya nito sasaktan at paiiyakin?“Alalahanin mo na ang buong pamilya ng Gonzales ay may ayaw sa kanya. Si Carol at Warren ang sobrang nanakit sa kanyang damdamin lalo na noong bata pa siya. Si Welvin na kanyang ama at si Don Madeo rin na halatang walang pakialam sa existence niya. Sa palagay mo ba ang isang taong tulad ni Rohi na may masalimuot na karanasan sa kanyang kabataan ay magiging mapagparaya at bukas-palad na patatawarin na lang ang lahat ng mga taong nanakit sa kanya?” muling iwan ng mga katanungan sa isipan ni Daviana ng kanyang inang si Nida, “Walang ganun Daviana, lahat ng tao ay mayroong hangganan ang pasensya.”
last update最終更新日 : 2025-02-14
続きを読む

Chapter 79.2

BAKAS SA MGA mata ng dalaga na sobrang litong-lito na siya. Pilit niya lang kinalamay ang kanyang sarili para magmukhang kalmado pa rin kahit na ang kaloob-looban niya ay unti-unti ng gumugulo. Nagugulo. Hindi na alam ang gagawin at mga sasabihin ay pinili na lang niyang manahimik. Masyadong nagulo ang kanyang isipan ng sinabi ng kanyang ina. Malakas ang naging impact ng mga salita nito sa kanya tungkol sa nobyo. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin ang kanyang sarili kung gaano niya nga ito kakilala? Hindi lang iyon. Sa punto ng pananalita ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang tinutumbok noon. Sadya ba talagang kailangan niyang makipaghiwalay kay Rohi? Hindi niya kaya. Sobrang mahal niya ang binata.“Hindi ka pa rin naman nakaka-graduate. Mahaba pa ang panahong lalakbayin mo anak. Anuman ang iyong desisyon, huwag kang magmadali upang gawin iyon. Isipin mo ulit mabuti ang mga desisyon mo sa buhay. Isa pa ay bata ka pa naman. Masyado pang bata. Marami pa ang mangyayari sa'yo basta h
last update最終更新日 : 2025-02-15
続きを読む

Chapter 79.3

HINDI NAGSALITA SI Daviana kung kaya naman nilingon na siya ni Warren. Hindi nakaligtas sa mga mata ng lalaki ang mga mata ng dalaga na mapula na naman at anumang oras ay muling mapapaiyak. Malalim na siyang napahinga. Hindi niya mabasa kung ano ang naglalakbay sa kanyang isipan ng mga oras na iyon.“Umiiyak ka na naman ba?” Iniiwas ni Daviana ang kanyang mukha. Pilit niya iyong itinago dito dahil alam niyang aasarin na naman siya nito. Sino ba namang hindi maiiyak? Patung-patong ang problema niyang kinakaharap ngayon.“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Nagmamadali ako.” sa halip ay sagot ni Daviana, hindi niya binigyan ng pagkakataong maasar siya ni Warren. “Gaano ba ka-importante iyan? Bilisan mo!” Napakurap na ng kanyang mga mata si Warren. Medyo nabastusan sa naging kasagutan ng dati niyang kaibigan. Pagod ang mga mata niya itong tiningnan ngunit wala pa rin iyong naging karampot na epekto kay Daviana na halatang wala ng pakialam sa kanya. May kung anong guwang na sa puso ni
last update最終更新日 : 2025-02-23
続きを読む

Chapter 80.1

ILANG SEGUNDONG NATAHIMIK si Warren at huminga nang malalim. Ilang beses niya iyong pinag-isipan. Sa palagay niya ay hindi naman magiging masama ang labas ng offer niya. Pabor pa nga iyon sa dalaga.“Let them perfunctorily deal with the engagement first, and then make plans?” patanong nitong sagot na ang na nagpagusot pa ng mukha ni Daviana, “I mean hayaan natin mangyari ang engagement saka tayo magplano ng ibang kailangan nating gawin. Ibigay natin ang gusto nila para matapos na ang lahat ng ito.”Galit na nanlaki na ang mga mata ni Daviana. Kung makapagsalita ang lalaki akala mo ganun lang kadali ang mga pinagsasabi nito. Well, ano pa nga bang aasahan niya sa lalaking ito na spoiled at walang alam. Malamang iniisip nito na kaya niyang makuha ang anumang bagay na gustuhin, including na siya doon.“Hindi mo kailangang mabalisa, Viana. Makinig kang mabuti sa akin. Engagement pa lang naman ito at hindi pa naman tunay na kasal na may papel tayong legal na panghahawakan. Pwede namang hang
last update最終更新日 : 2025-02-23
続きを読む

Chapter 80.2

LUMIWANAG AGAD ANG mukha ni Warren sa sinabing iyon ni Daviana. Oo nga naman, si Daviana iyon kaya ano ang pinag-aalala niya at mga makamundong iniisip niya sa kaibigan. Imposible na may mangyari agad sa kanila nang ganun kabilis. Hindi ito kaladkaring babae na kapag inaya ay magpapaubaya. Siya nga hindi pa nagagawa iyon sa nobya niyang si Melissa, malamang hanggang halikan lang din sila at hawak. Ngunit panandalian lang ang reaction niya sa sunod na sinabi ni Daviana na alam niyang may kahulugan. Kahulugan na kahit hindi niya isipin ay nagsusumiksik iyon sa kanyang noon pa man ay maruming isipan.“At kung sakali mang mabuntis niya nga ako, ano namang problema doon? Hindi ko kailangang mag-alala o ma-stress sa pag-iisip. Alam kong hindi naman ako pababayaan ni Rohi dahil responsable siya!”Napaawang na ang bibig ni Warren. Hindi niya ito inaasahan. Hindi kaya tama ang hula niya na may namagitan na nga sa kanila? Pero paano iyon nangyari? Hindi ganun si Daviana. Pinapahalagahan nito an
last update最終更新日 : 2025-02-23
続きを読む

Chapter 80.3

DAVIANA WAS TIMID and thought a lot before and after, but now, because she loved him, she was even ready to bear all the infamy. Ganun niya kamahal si Rohi. She really had to work hard to overcome her inner cowardice and be with him regardless of her reputation. The source of her courage was her trust in him, because she believed that he really loved her. Ito lang ang taong nagpapahalaga sa kanya ngayon. Mula sa paraan ng pagtitig nito sa kanyang mga mata ay damang-dama niya ang labis na pagmamahal.Ganun ba ang mga titig na may masamang plano sa kanya? Ang hirap pa rin noong paniwalaan.“Nag-mature naman na siguro siya at hindi naman kami marahil aabot na gagantihan niya ako dahil lang naging bully niya ako noon sa grupo nina Warren. Bumawi rin naman ako sa kanya noon.” kumbinsi pa ni Daviana sa kanyang sarili kahit na nahahati na ang opinyon niya, may pag-aalinlangan na ang puso niya.Her parents didn't like her, even if she had always been gentle and sensible, they didn't like her
last update最終更新日 : 2025-02-26
続きを読む

Chapter 81.1

SA HALIP NA bumaba at kumain gaya ng sinabi niya kay Rohi, nanatili si Daviana sa loob ng silid. Parang lantang gulay na nakahiga. Walang lakas. Tinakpan niya pa ang sarili ng kumot dahil sobrang clouded ng isipan niya na para bang kapag ginawa niya iyon ay mababawasan ang kanyang mga iniisip. Naidlip siya ngunit naalimpungatan din nang may marinig na mga ingay sa labas ng kanilang sala. Hindi pa rin siya bumangon kahit na alam niyang maaaring si Rohi na iyon. Nakauwi na. Ganunpaman nang akmang babangon na siya upang salubungin ito nang bigla siyang mahiga ulit nang marinig niya roon si Keefer.“Walang tao? Nasaan si Daviana?”“Hindi ko alam. Sabi niya kakain siya sa ibaba. Baka nasa ibaba pa.”“Hindi mo na ba siya ulit nakausap after noon?” kuryuso ang tinig nito habang nagtatanong.“Hindi na. Sinabi ko naman sa kanya na mga five ang uwi ko kaya expected noon na ganun nga.”Mahinang tumawa si Keefer, hindi makapaniwala sa sinagot ng kanyang kaibigan. “Hindi na ako magtataka kapag na
last update最終更新日 : 2025-02-26
続きを読む

Chapter 81.2

WALANG HUMOR NA natawa si Rohi. Noon pa man ay wala siyang planong maki-agaw sa kanilang kumpanya kay Warren. Hindi niya hangad ang makuha ito o angkinin. Umuwi lang naman siya dahil kay Daviana na kung tutuusin ay pwede namang hindi niya gawin kaso mas pinili pa rin dahil mas convinience sa kanya na makita ito kapag nasa bansa siya. Kung hindi dahil dito, nungkang babalik siya ng Maynila. Maraming kumpanya ang nag-aalok sa kanya ng trabaho, at dahil ama niya si Welvin at bilang pagtanaw na rin ng utang na loob at ayaw niyang pagtawanan ito ng nakakarami kung tahasang tatanggihan niya kaya siya pumayag na sa kumpanya nito magtrabaho. Alam niyang hindi naging mali ang desisyon niyang iyon. Kung mananatili kasi siya sa Germany at doon bubuo ng pangalan at sariling negosyo na pwedeng-pwede naman kaya lang hindi niya sana nakuha ang kasintahan niya ngayon na siyang mas mahalaga.“Tigilan mo na nga iyan, Keefer. Uulitin ko, wala akong intensyon sa kumpanya nila na maging akin. Simula at s
last update最終更新日 : 2025-02-26
続きを読む

Chapter 81.3

NAALARMA NA ANG isipan doon ni Rohi. Nakalimutan niya rin ang oras kung kaya naman guilty siya. Alas-sais na pagtingin niya at ang sabi niya ay alas-singko ang uwi niya. Imposible na magbabad ang nobya sa labas nang ganun katagal, lalo na kung injured pa ang kanyang mga paa. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan niya na ito. Sabay silang napalingon ni Keefer sa may pintuan ng silid na inuukupa ni Daviana. Halos sabay rin silang napatayong dalawa sa inuupuan nang marinig na nagri-ring ang cellphone sa loob. Nag-panic na si Daviana sa loob ng kumot ngunit agad na kinalma ang kanyang sarili para mas umarte pa. Sigurado siya na pupunta doon ang kanyang nobyo. Tama nga siya, pagtanggal niya ng kumot sa mukha ay nakita na niya ang bulto ng katawan ni Rohi sa loob ng silid, nakatayo sa tabi ng kama niya, nakatingin. Puno ng katanungan ang mga mata nito na alam niyang normal lang dahil akala nito ay wala siya doon. “Hindi ka pala lumabas? Narito ka lang sa loob ng silid at natutulog?” Upan
last update最終更新日 : 2025-02-26
続きを読む
前へ
1
...
212223242526
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status