BAKAS SA MGA mata ng dalaga na sobrang litong-lito na siya. Pilit niya lang kinalamay ang kanyang sarili para magmukhang kalmado pa rin kahit na ang kaloob-looban niya ay unti-unti ng gumugulo. Nagugulo. Hindi na alam ang gagawin at mga sasabihin ay pinili na lang niyang manahimik. Masyadong nagulo ang kanyang isipan ng sinabi ng kanyang ina. Malakas ang naging impact ng mga salita nito sa kanya tungkol sa nobyo. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin ang kanyang sarili kung gaano niya nga ito kakilala? Hindi lang iyon. Sa punto ng pananalita ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang tinutumbok noon. Sadya ba talagang kailangan niyang makipaghiwalay kay Rohi? Hindi niya kaya. Sobrang mahal niya ang binata.“Hindi ka pa rin naman nakaka-graduate. Mahaba pa ang panahong lalakbayin mo anak. Anuman ang iyong desisyon, huwag kang magmadali upang gawin iyon. Isipin mo ulit mabuti ang mga desisyon mo sa buhay. Isa pa ay bata ka pa naman. Masyado pang bata. Marami pa ang mangyayari sa'yo basta h
SUMASARA NA ANG talukap ng mga mata ni Daviana nang makatanggap siya ng hindi inaasahang tawag mula sa police station. Laking pagtataka ng dalaga dahil halos hatinggabi na iyon. Tamang-tama lang iyon sa kanyang pamamahinga. Kakatapos lang niyang gawin ang research projects. Lumipad sa kung saan ang antok niya nang malaman mula sa kausap na pulis na nasangkot na naman umano sa gulo si Warren Gonzales. Magulo ang pagkaka-kwento ng kausap niyang pulis kung kaya naman hindi niya lubos maintindihan ang tunay na nangyari. Isa pa, kabadong-kabado na siya dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan. Kilala niyang may saltik sa ulo ang lalaki pero hindi naman siguro intensyon na gumawa ng gulo. “Jusko ka naman, Warren. Kailan ka ba magtitino ha? Isusumbong na kita sa Mommy mo eh! Wala ka pa ‘ring character development eh ang tanda-tanda mo na!” bulong-bulong niya habang nagdadabog na kinukuha ang kanyang jacket, wallet at cellphone at inilagay iyon sa sling bag niya.Batid niyang mahihirapa
NAIKILING NI DAVIANA ang kanyang ulo sa narinig. Para siyang nabingi at nagkaroon saglit ng mental block. Imposible iyon. Baka namali lang ng pagkaintindi ang pulis sa dahilan ng gulong sumiklab sa bar. “A-Ano hong sinabi niyo? K-Kasintahan? Iyon ang dahilan ng gulo?” paglilinaw niya pa, binalewala na ang iba pang sinabi ng pulis na kanyang kaharap.“Oo, Miss na ayon dito sa report ang pangalan ng girlfriend niya ay Melissa Abalos.” kumpirma ng police officer, na nagpaawang pa nang bahagya sa bibig ni Daviana. Estranghero sa kanya ang pangalang iyon. Ibig sabihin ay ngayon lang niya narinig. “Noong nagtungo raw sila ng bar ay may nakaalitan na sa labas pa lang itong girlfriend niya na kapwa bar hoppers. Naapakan yata sa paa. Di naman sadya. Ayon napikon si Warren Gonzales nang makita niyang biglang sinabunutan ang nobya. Hinampas niya ba naman sa ulo ng bote ng alak iyong babae. Mali siya dito, Miss eh. Babae pa rin iyon eh. Hindi sana niya pinatulan. Iba pa naman ang lakas ng lalak
SUMIKLAB PA LALO ang naramdamang tampo ni Daviana kay Warren dahil sa tono at meaning ng sinabi nito. Nais na nga niya itong palakpakan sa pagiging mabait nito, sa ibang tao nga lang iyon. Nakahanda siyang isakripisyo nito para lang sa pansariling kapakanan. Ano pa nga bang magagawa niya? Tapos na rin naman at kung mag-aalboroto siya, wala na rin namang silbi iyon. Nagawa na niyang magpauto sa kanya.“Maraming salamat nga pala sa pagpunta. Sabi ko na eh, hindi mo ako matitiis. Huwag kang mag-alala, babawi ako sa'yo kapag naging maayos na ang lahat. Salamat sa palaging pagtulong mo sa akin, ha?” Kagaya ng malamig na klima sa labas, parang ganun ang naramdaman ni Daviana sa puso niyang yumakap. Malinaw na walang pakialam sa kanya si Warren, kahit pa siya ay magkasakit ‘wag lang ang kanyang girlfriend. At bulag siya sa katotohanang iyon.“Sige. Ayos lang.” Kumatok sa pintuan ng silid na tinigilan nila si Warren. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at isang bulto ng babae ang lumabas. Wal
MAHILIG MAGLARO SA iba’t-ibang larangan si Warren noong ito ay bata pa. Hilig nitong mag-rides ng bike na kung saan-saan nakakarating at kabisadong mabuti na iyon ni Daviana. Mahilig din ito sa musika. Pang-atleta rin ang katawan nito kung kaya naman hindi ito basta na lang masasaktan sa mga natamo. Inaasahan ng kanyang ama na mag-aaral siya ng masteral sa ibang bansa at pagbalik ay mamanahin na niya ang kanilang family business. Subalit, matapos na maka-graduate ng college ay hindi nito sinunod ang gusto ng ama. Nanatili ito sa bansa at nagsimulang sumali sa mga racing, mapa-kabayo man iyon o sasakyan. Minsan nga sumasali pa ito sa mga endurance na para kay Daviana ay sobrang napakadelikado.“Hindi iyan, huwag kang kabahan.” palaging sagot nito kapag pinapaalalahanan ni Daviana, wala namang magawa doon ang dalaga kung hindi ang ibigay na lang ang kanyang hilig. “Magtiwala ka lang sa akin.”Lahat ay kinabaliwan ni Warren laruin, maliban na lang sa babae kung kaya naman nagtataka pa ri
HINDI NA NAGULAT pa si Rohi sa nalaman niya. Kilalang-kilala niya ang kapatid sa ama mula pagkabata. Basagulero at takaw-gulo talaga ang half-brother niya kahit na noon pang mga bata sila. Worst, ito ang madalas na nagsisimula ng gulo at aastang siya ang biktima ng kaguluhang iyon. Hindi niya masisi ang kapatid, pinalaki rin naman siya sa layaw at ang lahat ng naisin niya ay nakukuha. Bagay na malamang na hanggang sa pagbibinata nito ay dala-dala. Wala naman siyang say doon, ito pa rin ang lihitimong anak. Dala man niya ang apelyido ng ama, hindi maiaalis na siya pa rin ang outsider sa kanilang dalawa.“Kung ganun ay nasaan siya? Bakit mag-isa ka lang? Huwag mong sabihin na iniwan ka niya matapos mo siyang tulungan?” alanganing tanong ni Rohi nang hindi masasaktan ang kanyang babaeng kaharap. “Oo, eh. Kasama ang girlfriend niya. Nag-booked sila ng hotel room malapit doon sa police station.” sagot ni Daviana sa tonong sobrang nasasaktan, hindi niya alam kung bakit ang bilis niyang map
HINDI ALAM NI Daviana kung ano ang kahulugan ng salitang makalat at malinis sa binata. Ni isa naman ay wala siyang makitang kalat sa loob ng suite nito na hindi niya alam kung gaano na katagal tinitirhan ni Rohi. Pinagmasdan niyang hubarin ng lalaki ang suot nitong sapatos na panlabas matapos na isabit sa gilid ang bitbit niyang payong. Sinuot na nito ang pambahay niyang tsinelas. Ilang minutong nilingon siya nito matapos na gawin ang bagay na iyon na para bang mayroon itong nakitang problema sa bulto niya.“Pasensya na ulit, walang babaeng nakatira dito kaya naman iisa lang ang pangbahay na tsinelas. Huwag kang mag-alala, magpapadala ako dito mamaya sa utility ng hotel para naman mayroon kang masuot.” “Ayos lang. Huwag ka ng mag-abala pa. Isang gabi lang naman akong mamamalagi dito.” kumpas ni Daviana ng isang kamay upang pigilan ang binata sa kanyang pina-plano, iyong bigyan siya nito ng higaan at matutuluyan ng gabing iyon ay sapat na sa kanya. “Ayos lang naman ang mga paa ko, Roh
MABUTING TAO SI Daviana pero naniniwala siya na ang pinakapangit na nagawa niyang desisyon sa buhay ay ang maging kakampi ni Warren noong sila ay mga bata pa. Hindi lang sa bahay ng pamilya Gonzales pangit ang trato kay Rohi dahil maging sa kanilang paaralan ay naging tampulan siya ng tukso ng kanilang mga kapwa estudyante. Nang dahil iyon sa pangalang inaalagaan ni Warren sa kanilang school. Masyado siyang popular at iginagalang. Kapag may inutusan siyang gawing masama ang mga kaklase, walang reklamo silang sumusunod agad dito nang hindi sila ang mapag-initan at mapagbalingan ng galit. Ang hindi makakalimutan ni Daviana ay nang minsang hindi sinasadyang mabangga siya ni Rohi. Aaminin niya, siya ang may kasalanan noon dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan.“Warren, hindi siya ang may kasalanan—”“Huwag kang makialam, Viana. Kailangang bigyan iyan ng leksyon para alam niya kung saan siya dito lulugar! Sampid!”“Pero Warren, hindi nga—” Bago pa muling makapag-react si Daviana ay ib
BAKAS SA MGA mata ng dalaga na sobrang litong-lito na siya. Pilit niya lang kinalamay ang kanyang sarili para magmukhang kalmado pa rin kahit na ang kaloob-looban niya ay unti-unti ng gumugulo. Nagugulo. Hindi na alam ang gagawin at mga sasabihin ay pinili na lang niyang manahimik. Masyadong nagulo ang kanyang isipan ng sinabi ng kanyang ina. Malakas ang naging impact ng mga salita nito sa kanya tungkol sa nobyo. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin ang kanyang sarili kung gaano niya nga ito kakilala? Hindi lang iyon. Sa punto ng pananalita ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang tinutumbok noon. Sadya ba talagang kailangan niyang makipaghiwalay kay Rohi? Hindi niya kaya. Sobrang mahal niya ang binata.“Hindi ka pa rin naman nakaka-graduate. Mahaba pa ang panahong lalakbayin mo anak. Anuman ang iyong desisyon, huwag kang magmadali upang gawin iyon. Isipin mo ulit mabuti ang mga desisyon mo sa buhay. Isa pa ay bata ka pa naman. Masyado pang bata. Marami pa ang mangyayari sa'yo basta h
HINDI MATANGGAP NG damdamin at parang sasabog na ang isipan ni Daviana sa sinabing iyon ng ina. Hindi niya lubos maisip na ganun ang hangarin ng kanyang nobyo. Maaring tama nga ito ng kanyang hinuha, pero malakas pa rin ang kanyang paniniwala na hindi iyon kayang gawin ni Rohi. Mabuting tao ang kanyang nobyo. Sobrang mahal na mahal din siya nito kaya bakit naman siya nito sasaktan at paiiyakin?“Alalahanin mo na ang buong pamilya ng Gonzales ay may ayaw sa kanya. Si Carol at Warren ang sobrang nanakit sa kanyang damdamin lalo na noong bata pa siya. Si Welvin na kanyang ama at si Don Madeo rin na halatang walang pakialam sa existence niya. Sa palagay mo ba ang isang taong tulad ni Rohi na may masalimuot na karanasan sa kanyang kabataan ay magiging mapagparaya at bukas-palad na patatawarin na lang ang lahat ng mga taong nanakit sa kanya?” muling iwan ng mga katanungan sa isipan ni Daviana ng kanyang inang si Nida, “Walang ganun Daviana, lahat ng tao ay mayroong hangganan ang pasensya.”
PARANG HINIHIWA NA ang puso ni Daviana sa mga salitang iyon ng ina na para bang pinagtatabuyan o tinatakwil siya ng araw na iyon, pero ang totoo gusto lang nitong maging maayos ang buhay niya. Ayaw na ni Nida na maranasan ng anak ang kahirapan sa piling ni Danilo. Gusto niyang mamulat doon ang anak. At ang mga salitang iyon ay ang kanyang tanging instrumento upang ipakilala sa kanya ang katotohanan.“Mag-aral ka pa rin, huwag mo iyong kakalimutan at pipiliing itigil. Magtapos ka. I-pursue mo ang mga pangarap mo. Kung kinakailangan mong tumigil muna para makapag-ipon ng mga gagastusin, gawin mo. Huwag ka lang babalik sa bahay. Naiintindihan mo, Viana? Hindi iyon ang magandang option sa ngayon.”Hilam na sa luha ang mga mata ni Daviana. Ilang beses siyang umiling. Masama na naman ang loob niya pero batid niyang may punto naman ang kanyang ina. Tama ito, nais nitong suportahan ang gusto niya.“Sorry Viana, kasalanan ko ang lahat kung kaya nagkaroon ka ng amang kagaya niya. Okay naman siy
PUMASOK NA SI Daviana sa loob samantalang tumigil naman sa paghakbang papalayo si Warren. Muling bumalik at sumandal lang sa pader malapit sa pinto ng ward upang hintayin doon si Daviana. Naisip niya na kapag iniwanan niya ito doon ay baka takasan lang siya nitong bigla. Hindi niya pa naman alam kung saan ito namamalagi ng sandaling iyon. Nakaramdam siya ng lungkot. Naninibago. Sobrang laki ng ipinagbago ng kaibigan mula ng lumayas ito. Parang hindi na ito ang kaibigan na kanyang minahal dati.“Kasalanan mo rin naman ‘yun, Warren…” paninisi niya sa kanyang sarili habang huminga na ng malalim.Maingat na isinara ni Daviana ang pintuan ng ward. Napabaling ng tingin doon si Nida nang marinig na may pumasok sa loob mula sa kabilang direksyon ng kama kung saan siya nakaharap. Ganun na lang ang gulat niya nang makitang ang anak iyon na si Daviana. Nagtama ang mga mata nilang tila nagkagulatan.“M-Mom…”Naglakbay ang mga mata ni Daviana sa kabuohan ng ina mula sa dextrose na nakatusok sa kam
NAPATIGIL NA SI Nida sa pagsasalita nang makita ang reaction ni Warren. Maya-maya pa ay pinili na lang lumabas ng lalaki na lingid sa kaalaman ng Ginang ay hinanap ang doctor na naka-duty sa emergency room upang magtanong at makibalita lang sa lagay ni Nida. Hindi mapigilan ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ni Warren ng sabihin ng doctor na binugbog ang Ginang base sa natamong sugat.“It was probably caused by domestic violence. There are many such injuries na dinadala sa hospital na ito.”Biglang sumagi sa isip ni Warren ang ginawang paglayas ni Daviana, iyon marahil ang dahilan kung bakit nabugbog ng ama ng dalaga ang kanyang ina. Pinag-isipang mabuti ni Warren kung ipaapalam niya ba iyon sa kaibigan. Paniguradong kapag ginawa niya iyon, tiyak na lulutang si Daviana at pupunta. Hindi nito magagawang tiisin ang sariling ina. Ganunpaman, bigla siyang tinubuan ng konsensiya. Baka malaman ng kanyang ama na pumunta siya doon, at baka magkagulo lang silang muli at maipahamak niya si Da
SINAMAAN PA SIYA ng tingin ni Danilo na kulang na lang ay ibalibag ang katawan sa sahig.“Your son was killed by you, you said I was useless, and you, as a woman, don't you feel that you are a failure too for not protecting him? Hindi ka marunong maging isang ina, Nida!”The dead baby was the deepest wound buried by everyone in the Policarpio family. Most of the time, they avoided talking about it. But Danilo tore open this wound. The person who hurt the most was Nida. How could a father feel real? Siya ang dinudugong nakaratay sa ibabaw ng kama sa hospital. Siya ang nakakaramdam ng mga galaw nito sa loob ng sinapupunan niya. Siya ang lahat. Naiyak na si Nida nang dahil doon. Matagal na kinimkim niya ang sama ng loob at ngayong muli itong nabuksan, para siyang bumalik sa nakaraan na pilit na niyang kinakalimutan dahil bilang ina ay masakit din iyon.“Wala ka na talagang konsensya. Sa akin mo na lang lahat sinisisi kahit na alam mo sa sarili mong isa ka sa may kasalanan kung bakit si
NAGTAAS NA NG isang kilay niya si Warren na sa mga sandaling iyon ay nakatayo sa labas ng pintuan ng ward kung saan naroon ang ina ni Daviana. Tinatanaw ang Ginang na nakaratay sa hospital bed. Humakbang siya papalayo doon habang nasa tainga pa rin ang kanyang hawak na cellphone. Ayaw niyang maulinigan ng ina ng dalaga na kausap niya ang dalaga at nagsumbong siya. Sinabi niya ang lagay nito na ang bilin ng Ginang ay huwag niyang gagawin.“Viana, you are great. You didn't reply to my message yesterday, so why did you see this one just now? Ikaw pa talaga ang tumawag sa akin—”Umigting na ang panga ni Daviana na tila nahuhulaan ng kalokohan ang ginagawa nito. Trap. “Warren? Huwag mong sabihin na nagsisinungaling ka lang sa akin at ginagamit mo ang Mommy ko bilang pain para lang makontak mo ako? Nagsisinungaling ka lang ba?!”“Anong nagsisinungaling na sinasabi mo?” ganting angil ni Warren na hindi na naman natutuwa sa pagbibintang ng kanyang kaibigan, “Nasa hospital nga ako ngayon at
ILANG SEGUNDONG NATAMEME si Rohi sa naging tanong ng nobya. Maingat niyang hinawakan ito sa kanyang magkabilang balikat at kapagdaka ay mahigpit ng binigyan ng yakap. Ang binata rin naman. Ayaw niya sanang umalis sa araw na iyon. Gusto niya pang manatili sa suite at maghapon na ikulong lang sa mga bisig ang nobya. Makipag-bond lang sa dalaga, kaso may trabaho naman siyang biglaan na pupuntahan.“Pipilitin kong matapos nang maaga ang trabaho nang makabalik ako agad dito. Hmm?” Huminga lang si Daviana nang malalim at kapagdaka ay marahan ng tumango ng ulo upang sumang-ayon. Wala naman siyang ibang magagawa kahit na gusto niyang pigilan ito. Trabaho iyon, alangang pigilan niya ang nobyo? Magkayakap na tinungo nila ang pintuan ng suite matapos na ilang beses na pahapyaw halikan ni Rohi ang labi ng nobya. Pinanood siya ni Daviana na magsuot ng sapatos habang tahimik na nakatayo lang sa gilid na harapan niya. Para siyang asawa na hinihintay na matapos sa ginagawa ang kabiyak upang ihatid n
KINABUKASAN AY NAGISING si Daviana na nakaunan at nakakulong pa rin sa mga bisig ng nobyo. Nakatulog siya habang may pinag-uusapan. Antok na antok pa siya nang idilat niya ang kanyang mga mata. Ang nakangiting mukha ni Rohi ang sumalubong sa kanya. Bago niya pa matakpan ang bibig ay nagawa na nitong halikan ang kanyang labi.“Good morning,” mababa at malambing nitong bati. “G-Good morning…bakit hindi mo ako ginising kagabi? Nakatulog ka na ba? O binantayan mo ako?”Iinot-inot siyang bumangon pero hinila siya ni Rohi at muling ikinulong sa kanyang mga bisig. Ayaw pang paalisin ng higaan. Dama niya na parang binugbog ang kanyang katawan, pero hindi na ito kasingbigat nang nagdaang gabi matapos gamitin.“Mamaya ka na bumangon, masyado pang maaga.”Nakangusong pinagbigyan ni Rohi ang nobyo. Yumakap na lang din siya sa katawan nito at isiniksik pa ang katawan palapit sa binata. Nang muli nitong halikan ang kanyang kabi ay mahina siyang humagikhik. Naninibago pa rin siya sa ka-sweetan nito