All Chapters of Addicted to the Imperfect Billionaire: Chapter 241 - Chapter 250

256 Chapters

Chapter 82.1

MARIING ITINIKOM PA ni Daviana ang kanyang bibig. Ayaw niyang sabihin ang mga nangyari kay Rohi. Yumuko na siya upang itago ang emosyong nakalarawan sa kanyang mukha. Ganunpaman, hindi niya pa rin napigilan ang magsalita bandang huli. Hindi niya kayang magsinungaling sa nobyo lalo pa iyon ngayon.“Dahil tumakas ako sa kasal na gusto nila, si Mommy ang napagbuntunan ni Daddy. Siya ang inabuso...”“Nasaktan ang Mommy mo? Kailan niya ginawa? Paano mo nalaman ang bagay na iyon?”“Hmm,” problemadong sagot ng dalaga na hindi pa rin makatingin nang diretso kay Rohi, “May infection at lagnat din siya. Actually pinuntahan ko siya sa hospital kanina. S-Sorry, umalis ako nang hindi nagpaalam sa'yo. Baka rin kasi hindi mo ako payagan o maka-istorbo lang din sa'yo ang balitang iyon.” ini-angat na ni Daviana ang kanyang tingin upang salubungin lang ang mas lumalim na titig ng kasintahan, “Nakalabas na rin naman siya ng hospital, okay na siya, pero hindi ko alam kung maiibsan ang sakit ng katawan ni
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 82.2

NAPAHAWAK NA SI Daviana sa kanyang ulo at napagtanto niyang tama ang sinabi nito. Nagawa niyang tanggalin ang tuwalyang nakabalot doon kanina pero nakalimutan naman niyang tuyuin. Napangiwi siya nang maramdamang pumapatak pa ang tubig sa dulo nito. Sa sobrang lutang niya, nakalimutan niya iyon. “Hmm, oo nga, sorry, nakalimutan ko.”“Ikaw talaga…” maliit na napangiti si Rohi upang pagaanin ang tensyon na bumabalot sa kanila.Sinundan ng mga mata ni Daviana ang nobyo nang tumayo ang binata upang kumuha ng towel. Hindi na nagawa pang makatanggi ng dalaga nang pagbalik nito ay sinimulan niya ng tuyuin ang kanyang buhok. Puno ng pag-iingat ang bawat haplos nito sa ulo niya. Parang among tinutuyo ang bagong paligo niyang aso. Pangiti-ngiti pa ito kada mapapasulyap ng tingin sa kanya ang dalaga. Biglang hinaplos ang puso ni Daviana. Walang sinuman ang gumawa noon sa kanya, si Rohi pa lang; ang kanyang nobyo. “Bakit ganyan ka tumingin? Bago din ba sa’yo ang ganito?”Marahang tumango si Davi
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 82.3

TUMAAS PA ANG isang kamay ni Rohi at inabot na ang labi niya. Marahan niyang hinaplos iyon ng kanyang hinlalaki. Nagtitimpi na huwag niyang halikan ang labi. Hindi pa rin niya inaalis noon ang nakatitig niyang mga mata sa mukha ni Daviana. “You are my girlfriend. My future wife. Stop thinking too much about the problem. Now your business is also my business. Maano bang tulungan ko ang future wife ko sa mga pinagdadaanan niya? Hindi naman iyon masama di ba? Future husband ako.” Hindi na napigilan ni Daviana na mamula ang mga mata. Shit! Naiiyak siya. Sobrang na-touch siya nito dahil sino ba siya para pagtuonan pa? “Magkasama nating haharapin ang lahat ng mga problema. Hindi ba at ganun naman dapat, Baby? Nagtutulungan. Nagdadamayan. Walang maiiwan sa ating dalawa. Narito ako sa kahinaan mo at dapat ay nariyan ka rin kapag lugmok ako. Okay?” Hindi maisip ni Daviana kung ano ang kabutihang ginawa niya sa past life niya para bigyan siya ngayon ng lalaking ganito kabusilak ang puso. P
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 83.1

MAHIGPIT NA SIYANG niyakap ni Rohi habang bakas sa mukha nito na puno ng pag-asang tunay ang sinasabi ng kanyang nobya. Gumanti naman si Daviana. Alam niyang niloloko lang niya ang sarili at ang kasintahan sa mga salitang binitawan niya. Sinabi niya lang naman iyon para kumalma ito, pero ang totoo, sa mga sandaling iyon ay labis siyang naguguluhan sa kinikilos ng nobyo. Sa ginawa nitong pakiusap, ibig lang sabihin ay may pagdududa rin itong nararamdaman sa kanya. Hindi buo ang tiwala ni Rohi sa kanya. Bagay na nagpakirot ng puso niya. Nang gabing iyon ay hindi tabi natulog ang dalawa sa iisang kama. Sa magkabila silang silid na hindi naman ipinilit ni Rohi sa nobya. Hindi makatulog noon si Daviana na panay ang biling sa higaan. Humahanap ng posisyon na komportable siya ng higa. Patuloy niyang naririnig sa kanyang isipan ang pakiusap ni Rohi na piliin niya ito. Patuloy na binabasag noon ang puso niya habang nagre-replay.‘Baka parte ito ng plano; ang manatili ako sa tabi niya para hin
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 83.2

IRITABLENG HUMIGPIT NA ang hawak ni Daviana sa kanyang cellphone. Nabubuwisit na naman kay Warren. Balisa na nga siya at problemado, dinagdagan pa iyon ni Warren na halatang nais siya ma-pressure.Warren Gonzales: Fake engagement lang naman iyo at walang ibang mawawala sa’yo. Isipin mong mabuti. Pabor iyon sa’yo. Hahanap na lang tayo ng paraan para i-cancel ang engagement at hindi magtuloy ng wedding. Lampasan na lang muna natin ito Viana nang matapos na.Napasabunot na sa buhok si Daviana. Parang wala na siyang ibang paraan kundi ang pumayag na lang.Warren Gonzales:Isipin mong mabuti ang kalagayan ng Mommy mo. Sa tingin mo titigilan siya ng Daddy mo? Hangga't hindi ka umuuwi, nasa panganib ang buhay niya. Wala kang konsensya at pagmamahal sa kanya. Ganyan ka ba ha?Gusto na sana niyang e-blocked muli si Warren kaso paano naman siya makikibalita sa kanyang ina?Daviana Policarpio: Speaking, nakita mo ba si Mommy? Kumusta siya?Warren Gonzales:Hindi ko siya nakikita.Daviana Polica
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 83.3

BUMIGAT PA ANG pakiramdam ni Daviana nang dahil sa nalaman niya. “Domestic violence a once and for all thing. Maaaring tinitiis ng Mommy mo ang pananakit ng Daddy mo para protektahan ka. Kailangan mong malaman iyon. Kausapin mo ang Daddy mo. Kung hindi kayo magkasundo, tumawag ka ng pulis. Mag-report ka na. Mahirap man resolbahin iyon ng pulis at least may report ka sa kanila. Malayo ka nga at malaya, pero hindi ka naman mapanatag. Ano pang silbi niyan?”Namasa na ang mga mata ni Daviana. Pinatay na niya ang tawag ni Warren. Nag-vibrate ang cellphone ni Daviana at nakita niyang message iyon ng ina niya. Mommy: Viana, pwede ka bang sumaglit mamayang gabi dito sa bahay? Bilhan mo ako ng gamot. Se-send ko ang reseta.Nahigit na ni Daviana ang hininga. Naisip na what if ang ama lang niya iyon at nagpapanggap na ang ina? Isang message pa ang dumating kaya binasa niya ito. Mommy:Huwag kang mag-alala. Wala naman dito ang Daddy mo mamaya. Lalabas siya dahil a-attend siya ng party.Naipiki
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 84.1

NANINIKIP ANG DIBDIB na pinalis ng likod ng palad ni Daviana ang kanyang mga luhang nagsimula na doong bumagsak. Inalalayan na niya ang kanyang inang makatayo habang namumuo na ang galit sa puso para sa kanyang amang ang tingin niya ay naging isang halimaw na ngayon. Kapag may masamang nangyari sa kanyang ina, hinding-hindi niya mapapatawad ang ama. Iha-hunting niya ito at pagbabayarin. Marapat lang na ipanalangin nito na walang anumang maging problema dahil magiging masama siya. “Halika, Mommy, dadalhin kita sa hospital. Kaya mo bang tumayo? Aalalayan kita, okay?” sambit niya na pilit na pinapasigla ang kanyang boses kahit na wasak na wasak na siya nang mga sandaling iyon.Masyadong mataas ang temperatura ni Nida, nagliliyab sa init ang kanyang buong katawan. Namilog na ang mga mata ni Daviana nang pahapyaw niyang salatin ang noo ng kanyang ina. Sobrang init nito. Hindi niya rin alam kung gaano katagal na nakakulong doon mag-isa ang ina kaya naman mas lalong lumala ito. Pakiramdam n
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 84.2

WALANG IMIK AT piniling hindi na lang magsalita nina Danilo at Daviana sa mgasinabing iyon ng doctor. Wala rin namang mangyayari kung magbibigay pa sila ng katwiran at ipapaliwanag kung ano ang nangyari. “Bilhin niyo na ang mga kailangang ito ng pasyente.” tagubilin pa ng doctor at inabot na ang reseta.At dahil public hospital iyon ay sila ang pinabili ng mga gamot na kailangan ng kanyang ina. Hindi na siya sinamahan pa ni Danilo dahil batid ng lalaki na babalik naman ang anak lalo pa at nasa ganung sitwasyon ang kanyang ina. Hindi nito magagawang iwan ito sa kanyang palad kung kaya naman panatag na siya. “Siguraduhin mong babalik ka, Viana. Alam mo ang mangyayari sa iyong ina kung hindi.” mahina nitong usal na tanging silang mag-ama lang ang nakakaalam, “Huwag na huwag mong balakin iyon, Viana...”“Oo, Dad, babalik ako. Hindi mo kailangang paulit-ulit na sabihin iyon sa akin. Babalik ako...”Nanatili ang padre de pamilya nila sa labas ng ward pagbalik ni Daviana. May dextrose na s
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 84.3

HATINGGABI NA NANG humupa at bumaba ang taas ng lagnat ni Nida. Nakahiga na sa bakanteng kama ng ward si Danilo, habang si Daviana namann ay hindi kayang ipikit ang mga mata sa labis na pag-aalala pa rin sa kalagayan ng kanyang ina. Hindi siya dalawin ng antok sa patong-patong na problema at isipin. Stress na stress ang utak niya kung alin ang kanyang uunahin. Nagtatalo ang puso niya at ang isipan niya. Ayaw siyang patulugin noon kahit na gustohin niya man kahit na saglit lang. Madaling araw na iyon ng naalimpungatan si Nida. Natulala siya saglit nang makita ang anak na si Daviana na naroon pa rin sa tabi. “Ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umaalis? Binalaan na kita noon na huwag kang—”“May lagnat ka na naman, dinala ka namin ni Daddy ng ospital.” pagputol ni Daviana upang sabihin ang bagay na iyon sa kanyang ina nang matapos na ang pag-iisip nito ng ibang mga bagay sa kanya.Naalala ni Nida ang nangyari ng nagdaang gabi sa kanilang bahay. Naging malinaw ang lahat ng iyo
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 85.1

HINDI NAMAN NA nagulat pa si Warren nang makita niyang bumaba si Daviana ng hagdan kasunod ng kanyang ama. Masakit man sa kanyang paningin na napipilitan lang si Daviana ay hindi niya ito pinansin. Iwinaglit niya iyon sa isipan dahil siya rin naman ang isa sa humimok kay Daviana para sa fake engagement.“Hija, napag-isipan mo na ba?” maligayang tanong ni Carol matapos na bigyan niya ng yakap si Daviana ng makalapit, “May sagot ka na? Alam mo na, gusto na naming matapos ito sa lalong madaling panahon.”“Opo, Tita…nagkausap na kami ni Daddy…” linga niya sa ama na nasa sulok lang at matamang nakikinig sa usapan. “Pumapayag na ako sa engagement namin ni Warren.” halos ayaw lumabas noon sa lalamunan.Sumilay na ang kakaibang ngiti sa labi ni Carol sa kanyang narinig. Ang gusto niya ay isang manugang na madaling kontrolin kagaya na lang ni Daviana na sunud-sunuran lang. Kung hindi ito, kung ang ugali niya ay katulad ng kanyang anak na si Warren paniguradong masakit sa ulo iyon ng kanilang b
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more
PREV
1
...
212223242526
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status