ILANG ARAW PAGKALIPAS ng usapan nilang iyon ay pwersahang isinama na naman si Rohi ng ina patungo sa tahanan ng kanyang ama. Keysa naman sa kung saan niya ito abandonahin, ibibigay na lang niya sa ama nang sapilitan. Iyon ang itinatak ni Rufina sa kanyang isipan.“Nakita mo naman kung gaano kalaki ng bahay ng Daddy mo di ba? Kung magmamakaawa ka sa kanya na kunin ka niya, hindi ka na makkaaranas na magutom. Malambot na rin ang kamang tutulugan mo, Rohi.”Mariing iniiling ni Rohi ang kanyang ulo. Kahit na mahirap, nais pa rin niyang makasama ang ina niya. Ito ang kinamulatan niya kung kaya naman hindi niya ito ipagpapalit kahit na ipinagtatabuyan pa siya.“Mommy, ayoko sa kanya—”“Makinig kang mabuti, Rohi. Kapag nasa puder ka ng Daddy mo, pwede kang makakain ng masasarap na hindi ko kayang ibigay sa’yo. Araw-araw. Mga bagong damit. Toys. At isa pa kapag malaki ka na, makakapag-aral ka sa magandang paaralan at makakatapos. Kapag nakatapos ka na ng pag-aaral, wala ng makakaalipusta sa’y
Last Updated : 2025-01-12 Read more