HINDI NAMAN SA hindi ni Welvin naisip na ibalik ang anak sa kanyang ina para matahimik na sila ng pamilya niya, ngunit mas malupit pa pala sa kanya ang babaeng iyon at determinadong itapon ang kanilang anak sa kung saan kung kaya naman mas minabuti niyang kunin na lang ito at kahit paano ay suportahan, buhayin at pag-aralin. Napaka-abnormal ng ganong relasyon ng mag-ama. Sa loob ng maraming taon, wala siyang naging pakialam kay Rohi basta maibigay ang kailangan nito hanggang sa makaya na nitong tumayo sa sariling paa, kaya nakakagulat bigla na lang siyang magtatanong ngayon.“Don't get me wrong o isipin na pinapangunahan kita, curious lang ako. Gusto ko lang malaman.”Isang bakas ng pagkagulat ang sumilay sa mga mata ni Rohi na hindi inaasahan ang tanong na iyon. Hindi niya alam kung ano ang intensyon ng kanyang ama sa mga pagtatanong nito, para sa kanya ay hindi normal na bigla itong macu-curious o magtatanong about sa ganung bagay ngunit sigurado siyang hindi ito nag-aalala sa kanya
Last Updated : 2024-12-29 Read more