TINULUNGAN NI ROHI na mag-apply ng gamot si Daviana sa kanyang paang apektado kahit pa sinabi ng dalaga na kaya niya na. Hindi siya nito pinahintulutan na siya lang ang gumawa. Habang gingawa iyon ng binata ay hindi naman mapigilan ang sarili ni Daviana na pakatitigan pa ito. Magkaharap silang nakaupo sa ibabaw ng kama kung kaya naman malinaw na napagmamasdan niya ang mukha nito. Magaang minasahe pa iyon ni Rohi na aaminin ng dalagang mas nakatulong na maibsan ang sakit, bagay na hindi alam ni Daviana na alam rin pala ng binata. Para sa kanya ay napaka-perfect na talaga ng binata, maliban lang sa katotohanan na anak ito sa labas iyon ang nagbibigay sa kanya ng pagiging imperfect na nilalang.“Pagkatapos nito, matulog ka na. Huwag mo na munang isipin ang mga nangyari sa bahay niyo para naman makapahinga ka ng maayos. Ipanatag mo na ang loob mo, dahil wala ka na sa bahay niyo...”Hindi umiwas si Daviana nang halikan siya ni Rohi sa gilid ng kanyang labi pagkatapos sa ginagawa niya, bagk
Last Updated : 2025-01-05 Read more