LAGPAS NA NG alas-nuwebe ang oras ng mga sandaling iyon. Ang barbecue restaurant na kanilang kinainan ay dalawang kanto lang naman ang layo sa hotel kung saan sila nakatira. Pagkatapos silang tuluyang iwan nina Keefer na nagpresentang siya na ang bahalang maghatid sa kaibigan niyang si Anelie ay mabagal ng nagsimulang maglakad si Daviana. Hindi na siya sobrang iika-ika pero sa paningin ni Rohi ay hindi pa rin lubusang magaling ang mga paa niya.“Sigurado ka, Viana? Hindi mo kailangan ng tulong? Malapad ang likod ko. Kayang-kaya kang dalhin nito. Piggy back ride ka sa akin.”Nahihiyang nilingon ng dalaga ang nobyo na bahagyang namumula ang magkabilang pisngi. Hindi ito lasing pero alam niyang may kaunting tama sa kanya ang alak na ininom.“Hindi na. Kaya ko namang maglakad. Dahan-dahan na lang tayo para hindi mabugbog ang mga muscles ko sa mga paa. Nakaya nga naming maglakad papunta dito ni Anelie kanina ng walang kahirap-hirap.”“Sigurado ka? Mas mapapabilis sana tayo kung sasakay ka
NAGPATULOY PA SILA sa paglalakad. Hindi nagtagal ay tuluyan ng nawala ang hiya ni Daviana. Ini-enjoy na niya ngayon ang pagsakay sa likod ni Rohi. Nakikita lang niya iyon sa mga dramang pinapanood niya tapos ngayon siya na mismo ang nakakaranas. Iba pala sa pakiramdam kapag ikaw na ang makakaranas. Ilang beses na tumigil si Rohi sa paglalakad upang itaas lang siya dahil sa pagbaba nang bahagya ng kanyang katawan.“Parang mas bumigat ka ngayon kaysa kahapon, Viana. Siguro dahil busog na busog ka ‘no?”Biglang binalot ng hiya ang buong katawan ni Daviana. Sinasabi ba nitong mabigat siya?“O di ba mabigat ako? Ibaba mo na ako. Sabi ko sa’yo mahihirapan ka sa akin eh!”Pagak na tumawa si Rohi sa pagkapikon ng dalaga sa kanya. Sa halip na ibaba ay mas humigpit ang hawak nito sa mga binti niya.“Joke lang, Baby, nagbibiro lang naman ako.”Bilang tugon doon ay marahan niyang hinila ang buhok nito. Hindi naman nasaktan si Rohi pero bahagya siyang napatingala dahil sa ginawang iyon ng dalaga s
NANGUNOT NA ANG noo ni Daviana nang hindi pa rin sumagot si Rohi na parang walang narinig sa kanyang mahabang sinabi. Hindi na siya natutuwa na dini-deadma siya ng binata. Ano iyon? Hangin ba siya? Bakit ayaw niyang pakinggan ang sinasabi niya? Ayaw ba nitong humiwalay siya ng tirahan? Pangit kayang tingnan kahit pa sabihin na magkasintahan silang dalawa. Iyon pa nga ang mas nagpapangit doon sa idea na magkasama sila sa iisang tahanan sa mata ng ibang mga tao na nakakaalam nito.“Rohi?” medyo ubos ang pasensyang turan niya na may halik ng pagkainis ang tinig.Kinailangan pa niyang igalaw ang kanyang paa na minamasahe nito matapos na tawagin ang pangalan ng nobyo para pansinin lang siya.“Hmm?” sagot nitong nakatingin pa rin ang mga mata sa paa niyang nilalagyan ng oil. “Hindi mo ba talaga narinig ang mga sinabi ko?”“May sinabi ka ba?”Umismid si Daviana, parang gusto ng sabunutan ang binata upang tingnan lang siya sa mata.“Hay naku, hindi ka nga talaga nakikinig! Nakakainis ka nama
HINDI TUMIGIL ANG ang paglalakbay ng mga daliri ni Rohi sa kanyang pagkababae na ilang beses ng nagpanginig ng katawan ni Daviana. Dama niya ang mainit na paglabas doon ng kung anumang tawag doon lalo pa nang laru-laruin iyon ng mga daliri ng binata. Hindi napawi ang mga ungol ni Daviana na halatang wala na sa kanyang tamang katinuan dahil sa patuloy na paglalaro ng apoy ni Rohi na patuloy na ginagalugad ang kanyang bukana kung kaya naman hindi na alam ng dalaga kung ano pa ang kanyang mararamdaman. Ang lapat ng labi nito sa balat niya at ang patuloy na paggalaw ng daliri nito ay mas nagpainit pa ng bawat himaymay ng katawan ng dalaga. Sa sobrang excited ni Daviana ay hindi niya mapigilang patuloy na umungol bilang reward sa kakaibang emosyon at sensasyon na patuloy nitong ipinaparamdam sa katawang lupa niyang patuloy pang nagliliyab na para siyang nilalagnat. Maikukumpara ng dalaga ang sarili sa dehydrated na isda sa dagat na sobrang uhaw ang katawan sa patak ng tubig. Hindi na rin n
SA TINURANG IYON ni Rohi ay hindi mapigilan ni Daviana na malakas na pumalahaw ng iyak na parang bigla siyang natakot at nahimasmasan. Natataranta namang umalis ng pwesto niya si Rohi. Hindi alintana ang kahubaran ng kanilang mga katawan ay mahigpit na siyang niyakap ng binata upang pakalmahin. Pinulot niya ang damit ni Daviana at walang hiyang isinuot iyon sa kanya ni Rohi. Itinapis naman niya sa kalahati ng kanyang katawan ang blanket. Matapos na maingat na masuot sa dalaga ang hinubad niyang panty ay muli siyang naupo sa gilid ng kama upang yakapin lang muli ang dalaga na naiiyak pa sa hiya.“I am sorry, Viana…tahan na,” patuloy na alo ni Rohi sa kanya na pinalis pa ang mga luha gamit ang likod ng kanyang mga palad, “Hindi na muna natin gagawin ang bagay na iyon kung hindi ka pa handa. Saka na, kapag ready ka na at buo na ang desisyon mo dito. I am sorry kung naging pabigla-bigla ako ng desisyon.”Kung tutuusin ay matagal ang naging paghihintay ni Rohi na mapansin ng dalaga. Taon d
NAPADILAT ANG MGA mata ni Warren sa kanyang narinig, pakiramdam niya ay tinamaan siya ng kidlat. Tunay ba ang narinig niya? Naglayas si Daviana at tumalon ito mula sa bintana ng kanyang silid? Imposible niyang gagawin iyon!“Ano pong sinabi niyo Tita?!”“You heard it right, Warren. Naglayas ang anak namin. Kagabi. Ngayon hindi namin alam ng ama niya kung nasaan siya. Sabihin mo kay Carol na maghanap na siya ng ibang babae na ipapakasal sa’yo, dahil lantaran kang tinatanggihan ng anak ko. Maliwanag ba? Ikaw na lang ang magsabi dahil paniguradong walang planong ipaalam sa inyo iyon ng asawa ko. Ikaw na lang ang bahalang magsabi sa pamilya mo.”“Hindi ba at siya ay namamalagi sa ikalawang palapag ng bahay niyo, Tita?” muling tanong ni Warren na hindi pa rin maka-move on sa kung ano ang kanyang nalaman.Bakas sa mukha ng lalaki na hindi siya makapaniwala na kayang tumalon ng dalaga ng ganun kataas nang hindi ito nababalian ng binti o nasasaktan man lang ang kanyang katawan. Baka mamaya na
NAGKUKUMAHOG NA NAGPALIT ng damit ang dalaga. Binilisan niya lang iyon dahil ayaw niyang mag-intay si Rohi ng matagal. Tahimik silang lumabas ng suite at sa loob ng elevator, walang nagtangka sa kanilang magsalita upang mag-usap. “Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung ano ang sakit ng Mommy mo?”Seryoso ang mukha ni Rohi habang nakatuon ang mukha sa binabagtas nilang kalsada. Nang malingunan ni Daviana ang malamig na mga mata, parang gustong bawiin ni Daviana ang tanong niya.“Na-diagnose siya ng bipolar disorder na medyo seryoso. She had suicidal intentions before,” sagot ni Rohi na hindi lumilingon kay Daviana, nasa kalsada pa rin ang kanyang mga mata na walang anumang emosyon kaya hindi mabasa ito ng dalaga. “Pinalala pa iyon ng sitwasyon ng pamilya noon.” Tumango si Daviana na gulat na gulat sa narinig.“Iniwan ni Dad ang aking ina para magpakasal at piliin ang ibang babae. Pagkatapos ng kasal ng aking ama, ang aking ina ay dumanas ng matinding dagok sa buhay. Sa
ILANG ARAW PAGKALIPAS ng usapan nilang iyon ay pwersahang isinama na naman si Rohi ng ina patungo sa tahanan ng kanyang ama. Keysa naman sa kung saan niya ito abandonahin, ibibigay na lang niya sa ama nang sapilitan. Iyon ang itinatak ni Rufina sa kanyang isipan.“Nakita mo naman kung gaano kalaki ng bahay ng Daddy mo di ba? Kung magmamakaawa ka sa kanya na kunin ka niya, hindi ka na makkaaranas na magutom. Malambot na rin ang kamang tutulugan mo, Rohi.”Mariing iniiling ni Rohi ang kanyang ulo. Kahit na mahirap, nais pa rin niyang makasama ang ina niya. Ito ang kinamulatan niya kung kaya naman hindi niya ito ipagpapalit kahit na ipinagtatabuyan pa siya.“Mommy, ayoko sa kanya—”“Makinig kang mabuti, Rohi. Kapag nasa puder ka ng Daddy mo, pwede kang makakain ng masasarap na hindi ko kayang ibigay sa’yo. Araw-araw. Mga bagong damit. Toys. At isa pa kapag malaki ka na, makakapag-aral ka sa magandang paaralan at makakatapos. Kapag nakatapos ka na ng pag-aaral, wala ng makakaalipusta sa’y
MAHIGPIT NA SIYANG niyakap ni Rohi habang bakas sa mukha nito na puno ng pag-asang tunay ang sinasabi ng kanyang nobya. Gumanti naman si Daviana. Alam niyang niloloko lang niya ang sarili at ang kasintahan sa mga salitang binitawan niya. Sinabi niya lang naman iyon para kumalma ito, pero ang totoo, sa mga sandaling iyon ay labis siyang naguguluhan sa kinikilos ng nobyo. Sa ginawa nitong pakiusap, ibig lang sabihin ay may pagdududa rin itong nararamdaman sa kanya. Hindi buo ang tiwala ni Rohi sa kanya. Bagay na nagpakirot ng puso niya. Nang gabing iyon ay hindi tabi natulog ang dalawa sa iisang kama. Sa magkabila silang silid na hindi naman ipinilit ni Rohi sa nobya. Hindi makatulog noon si Daviana na panay ang biling sa higaan. Humahanap ng posisyon na komportable siya ng higa. Patuloy niyang naririnig sa kanyang isipan ang pakiusap ni Rohi na piliin niya ito. Patuloy na binabasag noon ang puso niya habang nagre-replay.‘Baka parte ito ng plano; ang manatili ako sa tabi niya para hin
TUMAAS PA ANG isang kamay ni Rohi at inabot na ang labi niya. Marahan niyang hinaplos iyon ng kanyang hinlalaki. Nagtitimpi na huwag niyang halikan ang labi. Hindi pa rin niya inaalis noon ang nakatitig niyang mga mata sa mukha ni Daviana. “You are my girlfriend. My future wife. Stop thinking too much about the problem. Now your business is also my business. Maano bang tulungan ko ang future wife ko sa mga pinagdadaanan niya? Hindi naman iyon masama di ba? Future husband ako.” Hindi na napigilan ni Daviana na mamula ang mga mata. Shit! Naiiyak siya. Sobrang na-touch siya nito dahil sino ba siya para pagtuonan pa? “Magkasama nating haharapin ang lahat ng mga problema. Hindi ba at ganun naman dapat, Baby? Nagtutulungan. Nagdadamayan. Walang maiiwan sa ating dalawa. Narito ako sa kahinaan mo at dapat ay nariyan ka rin kapag lugmok ako. Okay?” Hindi maisip ni Daviana kung ano ang kabutihang ginawa niya sa past life niya para bigyan siya ngayon ng lalaking ganito kabusilak ang puso. P
NAPAHAWAK NA SI Daviana sa kanyang ulo at napagtanto niyang tama ang sinabi nito. Nagawa niyang tanggalin ang tuwalyang nakabalot doon kanina pero nakalimutan naman niyang tuyuin. Napangiwi siya nang maramdamang pumapatak pa ang tubig sa dulo nito. Sa sobrang lutang niya, nakalimutan niya iyon. “Hmm, oo nga, sorry, nakalimutan ko.”“Ikaw talaga…” maliit na napangiti si Rohi upang pagaanin ang tensyon na bumabalot sa kanila.Sinundan ng mga mata ni Daviana ang nobyo nang tumayo ang binata upang kumuha ng towel. Hindi na nagawa pang makatanggi ng dalaga nang pagbalik nito ay sinimulan niya ng tuyuin ang kanyang buhok. Puno ng pag-iingat ang bawat haplos nito sa ulo niya. Parang among tinutuyo ang bagong paligo niyang aso. Pangiti-ngiti pa ito kada mapapasulyap ng tingin sa kanya ang dalaga. Biglang hinaplos ang puso ni Daviana. Walang sinuman ang gumawa noon sa kanya, si Rohi pa lang; ang kanyang nobyo. “Bakit ganyan ka tumingin? Bago din ba sa’yo ang ganito?”Marahang tumango si Davi
MARIING ITINIKOM PA ni Daviana ang kanyang bibig. Ayaw niyang sabihin ang mga nangyari kay Rohi. Yumuko na siya upang itago ang emosyong nakalarawan sa kanyang mukha. Ganunpaman, hindi niya pa rin napigilan ang magsalita bandang huli. Hindi niya kayang magsinungaling sa nobyo lalo pa iyon ngayon.“Dahil tumakas ako sa kasal na gusto nila, si Mommy ang napagbuntunan ni Daddy. Siya ang inabuso...”“Nasaktan ang Mommy mo? Kailan niya ginawa? Paano mo nalaman ang bagay na iyon?”“Hmm,” problemadong sagot ng dalaga na hindi pa rin makatingin nang diretso kay Rohi, “May infection at lagnat din siya. Actually pinuntahan ko siya sa hospital kanina. S-Sorry, umalis ako nang hindi nagpaalam sa'yo. Baka rin kasi hindi mo ako payagan o maka-istorbo lang din sa'yo ang balitang iyon.” ini-angat na ni Daviana ang kanyang tingin upang salubungin lang ang mas lumalim na titig ng kasintahan, “Nakalabas na rin naman siya ng hospital, okay na siya, pero hindi ko alam kung maiibsan ang sakit ng katawan ni
NAALARMA NA ANG isipan doon ni Rohi. Nakalimutan niya rin ang oras kung kaya naman guilty siya. Alas-sais na pagtingin niya at ang sabi niya ay alas-singko ang uwi niya. Imposible na magbabad ang nobya sa labas nang ganun katagal, lalo na kung injured pa ang kanyang mga paa. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan niya na ito. Sabay silang napalingon ni Keefer sa may pintuan ng silid na inuukupa ni Daviana. Halos sabay rin silang napatayong dalawa sa inuupuan nang marinig na nagri-ring ang cellphone sa loob. Nag-panic na si Daviana sa loob ng kumot ngunit agad na kinalma ang kanyang sarili para mas umarte pa. Sigurado siya na pupunta doon ang kanyang nobyo. Tama nga siya, pagtanggal niya ng kumot sa mukha ay nakita na niya ang bulto ng katawan ni Rohi sa loob ng silid, nakatayo sa tabi ng kama niya, nakatingin. Puno ng katanungan ang mga mata nito na alam niyang normal lang dahil akala nito ay wala siya doon. “Hindi ka pala lumabas? Narito ka lang sa loob ng silid at natutulog?” Upan
WALANG HUMOR NA natawa si Rohi. Noon pa man ay wala siyang planong maki-agaw sa kanilang kumpanya kay Warren. Hindi niya hangad ang makuha ito o angkinin. Umuwi lang naman siya dahil kay Daviana na kung tutuusin ay pwede namang hindi niya gawin kaso mas pinili pa rin dahil mas convinience sa kanya na makita ito kapag nasa bansa siya. Kung hindi dahil dito, nungkang babalik siya ng Maynila. Maraming kumpanya ang nag-aalok sa kanya ng trabaho, at dahil ama niya si Welvin at bilang pagtanaw na rin ng utang na loob at ayaw niyang pagtawanan ito ng nakakarami kung tahasang tatanggihan niya kaya siya pumayag na sa kumpanya nito magtrabaho. Alam niyang hindi naging mali ang desisyon niyang iyon. Kung mananatili kasi siya sa Germany at doon bubuo ng pangalan at sariling negosyo na pwedeng-pwede naman kaya lang hindi niya sana nakuha ang kasintahan niya ngayon na siyang mas mahalaga.“Tigilan mo na nga iyan, Keefer. Uulitin ko, wala akong intensyon sa kumpanya nila na maging akin. Simula at s
SA HALIP NA bumaba at kumain gaya ng sinabi niya kay Rohi, nanatili si Daviana sa loob ng silid. Parang lantang gulay na nakahiga. Walang lakas. Tinakpan niya pa ang sarili ng kumot dahil sobrang clouded ng isipan niya na para bang kapag ginawa niya iyon ay mababawasan ang kanyang mga iniisip. Naidlip siya ngunit naalimpungatan din nang may marinig na mga ingay sa labas ng kanilang sala. Hindi pa rin siya bumangon kahit na alam niyang maaaring si Rohi na iyon. Nakauwi na. Ganunpaman nang akmang babangon na siya upang salubungin ito nang bigla siyang mahiga ulit nang marinig niya roon si Keefer.“Walang tao? Nasaan si Daviana?”“Hindi ko alam. Sabi niya kakain siya sa ibaba. Baka nasa ibaba pa.”“Hindi mo na ba siya ulit nakausap after noon?” kuryuso ang tinig nito habang nagtatanong.“Hindi na. Sinabi ko naman sa kanya na mga five ang uwi ko kaya expected noon na ganun nga.”Mahinang tumawa si Keefer, hindi makapaniwala sa sinagot ng kanyang kaibigan. “Hindi na ako magtataka kapag na
DAVIANA WAS TIMID and thought a lot before and after, but now, because she loved him, she was even ready to bear all the infamy. Ganun niya kamahal si Rohi. She really had to work hard to overcome her inner cowardice and be with him regardless of her reputation. The source of her courage was her trust in him, because she believed that he really loved her. Ito lang ang taong nagpapahalaga sa kanya ngayon. Mula sa paraan ng pagtitig nito sa kanyang mga mata ay damang-dama niya ang labis na pagmamahal.Ganun ba ang mga titig na may masamang plano sa kanya? Ang hirap pa rin noong paniwalaan.“Nag-mature naman na siguro siya at hindi naman kami marahil aabot na gagantihan niya ako dahil lang naging bully niya ako noon sa grupo nina Warren. Bumawi rin naman ako sa kanya noon.” kumbinsi pa ni Daviana sa kanyang sarili kahit na nahahati na ang opinyon niya, may pag-aalinlangan na ang puso niya.Her parents didn't like her, even if she had always been gentle and sensible, they didn't like her
LUMIWANAG AGAD ANG mukha ni Warren sa sinabing iyon ni Daviana. Oo nga naman, si Daviana iyon kaya ano ang pinag-aalala niya at mga makamundong iniisip niya sa kaibigan. Imposible na may mangyari agad sa kanila nang ganun kabilis. Hindi ito kaladkaring babae na kapag inaya ay magpapaubaya. Siya nga hindi pa nagagawa iyon sa nobya niyang si Melissa, malamang hanggang halikan lang din sila at hawak. Ngunit panandalian lang ang reaction niya sa sunod na sinabi ni Daviana na alam niyang may kahulugan. Kahulugan na kahit hindi niya isipin ay nagsusumiksik iyon sa kanyang noon pa man ay maruming isipan.“At kung sakali mang mabuntis niya nga ako, ano namang problema doon? Hindi ko kailangang mag-alala o ma-stress sa pag-iisip. Alam kong hindi naman ako pababayaan ni Rohi dahil responsable siya!”Napaawang na ang bibig ni Warren. Hindi niya ito inaasahan. Hindi kaya tama ang hula niya na may namagitan na nga sa kanila? Pero paano iyon nangyari? Hindi ganun si Daviana. Pinapahalagahan nito an