NAPADILAT NA ANG namumungay na mga mata ng dalaga sa narinig ngunit dahil halos mabaliw na siya sa kakaibang sensasyong ibinibigay noon sa kanyang katawan, hindi na niya nagawa pang makapag-react dito ng tama at muli niya iyong ipinikit na para kay Rohi ay napaka-sexy na tingnan na lalo pang nagpagana sa kanyang ituloy at pagbuhtihin ang kanyang ginagawa. Hindi na maalis sa ilusyon ni Daviana ang kakaibang pakiramdam na naging dahilan upang mas mahina na siyang mapaungol ng pagprotesta. Hindi ito masyadong malakas kung kaya naman mas lalo pang ginanahan sa ginagawang paghalik niya si Rohi dahil ang buong akala niya ay gustong-guto ng dalaga ang kanyang ginagawa. Kagaya ni Daviana na ang mga matang namungay kanina ng binata ay tuluyan nang sumara at kung saang ibayo na ng mundo iyon dinala ng nararamdaman niya.“Ow, s-shit…”Hindi intensyon o hinihiling ni Daviana na huminto ang binata sa kanyang ginagawa bagkus ay nais pa nitong magpatuloy ang binata hanggang sa maabot niya ang sukdul
NAMILOG ANG MGA mata ni Daviana nang maramdaman niya na wala na ang kamay ni Rohi sa kanyang isang dibdib, bagkus ay nasa pagitan na iyon ng kanyang mga hita. Marahang minamasahe ang pisngi ng kanyang pagkababae. Panaka-nakang pinaglalaruan nito ang kanyang lagusan na hindi niya alam kung gusto niya ba o gustong-gusto niya dahil sa ibang reaction na kanyang katawan? Ilang beses pa niyang ini-arko ang katawan niya na hindi man niya tahasang aminin ay sarap na sarap sa ipinaparanas nito sa kanya. Pinaghiwalay niya pa ang mga hita, ibinuka iyon upang magkaroon ng malayang access si Rohi habang nakapikit nang mariin ang kanyang mga nata. Nakakahiya na isiping hindi niya namalayan na nagawa ng ibaba ni Rohi ang kanyang pang-ibabang suot at maging ang kanyang underwear ay nahila na rin. Ang tanging alam niya lang ng mga sandaling iyon ay baliw na baliw na siya sa mga ginagawa ng binata.“What are you—” Muling inangkin ng binata ang kanyang labi na nagawa ng mahiga sa kama at ngayon ay naka
NOONG UMALIS SI Rohi ng bansa upang mag-aral sa Germany, hindi siya sanay noong una na malayo sa sarili niyang lugar. Hindi niya alam kung paano niya nagawang lampasan ang jet lag, mga sakit na hindi pamilyar sa kanya nang dahil sa pagpapalit ng klima sa dayuhan at hindi pamilyar na bansa. Hindi niya alam kung paano niya nagawang lunukin ang mga uri ng pagkain na hindi sanay ang sikmura niya at ang malaking pagkakaiba ng culture sa Pilipinas. Shock na shock siya ngunit wala naman siyang ibang choice kundi ang tanggapin na lang iyon at yakapin. Marahil kung isa siya sa kusang loob na nagtungo sa lugar upang mag-aral, magiging madali sa kanya ang lahat na mamuhay ng payapa. Ngunit hindi naman siya pinadala doon ng mga magulang upang dito mag-aral, ipinatapon siya iyon ang tamang salita doon. Sadya siyang ipinatapon doon ni Carol, ang kanyang madrasta na ina ng half-brother upang mailayo sa kanyang pamilya dahil ang akala nito ay threat siya.Malalang lungkot ang inabot niya sa bansa. I
NANG MAKITA NIYANG pumasok na ito sa loob ng kainan ay tumawid na rin si Rohi. Yari sa salamin ang buong kainan kung kaya naman mula sa labas ay transparent ang buong lugar. Umakyat ito sa ikalawang palapag. Ilang beses na nagtalo ang damdamin ni Rohi at ang kanyang isipan. Pinag-iisipan kung papasok ba siya sa loob noon. Nang muling sumulyap sa loob noon ay nakita niyang nakaupo na si Daviana. Malayo iyon na sulok. Lumipat sa katapat nitong upuan ang mga mata ni Rohi kung saan nakita niya si Warren. Napawi doon ang kanyang mga ngiti na parang pinalis na ulap. Tinanggal ni Daviana ang sling bag niya sa katawan at ipinatong sa ibabaw ng table nila. Nakangiti namang hinaplos ni Warren ang ulo niya na inayos ang bahagyang nagulong buhok nang dahil sa tali ng kanyang bag.“Oo nga pala, paano ko nakalimutan na magkaibigan nga pala silang dalawa?”Kitang-kita ni Rohi ang pagnguso ni Daviana sa ginawa niya na maya-maya pa ay ngumiti. Binasa niya ang buka ng bibig ng dalaga na nagpasalamat k
TINULUNGAN NI ROHI na mag-apply ng gamot si Daviana sa kanyang paang apektado kahit pa sinabi ng dalaga na kaya niya na. Hindi siya nito pinahintulutan na siya lang ang gumawa. Habang gingawa iyon ng binata ay hindi naman mapigilan ang sarili ni Daviana na pakatitigan pa ito. Magkaharap silang nakaupo sa ibabaw ng kama kung kaya naman malinaw na napagmamasdan niya ang mukha nito. Magaang minasahe pa iyon ni Rohi na aaminin ng dalagang mas nakatulong na maibsan ang sakit, bagay na hindi alam ni Daviana na alam rin pala ng binata. Para sa kanya ay napaka-perfect na talaga ng binata, maliban lang sa katotohanan na anak ito sa labas iyon ang nagbibigay sa kanya ng pagiging imperfect na nilalang.“Pagkatapos nito, matulog ka na. Huwag mo na munang isipin ang mga nangyari sa bahay niyo para naman makapahinga ka ng maayos. Ipanatag mo na ang loob mo, dahil wala ka na sa bahay niyo...”Hindi umiwas si Daviana nang halikan siya ni Rohi sa gilid ng kanyang labi pagkatapos sa ginagawa niya, bagk
TINIKOM NA NI Daviana ang bibig dahil nakikinita na niyang napipikon na ang binata sa kanya. Tawang-tawa na siya sa seryosong mukha ng binata. May banta na ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.“Bakit Lolo Rohi? Sagutin mo ako, Viana. Ganun na ba ako katandang tingnan? Ilang taon lang naman ang tanda ko sa'yo ah? Masyado mo akong dini-descrimate sa age gap ko sa'yo. Four years lang naman eh.”Mahinang natawa si Daviana sa pagiging apektado nito sa kanyang mga sinabi.“Oo na, hindi na kita tatawaging Lolo Rohi. Para nagbibiro lang din naman ako kanina eh. Affected much?”“Ano na ang gusto mong itawag sa akin?” balik sa pagiging malambing ang boses niya.Kalmado lang si Rohi doon na nakatingin sa kanya samantalang siya bigla na lang na-pressure. Napaisip na rin doon si Daviana. Sa relasyon na mayroon sila ngayon, hindi ba dapat may call sign sila? Baby? Narinig niya na itong tinawag siyang baby pero ang weird naman kung tatawagin niya ring baby ang binata. Ang isipin pa lang iyo
PINANLIITAN PA SIYA nito ng mga mata. Malisyosa na ang ngiting nakabalandra sa labi ni Anelie. Titig na titig ang mata nito sa mukha niya na parang mayroong binabasa na itinatago niya. Inismiran niya na ito.“Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan! Ano bang iniisip mo ha? Sa tingin mo ba magkatabi kaming natutulog sa iisang kama? Hindi ‘no! Magkaiba kami ng silid! Hindi pa kami natutulog ng magkatabi.”“Bakit ang defensive mo? At bakit sobrang pulang-pula ng mukha mo? Aha! May tinatago ka ba sa akin?” malawak na ngisi na ni Anelie upang maghuli. “Masarap bang humalik? Gaano kalambot ng labi niya—”“Shut up, Anelie! Ang pasmado talaga ng bibig mo kahit na kailan!” takip na niya sa magkabilang tainga, nagfla-flash kasi sa kanyang isipan ang ginawa nila ni Rohi ng nagdaang gabi. Hindi lang halikan iyon. Hinayaan niyang hawakan nito ang pagkababae niya at may lumabas pa dito. “Nakakaloka ka naman!”Malakas na humalakhak si Anelie na sobrang nai-intriga na sa reaksyon ng kaibigan niya. Kilal
HUMINGA NA NANG malalim si Anelie. Hindi siya sigurado kung tama ba ang desisyon ng kanyang kaibigan. Baka mamaya pag-awayan nila iyon ng kanyang kasintahan. Lumalim pa ang tingin niya sa mukha ni Daviana. Magaan ng ngumiti upang pagaanin ang takbo ng kanilang usapan. Mukhang mali yata ang nasabi niya dito kanina.“Subukan mo kayang sabihin muna iyan sa boyfriend mo?” suggestion niya kay Daviana, “Sorry sa sinabi ko sa’yo kanina. Binabawi ko na ‘yun. Huwag ka na palang humiwalay sa kanya. Bagay naman kayo eh. Kaya lang, hindi sa nagdududa ako ah? Dapat may panghahawakan ka rin sa kanya. Paano kung bigla kang mabuntis? Panibagong—”“Anong mabuntis naman ang pinagsasabi mo?!” namumula na ang mukhang reaction ni Daviana na biglang tumayo, nakalimutan niyang masakit nga pala ang paa niya kaya bigla ulit naupo. “Wala pang nangyayari sa aming ganun! Ano ka ba? Masyadong advance naman ang utak mo, Anelie! Huwag mo ngang dungisan ang utak kong napakalinis pa!”“Wala pa? Paano sa mga susunod n
NATAGPUAN NA NAMAN ni Daviana ang sarili na nahubaran na naman ng nobyo, ngunit ang pagkakataong iyon ay iba ang tumatakbo sa isipan niya. Desidido na siya. Hindi niya ito pipigilan kung ano ang gagawin sa kanya. Kung, makukuha siya ng ama dahil tumawag ito ng pulis sisiguraduhin niya na naibigay niya ang sarili sa lalaking mahal niya. Maruming babae? Wala na siyang pakialam sa salitang iyon. At least napagbigyan niya rin ang kanyang sarili. Suwail siyang anak? Lulubus-lubusin na niya iyon ngayon.Napaliyad pa si Daviana nang marahang humaplos ang mainit na palad ni Rohi sa kanyang gitna na para bang dinadama niya iyon. Nasundan iyon ng mahabang ungol ng dalaga nang walang anu-ano ay maramdaman niya na hinahalikan ng nobyo ang puson niya pababa at dama na niya ang mainit nitong hininga. Walang anu-ano ay marahas niyang hinawakan ang buhok nito pero sa halip na isubsob ang mukha doon ng nobyo, hinila ito ni Daviana patungo ng kanyang mukha upang halikan siya. “Ayokong halikan mo ‘yun
SUNOD-SUNOD NG NAPALUNOK ng laway si Daviana. Mula sa sparkling abs ni Rohi ay inilipat niya ang paningin sa mukha ng binata. Uminit na ang kanyang mukha. Dama niya iyon. Hindi mapigilan ng dalaga na magtaka kung bakit mukhang patpatin ang nobyo kapag may suot na damit, ngunit kapag wala naghuhumiyaw ang mga muscles na inaanyayahan siyang salatin at hawakan. Hindi naman kasing exaggerated ang muscles niya gaya ng ibang mga lalaki na nakakaasiwang tingnan. Ilang beses ng naghubad ito sa harapan niya pero ngayon niya lang napagmasdan itong mabuti at hindi iyon nakakatuwa para sa nag-iinit na katawan ng dalaga. Napabaling na sa kanya si Rohi. Tuluyang humarap nang hindi niya sagutin ang katanungan.“Viana—”“M-Magdamit ka muna bago tayo mag-usap.”Humalay ang kakaibang tunog ng halakhak ng binata sa bawat sulok ng silid. Nanunukso na ang naka-angat na gilid ng labi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang reaction ng nobya eh ilang beses ng kamuntikan may mangyari sa kanila at
IPINILIG NG BINATA ang ulo. Imposible iyon. Dama naman niya na mahalaga siya, kaya lang pinapangunahan pa rin siya noon na baka wala lang itong choice at mapupuntahan kung kaya sa kanya ito pumunta. Ganunpaman, wala siyang pakialam. Mahal niya ito. Gusto niya ang dalaga. Ano pa bang iisipin niya? At least kahit sandali at kahit paano naramdaman niya mula sa dalaga kung paano rin nito pahalagahan.“Pasensya na. Alam kong masungit ako kanina kaya nanibago ka. Bad mood lang talaga ako kaya hindi kita nagawang samahang kumain. Hindi ko na uulitin.” aniyang parang kawawang tuta na namamalimos ng atensyon kay Daviana, “Pwede bang pag-isipan mo pa ulit ang pag-alis mo dito?”Ang makitang ganito si Rohi ay panibago na naman sa paningin ni Daviana. Mukhang na-miunderstood niya. Ang akala siguro ng nobyo ay galit siya dahil masungit ito kanina kaya siya aalis na sa puder nito. Sa totoo lang, hindi siya pamilyar sa ganitong uri ng hindi pagkakaunawaan. Bilang isang personalidad na kasiya-siya sa
ANG ISA NAMANG kamay ay hinapit niya sa katawan ni Daviana upang mapalapit ito sa kanya. Bahagya niyang ibinaba ang mukha upang halikan lang ang noo ni Daviana pababa sa kanyang ilong. Sa ginawang iyon ng binata, hindi mapigilan ni Daviana na mag-angat ng mukha. Tumingala siya upang magtama ang kanilang mga matang dalawa. Ipinatong ni Rohi ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo at natural na ibinaba pa ang kanyang ulo para halikan na ang mga labi ng kanyang nobya. Sandali niya lang itong tinikman. Hindi nagtagal ang halik na banayad dahil baka saan pa mapunta.“Sapat na ba iyan para gumaan ang pakiramdam mo?” tanong niya sa nobya na namula na ang mukha matapos niyang palisin ng hinalalaki ang ilang bahid ng laway niya sa labi ng kanyang nobya.Hindi pa rin makatingin ay tumango si Daviana. Binitawan na siya ni Rohi upang magtungo na sa kusina. Tahimik na sinundan si Rohi ng nobya kaya naman ay tiningnan niya na ito nang may pagtataka.“Sasamahan kitang mag-dinner.”Wala namang nagi
NAGKULITAN PA SINA Anelie at Keefer samantalang nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Daviana, hanggang dumating ang kanilang order na pagkain.“Siya nga pala, Keefer alam mo ba kung ano ang favorite niyang pagkain? I mean ni Rohi.”Tiningnan siya ng lalaki na puno ng pagtataka ang mata. Tahasang nagtatanong na iyon kung bakit o literal na nagsasabing bakit hindi niya iyon alam eh siya ang boyfriend? Hindi lang nito isinatig pa iyon.“Paano ka naging boyfriend kung hindi mo alam?” hindi nakatiis ay tanong ni Keefer sa kanya.Nakaani agad ng batok si Keefer mula kay Anelie. “Siraulo ka ba? Bago pa lang silang dalawa! Kaya nga nagtatanong para makilala pa siya ni Daviana.”Sinamaan ni Keefer ng tingin si Anelie. Kumakamot na sa kanyang ulo na binatukan nito nang mahina.“Hindi ko rin naman alam kung ano ang gusto niyang pagkain. Walang partikular na pagkain ‘yun. Hindi naman siya mapili. Kahit ano kinakain niya.”How can someone have no preference for food? Hindi naniniwala doon s
TULUYAN NA NGANG magkasamang bumaba si Anelie at Daviana. Tinawagan ni Anelie si Keefer para may kasama sila. Imbitasyon na hindi tinanggihan ng lalaki. Hindi naman pinansin ni Daviana ang galaw ni Rohi kahit napansin niya na parang hindi akma iyon. Medyo nanlumo si Daviana nang maisip ang tungkol sa ina ni Rohi. Tinanong siya ni Anelie kung ano ang mali at nakasimangot.“Anong nangyari sa’yo? Hindi ba at okay ka lang kanina? Bakit nakabusangot ka na naman diyan?”Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Matapos makilala ang ina ni Rohi noong umaga, masama na ang pakiramdam niya. Ito ay kay Rohi na family affair. Bukod dito, malamang wala siyang gustong malaman ng iba na mayroon siyang psychotic na ina. Hindi niya masabi kay Anelie ang tungkol dito para igalang iyon, kaya napailing na lang siya. “Wala. Kain na lang tayo.”Nang dumating si Keefer ay agad niyang pinuna ang pananamlay at kawalan ng gana doon ni Daviana. Walang sumagot sa dalawang babae sa tanong nito. “Sabihin niyo sa a
NABABAKAS NI DAVIANA ang ligaya sa message ng kaibigan dahil sa umaapaw nitong mga emoji ng puso. Napailing na lang si Daviana. Bigla siyang natigilan. Pamilyar ang feeling na iyon sa kanya. Nag-send lang siya ng thumbs up at hindi na ito inistorbo pa para mabilis na matapos sa ginagawa. Gaya ng inaasahan ni Daviana, dumating nga si Anelie sa suite pagsapit ng gabi. Dahil sa takot na baka maistorbo si Rohi sa trabaho ng tunog ng usapan nila, dinala ni Daviana si Anelie sa kanyang kwarto at maingat na isinara niya na ang pinto nito.“Bakit?”“Busy si Rohi sa kabilang silid, baka maistorbo…”Tumango-tango si Anelie na pabagsak ng naupo sa kama. Hindi alintana kung nasaan sila. Maingay si Anelie at ang una niyang nais pag-usapan ay ang tungkol sa kanila ni Darrell na magkasamang nag-overtime. Tinawanan lang siya ni Daviana dito. “Kung alam mo lang Daviana, parang gusto kong araw-araw na lang hilingin na may overtime kami!”“Huwag kang masyadong assuming hangga’t wala siyang sinasabi. Si
ANG MENSAHENG IPINADALA ni Warren kay Daviana ay walang anumang naging tugon. Hindi pa rin niya lubusang maintindihan at mapaniwalaan na kayang gawin ng dalaga ang tumalon sa bintana para lang takasan ang nakatakdang kasal nila. “Gusto niya ba talagang hindi na umuwi sa kanila?”Kahit gaano kasama si Danilo ay ama pa rin niya ito. Tsaka naandon ang kanyang ina. Hindi naniniwala si Warren na tuluyan na niyang kakalimutan ang pamilya niya nang dahil lang sa bagay na iyon. Lumipas na lang ang kalahati ng araw na wala siyang ibang ginawa kundi ang madalas na tinitingnan ang cellphone. Umaasa na baka maaaring nag-reply na si Daviana sa message niya. Bigo siya. Wala. Sa sobrang galit niya ay marahas na tinapon niya ang cellphone phone na bumagsak sa gilid ng sofa. Para ma-divert din ang atensyon niya ay kinuha niya ang remote controller upang maglaro. Hindi siya maka-concentrate doon sa labis na iritasyon. Muli niyang kinuha ang cellphone at nang may nakitang notification, agad nabuhayan
ILANG SEGUNDONG TINGIN at sumunod naman si Rohi, ngunit muli siyang bumalik sa pwesto ng nobya. Ayaw niyang maramdaman nitong binabalewala niya. Hinawakan niya ito sa isang kamay at marahang igininiya papasok sa loob ng pintuan. Hindi na nakaangal pa ang dalaga. Agad kinausap ni Rohi ang naghihintay na doctor pagkapasok nila sa loob.“Ayaw ng ina mong makipagtulungan para mabilis siyang gumaling. Flinushed niya ang gamot sa banyo tapos binunot niya ang tube sa kamay during infusion.” sumbong agad ng doctor sa ginagawa ng ina, “And during the conversation intervention treatment, palagi niyang sinasabi na wala siyang sakit. Na-miunderstood mo lang daw siya at gusto mong gantihan dahil ipinamigay ka ng bata ka pa.”Walang reaction si Rohi kung hindi ang makinig. “Binibitangan niya pa kami na ang mga gamot na pinapainom namin sa kanya ay para baliwin namin siya. To be honest, hijo, your mother has certain symptoms of paranoia. Last night she even wanted to jump from the ninth floor. If t