All Chapters of Addicted to the Imperfect Billionaire: Chapter 171 - Chapter 180

258 Chapters

Chapter 58.3

MALINAW NA NARINIG nga iyon noon ni Nida na sinabi ng kanyang anak. Sa pagtitig niya sa mukha ngayon ni Daviana, may napansin niyang parang may nagbago rin sa paraan ng pakikipag-usap nito.“Malamang ako ang pinaghihinalaan ni Warren na nagsumbong sa Daddy niya kung kaya naman mas nagalit siya sa akin. Kung matutuloy ang aming kasal, ngayon pa lang ay nai-imagine ko na kung ano ang mangyayari sa future ko bilang asawa niya. Iyon ang hindi maintindihan ni Daddy na puro pera na lang ang nasa isip at ang pagsalba sa kumpanya niyang pabagsak na.” humapdi na ang mga mata niya doon, “Mommy alam mo ba minsan kung ano ang naiisip ko? Dapat talaga hindi na lang ako ipinanganak…”Ang marinig ang sinabing iyon ng anak ay parang tinarakan ng ilang libong kutsilyo ang dibdib niya. “Daviana…”Naalala niya na malaki ang kasalanan niya sa anak na minsang napagsalitaan niya ng masama noon. “Tama kayo Mommy, dapat hindi mo na lang ako ipinanganak…” nahihikbi niya ng turan sa kanya.Natameme si Nida,
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

Chapter 59.1

HATINGGABI NA NANG tuluyang humupa at bumaba ang lagnat ni Daviana. Nang bumuti ang pakiramdam niya ay bumangon siya at nagpalit ng damit dahil nanlilimahid na naman siya sa matinding pawis. Pagkahiga ay kinuha niya ang cellphone na hindi niya magawang mahawakan kanina nang dahil sa sumasakit ang ulo at mga mata niya. Napaayos na siya ng higa nang makitang may message doon si Rohi. Higit ang hiningang binasa niya ang mensahe.Rohi Gonzales:Kumusta, Daviana? Nilagnat ka pa rin ba ngayong gabi? Huwag mo sanang kalimutang uminom ng gamot.Base sa oras noon ay mga alas-nuwebe ng gabi niya sinend ang message. Late na lang nakita ng dalaga dahil masama ang pakiramdam niya. Ilang beses niyang inisip kung tulog na ba ito ng mga sandaling iyon o hindi pa. Gayunpaman ay nag-reply pa siya. Wala lang, kung gising pa ito malamang ay magre-reply ito. Kung hindi na e ‘di paggising ng binata.Daviana Policarpio: Nagkalagnat ulit ako. Ininuman ko na rin ng gamot. Naalimpungatan lang ako ngayon upang
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

Chapter 59.2

UNANG BESES IYON na tinawag siya nito sa kanyang palayaw at iba ang dating noon sa kanyang pandinig. Paulit-ulit niya iyong pinakinggan na iisa lang ang reaction. Malakas ang kalabog ng puso niya kahit na voice message lang ito.“Good night, Rohi.” tanging bulong niya sa hangin na hindi naman makakarating sa binata.Kinabukasan, pagkahilamos ng mukha ay bumaba na si Daviana upang kausapin ang ama tungkol sa nangyari sa hospital. Gusto niyang subukang pumalag at sabihin na mag-aaral siya sa ibang bansa kahit sinabihan na siya ng ina. Subalit, natigilan siya sa pagbaba nang makitang naroon si Warren at prenteng nakaupo sa sofa ng kanilang sala. Nasa harapan nitong sofa nakaupo naman ang ama niya at dinudulutan ng maiinom ang kanilang akala mo sinong bisita.‘Tsk, anong ginagawa niya dito ng maaga? May kapal pa talaga siya ng mukhang magpakita sa ami? Wow ha!’Lantarang ipinakita ni Daviana ang simangot niya. Hindi niya kailangang i-filter pa iyon sa harapan ng lalaki. Naramdaman ng kany
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

Chapter 59.3

HINDI NA SILA pinag-aksayahan pa ng panahon ni Daviana na lingunin kahit na batid ng dalaga na nagpupuyos sa galit ang ama. Malakas ang loob na nagmamadali na siyang umakyat ng hagdan na patungo ng kanyang silid. Sinundan lang naman siya ng tingin ni Warren. Bagamat bakas ang iritasyon sa mukha ng lalaki ay minabuti na lang niyang huwag isatinig iyon para hindi mas magalit ang ama ng kaibigan niya. Naikuyom naman ni Danilo ang kamao sa pinapakitang katigasan ng ulo ng anak niya.“Hindi mo dapat siyang kinakampihan, Warren. Kailangan niyang turuan ng leksyon. Masyado na siyang umaabuso sa pagiging matigas ang ulo at palasagot sa amin. Nakita mo iyon? Naging rebelde na siya!”Hindi pa rin nag-react ang lalaki kahit na kabado na rin sa gagawin ni Danilo sa anak. Nang makita niya na tuluyan ng nakapasok ng silid si Daviana ay umayos na siya ng tayo doon. Kumalma na siya ng bahagya. “Hayaan mo na siya Tito kung ayaw niyang maglakad-lakad sa labas. Baka nga masama talaga ang pakiramdam niy
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

Chapter 60.1

ILANG SEGUNDONG NATAHIMIK si Warren habang ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa dalaga. Iyong tipong nakatingin siya pero lagpasan ang tingin niya kay Daviana kahit na nakatingin siya dito. May kung anong parang sumapak sa kanyang dibdib nang marinig niya iyon. Napaniwala kasi siya kaagad nito. Gayunpaman ay itinuloy pa rin niya ang laman ng kanyang isipan. Gusto niyang malaman ang sagot nito.“Kung gayon ay paano mo ipapaliwanag sa akin ang init ng dugong pinapakita mo kay Melissa? Mabuti ka sa lahat ng taong nakakasalamuha mo, Viana, kay Melissa ka lang masama ang ugali magmula pa lang noong umpisang makilala mo siya. Sige nga, panindigan mo ang sinabi mo. Paano mo ipapaliwanag 'yun?”Huminga nang malalim si Daviana. Sinaway ng ilang beses ang sarili para hindi niya matawag ang dating kaibigan na may sira ang ulo. Napaniwala talaga ito ng kanyang ama? Seryoso ba siya?“Warren, sa tingin ko kailangan mong mag-reflect pang mabuti sa mga nangyari noon kung bakit ayaw ko sa kanya.
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

Chapter 60.2

NANLAKI ANG MGA mata ni Daviana sa sobrang gulat nang maramdaman ang paglapat ng likod niya sa pintuan ng sariling silid na sumara. Napairit siya doon at ilang beses na napamura na nang dahil sa gulat. “Warren!” puno ng warning sa kanyang boses nang makitang ang lapit ng mukha nito sa kanya.Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ng lalaki sa kanya at isang maling galaw paniguradong wala sa oras na mahahalikan siya nito. Damang-dama niya ang bigat ng ginagawa nitong paghinga ng pagkairita. “Anong ginagawa mo? Nasasaktan mo na ako! Bitawan mo nga ako!”Humigpit pa ang hawak ni Warren sa palapulsuhan ng dalagang namumutla na sa takot ng gagawin sa kanya ng dating kaibigan. Ang buong akala niya sasaktan siya nito dahil sa madilim na paninitig sa kanya. Kung gagawin iyon ng lalaki, wala itong pagkakaiba sa kanyang amang mapanakit.“Sasaktan mo rin ako kagaya ni Daddy?” pangunguna niya dahil sa kaba, “Sige, saktan mo ako! Saktan mo!”Napaawang ang bibig ni Warren na mas napatiim-bagang
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more

Chapter 60.3

NAUDLOT ANG GAGAWIN sana ng dalagang paghila ng kanilang pintuan para buksan. Napilitan siyang lingunin ang ama nang dahil sa pagtawag nito sa kanyang pangalan sa malungkot na paraan.“Sobrang sama ko bang ama sa’yo?” tanong nito na ini-angat pa ang walang emosyong mga mata. “Si Warren, sinabi niya sa akin kanina na maaari niya raw akong tulungan nang hindi kita pinipilit na pakasalan siya.”Ngumiti ang kanyang ama na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Nagpakita ang mga visible na linya sa kanyang noo at gilid ng mga mata na tanda na matanda na rin ito.“Hindi ba magandang balita iyon, Dad? Bakit malungkot ka? Tutulungan ka niya.” Ganun na lang ang iling ni Danilo. Hindi kumbinsido.“Imposible iyon. Wala siyang sariling pera at wala rin siyang kapangyarihan na gawin iyon. Saan niya iyon kukunin? Sa tingin mo hindi aalma ang kanyang mga magulang oras na humingi siya ng malaking halaga sa kanila para lang ipahiram sa atin? Kalokohan iyon!”Muli itong uminom ng alak. Hindi pera
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more

Chapter 61.1

MAY DISTANSYA MAN ay amoy na amoy pa rin ng dalaga ang suot na pabango ni Rohi na nanunuot sa kanyang ilong. Dumagundong na ang kabog ng puso niya sa paninitig nitong ginagawa sa kanya na para bang ang lahat ng sinabi niya ay hindi kapani-paniwala. Gusto na niyang mag-iwas ng mga mata sa kanya.“Kahit na Daviana, dapat sinabi mo pa rin sa akin. Ayokong naghihintay ka lang sa labas ng suite ko.”Napayuko na doon si Daviana. Iba talaga ang hatid sa kanya ng pag-aalala ng binata. Iba ang haplos noon sa kanyang puso. Kung pwede nga lang sanang yumakap pa siya dito para mas gumaan ang pakiramdam niya, ginawa niya na sana. Kaso nahihiya na siya. Baka kung ano ang isipin nito sa kanya. Nagtagal pa ang tingin ni Rohi sa kanya. Mula sa anggulo ng mukha nito, hindi niya mabasa ang expression ng mukha ng dalaga kung malungkot ba ito o masaya ngunit dama niya na mayroong malalim itong iniisip ngayon.“Pinipilit ka pa rin ba ng Daddy mo na maging engaged kay Warren?”“Hmm…” tango nito na nananatil
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more

Chapter 61.2

UPANG HINDI MASAGOT ang katanungan ni Rohi ay minabuting isubsob na ni Daviana ang mukha sa dibdib ng binata para hindi gaanong halata. Nais niyang itago ang namumulang mukha. Wala na. Huli na naman siya ng binata. Wala na siyang magiging palusot dito kahit na ano pa ang sabihin niyang katwiran.“Masarap naman akong humalik di ba?”Ibinuro pa ni Daviana ang mukha niya sa dibdib ni Rohi na ikinahagalpak na ng binata. Walang hirap na binuhat niya ang katawan ng dalaga na muling nagpairit dito na animo ay kinikiliti siya ni Rohi.“Saan mo ako dadalhin? Ibaba mo nga ako! Ano ba?” natatarantang reaction ni Daviana na hinampas pa ito ng mahina, “Rohi?!”“Chill. Sa sofa lang. Nangangalay na akong tumayo doon.”Naupo sila sa sofa. Nasa pagitan siya ng mga hita ng binata na nanatiling nakayakap pa rin sa dalaga. Pa-side silang naupo kung kaya naman kasya sila dito. Nakasandal ang likod ni Rohi sa gilid na bahagi nito. Nakikita niyang kalmado na ang dalaga pero gusto pa rin niyang ikulong ito s
last updateLast Updated : 2024-12-21
Read more

Chapter 61.3

TUMABI SI ROHI kay Daviana nang pasalampak na siyang maupo sa sofa. Hindi naman lumayo sa kanya ang dalaga na sanay ng magdikit ang kanilang balat. Magkahinang pa rin ang mata dahil sa pag-uusap.“Alam ko. Sinilip ko iyon kagabi. Your company has been in a loss-making state in recent years, but the core of the problem is the project. Ang iyong ama ay dating nagpapatakbo ng mga tradisyunal na entity at hindi binago ang kanyang mindset, kaya ang mga proyekto ay sunod-sunod na nag-failed. Ang kailangang baguhin ngayon ay ang direksyon at uri ng proyekto niya, kung hindi ay magiging walang kabuluhan ang mamuhunan ng mas malaking halaga. Bilang karagdagan, ang mga investors ay magiging mas interesado sa mga bagong projects na hatid ng lumalagong internet, na makakatulong din sa mismong pondo nito.”Sa kanyang tinuran ay mas lalo siyang nagustuhan ni Daviana. Malayo na talaga ang nararating ng tahimik na Rohi na kilala niya. Ang tatas na rin nitong magsalita ngayon. Napaka-professional paki
last updateLast Updated : 2024-12-21
Read more
PREV
1
...
1617181920
...
26
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status