All Chapters of Binili Ako ng Ex-Husband Kong Bilyonaryo : Chapter 11 - Chapter 20

26 Chapters

Chapter 11: Protective Son

KAKATAPOS LANG MAG-ROUND ni Vivienne sa Pediatric Ward at handa na siyang bumalik sa nurse's station nang biglang tumunog ang pager niya. Nangungunot ang noo niyang tiningnan iyon at binasa ang mensaheng ipinadala sa kaniya mula sa reception desk.“Nurse Vivienne, please come to the healing garden. May gustong kumausap sa iyo.”Nagtataka man, sinunod niya pa rin ang nasa mensahe. Sumakay siya ng elevator patungo sa rooftop kung saan matatagpuan ang healing garden ng ospital. Iyon ang pinakapaboritong lugar ni Vivienne sa ospital sapagkat nakaka-relax doon dahil sa napakapayapang kapaligiran.Nang bumukas ang elevator, lumabas na rin siya at naglakad sa hallway patungo sa pinto kung saan iyon ang nagsisilbing daanan at labasan palabas at papunta sa healing garden.Nang makalabas si Vivienne, nagmasid-masid siya sa buong kapaligiran. May mangilan-ngilan lang tao ng oras na iyon. Sino naman kaya ang gustong kumausap sa kaniya? Eh, ni isa’y wala siyang kilala.Kokontakin na sana ni Vivien
Read more

Chapter 12: Cutting Ties

“I HATE TO say this, apo, pero ayoko nang nakikipagkita ka sa babaeng iyon. Masama siyang tao, Leander. She's the worst person on the whole universe. Huwag ka nang lalapit sa kaniya or else, I’ll punish you.”Kakapasok pa lang ni Rogue sa bahay ng mga magulang niya nang bumungad agad sa kaniya ang ina niya habang pinapagalitan nito si Leander. Lumuluhang nakaupo si Leander sa sofa habang nakatayo naman sa harap nito ang nana niya habang nakapameywang.Kumunot ang noo ni Rogue kapagkuwan ay naglakad siya patungo sa mga ito. “What is this, mom?” naguguluhang tanong ni Rogue sa ina. “Bakit mo pinapagalitan si Leander?” aniya pa.Tumayo ang anak niya at yumakap sa baywang niya—takot na takot ito—halatang kanina pa itong pinapagalitan ng ina niya.“Nabalitaan ko na pinuntahan niya si Vivienne sa pinagtatrabahuhan niya. Did you give him permission to visit that bítch?”“Mom, your mouth!” suway ni Rogue sa ina niya. “Yes, I gave him permission to visit his mother. Stop manipulating my son, m
Read more

Chapter 13: Begs for Reconciliation

HINDI NA ALAM ni Rogue kung ilang kilometro na ang itinatakbo niya. Magkakalahating oras na rin simula nang mag-jogging siya kaya napagpasyahan na rin niyang bumalik sa kaniyang bahay para mag-light exercise sa gym niya.Topless si Rogue ng sandaling iyon at tagaktak na siya ng pawis kaya nagniningning na ang maskulado niyang katawan. At sa tuwing may mga nakakasalubong siyang mga tao lalo na ang mga babae ay hindi nila mapigilang mapatingin sa kaniya.For some reason, Rogue still remains séxually attractive. Alagang-alaga nito ang katawan nito sa gym. Malalaki ang mga muscle nito. Isama pa ang mga abs nitong nag-uumbukan sa tiyan nito. Isa iyan sa mga ipinagmamalaki ni Rogue. Dahil kahit 30 na siya, attractive pa rin siya—at marami pa ring mga babae ang handang magkandarapa para sa kaniya.Habang tumatakbo si Rogue ay may suot siyang earbuds sa kaniyang mga tainga at may tumutugtog doong musika. Nakakonekta iyon sa cellphone niyang nasa armband na suot niya. Seryoso lang siyang tumat
Read more

Chapter 14: Celeste's Discovery

“HINDI KO NA po alam ang gagawin ko, mama,” walang emosyong tugon ni Vivienne sa kaniyang mama nang banggitin nito ang tungkol sa nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Kairos.Until now, hindi pa rin sila maayos. At magpahanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang asawa niya kaya alalang-alala na siya rito lalo pa't hindi man lang nito nagawang sagutin ang maya’t-mayang pagtawag niya rito. Isang linggo na rin ang nakakalipas nang mag-away sila, at isang linggo na ring hindi mapalagay si Vivienne.“Ipinagtanong mo na ba sa mga kaibigan niya? O kaya naman sa pamilya niya? Anak, hindi kayo puwedeng ganiyan, na magkaaway. May anak kayo, kailangan kayo ni Thalia.”Bumuntong-hininga si Vivienne. “Wala pong alam ang mga kaibigan niya kung nasaan si Kairos. At sabi po ng ina ni Kairos sa akin, never daw umuwi roon ang anak nila simula nang araw na nag-away kami. Pumunta na rin po ako sa station na pinagtatrabahuhan niya, pero bigo rin po akong makita siya roon. Ma, ayoko sanang sabihin ito pe
Read more

Chapter 15: Devil Husband

ALAS-DIYES NA NG gabi subalit gising pa rin si Vivienne habang walang kapagurang hinihintay ang asawa niya sa living room.Simula nang sundan nito si Celeste kanina, hindi pa rin ito bumabalik kaya lubusan nang nag-aalala si Vivienne para rito. Sinubukan din niyang tawagan ang numero ni Kairos pero unattended ito. Nakatulog na’t lahat-lahat si Thalia, hindi pa rin dumadating ang asawa niya.Ano na kaya ang nangyari kay Kairos? Naging matagumpay kaya ang pagpigil nito kay Celeste? May parte sa puso ni Vivienne na magaan dahil kung nagtagumpay si Celeste sa plano nitong isuplong kay Rogue ang totoo—na anak nito si Thalia, dapat ay kanina pang nandito ang ex-husband niya para komprontahin siya. Pero wala—walang Rogue ang dumadating kaya malakas ang kutob ni Vivienne na nakagawa si Kairos ng paraan upang mapigilan si Celeste.Mayamaya pa, agarang napatayo si Vivienne sa kinauupuan nang bumukas ang pinto. Nang silipin niya iyon, nanlaki agad ang mga mata niya nang makitang si Kairos. Pero
Read more

Chapter 16: Support System

DAHIL SA TAKOT ni Vivienne, inuwi niya sa bahay ng mga magulang niya si Thalia kasama si Manang Nora. Hindi pa rin niya maintindihan ang nangyayari sa asawa niya. Matapos niyang maibigay ang hinihingi nito, umalis na lang ito. Hindi alam ni Vivienne kung ano na ang mangyayari sa kanilang dalawa ni Kairos ngayon, pero isa lang ang malinaw sa kaniya—démonyo ang pinakasalan niya. Malaking banta si Kairos sa buhay nilang mag-ina kaya bukas na bukas ay tatapusin na rin niya ang kung ano mang namamagitan sa kanilang dalawa. Bukas, magpa-file siya for annulment.Isang marahas na buntong-hininga ang ginawa ni Vivienne bago tinawag ang susunod na pasyente. Nasa outpatient department siya ngayon at in-a-assist niya ang isang doktora. Siya rin ang tumatawag sa mga nakapilang pasyente para sa check-up.Ilang oras ang ginugugol ni Vivienne sa OPD bago siya nakapag-break sa cafeteria. Katulad noong isang araw, halos hindi na naman niya makain ang mga kinuha niyang pagkain. Nahihirapan siyang lunuk
Read more

Chapter 17: Betrayal

“WHY ARE YOU here, huh? Nandito ka ba para agawin sa akin ang asawa ko? Gágo ka! Akin lang si Vivienne! You can't own her anymore because she's mine, and you can't take her away from me!” nanggagalaiting bulalas ni Kairos kay Rogue habang matalim ang tingin dito. Mabuti na lang at napigilan ni Vivienne ang asawa. Nakuha niya ang baril nito at hindi na niya ito hinayaan pang makasugod kay Rogue. “I don't know what you're talking about,” maang agad ni Rogue bago tumayo sa kinauupuan. “You're Vivienne's husband; it's your responsibility to know what's happening to her. Hindi mo ba alam kung ano ang pinagdadaanan ni Vivienne ngayon? She’s suffering, experiencing anxiety, and scared. As her husband, you need to help h—” “Wala kang karapatang kuwestyunin at utusan ako! I know my wife; I understand her better than you do. Kung iniisip mong may pagkukulang ako bilang asawa niya, nagkakamali ka. I am a faithful husband and a loving father. I know my responsibilities, and you don’t need to re
Read more

Chapter 18: A Mother's Despair

ONE WEEK LATER…“Hindi ka ba titigil kakahanap diyan sa ex-wife mo?” iritadong tanong ni Seraphina kay Rogue bago ito bumangon sa pagkaka-unan ng ulo nito sa matigas na dibdib ni Rogue.Sandaling tiningnan ni Rogue ang babae bago nagpatuloy sa pag-i-scroll sa kaniyang cellphone. “Why do you care, huh?” tanong niya kapagkuwan.“I care about it because you're not giving me any attention. We just had séx, tapos iyan agad ang gagawin mo, ang hanapin ang ex-wife mo? My God, Rogue.” Inis na bumaba si Seraphina sa kama bago nagsimulang magbihis. “Anong gusto mong gawin ko? Ehele ka hanggang sa makatulog ka?” Bakas ang iritasyon sa boses ni Rogue ng sandaling iyon habang hindi pa rin binibigyan ng atensyon ang babaeng kanina pang naghihimutok. “That's not what I meant, Rogue. Ayoko lang na mas binibigyan mo ng atensyon iyang ex-wife mo kumpara sa akin. Ni hindi mo man lang ako tinanong kung nagustuhan ko ba ang ginawa natin. Well, let me answer that. No, Rogue, no! I did not like what we d
Read more

Chapter 19: Grief and Accusations

“HINDI ITO TOTOO! Hindi ito totoo! Hindi pa patay si Vivienne! Hindi si Vivienne iyan. Buhay ang anak ko! Buhay pa siya!” pagdadalamhati ng mama ni Vivienne habang yakap-yakap ito ni Kairos.Nasa labas sila ng morgue—sa local morgue kung saan dinala ang di umano’y katawan ni Vivienne at doon ito inotopsiya. Sabi ni Dr. Gilbert Santos, isang forensic pathologist, at siyang nag-perform ng autopsy sa katawan ni Vivienne—kumpirmadong si Vivienne talaga ang bangkay na iyon. Natagpuan ito sa isang beach sa Batangas, palutang-lutang ang unti-unti na nitong naaagnas na katawan habang balot pa ito ng mga damong-dagat. Dahil na rin sa ilang araw itong nasa tubig, naging bloated na ang katawan nito at mahirap na ring makilala ang mukha nito. Pero agad ding nakumpirma ni Dr. Gilbert Santos na si Vivienne nga iyon dahil sa suot at sa DNA nito. “Kairos, ano bang nangyari? Bakit humantong sa ganito? Diyos ko, ang anak ko! Hindi siya si Vivienne, ‘di ba? Sabihin mo sa akin! Sabihin mo sa akin, Kair
Read more

Chapter 20: Doubt

THEY ONLY HAVE two options: i-cremate ang katawan ni Vivienne o ilibing ito. Nasa decomposition process na ang bangkay ni Vivienne kaya sinabihan sila ni Dr. Gilbert na dapat ay makapagdesisyon na sila. May health risk na raw ito kaya kailangan na agad nilang magdesisyon. At dahil ayaw nang masaktan ng mama ni Vivienne ang anak niya, ito ang nagdesisyon na ilibing ito. Dahil doon, kinabukasan ay inayos agad ang burol ni Vivienne. Ilang oras lang itong ibuburol at ililibing din agad para hindi kumalat ang bacteria at mga gases na nanggagaling sa bangkay ni Vivienne.“Condolences, ma'am,” malumanay na usal ni Rogue sa mama ni Vivienne nang makalapit siya rito habang kasama sina Leander at Quentin.“Salamat, Rogue,” malungkot na tugon ng ginang sa kaniya.“Lola!” sabay na sabi ng magkambal bago niyakap ang kanilang lola. “Salamat at pumunta kayo, mga apo!” emosyonal na turan ng ginang habang mahigpit na nakayakap sa kaniyang mga apo kapagkuwan ay nag-angat ito ng mukha kay Rogue. “Salam
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status