Inaasahan ko na hindi na ako aabutan pa ni Lazaro pagdating ng umaga ngunit nagkamali ako. Saktong alas tres nang bumaba ako at naabutan ko siya sa kusina na hawak ang isang sachet ng kape. Bakas sa mukha niya na hindi rin niya inaasahan na makita ako na gising ng ganito kaaga. Tiningnan pa niya ang kaniyang relo bago muling itinuon ang atensiyon sa akin. "Why are you up too early? Alas tres pa lang ng umaga," mababa ang boses na aniya. Nagkibit-balikat ako at sinamahan siya roon sa lamesa. Katatapos ko lang maligo at balot pa ng tuwalya ang basang buhok ko. Nagkataon na ako ang pinatulog niya sa kama kaya hindi ko alam na gising na rin pala siya. "Coffee?" offer niya. Umiling ako. "Ako na," sambit ko at saka ako kumuha ng baso upang pagtimplahan ang sarili ko. "Anyway, I'll go back to EastWood later. I already told you about that last night... if you forgot." Tumango ako. "Anong oras ang alis mo?" tanong ko. As much as I could, I want to have a civil relationship with
Magbasa pa