Home / Romance / CEO'S UNEXPECTED BABY / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of CEO'S UNEXPECTED BABY: Chapter 61 - Chapter 70

113 Chapters

Chapter 62

Chapter 62 Nagkatinginan kami ni Anne at agad na lumapit kay Celyn. "Ano bang nangyari, Celyn?" tanong ni Anne habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. "Nakatanggap ako ng mga banta nitong mga nakaraang araw. Akala ko hindi nila tutuparin, pero kanina, may mga lalaking pumasok sa bahay at sinabing kukunin nila kami ng anak ko," umiiyak na sabi ni Celyn. Napatingin ako kay Casper na halatang nagulat at hindi makapaniwala sa kanyang naririnig. "Celyn, umupo ka muna. Kailangan nating malaman ang buong kwento," sabi ko habang tinutulungan siyang umupo sa isang upuan. "Casper, kailangan nating tumawag ng pulis," sabi ni Anne habang hinahanap ang kanyang telepono. "Sandali lang," sabi ni Casper habang lumalapit kay Celyn at sa kanyang anak. "Celyn, hindi ko alam na ganito ang nangyari. Patawarin mo ako," sambit ni Casper. Nagtaka si Celyn at napatingin kay Casper. "Casper, andito ka pala? Akala ko ba'y babalik kana sa Manila?" sabi niya habang umiiyak. "Sasabay na lang ako sa
last updateLast Updated : 2024-09-03
Read more

Chapter 63

Chapter 63 Anne POV Fast Forward Kasalukuyan akong naglalakad sa kompanyang pinagtatrabahuan ko noon, pero ngayon ay may kaibahan na. Dati ay isa lang akong sekretarya ni Dixon Stanley Floyd; ngayon ay Mrs. Floyd na ako. Bawat madaanan kong empleyado ng aking asawa ay binabati ako. Kahit hindi ako sanay, nginingitian ko sila. Mag-iisang taon na ang aming kasal ngayon at apat na taong gulang na ang panganay namin. Ngayon ay unang anibersaryo namin kahit na nahihirapan akong maglakad dahil buntis ako sa kambal na lalaki. Gusto ko lang siyang makita kaya pinuntahan ko siya, hindi niya alam na pupuntahan ko siya. Kasalukuyan akong nasa elevator at nakasabay ko ang dati kong kasamahan. Nag-uusap kami hanggang tinanong niya kung ilang buwan na ang pagbubuntis ko kaya agad ko itong sinagot na pitong buwan na. "Sige, dito lang ako, Anne," sabi nito saka lumabas ng elevator. Nagpatuloy ako sa aking pupuntahan hanggang makarating ako sa opisina ni Dixon. Agad kong nakita ang kanyang s
last updateLast Updated : 2024-09-03
Read more

Chapter 64

Chapter 64 Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Tinanong nila si Dixon kung anong nangyari sa mukha niya dahil may bakas ng kamay doon. Hindi ko muna binuksan ang aking mga mata; gusto kong marinig ang mga sagot ng aking asawa. "Nasampal po, Ma," sagot ni Dixon. "Ano? Sino ang nagsampal sa'yo?" tanong ni Mama. "Si Anne, Ma. Ewan ko ba, bigla na lang niya akong sinampal nang ginising ko siya dahil nanaginip ata at pinagmumura pa ako. Ako daw ang dahilan kung bakit nawala ang kambal," paliwanag ni Dixon. "Ah, baka masama ang kanyang panaginip," sabi ni Mama. Bahagya akong umungol para mabaling ang kanilang atensyon sa akin. "Hmmmm..." "Anak, gising ka na pala," sabi ni Mama. "Misis ko, may gusto ka bang kainin? Sandali at kukuha ako ng makakain para sa'yo," alok ni Dixon. "Ipag-hain mo siya ng mainit na sabaw, anak," utos ni Mama kaya dali-dali itong umalis para bumili ng pagkain ko. "Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" tanong ni Mama. "Okay lang po ako, Ma. Medyo m
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

Chapter 65

Chapter 65 Dixon POV Lumipas ang mga buwan at agad naming bininyagan ang kambal. Pinangalanan namin sila na John Stanley at John Sitte. Ang mga kinuha naming ninang ay sina Kesya, Alexa, at Celyn af Heart. Samantalang ang mga ninong ay sina Klaus, Skyler, Casper, at Ryan. Ngunit hindi umuwi si Kesya dahil ayaw niyang makita si Skyler. Ang hindi alam ni Skyler ay buntis muli si Kesya nang umalis ito sa bansa. Sa araw ng binyag, nagsimula ang seremonya sa simbahan. Habang naglalakad kami papunta sa altar, naramdaman ko ang kakaibang saya at pagmamalaki. Ang aking mga anak ay bininyagan na, at sa wakas, nakumpleto na ang aming pamilya. Pagkatapos ng seremonya, nagtipon-tipon kami sa isang maliit na pagtitipon para ipagdiwang ang okasyon. Masaya ang lahat, ngunit napansin ko ang kawalan ni Kesya. Alam kong may dahilan siya, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Habang abala ang lahat sa pakikipag-usap at pagbati, lumapit sa akin si Alexa. "Dixon, alam mo ba kung bakit hindi umuwi si
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

Chapter 66

Chapter 66 "Oo, Anne. Nakakatuwa na makita ang lahat ng mga kaibigan at pamilya na nagtitipon-tipon para sa binyag ng kambal," sagot ko. "Nakakatuwa rin na makita ang suporta nila para kay Skyler at Kesya. Sana ay maayos na nila ang lahat," sabi ni Anne. "Oo, sana nga. Kailangan nilang mag-usap at ayusin ang kanilang mga problema para sa kanilang anak," sagot ko habang hinahawakan ang kamay ni Anne. Tahimik kaming nagmuni-muni ng ilang sandali, nagpapahinga mula sa mahabang araw. Alam kong marami pa kaming haharapin, pero sa bawat pagsubok, kasama ko si Anne at ang aming kambal na anak, at iyon ang pinakamahalaga sa lahat. "Anne, salamat sa lahat ng suporta mo. Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung wala ka," sabi ko habang tinitingnan siya sa mga mata. "Salamat din, Dixon. Magkasama nating haharapin ang lahat ng pagsubok. Para sa ating pamilya at alam ko na kaya-kanyang mo lampasan ang lahat na mga ito," sagot ni Anne habang niyayakap ako. Habang yakap-yakap ko si Ann
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

Chapter 67

Chapter 67 Habang binabasa ko ang mga dokumento, napansin ko na mas maayos na ang takbo ng proyekto. Hindi ko maiwasang mapangiti ako ng lihim dahil mukhang epektibo ang mga hakbang na ginawa namin kahapon. Natutuwa ako sa progreso at takbo kaya nagpasalamat ako sa mga tauhan dahil sa kanilang sipag. "Good job, everyone. Keep up the good work," sabi ko sa kanila habang naglalakad sa site. Pagkatapos ng ilang oras ng trabaho, tumunog ang aking telepono. Si Skyler ang tumatawag. "Hello, Skyler. Kamusta ang pag-uusap niyo ni Kesya?" tanong ko dito. "Tol Dixon, salamat sa lahat ng suporta ninyong mag-asawa. Naging maayos ang pag-uusap namin ni Kesya. Nagkasundo kami na magtulungan para sa aming anak. Malaking bagay ang pag-intindi at pagbibigay ng oras," sagot ni Skyler na may halong tuwa sa kanyang boses. "That's great to hear, Skyler. I'm happy for both of you. Keep the communication open and always prioritize your child," sabi ko. "At saka, magbabago kana dahil dalawa na
last updateLast Updated : 2024-09-06
Read more

Chapter 68

Chapter 68Lumipas ang apat na buwan at tuluyan nang gumaling ang aking ama. Tuluyan nang nakulong ang aking madrasta at pinagwalang-bisa ng aking ama ang kanilang kasal."Son, ngayon ay magaling na ako. Pwede mo nang tutukang maigi ang paghahanap sa babaing matagal mo nang hinanap," seryosong wika ng aking ama. "At sa ngayon, Dixon, lilipad ako patungo sa ibang bansa para sa aking therapy!" dagdag niyang sabi sa akin."Dad, mag-iingat ka doon!" tanging tugon ko.Kinabukasan, agad kong inutusan ang magagaling na imbestigador na aking inupahan.Ngunit sadyang magaling magtago ang aking secretary dahil hanggang ngayon ay wala silang makuhang lead kung saan ito nakatira.Lahat ng aking inutusang mga imbestigador ay walang maibigay na impormasyon tungkol kay Anne. Kahit ang mga magagaling na tauhan ni Ryan ay walang makuhang impormasyon. Iisa lamang ang kanilang sagot:'May humarang upang hindi makuha ang kailangan nilang impormasyon tungkol kay Anne.'"Fuck!" galit kong sigaw. "Asan ka n
last updateLast Updated : 2024-09-07
Read more

Chapter 69

Chapter 69 Pagkatapos kong magbihis, agad akong lumabas ng silid at bumalik kina Anne, kung saan niya nilalaro ang aming 7-buwang gulang na kambal. Habang ang panganay naming si Amara Grace, na 9 na taong gulang na, ay abala sa kanyang takdang-aralin. "Mommy," tawag ko kay Anne habang lumalapit sa kanila. "Mukhang enjoy na enjoy ang mga kambal!" dagdag kong salita. Mula ngayon ay Mommy at Daddy na ang tawagan naming dalawa. Habang nilalaro namin ang kambal, siya namang paglapit ng aming mayordoma na si Manang Pasing dito sa mansyon. "Iho, andito ang mga kaibigan mo!" sambit ni Manang Pasing. "Sino, Manang?" tanong ko dito. "Sina Klaus, Casper, Skyler, at ang palaging seryosong tao na si Ryan," bigkas nito kaya napangiti ako sa huling sinabi niya. Alam naman ni Manang na isang Mafia si Ryan kaya ito laging seryoso. Kaya sinabihan ko na lamang sila na papuntahin ito sa garden kung saan kami ni Anne at kambal nakatambay habang si Amara ay gumagawa ng kanyang assignment sa sc
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more

Chapter 70

Chapter 70 "Cheers!" sabay-sabay naming sigaw, kahit may halong lungkot sa aming mga tinig. Habang nagpatuloy ang gabi, unti-unting bumalik ang saya sa paligid. Ang mga bata ay naglalaro pa rin sa garden, habang ang mga asawa namin ay patuloy na nagbibigay ng suporta kay Alexa. "Alexa, tara dito at sumali ka sa amin," anyaya ni Anne, habang inaabot ang isang baso ng juice kay Alexa. "Salamat, Anne. Kailangan ko nga ito," sabi ni Alexa, habang umupo sa tabi ni Anne. Habang nag-uusap sila, napansin ko na kahit paano ay nagiging mas magaan ang pakiramdam ni Alexa. Ramdam ko ang init ng pagmamahal at suporta mula sa aming mga asawa. "Love, mukhang kailangan ni Klaus ng kausap," bulong ni Anne sa akin. "Oo nga, love. Kakausapin ko siya," sagot ko, habang lumapit kay Klaus. "Klaus, Tol, kaya mo 'yan. Alam kong mahirap, pero nandito kami para sa'yo," sabi ko, habang hinahawakan ang balikat niya. "Salamat, Dixon. Sobrang appreciate ko 'yan," sagot ni Klaus, habang tumatango.
last updateLast Updated : 2024-09-09
Read more

Chapter 71

Chapter 71Anne POVHabang lumilipas ang mga araw at taon, bumalik ako sa aking trabaho. Naging secretary muli ako ng aking asawa.Ang aking mga anak ay lumalaki na. Si Amara Grace ay kasalukuyang nag-aaral ng Business Administration. Ang kambal naman ay nasa grade 8 na, kaya wala akong problema kung babalik ako sa trabaho.Kasalukuyan kong inaayos ang mga schedule ni Dixon para sa kanyang mga meeting. Napangiti ako dahil ganito rin ang aking ginagawa noong una akong pumasok bilang isang secretary ng isang maaruganting CEO, na ngayon ay asawa ko na.Habang inaayos ko ang mga dokumento sa mesa, narinig ko ang pag-ring ng telepono. Agad ko itong sinagot, "Good morning, Dixon Corporation. How may I assist you?""Anne, may kailangan akong ipaalala sa'yo," sabi ni Dixon mula sa kabilang linya. "May dinner meeting tayo mamaya kasama ang mga potential investors. Huwag mong kalimutan.""Of course, Dixon. Nasa schedule na," sagot ko, habang sinusulat ito sa aking planner. "Anything else?""Wal
last updateLast Updated : 2024-09-10
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status