Chapter 66 "Oo, Anne. Nakakatuwa na makita ang lahat ng mga kaibigan at pamilya na nagtitipon-tipon para sa binyag ng kambal," sagot ko. "Nakakatuwa rin na makita ang suporta nila para kay Skyler at Kesya. Sana ay maayos na nila ang lahat," sabi ni Anne. "Oo, sana nga. Kailangan nilang mag-usap at ayusin ang kanilang mga problema para sa kanilang anak," sagot ko habang hinahawakan ang kamay ni Anne. Tahimik kaming nagmuni-muni ng ilang sandali, nagpapahinga mula sa mahabang araw. Alam kong marami pa kaming haharapin, pero sa bawat pagsubok, kasama ko si Anne at ang aming kambal na anak, at iyon ang pinakamahalaga sa lahat. "Anne, salamat sa lahat ng suporta mo. Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung wala ka," sabi ko habang tinitingnan siya sa mga mata. "Salamat din, Dixon. Magkasama nating haharapin ang lahat ng pagsubok. Para sa ating pamilya at alam ko na kaya-kanyang mo lampasan ang lahat na mga ito," sagot ni Anne habang niyayakap ako. Habang yakap-yakap ko si Ann
Chapter 67 Habang binabasa ko ang mga dokumento, napansin ko na mas maayos na ang takbo ng proyekto. Hindi ko maiwasang mapangiti ako ng lihim dahil mukhang epektibo ang mga hakbang na ginawa namin kahapon. Natutuwa ako sa progreso at takbo kaya nagpasalamat ako sa mga tauhan dahil sa kanilang sipag. "Good job, everyone. Keep up the good work," sabi ko sa kanila habang naglalakad sa site. Pagkatapos ng ilang oras ng trabaho, tumunog ang aking telepono. Si Skyler ang tumatawag. "Hello, Skyler. Kamusta ang pag-uusap niyo ni Kesya?" tanong ko dito. "Tol Dixon, salamat sa lahat ng suporta ninyong mag-asawa. Naging maayos ang pag-uusap namin ni Kesya. Nagkasundo kami na magtulungan para sa aming anak. Malaking bagay ang pag-intindi at pagbibigay ng oras," sagot ni Skyler na may halong tuwa sa kanyang boses. "That's great to hear, Skyler. I'm happy for both of you. Keep the communication open and always prioritize your child," sabi ko. "At saka, magbabago kana dahil dalawa na
Chapter 68Lumipas ang apat na buwan at tuluyan nang gumaling ang aking ama. Tuluyan nang nakulong ang aking madrasta at pinagwalang-bisa ng aking ama ang kanilang kasal."Son, ngayon ay magaling na ako. Pwede mo nang tutukang maigi ang paghahanap sa babaing matagal mo nang hinanap," seryosong wika ng aking ama. "At sa ngayon, Dixon, lilipad ako patungo sa ibang bansa para sa aking therapy!" dagdag niyang sabi sa akin."Dad, mag-iingat ka doon!" tanging tugon ko.Kinabukasan, agad kong inutusan ang magagaling na imbestigador na aking inupahan.Ngunit sadyang magaling magtago ang aking secretary dahil hanggang ngayon ay wala silang makuhang lead kung saan ito nakatira.Lahat ng aking inutusang mga imbestigador ay walang maibigay na impormasyon tungkol kay Anne. Kahit ang mga magagaling na tauhan ni Ryan ay walang makuhang impormasyon. Iisa lamang ang kanilang sagot:'May humarang upang hindi makuha ang kailangan nilang impormasyon tungkol kay Anne.'"Fuck!" galit kong sigaw. "Asan ka n
Chapter 69 Pagkatapos kong magbihis, agad akong lumabas ng silid at bumalik kina Anne, kung saan niya nilalaro ang aming 7-buwang gulang na kambal. Habang ang panganay naming si Amara Grace, na 9 na taong gulang na, ay abala sa kanyang takdang-aralin. "Mommy," tawag ko kay Anne habang lumalapit sa kanila. "Mukhang enjoy na enjoy ang mga kambal!" dagdag kong salita. Mula ngayon ay Mommy at Daddy na ang tawagan naming dalawa. Habang nilalaro namin ang kambal, siya namang paglapit ng aming mayordoma na si Manang Pasing dito sa mansyon. "Iho, andito ang mga kaibigan mo!" sambit ni Manang Pasing. "Sino, Manang?" tanong ko dito. "Sina Klaus, Casper, Skyler, at ang palaging seryosong tao na si Ryan," bigkas nito kaya napangiti ako sa huling sinabi niya. Alam naman ni Manang na isang Mafia si Ryan kaya ito laging seryoso. Kaya sinabihan ko na lamang sila na papuntahin ito sa garden kung saan kami ni Anne at kambal nakatambay habang si Amara ay gumagawa ng kanyang assignment sa sc
Chapter 70 "Cheers!" sabay-sabay naming sigaw, kahit may halong lungkot sa aming mga tinig. Habang nagpatuloy ang gabi, unti-unting bumalik ang saya sa paligid. Ang mga bata ay naglalaro pa rin sa garden, habang ang mga asawa namin ay patuloy na nagbibigay ng suporta kay Alexa. "Alexa, tara dito at sumali ka sa amin," anyaya ni Anne, habang inaabot ang isang baso ng juice kay Alexa. "Salamat, Anne. Kailangan ko nga ito," sabi ni Alexa, habang umupo sa tabi ni Anne. Habang nag-uusap sila, napansin ko na kahit paano ay nagiging mas magaan ang pakiramdam ni Alexa. Ramdam ko ang init ng pagmamahal at suporta mula sa aming mga asawa. "Love, mukhang kailangan ni Klaus ng kausap," bulong ni Anne sa akin. "Oo nga, love. Kakausapin ko siya," sagot ko, habang lumapit kay Klaus. "Klaus, Tol, kaya mo 'yan. Alam kong mahirap, pero nandito kami para sa'yo," sabi ko, habang hinahawakan ang balikat niya. "Salamat, Dixon. Sobrang appreciate ko 'yan," sagot ni Klaus, habang tumatango.
Chapter 71Anne POVHabang lumilipas ang mga araw at taon, bumalik ako sa aking trabaho. Naging secretary muli ako ng aking asawa.Ang aking mga anak ay lumalaki na. Si Amara Grace ay kasalukuyang nag-aaral ng Business Administration. Ang kambal naman ay nasa grade 8 na, kaya wala akong problema kung babalik ako sa trabaho.Kasalukuyan kong inaayos ang mga schedule ni Dixon para sa kanyang mga meeting. Napangiti ako dahil ganito rin ang aking ginagawa noong una akong pumasok bilang isang secretary ng isang maaruganting CEO, na ngayon ay asawa ko na.Habang inaayos ko ang mga dokumento sa mesa, narinig ko ang pag-ring ng telepono. Agad ko itong sinagot, "Good morning, Dixon Corporation. How may I assist you?""Anne, may kailangan akong ipaalala sa'yo," sabi ni Dixon mula sa kabilang linya. "May dinner meeting tayo mamaya kasama ang mga potential investors. Huwag mong kalimutan.""Of course, Dixon. Nasa schedule na," sagot ko, habang sinusulat ito sa aking planner. "Anything else?""Wal
Chapter 72 Habang lumilipas ang mga araw, nakita ko kung paano nagsusumikap si Amara sa kanyang mga gawain. "Mom, ang dami kong natutunan," wika niya isang gabi habang nag-uusap kami sa kusina. "Talaga, anak? Ano ang mga natutunan mo?" tanong ko habang naghahanda ng hapunan namin. "Ang dami, Mom. Mula sa pag-aayos ng mga dokumento hanggang sa pakikitungo sa mga kliyente. Nakakatuwa at nakakachallenge din," sagot ni Amara na puno ng excitement. "Masaya ako na nag-eenjoy ka, Amara. Tandaan mo, ang bawat karanasan ay magtuturo sa'yo ng mahalagang aral," tugon ko habang tinitingnan siya. "Oo, Mom. Salamat sa suporta niyo ni Dad," sagot ni Amara habang niyayakap ako. Habang nagpatuloy ang kanyang internship, nakita ko kung paano siya naging mas confident at mas determinado. "Mom, Dad, may presentation ako bukas para sa isang project. Pwede ba kayong manood?" bigkas na tanong ni Amara sa amin. "Siyempre, anak. Nandiyan kami para suportahan ka," sagot ni Dixon habang may ngiti sa la
Chapter 73 "Gusto kong maging veterinarian, Dad. Mahilig kasi ako sa mga hayop at gusto kong alagaan sila," sagot ni Sitti na may ngiti. "Ang gagaling ng mga plano niyo, mga anak. Proud kami sa inyo," sabi ko habang niyayakap sila. Habang nag-uusap kami, naramdaman ko ang init ng pagmamahalan at suporta sa aming pamilya. Alam kong sa bawat hakbang na ginagawa namin, mas lumalapit kami sa aming mga pangarap. Pagkatapos ng hapunan, nagtipon-tipon kami sa paligid ng campfire at nagkwentuhan tungkol sa mga masasayang alaala. "Mom, Dad, salamat sa lahat. Ang saya-saya ko," sabi ni Amara habang tinitingnan kami. "Salamat din, mga anak. Kayo ang nagbibigay ng lakas sa amin," sagot ni Dixon habang tinitingnan kami isa-isa. Habang naglalakad kami papunta sa aming mga tent, naramdaman ko ang kapayapaan at kasiyahan sa aking puso. Alam kong marami pa kaming haharapin na pagsubok, pero sa bawat hakbang na ginagawa namin, mas lumalapit kami sa aming mga pangarap bilang isang pamilya.
Chapter 114 The Final Makalipas ang ilang buwan, naging opisyal na ang "Anne’s Light Foundation". Sa araw ng paglulunsad, napuno ng mga tao ang event hall—mga bata, magulang, at mga kaibigan. Si Amara, sa kanyang simple ngunit eleganteng damit, ay tumayo sa entablado, hawak ang mikropono. Iba na ang kanyang aura ngayon—matatag, puno ng kumpiyansa, at may bagong pag-asa. "Mahal ko si Mom," panimula ni Amara, nagpipigil ng emosyon. "Hindi madaling mawalan ng isang magulang, lalo na kapag sila ang ilaw ng iyong buhay. Pero natutunan ko na ang ilaw na iyon ay puwedeng ipasa sa iba—sa mga batang nangangailangan ng gabay at pagmamahal." Tumingin siya sa akin mula sa entablado, at alam ko na ang susunod na sasabihin niya ay hindi lamang para sa mga tagapakinig, kundi para rin sa aming. "Ang "Anne’s Light Foundation" ay hindi lamang para kay Mom, kundi para sa lahat ng mga batang nawalan ng magulang, upang ipakita na hindi sila nag-iisa. May pag-asa, at may mga taong handang mag-ab
Chapter 113 Dixon POV Habang pinagmamasdan ko ang proyektong inilunsad ng aming mga anak bilang alaala sa kanilang yumaong ina, si Anne, dama ko ang saya at pagmamalaki habang nakikita ko ang kanilang mga ngiti. Ngunit sa kabila ng mga ngiting iyon, hindi pa rin naitatago ng kanilang mga mata ang lungkot, lalo na ni Amara, ang aming panganay, na lubos na naapektuhan sa pagkawala ng kanyang ina. Samantala, ang dalawang kambal ay abalang masayang nakikipag-usap sa kanilang mga kakilala. Si Sitti, na likas na masayahin, ang laging nagbibigay liwanag at ngiti sa amin. Sa kabilang banda, ang kanyang kakambal na si Stanley ay mas malalim mag-isip at laging may malawak na pag-unawa sa mga nangyayari sa paligid. Siya ang nagiging sandigan namin, habang si Amara, mula nang pumanaw ang kanyang ina, ay naging mas seryoso at mas nagtuon sa lahat ng bagay. Si Amara ang pinakaapektado sa pagkawala ng kanyang ina. Mula noon, bihira ko na siyang makitang ngumiti. Naging seryoso ito sa trabaho
Chapter 112 Stanley POV Ang araw na iyon ay puno ng kalungkutan, ngunit habang naglalakad kami palayo sa libingan ni Mom, isang pakiramdam ng responsibilidad ang bumalot sa akin. Si Sitti at ako, kami ang natitirang mga anak, at sa aking puso, alam kong kailangan kong maging haligi ng pamilya. Kailangan kong ipakita ang lakas, hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa kanila. Habang naglalakad, nahulog ang aking tingin sa lupa. Ang mga alaala ni Mom ay bumabalik—ang mga tawa niya, ang mga payo sa buhay, at ang mga simpleng sandaling kasama siya. Saksi ako sa kanyang lakas sa kabila ng lahat ng pagsubok na hinarap niya. Pero ngayon, ang tanong ay; 'Paano ko siya mapapangalagaan sa kabila ng kanyang pagkawala?' “Stanley,” sabi ni Sitti, lumingon siya sa akin. “Anong iniisip mo?” “Iniisip ko kung paano natin maipagpapatuloy ang lahat ng ipinaglaban ni Mom,” sagot ko. “Kailangan nating ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.” Ngumiti siya ng mahina. “Oo, para kay Mom. Pero pa
Chapter 111 Sitti POV Ang araw ng paglilibing ni Mommy Anne, ay isa sa pinakamabigat na araw sa buhay ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may mga bagay na tila hindi ko matanggap. Habang nakatayo ako sa tabi ng kanyang puntod, ramdam ko ang bigat ng bawat pagkilos at salita. Ang bawat mukha sa paligid ay nagdadala ng sariling kwento ng sakit at pagkawala, ngunit sa akin, ang sakit ay mas malalim. Nakita ko si Ate Amara sa tabi ng aming ama, hawak ang mga kamay nito, at alam kong kahit gaano kalalim ang kanyang sakit, nariyan pa rin ang katatagan sa kanyang puso. Pero sa akin, parang isang bagyong dumaan—wala akong nakitang liwanag. Ang lahat ng alaala namin ni Mom ay nagiging ulap sa aking isipan, parang mga larawan na unti-unting naglalaho. “Bakit ganito, Mom?” bulong ko sa sarili habang nakatingin sa hukay. “Bakit kailangan mo pang umalis?” Luminga-linga ako sa paligid, tila hinahanap ang sagot sa mga mata ng mga tao. Wala. Sila rin ay nababalot ng lungkot. Nakita ko ang m
Chapter 110 Amara POV Bata pa lang ako, alam ko na espesyal si Mom. Hindi lang dahil sa palaging mainit ang mga yakap niya o masarap siyang magluto—iba siya. Palagi niyang pinaparamdam sa amin na mahalaga kami, na kahit anong mangyari, andiyan siya para sa amin. Pero habang lumalaki ako, napansin kong unti-unti siyang nagbabago—ang mga ngiti niya, kahit totoo, ay may halong lungkot. Ngayon, alam ko na ang dahilan. Noong una kong nalaman na may sakit si Mom, hindi ako makapaniwala. Palagi kong iniisip na magiging masaya at buo ang pamilya namin magpakailanman. Hindi ko lubos naisip na maaaring mawala siya. Pero nang makita ko siyang humihina, doon ko napagtanto ang katotohanan. Napakahirap tanggapin na hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente. Sabi nga ni Mom noon, "Ang buhay ay parang isang libro—may simula at may katapusan, pero mahalaga kung paano natin isinusulat ang mga pahina." Nang mas maramdaman ko ang bigat ng kanyang sitwasyon, mas naging malinaw sa akin kung gaano s
Chapter 109 Dixon POV Wala nang mas masakit pa sa pag-alam na unti-unti nang nawawala ang pinakamamahal mong tao. Ang mga simpleng bagay na dati kong hindi pinapansin—ang mga ngiti ni Anne, ang kanyang mga kwento, ang kanyang mga yakap—ngayon ay nagiging kayamanang mahirap bitawan. Alam kong hindi ako handa, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang pigilan. Simula nang malaman ko ang tungkol sa sakit ni Anne, nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Ang bawat araw, bawat sandali, ay tila binibilang ko na. Lahat ng ginagawa namin ay parang may halong lungkot, kahit na sinisikap kong gawing masaya ang mga natitirang araw namin bilang isang pamilya. Isang umaga, habang nasa veranda si Anne at nagmumuni-muni, pinanood ko siya mula sa loob ng bahay. Ang tahimik niyang pagmamasid sa mga ulap ay parang isang paalala na ang bawat sandali ay mahalaga. Hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi ko gustong ipakita sa kanya ang takot ko, pero hindi ko na kaya ang bigat ng nararamdaman ko. Lumapit
Chapter 108 Anne POV Masaya ako na kasama ko ang aking mahal sa buhay—ang aking asawa, si Dixon, at ang aming tatlong anak. Bawat halakhak ni Amara, ang aming panganay, ay nagbibigay ng kakaibang saya sa aking puso. Sa kabila ng kanilang paglaki, nananatili ang respeto ng kambal, sina Sitti at Stanley, sa kanilang nakatatandang kapatid. Nakikita ko sa kanilang lahat ang mga mabubuting tao sa hinaharap—mga anak na magpapasaya sa amin ni Dixon. Sa kabila ng kahinaan ng aking katawan, hindi ko ito pinapahalata. Ayaw kong mag-alala sila sa akin. Pinili kong itago ang aking sakit upang hindi sila mag-alala o magdalamhati. Alam ko na ang aking oras ay limitado. Ngunit sa bawat araw, sinusulit ko ang bawat sandali, ginugugol ang natitirang oras kasama ang mga pinakamahalaga sa aking buhay. Sa bawat ngiti ni Dixon, ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Hindi man niya diretsong sabihin, alam kong nararamdaman niyang may mali sa akin. Minsan, mahuhuli ko siyang nakatingin nang matagal, ti
Chapter 107 Sitti POV Mula nang magdesisyon kaming umuwi, ang puso ko ay puno ng excitement. Hindi ko maikakaila ang ligaya na dala ng muling pagkikita sa aming pamilya. Habang ako’y natutulog, naisip ko ang mga alaala ng aming kabataan—mga picnic, beach trips, at mga bonding moments na kasama ang aming mga magulang at kapatid. Pagkagising ko sa umaga, sabik akong nag-ayos ng mga gamit. “Stanley, anong oras tayo aalis para sa beach trip?” tanong ko, habang nag-aayos ng mga swimsuit at towels. “Siguro mga alas-dos, para hindi masyadong mainit,” sagot niya. Habang nag-aalmusal, pinagmamasdan ko ang aming mga magulang na masayang nag-uusap. Ang kanilang ngiti at tawanan ay nagbibigay ng init sa aking puso. “Gusto ko sanang ilabas ang mga lumang litrato natin mamaya, para balikan ang mga alaala,” mungkahi ko. “Magandang ideya yan! Masaya siguro ‘yun,” tugon ni Mom, sabik na naghahanap ng mga album. Matapos ang almusal, nagsimula na kaming maghanda para sa beach. Ang mga bata, tula
Chapter 106 Stanley POV Mula nang nag-video call kami ng aming mga magulang, puno ng saya at excitement ang aming puso. Nais naming surpresahin sila sa aming pagbabalik sa Pilipinas. Ang mga alaala ng mga pamilya namin ay nagbibigay ng inspirasyon sa amin, at ang mga plano namin ay unti-unting bumubuo. “Stanley, excited na ako! Kailangan nating maging maayos ang lahat,” sabi ni Sitti habang nag-aayos ng aming mga kagamitan sa suitcase. “Oo, dapat tayong maging tahimik tungkol dito. Gusto kong makita ang kanilang mga mukha kapag nakita nila tayo,” tugon ko, punung-puno ng kagalakan. Habang nag-iimpake, naisip ko ang mga bagay na nais naming ipahayag sa aming mga magulang. Matagal na rin kaming wala sa Pilipinas, at ang pagkakataong ito ay tila isang regalo. Ang mga pagmamahal at alaala mula sa mga nakaraang taon ay muling bumabalik sa akin. “Anong mga pasalubong ang gusto mong dalhin?” tanong ni Sitti habang naglalagay ng mga damit. “Baka magdala tayo ng mga sweets at del