"BAKIT hindi mo sinabi sakin, Kiray? Bakit inilihim mo sakin ang pagkikita ng mag-ama?" Tanong ni Zarah kay Kiray nang gabing iyon. Nakatulog na ang kanyang anak sa kuwarto nito. Sinisiguro niya munang nakakatulog na ito bago niya pinuntahan si Kiray sa kuwarto. Si Kiray lang ang maari niyang tanungin tungkol sa lahat ng mga nangyayari na lingid sa kanyang kaalaman. "Ate, Zarah, I'm sorry po. Wala po akong balak na paglihiman kayo Ate, kaya naghintay lamang ako ng tamang tiyempo upang ika'y kausapin. Kaso masyado po kayong busy sa clinic at palaging pagod kaya nag-aalangan po ako na kausapin ka at sabihin sa'yo ang lahat." Paliwanag nito. "Kailan lang ba ito nangyari?" tanong niya ulit. "Magdadalawang linggo na po, Ate." "Matagal na pala, pero wala ka pa ring sinabi sa akin, Kiray," Tila may pagtatampong wika niya dito. "Pasensiya na po talaga, Ate. Nawala na rin po kasi sa isip ko." Nagtatampo man ay pinili niya paring tanggapin ang paghingi nito ng paumanhin. Hindi nama
Read more