SAMSARA's POV "I don't like Sharmaine. She is so ugly, like you!" Maangas na sabi ni Aamon sa ate niyang nagaayos ng damit na isinisiksik nito sa maleta. Pinaulit ko kasi sa kanila ang ayos ng damit dahil parang isinalampak lang nila ito sa maleta nang basta basta. "Why not? She looks so pretty kaya. Sembra una sirena." Adelaide said. Ang sabi niya ay mukha raw sirena si Sharmaine, ang kaklase ni Aamon na kapitbahay namin na lagi niyang kalaro. Ilang beses na kasing kwento at sumbong sa akin ni Adelaide na magkasamang kumakain ng lunch ang dalawa at nagpapalitan pa raw ng baon. "Yeah, she looks like a mermaid, but a mermaid from the dead sea--" "Hey, you can't say that." Saway ko kay Aamon. "Mana ka talaga sa daddy mo, ha. Ang lakas ninyong manlait." Bumusangot si Aamon habang ang ate niya ay malaki ang ngisi sa labi. Paano ba naman e nagkokontesan ang dalawa sa kung sino nga ba ang laging napapagalitan namin ni Maxwell. "Mommy, mana kaya ako sa iyo." Aamon clings onto my l
Read more