Home / Romance / BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO) / Kabanata 111 - Kabanata 120

Lahat ng Kabanata ng BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO): Kabanata 111 - Kabanata 120

206 Kabanata

CHAPTER 111

BLAYRE JOAQUIM... Pabagsak s'yang naupo sa kan'yang upoan habang kuyom ang kan'yang mga kamao. Igting din ang kan'yang mga panga at nagtagis ang mga bagang dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Pinipigilan n'ya lang ang kan'yang sarili na hindi magwala ng mga oras na iyon dahil baka kung ano pa ang magawa n'ya. Hindi n'ya na mabilang kung ilang beses s'yang nagbuga ng hangin para alisin ang bigat sa kan'yang dibdib. Hindi n'ya inaasahan na mangyayari ito sa relasyon nila ni Audrey. Pabalik-balik sa kan'yang isip ang trato sa kan'ya ng babae na animo'y hindi s'ya kilala at parang wala itong pakialam sa kan'ya. At dahil sa naisip ay hindi n'ya na naman mapigilan ang makaramdam ng sobrang sakit sa dibdib at bigla na lamang nanubig ang kan'yang mga mata. Nananakit na ang kan'yang lalamunan dahil sa pagpipigil na hindi maiyak. Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan n'ya bago dinampot ang telepono at tinawagan ang kan'yang kapatid na si Uno. Ito lang ang tanging malalapit
last updateHuling Na-update : 2024-10-06
Magbasa pa

CHAPTER 112

BLAYRE JOAQUIM... Nagmaneho s'ya patungo sa bahay ng kan'yang kapatid. Hindi alintana ang mga tao na lihim na nagmamasid sa kan'ya mula sa kalayuan. Dahil na rin siguro sa dami ng kan'yang mga iniisip ay hindi n'ya na napansin na sobrang bilis pala ng takbo ng kan'yang sasakyan. Kaya wala pang bente minutos ay nasa tapat na s'ya ng bahay ni Uno. Ipinarada n'ya ang sasakyan sa harapan ng bahay ng kapatid at agad na bumaba. Nang makita s'ya ng taohan ng kapatid ay dali-dali nitong binuksan ang gate para papasukin s'ya. "Nasaan si kuya Uno?" tanong n'ya rito. "Nasa swimming pool sa likod ng bahay boss Tres," tugon ng taohan ng kuya n'ya. Tinanguan n'ya ito bilang tugon at tinungo ang swimming pool ng bahay ni Uno. Malayo pa lang s'ya ay nakikita n'ya na ang kapatid na pabalik-balik ng langoy sa magkabilang dulo ng swimming pool. Tinungo n'ya ang isang recliner chair sa kabila kung saan ay may maliit na mesa sa gitna ng dalawang recliner chair at kung saan ay may alak na nakahanda.
last updateHuling Na-update : 2024-10-07
Magbasa pa

CHAPTER 113

BLAYRE JOAQUIM... "Tres!" pukaw sa kan'ya ng kapatid. Nasa library na silang dalawa at nag-uusap tungkol kay Audrey ngunit ang kan'yang isip ay lumilipad sa kung saan-saan. "I'm sorry kuya! What is it?" tanong n'ya rito. Matalim s'yang tinapunan ng tingin ng kapatid ngunit kibit-balikat lamang ang kan'yang sagot dito. "Here! Read this!" ang kapatid sa kan'ya at pinaharap ang screen ng computer nito sa kan'ya. Agad n'ya namang tiningnan ang ipinakita nito at binasa. At sa mga nabasa ay nagtagis ang kan'yang bagang at naikuyom ang mga kamao. "Mukhang hindi iisa ang Audrey na asawa mo at ang Audrey na anak ni Berkin, Tres. Read the information about Audrey Priscilla Berkin, malinaw na nakasaad d'yan na sa Europe s'ya lumaki at hindi pa nakakapunta ng Pilipinas," pagbibigay alam ng kapatid sa kan'ya kahit pa nakikita n'ya naman at nababasa ang mga nakasulat na mga impormasyon tungkol sa babae. "I don't believe this! Nararamdaman ko na si Audrey ang babaeng kaharap ko kahapon kuya. A
last updateHuling Na-update : 2024-10-07
Magbasa pa

CHAPTER 114

BLAYRE JOAQUIM...Nasa opisina s'ya ng araw na iyon at naghahalungkat ng pwedeng magbigay sa kan'ya ng impormasyon tungkol kay Audrey ngunit kahit anong hanap n'ya ay ganon pa rin ang lumalabas.Hinanap n'ya din kung saan ito nakatira sa Pilipinas ngunit masyadong discreet ang impormasyon ng babae ngunit hindi s'ya sumuko.Ipinagpatuloy n'ya ang paghahanap ng impormasyon tungkol kay Audrey ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tom na may bitbit na isang envelope."Sir, invitation letter po galing sa mga Evans," pagbibigay alam nito at agad na inilapag hawak na invitation card sa kan'yang harapan."Sino sa mga Evans galing ang invitation?" tanong n'ya rito."Dustine Evans, sir," tugon nito na ikinatango n'ya. Dustine is his ninong Neo's son at malapit din sa kanila."When is that?" "Bukas ng gabi sir," tugon ni Tom sa kan'yang tanong."I will be there, let them know!" tugon n'ya at ibinalik ang atensyon sa kan'yang binabasa. Agad ding umalis ang kan'yang sekretarya matapos marini
last updateHuling Na-update : 2024-10-07
Magbasa pa

CHAPTER 115

BLAYRE JOAQUIM... "Damn it! Fvck!" malutong na mura n'ya habang nagbabaga ang mga tingin kay Audrey at sa lalaking kasama nito. Para s'yang pinapatay ng mga oras na iyon at sa nararamdaman n'ya ngayon ay kumpirmado s'ya na asawa n'ya ang Aubrey na sumugod sa kan'yang kompanya at hindi ibang tao. Hindi s'ya makaramdam ng ganito kung hindi totoong si Audrey ang kan'yang nakikita ngayon. "Bro! Are you ok? Bakit para kang papatay ng tao?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ni Evo. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at nagbuga muna ng hangin bago hinarap ang mga kaibigan. "Nothing!" malamig ang boses na sagot n'ya kay Evo ngunit ang mga mata ng mga ito ay nasa kan'ya lahat nakatingin at pare-parehong may pagdududa sa mga kilos n'ya. "Kanino ka galit Tres? Sa lalaki na kausap ni Dustine o sa magandang babae na kasama ng lalaki?" tanong ng mga kaibigan. Hindi kilala ng mga ito si Audrey dahil noong panahon na ikinasal sila ay wala sa Pilipinas ang mga ito at hindi na
last updateHuling Na-update : 2024-10-08
Magbasa pa

CHAPTER 116

BLAYRE JOAQUIM..."Bakit sino ba ang nagsabi na nagjo-joke ako? At diba sinabi ko na sayo noong nakaraan na wala na tayong pag-uus—,""Marami tayong pag-usapan na dalawa at sa ayaw at sa gusto mo ay makikipag-usap ka sa akin!" matigas na utos n'ya rito ngunit isang malakas na sampal ang iginanti nito sa kan'ya na ikinagulat n'ya.Napahawak s'ya sa kan'yang pisngi na tinamaan ng sampal ni Audrey. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasampal s'ya ng isang babae at si Audrey iyon."Ang kapal ng mukha mo na utosan akong makipag-usap sayo. Bakit sino ka ba?" nanlilisik ang mga mata na sita sa kan'ya ng asawa. Nagpakawala s'ya ng hangin at kinalma ang sarili. Hindi sila makakapag-usap kung gagamitan n'ya ng dahas si Audrey.At sa nakikita n'ya dito ngayon ay hindi na ito ang tipo ng babae na susunod sa kan'yang mga gusto katulad noon."I'm sorry! Gusto ko lang na makapag-usap tayo," pagpakumbaba na sabi n'ya rito."Mr. El Frio hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo na pinagdidiinan mo na
last updateHuling Na-update : 2024-10-08
Magbasa pa

CHAPTER 117

BLAYRE JOAQUIM...Hindi n'ya alam kung gaano s'ya katagal na nakasalampak sa sahig pagkatapos s'yang insultohin ni Audrey. Masakit na masakit ang mga sinabi nito at parang ayaw tanggapin ng kan'yang utak ang mga sinabi nito.Wala sa sarili na naikuyom n'ya ang kan'yang mga kamao habang matalim ang mga tingin na nakatingin sa puting pader.Kung ayaw ni Audrey na mag-usap sila ng maayos at ayusin ang gusot sa pagitan nila pwes ibibigay n'ya ang gusto nitong mangyari. Ang magulo na pamamaraan para ilabas ang totoo.At sa isiping iyon ay tumayo s'ya at dali-daling lumabas ng silid. Nagulat pa ang kasambahay ng mga Evans ng makita s'ya na lumabas sa isang guest room ngunit dahil kilala naman s'ya ng mga ito ay hindi na ito nagtanong kung ano ang ginagawa n'ya sa loob.Diretso s'yang naglakad palabas at hindi na bumalik sa party sa loob. Sumakay s'ya sa kan'yang sasakyan at dumiretso ng uwi sa bahay nila ni Audrey na nasa loob lang din ng naturang village.Ipinarada n'ya ang sasakyan sa ha
last updateHuling Na-update : 2024-10-08
Magbasa pa

CHAPTER 118

BLAYRE JOAQUIM... Para s'yang binuhosan ng malamig na tubig ng makita ang maliit na kamay ng bata na agad na nilapitan ito kahit pa sinasabi ng iba na huwag hawakan dahil parating na ang ambulansya. Nilakihan n'ya ang pagkakabukas ng pinto at sinilip ang nasa loob at ganon na lang ang kan'yang pagkagitla ng makita ang duguan na mukha ng isang batang lalaki ngunit hindi maipagkakaila na kamukhang-kamukha n'ya ito. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at ilang beses na kumurap. Nagbabasakali s'ya na magbago pa ang tingin n'ya sa mukha ng bata at naisip na baka dala lang ng sobrang dami ng iniisip n'ya nitong mga nakaraang araw kaya kung ano-ano ang kan'yang nakikita. Ngunit kahit nakalimang pikit-dilat na s'ya ng kan'yang mga mata ay ganon pa rin ang kinalalabasan. Kamukhang-kamukha n'ya ang bata na nasa sasakyan at naliligo sa sariling dugo. "Hoy! Umalis ka d'yan!" kung hindi pa sumigaw ang isang lalaki sa kan'yang likuran ay hindi pa s'ya nahimasmasan. Hindi n'ya ito nilingon o pin
last updateHuling Na-update : 2024-10-09
Magbasa pa

CHAPTER 119

BLAYRE JOAQUIM... Narating nila ang ARM Hospital at hindi pa maayos na nakahinto si Luke ay agad n'ya ng binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas. "Fvck! Magdahan-dahan ka Tres at baka mas lalo pang mapalala ang sitwasyon ng bata sa ginagawa mo!" narinig n'ya pang sigaw ni Luke sa kan'ya ngunit hindi n'ya ito pinansin. Tumakbo s'ya papasok sa loob at nagsisigaw sa mga staffs sa bungad ng hospital. "I need help! It's an emergency! Hurry up!" malakas na sigaw n'ya sa mga ito. Agad namang nagsipulasan ang mga naroon at agad na lumapit sa kan'ya. "Bring him to the emergency room!" isang doctor na nakasuot ng puting gown ang nag-utos sa kan'ya. Agad n'ya namang itinakbo ang bata sa emergency habang nakasunod sa kan'ya ang doctor na nag-utos sa kan'ya at iba pang mga nurses. Pagpasok n'ya ay inutosan ulit s'ya ng doctor na ilagay sa isang bed ang bata. "Sa labas ka na maghintay Mr. We will take care of your son," taboy ng doctor sa kan'ya at agad na isinara ang kurtina na kulay berd
last updateHuling Na-update : 2024-10-09
Magbasa pa

CHAPTER 120

BLAYRE JOAQUIM... Ipinasok na sa operating room ang bata at s'ya naman ay nagpakuha na ng dugo para ipangsalin dito. Hindi s'ya pumayag na pipitsuging doctor ang mag-oopera sa kan'yang anak. Ulo ang pinag-uusapan nila at alam n'ya kung gaano ka delikado kapag ulo ang inoperahan kaya naman ay tinawagan n'ya ang anak ng ninong Grayson n'ya na s'yang may-ari ng ARM Hospital para ito mismo ang hahawak sa batang lalaki na hindi n'ya pa nalalaman kung ano ang pangalan. Si Luke naman ay pinuntahan muna si Ace at ang anak nito na nasa kaparehong hospital lang din nila. Nasa labas s'ya ng operating room at hinihintay si Graciella na isang magaling na surgeon ng pamilya Morgan. Apo ito ng kanilang lolo Ashton na kaibigan ng kan'yang lolo Drake. Sa babae lang s'ya may tiwala na maoperahan ng maayos ang bata kaya kahit busy ito ay tinawagan n'ya ang babae. At hindi naman ito tumanggi sa kan'ya at ito ang hinihintay n'ya ngayon sa labas ng operating room. Habang naghihintay ay panay ang kan'ya
last updateHuling Na-update : 2024-10-09
Magbasa pa
PREV
1
...
1011121314
...
21
DMCA.com Protection Status