Home / Romance / BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO) / Chapter 121 - Chapter 130

All Chapters of BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO): Chapter 121 - Chapter 130

206 Chapters

CHAPTER 121

BLAYRE JOAQUIM... "Oo Tres! Ako ang ina ng bata ngunit hindi mo s'ya anak. Simula ng ipahamak mo kami at ipagkanulo sa mga masasamang tao ay inalis ko na ang karapatan mo bilang ama n'ya. Hayop ka! Wala kang awa! Wala kang puso! Sarili mong pamilya ay tinalikuran mo para sa mga babae mo at ipinagkanulo mo para mapahamak sa kamay ng mga taong may galit sayo! Lumayo ka sa amin Tres, layuan mo kami ni Andrei dahil hindi ka namin kailangan!" hilam sa luha ang mga mata nito at nagsusumigaw sa galit na sagot sa kan'ya ng asawa. Para s'yang binuhosan ng isang drum ng malamig na tubig matapos marinig ang mga sinabi ni Audrey. Masaya s'ya ng malaman na tama ang kan'yang hinala na ito ang kan'yang asawa at anak n'ya ang batang dinala n'ya sa hospital ngunit ang marinig mula sa bibig ni Audrey ang masasakit na salita at s'ya ang sinisisi nito sa nangyari sa kanilang anak ay pakiramdam n'ya ay pinapatay s'ya ng paulit-ulit. "A-Audrey!"nanginginig ang boses na tawag n'ya sa pangalan nito at
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more

CHAPTER 122

BLAYRE JOAQUIM... "Sweetheart! How's Fifth? Is he ok?" hindi n'ya naituloy ang kan'yang pakiusap sa dalaga ng biglang dumating ang lalaki na kasama nito noong party ni Dustine. Napalitan ng galit at pagtagis ng mga bagang ang kan'yang mukha ng makita ang lalaki lalo pa ng salubongin ito ni Audrey at sa harapan n'ya mismo ay mahigpit na nagyakapan ang dalawA. Pakiramdam n'ya ay umakyat sa kan'yang ulo ang lahat ng dugo sa kan'yang katawan. Mahigpit na nakakuyom ang kan'yang mga kamao habang matalim na nakatingin sa dalawa na nasa bisig pa rin ng isa't-isa. Napakasakit para sa kan'ya ang tanawing iyon kaya hindi n'ya na napigilan pa ang sarili na ihakbang ang mga paa para sugurin ang lalaki na kayakap ni Audrey. "Hayop ka! Let go of my wife!" galit na galit na sigaw n'ya rito at mabilis na hinawakan sa damit ang lalaki at hinatak para makawala sa pagkakayap nito kay Audrey. Dahil sa bilis ng kan'yang mga kilos ay hindi nagkaroon ng pagkakataon ang lalaki na makapaghanda sa kan'yang g
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

CHAPTER 123

BLAYRE JOAQUIM... "Nasa operating room, why?" "Fvck! Your son is in danger. Let's go and guard him!" ang kapatid sa kan'ya at dali-daling naglakad patungo sa operating room kung nasaan ang kan'yang anak. S'ya naman ay ilang segundo na hindi nakahuma ngunit ng mahimasmasan ay dali-daling sinundan ang kapatid. "What do you mean kuya?" tanong n'ya rito habang nasa likod ng kapatid. "I will tell you later! We need to secure your son first!" seryosong sagot ni Uno sa kan'ya. Narating nila ang labas ng operating room at nandoon pa rin si Audrey na nakaupo sa upoan habang ginagamot ang mga sugat ng lalaki sa mukha. Masakit man ngunit hindi n'ya na lang pinansin ang mga ito dahil mas mahalaga sa kan'ya ang kan'yang anak. "Preccy, you're here!" ang kan'yang kuya Uno sa asawa. Natigil naman si Audrey sa ginagawang panggagamot sa lalaki at nilingon sila. "K-Kuya Uno," nauutal na tawag ni Audrey sa kan'yang kapatid. "Tama pala si Tres kung ganon! Buhay ka nga talaga. Only the real Precc
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

CHAPTER 124

BLAYRE JOAQUIM..."Fvck! What is happening?" lihim na tanong n'ya sa sarili ng makita ang malamig na tingin ni Uno sa lalaking kasama ni Audrey.Walang nagawa ang lalaki kundi ang bitawan ang kamay ni Audrey. Gusto pa sanang magpumiglas ng kan'yang asawa ngunit hindi n'ya ito hinayaan.Hindi sila pwede sa loob ng operating room ngunit ng makita ni Gracie ang kan'yang kapatid ay tumango lang ito at senenyasan sila na magsuot ng PPE na agad naman nilang sinunod na tatlo.Nasa isang sulok lang sila habang nagmamasid sa ginagawa ng mga ito sa bata. Si Audrey naman ay tahimik na umiiyak sa tabi n'ya at naintindihan n'ya iyon kung bakit."Tres, I need more blood," maya-maya ay narinig nilang sabi ni Gracie sa kan'ya."I'm here! Kuhanan mo lang sa akin," agad na sagot n'ya rito."No! Marami na kaming nakuha sayo kanina. Kailangan na iba na—,""Just take from me, Gracie. Magkapareho kami ng blood type ni Tres," awat ng kan'yang kuya sa usapan nila ng doctor."Good! Maswerte ang batang ito na
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

CHAPTER 125

BLAYRE JOAQUIM... He is about to answer Audrey's question ngunit hindi n'ya naituloy ng magdeklara si Gracie na tapos na ang operasyon ng anak nila at kailangan lang nito na manatili saglit bago ito ilipat sa ICU. Successful iyon at ligtas na ang kanilang anak ngunit dahil sa ulo ang sugat nito ay kailangan muna nitong manatili sa intensive care unit hanggang sa maging maayos na ang lahat. Pareho silang masaya ni Audrey ng mga oras na iyon. Naiyak pa ito dahil sa sobrang tuwa at s'ya naman ay pigil ang sariling emosyon ngunit sa loob-loob n'ya ay sobra-sobra ang kan'yang pasasalamat. Pinalabas muna sila ni Gracie ngunit bago s'ya tuloyan na umalis ay sinabi n'ya sa dalaga ang sitwasyon nila at ang mga taong nagtatangka sa buhay ng kanilang anak. At naintindihan naman ito ng kan'yang kababata at nangako ito na ito mismo ang magbabantay kay Andrei habang nasa operating room pa rin. He trusted Gracie dahil hindi lamang ito isang simpling doctor kundi isang well trained assassin
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

CHAPTER 126

AUDREY PRISCILLA... "S-Sorry is not enough Tres! Muntik na kaming mamatay na dalawa ng anak mo! Kaya ang hirap para sa akin na patawarin ka dahil ang anak natin ang nag suffer sa nangyari at masakit sa akin bilang isang ina na nakikita sa anak natin ang epekto ng mga pinagdaanan naming hirap noong tinalikuran mo kami! Our son was diagnosed with autism Tres! Hindi normal ang anak natin," naluluha at puno ng poot na sabi ni Audrey sa kan'ya. Natigilan naman s'ya dahil sa gulat at hindi agad nakatugon sa narinig mula rito at sobrang sakit para sa kan'ya ang sinapit ng kanilang anak. "A-Audrey!" nanginginig ang labi na tawag nito sa kan'yang pangalan. Nakita n'ya ang pinaghalong sakit at gulat sa mga mata nito ng mga oras na iyon. Ang kan'yang pagbabalik ay hindi coincidence lamang kundi talagang sinadya n'ya dahil sa kan'yang balak na paghihiganti kay Tres. Gusto n'yang maranasan din nito ang sakit na pinagdaanan nila ng kan'yang anak. Napuno ng poot at galit ang kan'yang puso para sa
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

CHAPTER 127

AUDREY PRISCILLA... "H-Hindi! No! Ang anak ko! Tulong! Tulong!" natataranta at naiiyak na pagsisigaw n'ya ng makita ang maraming dugo sa kan'yang binti. Kasunod ng kan'yang pagsigaw ay ang pagsigid ng sobrang sakit ng kan'yang t'yan na halos mawalan s'ya ng malay dahil sa sakit na iyon. Mas lalo pang sumidhi ang sakit na nararamdaman na halos mamangid ang kan'yang utak dahil sa sobrang sakit. "T-Tulong! T-Tulongan n'yo ako," paos ang boses na paghingi n'ya pa rin ng tulong ngunit walang sumasagot o walang kahit na isa ang dumating. "Ahhhhhhh!" malakas na sigaw n'ya ng sumigid ulit ang sakit ng kan'yang t'yan. Gamit ang kan'yang isang kamay ay kinapa n'ya ang kan'yang suot na panty at ginawa ang lahat para maibaba iyon. Pakiramdam n'ya kasi ay may kung ano na nasa pwerta ng kan'yang pagkababae at alam n'ya na manganganak na s'ya ng mga oras na iyon. Namimilipit s'ya sa sakit ngunit nagawa n'ya pang maibaba ang kan'yang suot na panty. Muling sumigid ang sakit ng kan'yang t'yan at s
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

CHAPTER 128

AUDREY PRISCILLA... Nagising s'ya na parang may naaamoy na kakaiba. Dahan-dahan s'yang nagmulat ng kan'yang mga mata at doon n'ya lang napagtanto na nasa isang silid s'ya at may nakakabit na swero sa kan'yang kamay. Nagpalinga-linga s'ya sa paligid ngunit agad ding natigilan ng may masagi sa kan'yang tabi. Agad n'ya itong tiningnan at doon lang at naalala n'ya ang kan'yang anak ng makita ito na mahimbing na natutulog sa kan'yang tabi. "A-Anak ko!" naiiyak na tawag n'ya rito. Hindi s'ya makapaniwala na kasama n'ya na ito ngayon. Takot na takot s'ya na baka kung may mangyari ditong masama dahil iniluwa n'ya ito na walang tumulong sa kan'ya. "Dyos ko! Maraming salamat!" naiiyak na pasasalamat n'ya sa nasa taas at nag-usal ng dasal. Buong pag-iingat na hinawakan n'ya ang kamay ng bata habang hilam sa luha ang kan'yang mga mata. "Fifth Andrei, iyan ang itatawag ko sayo anak! Iyan ang pangalan mo! Tres ang tatay mo at dahil apat silang magkakapatid ay gagawin kitang Fifth. Ikaw ang pang
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

CHAPTER 129

AUDREY PRISCILLA... Lumipas ang ilang araw at medyo maayos na ang kan'yang pakiramdam. Binibigyan s'ya ng matanda ng mga herbal para ipangligo para iwas daw binat. Hindi s'ya nakakalabas ng silid dahil ayaw nito sa takot na baka may makakita sa kan'ya na isa sa mga lalaki. At dahil sa takot at pag-alala para sa kan'yang anak ay sinunod n'ya ang matanda at nanatili sa loob ng silid na iyon. Hindi naman s'ya nito pinababayaan at ang kan'yang anak. Malamig ang pakikitungo nito sa kan'ya at seryoso palagi ang mukha ngunit alam n'ya na mabait ito dahil tinutulongan s'ya nito sa pag-aalaga sa kan'yang anak at tinuturoan kung paano ang tamang pagpapadede at pag-aalaga sa anak. Bumili din ito ng mga damit para sa bata at mga diaper na ipinagpasalamat n'ya ng sobra. Kahit pala sobrang hirap ng kan'yang mga pinagdaanan simula pa noong una ay hindi pa rin s'ya pinabayaan ng nasa taas at nagpadala ito ng tao na may mabubuting puso at tinulongan s'ya. Ngunit ang kan'yang tahimik na buhay sa po
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

CHAPTER 130

AUDREY PRISCILLA... "Ayon! Hulihin n'yo!" nagulantang s'ya ng marinig ang malakas na sigaw ng isang lalaki. Natigil s'ya saglit sa pagtakbo at nilingon ang pinaggalingan ng boses at ganon na lang ang kan'yang pagkagitla ng makita ang mga kalalakihan na hinahabol sila. Natataranta s'ya ng makita ang mga ito na hinahabol sila ng kan'yang anak. Hindi alintana ang mga halaman na nadadaanan n'ya na s'yang naglikha ng mga sugat sa kan'yang balat. Ang mahalaga sa kan'ya ay ang makalayo sa mga ito para mailigtas n'ya ang kan'yang anak at ang kan'yang sarili. "Bilisan n'yo! Habulin n'yo! Huwag kayong magpakita sa akin ng hindi n'yo dala ang ulo ng babaeng yan!" kahit malayo na ay naririnig n'ya pa rin ang sigaw ng lider ng mga kalalakihan na anak pala ni aling Maring na tumulong sa kan'ya. Naintindihan n'ya ang matanda dahil katulad nito ay isa na rin s'yang ina at gagawin n'ya ang lahat para protektahan ang kan'yang anak kahit pa gaano ito kasama. Tuloy-tuloy lang s'ya sa pagtakbo
last updateLast Updated : 2024-10-12
Read more
PREV
1
...
1112131415
...
21
DMCA.com Protection Status