Share

CHAPTER 127

Author: Siobelicious
last update Huling Na-update: 2024-10-11 13:34:28
AUDREY PRISCILLA...

"H-Hindi! No! Ang anak ko! Tulong! Tulong!" natataranta at naiiyak na pagsisigaw n'ya ng makita ang maraming dugo sa kan'yang binti. Kasunod ng kan'yang pagsigaw ay ang pagsigid ng sobrang sakit ng kan'yang t'yan na halos mawalan s'ya ng malay dahil sa sakit na iyon.

Mas lalo pang sumidhi ang sakit na nararamdaman na halos mamangid ang kan'yang utak dahil sa sobrang sakit.

"T-Tulong! T-Tulongan n'yo ako," paos ang boses na paghingi n'ya pa rin ng tulong ngunit walang sumasagot o walang kahit na isa ang dumating.

"Ahhhhhhh!" malakas na sigaw n'ya ng sumigid ulit ang sakit ng kan'yang t'yan. Gamit ang kan'yang isang kamay ay kinapa n'ya ang kan'yang suot na panty at ginawa ang lahat para maibaba iyon.

Pakiramdam n'ya kasi ay may kung ano na nasa pwerta ng kan'yang pagkababae at alam n'ya na manganganak na s'ya ng mga oras na iyon.

Namimilipit s'ya sa sakit ngunit nagawa n'ya pang maibaba ang kan'yang suot na panty. Muling sumigid ang sakit ng kan'yang t'yan at s
Siobelicious

Marami-rami po tayong POV ni Audrey ha, baka may magreklamo na naman d'yan 🙄.. Maraming salamat sa pagbabasa ❤️❤️

| 40
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (17)
goodnovel comment avatar
galiaanalyn
bakit naiba ang story ms.a...diba nga umiyak sya habang nasa daan.tapos sumakit tiyan nya.nawalan sya nang malay..bakit naiba na ngayon.. anu ba yan.
goodnovel comment avatar
Edna Mon Manocal Mira
hehe.grabi Ang story na to kinakanahan ako
goodnovel comment avatar
Josephine dela Merced
Thank you Miss A ito na simula magkakabati na sila at masusundan na si Fifth
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 128

    AUDREY PRISCILLA... Nagising s'ya na parang may naaamoy na kakaiba. Dahan-dahan s'yang nagmulat ng kan'yang mga mata at doon n'ya lang napagtanto na nasa isang silid s'ya at may nakakabit na swero sa kan'yang kamay. Nagpalinga-linga s'ya sa paligid ngunit agad ding natigilan ng may masagi sa kan'yang tabi. Agad n'ya itong tiningnan at doon lang at naalala n'ya ang kan'yang anak ng makita ito na mahimbing na natutulog sa kan'yang tabi. "A-Anak ko!" naiiyak na tawag n'ya rito. Hindi s'ya makapaniwala na kasama n'ya na ito ngayon. Takot na takot s'ya na baka kung may mangyari ditong masama dahil iniluwa n'ya ito na walang tumulong sa kan'ya. "Dyos ko! Maraming salamat!" naiiyak na pasasalamat n'ya sa nasa taas at nag-usal ng dasal. Buong pag-iingat na hinawakan n'ya ang kamay ng bata habang hilam sa luha ang kan'yang mga mata. "Fifth Andrei, iyan ang itatawag ko sayo anak! Iyan ang pangalan mo! Tres ang tatay mo at dahil apat silang magkakapatid ay gagawin kitang Fifth. Ikaw ang pang

    Huling Na-update : 2024-10-11
  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 129

    AUDREY PRISCILLA... Lumipas ang ilang araw at medyo maayos na ang kan'yang pakiramdam. Binibigyan s'ya ng matanda ng mga herbal para ipangligo para iwas daw binat. Hindi s'ya nakakalabas ng silid dahil ayaw nito sa takot na baka may makakita sa kan'ya na isa sa mga lalaki. At dahil sa takot at pag-alala para sa kan'yang anak ay sinunod n'ya ang matanda at nanatili sa loob ng silid na iyon. Hindi naman s'ya nito pinababayaan at ang kan'yang anak. Malamig ang pakikitungo nito sa kan'ya at seryoso palagi ang mukha ngunit alam n'ya na mabait ito dahil tinutulongan s'ya nito sa pag-aalaga sa kan'yang anak at tinuturoan kung paano ang tamang pagpapadede at pag-aalaga sa anak. Bumili din ito ng mga damit para sa bata at mga diaper na ipinagpasalamat n'ya ng sobra. Kahit pala sobrang hirap ng kan'yang mga pinagdaanan simula pa noong una ay hindi pa rin s'ya pinabayaan ng nasa taas at nagpadala ito ng tao na may mabubuting puso at tinulongan s'ya. Ngunit ang kan'yang tahimik na buhay sa po

    Huling Na-update : 2024-10-11
  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 130

    AUDREY PRISCILLA... "Ayon! Hulihin n'yo!" nagulantang s'ya ng marinig ang malakas na sigaw ng isang lalaki. Natigil s'ya saglit sa pagtakbo at nilingon ang pinaggalingan ng boses at ganon na lang ang kan'yang pagkagitla ng makita ang mga kalalakihan na hinahabol sila. Natataranta s'ya ng makita ang mga ito na hinahabol sila ng kan'yang anak. Hindi alintana ang mga halaman na nadadaanan n'ya na s'yang naglikha ng mga sugat sa kan'yang balat. Ang mahalaga sa kan'ya ay ang makalayo sa mga ito para mailigtas n'ya ang kan'yang anak at ang kan'yang sarili. "Bilisan n'yo! Habulin n'yo! Huwag kayong magpakita sa akin ng hindi n'yo dala ang ulo ng babaeng yan!" kahit malayo na ay naririnig n'ya pa rin ang sigaw ng lider ng mga kalalakihan na anak pala ni aling Maring na tumulong sa kan'ya. Naintindihan n'ya ang matanda dahil katulad nito ay isa na rin s'yang ina at gagawin n'ya ang lahat para protektahan ang kan'yang anak kahit pa gaano ito kasama. Tuloy-tuloy lang s'ya sa pagtakbo

    Huling Na-update : 2024-10-12
  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 131

    AUDREY PRISCILLA... "Nahuli ka din namin! Pinahirapan mo pa kami!" nanginginig bigla ang kan'yang buong katawan ng sumulpot sa kan'yang harapan ang isa sa mga lalaki na humahabol sa kanila. "M-Maawa ka po! H-Huwag mo kaming saktan!" naiiyak na pagmamakaawa n'ya rito na nginisihan lamang ng lalaki at nagpalinga-linga sa paligid. "Hindi kita sasaktan miss basta ba sumunod ka lang sa sasabihin ko. Hmmmmm!" nakangisi na sabi nito ay umuklo para marinig n'ya ng maayos ang bawat sasabihin. "A-Ano po yon?" natatakot na tanong n'ya sa lalaki. "Mas malaki ang pera na makukuha ko kung ako lang mag-isa eh, kaya sumama kayo sa akin ng anak mo at ibabalik ko kayo kay El Frio pero syempre kapalit ng malaking halaga para sa kan'yang mag-ina," sagot nito sa kan'ya. Naningkit ang kan'yang mga mata ng marinig ang sinabi ng lalaki at sa pagbanggit nito sa pangalan ni Tres. "H-Hindi ka babayaran ni Tres. Wala kaming halaga para sa kan'ya kaya kung pwede sana ay hayaan mo na kaming makaalis dito. Nag

    Huling Na-update : 2024-10-12
  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 132

    AUDREY PRISCILLA... "Putang'ina naman oh! Papatayin ko na nga lang kayong dalawa!" nanlilisik sa galit na sabi ng lalaki at iniumang ang baril sa kanilang dalawa ng kan'yang anak. "No! Huwag po! T-Tatayo na po ako!" nanginginig sa takot na sabi n'ya sa lalaki habang yakap-yakap ang anak. Kahit masakit ang kan'yang paa ay ginawa n'ya ang lahat para lang makatayo at masunod ang utos ng lalaki sa kan'ya. Hindi matatawarang panalangin ang kan'yang ginawa at nagpapasalamat s'ya na dininig naman ito ng nasa itaas. Nagawa n'yang ihakbang ang kan'yang paa kahit paika-ika lang. Sa bawat hakbang na ginawa n'ya ay napapangiwi s'ya dahil sa sakit ngunit hindi n'ya iyon binigyan pansin dahil ang kan'yang isip ay nasa kaligtasan ng kan'yang anak. "Bilisan mo!" may diin na utos ng lalaki sa kan'ya at sinundot pa s'ya ng dulo ng baril sa tagiliran na ikinaigtad n'ya. Naiiyak at pigil na pigil ang kan'yang paghikbi habang inihahakbang ang mga paa. "Nakita n'yo na ba? Kailangan nating mahan

    Huling Na-update : 2024-10-12
  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 133

    AUDREY PRISCILLA... "Narinig mo yon? Bababuyin ka lang ng mga yon kapag nahuli ka nila kaya kung ako sayo ay sumunod ka na lang sa iniutos ko sayo kung gusto mo pang makalabas dito ng buhay," bulong ng lalaki sa kan'ya ng ilapit nito ang bibig sa kan'yang tainga. Mariin n'yang ipinikit ang mga mata, napalunok ng laway ng ilang beses bago tumango dito bilang tugon. Naghintay pa sila ng ilang segundo at ng malayo na ang mga lalaki sa kanilang kinaroroonan ay dahan-dahan na silang naglakad. Sunod lang s'ya ng sunod sa utos ng lalaki na nasa likuran n'ya. Binaybay nila ang kabilang bahagi ng kasukalan at sa tingin n'ya ay kabisado ng naturang lalaki ang lugar na ito. May nakikita s'yang hanging bridge sa unahan kaya natigil s'ya sa paglalakad at nilingon ang lalaki. "Ano? Bakit ka tumigil? Bilisan mo!" singhal nito sa kan'ya. "D-D'yan tayo dadaan?" nauutal na tanong n'ya rito. "Bakit ayaw mo? Sige! Bumaba ka sa mataas na bangin na yan para makarating ka sa kabila. Tingnan

    Huling Na-update : 2024-10-12
  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 134

    AUDREY PRISCILLA... "Hintayin n'yo kami sa daan at tawagan mo na rin ang contact natin doon. Kailangan na maibenta agad itong dala ko para magkapera na tayo!" natigilan s'ya ng marinig ang sinabi ng lalaking kasama. Nilingon n'ya ito at nakita n'ya na may kausap ito sa cellphone habang nakatalikod sa kan'ya. At sa kan'yang narinig mula rito ay sigurado s'ya na silang dalawa ng kan'yang anak ang tinutukoy nito. Ibebenta s'ya nito at ang kan'yang anak kapalit ng pera. "Oh bakit ka tumigil, huh?" sita sa kan'ya ng lalaki ng balingan s'ya nito ng tingin. Dahil sa sobrang pag-iisip n'ya ay hindi n'ya na napansin na tapos na pala ito sa pakikipag-usap sa kung sino at ngayon ay nakatingin na sa kan'ya. "A-Ahhhh! H-Hinihintay kita, h-hindi ko kasi alam kung saan ang saan," pagsisinungaling n'ya rito at hindi sinabi na narinig n'ya ang sinabi nito sa kausap. "Dumiretso ka lang, sa dulo nito ay may tulay ulit pero hindi na hanging bridge. Pagkatapos ng tulay ay may daan at doon tayo hihin

    Huling Na-update : 2024-10-13
  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 135

    AUDREY PRISCILLA... Lakad-takbo ang kan'yang ginawa para makalayo agad at hindi naman nagtagal ay nakita n'ya ang daan na sinasabi nito. Dali-dali s'yang tumawid patungo sa kabilang dulo at balak na suongin ang kakahuyan sa kabila ngunit hindi pa s'ya tuloyan na nakapasok sa kakahuyan ay sunod-sunod na putok ng baril ang kan'yang narinig mula sa kan'yang likuran na ikinayanig ng kan'yang mundo. "Tigil!" malakas na sigaw ng lalaki mula sa kan'yang likuran. Nanginginig s'yang tumigil sa pagtakbo at agad na niyakap ang kan'yang anak dahil sa takot. "Ang lakas ng loob mong tumakas ha! Akala mo ay makakatakas ka sa akin!" galit na dagdag pa nito at itinulak s'ya. Napasalampak s'ya sa lupa dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sa kan'ya. Nanginginig ang kan'yang labi na tiningala ito at ang dulo ng baril nito ang bumungad sa kan'ya. "M-Maawa ka po sa amin. P-Pakawalan mo na kami," umiiyak na pagmamakaawa n'ya rito. "Maawa? Hindi ba sinabi ko na sayo kanina na huwag mo ng tangkain n

    Huling Na-update : 2024-10-13

Pinakabagong kabanata

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   EPILOGUE

    AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 205

    BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 204

    AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 203

    AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 202

    AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 201

    AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 200

    AUDREY PRISCILLA...Pagkauwi nila ni Tres galing sa kanilang yatch date ay naging busy na ulit ang asawa. Naintindihan n'ya naman dahil marami itong kailangan na gawin sa opisina.At dahil hindi naman talaga s'ya interesado sa pera ni Berkin, ang share nito sa kompanya ni Tres ay hindi n'ya na pinansin pa. Ipinaubaya n'ya na lang sa asawa kung ano ang balak nito sa share ng matanda.Major stock holder ito ngunit ayaw n'ya ding gamitin ang pera nito at mas lalong ayaw n'ya na nasa kompanya pa ng asawa ang pera ni Berkin.Kaya si Tres na ang pinag desisyon n'ya kung ano ang gagawin nito sa shares ng matanda. Balak n'ya rin naman na magtatayo ng kan'yang sariling negosyo at gagamitin ang kan'yang pinag-aralan sa abroad.Ayaw n'yang pabigat lang kay Tres at alam n'ya na susuportahan s'ya ng kan'yang asawa sa kan'yang mga plano. Never n'yang naringgan si Tres na hinadlangan ang gusto n'ya bagkus ay nakasuporta lang ito palagi sa kan'ya at sa ugali ng lalaki ay mas lalo n'ya pa itong minaha

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 199

    AUDREY PRISCILLA... The date that Tres prepared for them ay naging mainit at naging mitsa para punan nila ang pangungulila sa isat-isa. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay matagal na panahon din silang hindi nagkaroon ng oras ni Tres. Kaya siguro sinadya ng kan'yang asawa na dito sa laot mag date para walang disturbo at walang makakarinig sa kanila kahit pa magsusumigaw silang dalawa. Katulad na lang ngayon na nasa recliner chair s'ya habang nakahiga at si Tres at nasa paanan n'ya at nakasubsob sa kan'yang pagkababae. Itinaas lang nito ang kan'yang suot na dress at inalis ang kan'yang suot na panty kaya malaya itong nagagawa ang gusto nito ngayon. Nakasablay sa magkabilang gilid ng upoan ang kan'yang parehong binti at nagmukha s'yang manganganak sa kan'yang posisyon. Pero wala s'yang pakialam dahil ang kan'yang atensyon ay nasa asawa na nagpapaligaya sa kan'ya sa baba. Saksi ang maliwanag at bilog na bilog na buwan sa kanilang ginagawa. Nakatingala s'ya sa langit habang si Tres

  • BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)   CHAPTER 198

    AUDREY PRISCILLA...Wala na s'yang hihilingin pa dahil nasa kan'ya na ang lahat. Ang may mapagmahal na asawa, pogi at cute na anak at pinsan na sobra din kung alagaan s'ya at ang kan'yang tiyahin at tiyohin na sobra ang saya ng makilala s'ya ng mga ito.Idagdag mo ang mga magulang ni Tres na kasundo n'ya pati na ang mga kapatid nito na itinuring s'ya na kapatid. Napag-alaman n'ya sa kan'yang tito Anton na ama ni Anthony na patay na din ang kan'yang ama. Na bago ito namatay ay iniwan nito sa kapatid ang tungkol sa kan'ya kaya s'ya hinanap ng tiyuhin at pinsan.Nalulong sa droga ang kan'yang ama kaya pala nito iniwan ang kan'yang mommy. At nang gumaling naman ito sa pagiging adik ay s'ya namang pagdapo ng nakamamatay na sakit na cancer.Gusto daw s'ya nitong balikan ngunit wala na s'ya dahil nang mga panahong iyon ay pinatay na ni Berkin ang kan'yang ina at s'ya naman ay iniwan ng kan'yang ina sa isang cargo ship ng mga panahon na hinahabol ito ni Berkin para patayin. Ang barko ay bumi

DMCA.com Protection Status