Aba kayo ha, noong walang POV si Audrey, reklamo kayo ng reklamo ngayon na may POV na reklamo pa rin.. Hahahaha! Labyu mga mumsh! ❤️
AUDREY PRISCILLA... "Narinig mo yon? Bababuyin ka lang ng mga yon kapag nahuli ka nila kaya kung ako sayo ay sumunod ka na lang sa iniutos ko sayo kung gusto mo pang makalabas dito ng buhay," bulong ng lalaki sa kan'ya ng ilapit nito ang bibig sa kan'yang tainga. Mariin n'yang ipinikit ang mga mata, napalunok ng laway ng ilang beses bago tumango dito bilang tugon. Naghintay pa sila ng ilang segundo at ng malayo na ang mga lalaki sa kanilang kinaroroonan ay dahan-dahan na silang naglakad. Sunod lang s'ya ng sunod sa utos ng lalaki na nasa likuran n'ya. Binaybay nila ang kabilang bahagi ng kasukalan at sa tingin n'ya ay kabisado ng naturang lalaki ang lugar na ito. May nakikita s'yang hanging bridge sa unahan kaya natigil s'ya sa paglalakad at nilingon ang lalaki. "Ano? Bakit ka tumigil? Bilisan mo!" singhal nito sa kan'ya. "D-D'yan tayo dadaan?" nauutal na tanong n'ya rito. "Bakit ayaw mo? Sige! Bumaba ka sa mataas na bangin na yan para makarating ka sa kabila. Tingnan
AUDREY PRISCILLA... "Hintayin n'yo kami sa daan at tawagan mo na rin ang contact natin doon. Kailangan na maibenta agad itong dala ko para magkapera na tayo!" natigilan s'ya ng marinig ang sinabi ng lalaking kasama. Nilingon n'ya ito at nakita n'ya na may kausap ito sa cellphone habang nakatalikod sa kan'ya. At sa kan'yang narinig mula rito ay sigurado s'ya na silang dalawa ng kan'yang anak ang tinutukoy nito. Ibebenta s'ya nito at ang kan'yang anak kapalit ng pera. "Oh bakit ka tumigil, huh?" sita sa kan'ya ng lalaki ng balingan s'ya nito ng tingin. Dahil sa sobrang pag-iisip n'ya ay hindi n'ya na napansin na tapos na pala ito sa pakikipag-usap sa kung sino at ngayon ay nakatingin na sa kan'ya. "A-Ahhhh! H-Hinihintay kita, h-hindi ko kasi alam kung saan ang saan," pagsisinungaling n'ya rito at hindi sinabi na narinig n'ya ang sinabi nito sa kausap. "Dumiretso ka lang, sa dulo nito ay may tulay ulit pero hindi na hanging bridge. Pagkatapos ng tulay ay may daan at doon tayo hihin
AUDREY PRISCILLA... Lakad-takbo ang kan'yang ginawa para makalayo agad at hindi naman nagtagal ay nakita n'ya ang daan na sinasabi nito. Dali-dali s'yang tumawid patungo sa kabilang dulo at balak na suongin ang kakahuyan sa kabila ngunit hindi pa s'ya tuloyan na nakapasok sa kakahuyan ay sunod-sunod na putok ng baril ang kan'yang narinig mula sa kan'yang likuran na ikinayanig ng kan'yang mundo. "Tigil!" malakas na sigaw ng lalaki mula sa kan'yang likuran. Nanginginig s'yang tumigil sa pagtakbo at agad na niyakap ang kan'yang anak dahil sa takot. "Ang lakas ng loob mong tumakas ha! Akala mo ay makakatakas ka sa akin!" galit na dagdag pa nito at itinulak s'ya. Napasalampak s'ya sa lupa dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sa kan'ya. Nanginginig ang kan'yang labi na tiningala ito at ang dulo ng baril nito ang bumungad sa kan'ya. "M-Maawa ka po sa amin. P-Pakawalan mo na kami," umiiyak na pagmamakaawa n'ya rito. "Maawa? Hindi ba sinabi ko na sayo kanina na huwag mo ng tangkain n
AUDREY PRISCILLA... May mga boses s'yang naririnig na nag-uusap ngunit napakalayo ng mga ito. Pilit n'yang pinapakinggan ang usapan ng kung sino ngunit hindi n'ya masyadong marinig kaya naman ay dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata para lang mapapikit ulit ng masilaw ng liwanag mula sa ilaw. "Hmmmmm!" ungol n'ya habang mariin na nakapikit. Ilang segundo muna ang kan'yang hinintay bago dahan-dahan na ibinuka ulit ang kan'yang mga at sa pagkakataong ito ay hindi na s'ya nasilaw sa liwanag. Nagsalubong ang kan'yang kilay ng makita ang hindi pamilyar na kinaroroonan n'ya. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin sa paligid at doon n'ya lang napansin ang mga swero na nakakabit sa kan'ya. "N-Nasaan ako?" mahinang tanong n'ya sa sarili habang inisa-isa tingin ang mga gamit sa loob ng silid na kinaroroonan n'ya at nagbabasakali na may maalala kung nasaan s'ya ngunit wala at lahat ng naroon ay bago lang sa kan'yang paningin. Sinilip n'ya ang kan'yang katawan para lang mapaawang ang l
ABRIELLE DEE... "You look like her," natigil s'ya sa pagpahid ng kan'yang luha ng marinig ang sinabi ng matandang lalaki na naiwan sa kwarto. Nagsalubong ang kan'yang kilay na sinalubong ang tingin ng matanda. "Sino po?" "Nevermind, iha! By the way, may masakit ba sayo? May nararamdaman ka bang sakit sa katawan?" tanong nito sa kan'ya. Pinakiramdaman n'ya ang kan'yang sarili at parang wala namang s'yang sakit na nararamdaman maliban sa kan'yang paa. "Ang pa—," "Your son is here!" hindi n'ya naituloy ang gusto n'yang sabihin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang doctor at karga-karga ang kan'yang anak. Biglang nanikip ang kan'yang dibdib ng makita si Andrei. Ibinigay ito ng lalaki sa kan'ya na agad n'yang kinuha at napahagulhol s'ya ng iyak na niyakap ang anak. "Salamat panginoon! Maraming salamat!" pasasalamat n'ya sa itaas habang mahigpit na yakap ang anak. Hindi n'ya inaasahan na makakaligtas pa silang dalawa ni Andrei. "Anak buhay ka? Ligtas tayo anak!" natatawa haba
AUDREY PRISCILLA... Dahil sa nangyari sa kan'ya na trahedya at mga bugbog sa katawan ay nagkaroon s'ya ng matinding pananakit ng katawan lalo na s'yang dahilan para halos dalawang buwan s'yang hindi nakakalakad. Lalo na ang kan'yang paa na natapilok noong kasagsagan ng pagtakas n'ya mula sa lalaki na gusto silang ibenta. Nasa kama lang s'ya at kung bababa man ay kailangan n'yang sumakay sa wheelchair. Kumuha si senyor Elpidio ng mag-aalaga sa kan'ya at mayroon din ang kan'yang anak. Madalas din pumupunta sa bahay nito ang doctor para personal na tingnan ang kan'yang kalagayan ganon din sa kan'yang anak. Malaki ang pasasalamat n'ya sa matanda na halos dalawang buwan n'ya na rin na hindi nakikita. Ang huling pag-uusap nila ay noong bago pa ito umalis at nagpaalam na mawawala muna saglit dahil may asikasuhin daw ito. Pagkatapos nito ay hindi pa nakabalik ang matanda at naiwan s'ya sa pangangalaga ng mga taohan nito sa mansyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakapag-usap ng ma
AUDREY PRISCILLA..."May nasabi ba akong hindi mo nagustohan senyorita? Bakit ka biglang natahimik at nalungkot? Naku, pasensya na kung may nasabi ako na hindi mo gusto," may pag-aalala sa boses na paghingi ng paumanhin ng matanda. Tipid s'yang ngumiti dito para ipakita na wala dapat itong alalahanin."Wala po manang, ayos lang po ako. May naisip lang ako," nakangiting sabi n'ya rito ng makita na nag-aalala ang mukha ng ginang. "Hay salamat naman! Akala ko pa naman ay may nasabi ako na hindi mo nagustohan, senyorita. Kinabahan ako bigla," parang nabunotan ng tinik sa dibdib na sabi ng ginang sa kan'ya.Nginitian n'ya lang ito ngunit sa kan'yang loob ay nagtataka s'ya kung bakit ganon na lang ang pag-alala nito na baka may nasabi sa kan'ya na hindi n'ya nagustohan.Nagpaalam ito pagkatapos na lalabas na at hindi n'ya naman ito pinigilan. Pagkawala ng likod nito ay doon lang at sumeryoso ulit ang kan'yang mukha.Malayo na s'ya kay Tres at mukhang maayos naman ang napuntahan nila ng kan
AUBREY PRISCILLA...Katatapos n'ya lang maligo at kasalukoyan n'yang inaayos ang mga damit sa closet ng makarinig s'ya ng katok sa pinto."Sino yan?" tanong n'ya rito."It's me, iha! Can I come in?" natigilan s'ya ng makilala ang boses ng matanda. Nakabalik na pala ito sa mansyon. Ngayon n'ya lang ulit ito nakita pagkatapos ng dalawang buwan."Iha?" tawag ulit nito sa kan'ya ng hindi s'ya sumagot. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at inayos ang sarili. Nakakahiya sa matanda na pinaghintay n'ya ito."Po? P-Pasok po, bukas po yan!" dali-dali na sagot n'ya rito at agad na binitawan ang tinutupi na damit at inayos ang sarili.Bumukas naman ang pinto at iniluwa ang matanda na nagligtas at tumulong sa kanilang dalawa ni Andrei."Senyor Elpidio, kamusta po?" tipid na ngiti na bati n'ya rito at nilapitan ang matanda at nagmano. Mahina itong natawa na tinanggap ang kan'yang kamay at pinagmano s'ya."Napaka-magalang mo naman iha. Nakakatuwa ka! Kamusta na kayong dalawa ni Fifth? Maayos ba kayong
AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup
BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la
AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a
AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus
AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n
AUDREY PRISCILLA...Pagkauwi nila ni Tres galing sa kanilang yatch date ay naging busy na ulit ang asawa. Naintindihan n'ya naman dahil marami itong kailangan na gawin sa opisina.At dahil hindi naman talaga s'ya interesado sa pera ni Berkin, ang share nito sa kompanya ni Tres ay hindi n'ya na pinansin pa. Ipinaubaya n'ya na lang sa asawa kung ano ang balak nito sa share ng matanda.Major stock holder ito ngunit ayaw n'ya ding gamitin ang pera nito at mas lalong ayaw n'ya na nasa kompanya pa ng asawa ang pera ni Berkin.Kaya si Tres na ang pinag desisyon n'ya kung ano ang gagawin nito sa shares ng matanda. Balak n'ya rin naman na magtatayo ng kan'yang sariling negosyo at gagamitin ang kan'yang pinag-aralan sa abroad.Ayaw n'yang pabigat lang kay Tres at alam n'ya na susuportahan s'ya ng kan'yang asawa sa kan'yang mga plano. Never n'yang naringgan si Tres na hinadlangan ang gusto n'ya bagkus ay nakasuporta lang ito palagi sa kan'ya at sa ugali ng lalaki ay mas lalo n'ya pa itong minaha
AUDREY PRISCILLA... The date that Tres prepared for them ay naging mainit at naging mitsa para punan nila ang pangungulila sa isat-isa. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay matagal na panahon din silang hindi nagkaroon ng oras ni Tres. Kaya siguro sinadya ng kan'yang asawa na dito sa laot mag date para walang disturbo at walang makakarinig sa kanila kahit pa magsusumigaw silang dalawa. Katulad na lang ngayon na nasa recliner chair s'ya habang nakahiga at si Tres at nasa paanan n'ya at nakasubsob sa kan'yang pagkababae. Itinaas lang nito ang kan'yang suot na dress at inalis ang kan'yang suot na panty kaya malaya itong nagagawa ang gusto nito ngayon. Nakasablay sa magkabilang gilid ng upoan ang kan'yang parehong binti at nagmukha s'yang manganganak sa kan'yang posisyon. Pero wala s'yang pakialam dahil ang kan'yang atensyon ay nasa asawa na nagpapaligaya sa kan'ya sa baba. Saksi ang maliwanag at bilog na bilog na buwan sa kanilang ginagawa. Nakatingala s'ya sa langit habang si Tres
AUDREY PRISCILLA...Wala na s'yang hihilingin pa dahil nasa kan'ya na ang lahat. Ang may mapagmahal na asawa, pogi at cute na anak at pinsan na sobra din kung alagaan s'ya at ang kan'yang tiyahin at tiyohin na sobra ang saya ng makilala s'ya ng mga ito.Idagdag mo ang mga magulang ni Tres na kasundo n'ya pati na ang mga kapatid nito na itinuring s'ya na kapatid. Napag-alaman n'ya sa kan'yang tito Anton na ama ni Anthony na patay na din ang kan'yang ama. Na bago ito namatay ay iniwan nito sa kapatid ang tungkol sa kan'ya kaya s'ya hinanap ng tiyuhin at pinsan.Nalulong sa droga ang kan'yang ama kaya pala nito iniwan ang kan'yang mommy. At nang gumaling naman ito sa pagiging adik ay s'ya namang pagdapo ng nakamamatay na sakit na cancer.Gusto daw s'ya nitong balikan ngunit wala na s'ya dahil nang mga panahong iyon ay pinatay na ni Berkin ang kan'yang ina at s'ya naman ay iniwan ng kan'yang ina sa isang cargo ship ng mga panahon na hinahabol ito ni Berkin para patayin. Ang barko ay bumi