BLAYRE JOAQUIM...Hindi n'ya alam kung gaano s'ya katagal na nakasalampak sa sahig pagkatapos s'yang insultohin ni Audrey. Masakit na masakit ang mga sinabi nito at parang ayaw tanggapin ng kan'yang utak ang mga sinabi nito.Wala sa sarili na naikuyom n'ya ang kan'yang mga kamao habang matalim ang mga tingin na nakatingin sa puting pader.Kung ayaw ni Audrey na mag-usap sila ng maayos at ayusin ang gusot sa pagitan nila pwes ibibigay n'ya ang gusto nitong mangyari. Ang magulo na pamamaraan para ilabas ang totoo.At sa isiping iyon ay tumayo s'ya at dali-daling lumabas ng silid. Nagulat pa ang kasambahay ng mga Evans ng makita s'ya na lumabas sa isang guest room ngunit dahil kilala naman s'ya ng mga ito ay hindi na ito nagtanong kung ano ang ginagawa n'ya sa loob.Diretso s'yang naglakad palabas at hindi na bumalik sa party sa loob. Sumakay s'ya sa kan'yang sasakyan at dumiretso ng uwi sa bahay nila ni Audrey na nasa loob lang din ng naturang village.Ipinarada n'ya ang sasakyan sa ha
BLAYRE JOAQUIM... Para s'yang binuhosan ng malamig na tubig ng makita ang maliit na kamay ng bata na agad na nilapitan ito kahit pa sinasabi ng iba na huwag hawakan dahil parating na ang ambulansya. Nilakihan n'ya ang pagkakabukas ng pinto at sinilip ang nasa loob at ganon na lang ang kan'yang pagkagitla ng makita ang duguan na mukha ng isang batang lalaki ngunit hindi maipagkakaila na kamukhang-kamukha n'ya ito. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at ilang beses na kumurap. Nagbabasakali s'ya na magbago pa ang tingin n'ya sa mukha ng bata at naisip na baka dala lang ng sobrang dami ng iniisip n'ya nitong mga nakaraang araw kaya kung ano-ano ang kan'yang nakikita. Ngunit kahit nakalimang pikit-dilat na s'ya ng kan'yang mga mata ay ganon pa rin ang kinalalabasan. Kamukhang-kamukha n'ya ang bata na nasa sasakyan at naliligo sa sariling dugo. "Hoy! Umalis ka d'yan!" kung hindi pa sumigaw ang isang lalaki sa kan'yang likuran ay hindi pa s'ya nahimasmasan. Hindi n'ya ito nilingon o pin
BLAYRE JOAQUIM... Narating nila ang ARM Hospital at hindi pa maayos na nakahinto si Luke ay agad n'ya ng binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas. "Fvck! Magdahan-dahan ka Tres at baka mas lalo pang mapalala ang sitwasyon ng bata sa ginagawa mo!" narinig n'ya pang sigaw ni Luke sa kan'ya ngunit hindi n'ya ito pinansin. Tumakbo s'ya papasok sa loob at nagsisigaw sa mga staffs sa bungad ng hospital. "I need help! It's an emergency! Hurry up!" malakas na sigaw n'ya sa mga ito. Agad namang nagsipulasan ang mga naroon at agad na lumapit sa kan'ya. "Bring him to the emergency room!" isang doctor na nakasuot ng puting gown ang nag-utos sa kan'ya. Agad n'ya namang itinakbo ang bata sa emergency habang nakasunod sa kan'ya ang doctor na nag-utos sa kan'ya at iba pang mga nurses. Pagpasok n'ya ay inutosan ulit s'ya ng doctor na ilagay sa isang bed ang bata. "Sa labas ka na maghintay Mr. We will take care of your son," taboy ng doctor sa kan'ya at agad na isinara ang kurtina na kulay berd
BLAYRE JOAQUIM... Ipinasok na sa operating room ang bata at s'ya naman ay nagpakuha na ng dugo para ipangsalin dito. Hindi s'ya pumayag na pipitsuging doctor ang mag-oopera sa kan'yang anak. Ulo ang pinag-uusapan nila at alam n'ya kung gaano ka delikado kapag ulo ang inoperahan kaya naman ay tinawagan n'ya ang anak ng ninong Grayson n'ya na s'yang may-ari ng ARM Hospital para ito mismo ang hahawak sa batang lalaki na hindi n'ya pa nalalaman kung ano ang pangalan. Si Luke naman ay pinuntahan muna si Ace at ang anak nito na nasa kaparehong hospital lang din nila. Nasa labas s'ya ng operating room at hinihintay si Graciella na isang magaling na surgeon ng pamilya Morgan. Apo ito ng kanilang lolo Ashton na kaibigan ng kan'yang lolo Drake. Sa babae lang s'ya may tiwala na maoperahan ng maayos ang bata kaya kahit busy ito ay tinawagan n'ya ang babae. At hindi naman ito tumanggi sa kan'ya at ito ang hinihintay n'ya ngayon sa labas ng operating room. Habang naghihintay ay panay ang kan'ya
BLAYRE JOAQUIM... "Oo Tres! Ako ang ina ng bata ngunit hindi mo s'ya anak. Simula ng ipahamak mo kami at ipagkanulo sa mga masasamang tao ay inalis ko na ang karapatan mo bilang ama n'ya. Hayop ka! Wala kang awa! Wala kang puso! Sarili mong pamilya ay tinalikuran mo para sa mga babae mo at ipinagkanulo mo para mapahamak sa kamay ng mga taong may galit sayo! Lumayo ka sa amin Tres, layuan mo kami ni Andrei dahil hindi ka namin kailangan!" hilam sa luha ang mga mata nito at nagsusumigaw sa galit na sagot sa kan'ya ng asawa. Para s'yang binuhosan ng isang drum ng malamig na tubig matapos marinig ang mga sinabi ni Audrey. Masaya s'ya ng malaman na tama ang kan'yang hinala na ito ang kan'yang asawa at anak n'ya ang batang dinala n'ya sa hospital ngunit ang marinig mula sa bibig ni Audrey ang masasakit na salita at s'ya ang sinisisi nito sa nangyari sa kanilang anak ay pakiramdam n'ya ay pinapatay s'ya ng paulit-ulit. "A-Audrey!"nanginginig ang boses na tawag n'ya sa pangalan nito at
BLAYRE JOAQUIM... "Sweetheart! How's Fifth? Is he ok?" hindi n'ya naituloy ang kan'yang pakiusap sa dalaga ng biglang dumating ang lalaki na kasama nito noong party ni Dustine. Napalitan ng galit at pagtagis ng mga bagang ang kan'yang mukha ng makita ang lalaki lalo pa ng salubongin ito ni Audrey at sa harapan n'ya mismo ay mahigpit na nagyakapan ang dalawA. Pakiramdam n'ya ay umakyat sa kan'yang ulo ang lahat ng dugo sa kan'yang katawan. Mahigpit na nakakuyom ang kan'yang mga kamao habang matalim na nakatingin sa dalawa na nasa bisig pa rin ng isa't-isa. Napakasakit para sa kan'ya ang tanawing iyon kaya hindi n'ya na napigilan pa ang sarili na ihakbang ang mga paa para sugurin ang lalaki na kayakap ni Audrey. "Hayop ka! Let go of my wife!" galit na galit na sigaw n'ya rito at mabilis na hinawakan sa damit ang lalaki at hinatak para makawala sa pagkakayap nito kay Audrey. Dahil sa bilis ng kan'yang mga kilos ay hindi nagkaroon ng pagkakataon ang lalaki na makapaghanda sa kan'yang g
BLAYRE JOAQUIM... "Nasa operating room, why?" "Fvck! Your son is in danger. Let's go and guard him!" ang kapatid sa kan'ya at dali-daling naglakad patungo sa operating room kung nasaan ang kan'yang anak. S'ya naman ay ilang segundo na hindi nakahuma ngunit ng mahimasmasan ay dali-daling sinundan ang kapatid. "What do you mean kuya?" tanong n'ya rito habang nasa likod ng kapatid. "I will tell you later! We need to secure your son first!" seryosong sagot ni Uno sa kan'ya. Narating nila ang labas ng operating room at nandoon pa rin si Audrey na nakaupo sa upoan habang ginagamot ang mga sugat ng lalaki sa mukha. Masakit man ngunit hindi n'ya na lang pinansin ang mga ito dahil mas mahalaga sa kan'ya ang kan'yang anak. "Preccy, you're here!" ang kan'yang kuya Uno sa asawa. Natigil naman si Audrey sa ginagawang panggagamot sa lalaki at nilingon sila. "K-Kuya Uno," nauutal na tawag ni Audrey sa kan'yang kapatid. "Tama pala si Tres kung ganon! Buhay ka nga talaga. Only the real Precc
BLAYRE JOAQUIM..."Fvck! What is happening?" lihim na tanong n'ya sa sarili ng makita ang malamig na tingin ni Uno sa lalaking kasama ni Audrey.Walang nagawa ang lalaki kundi ang bitawan ang kamay ni Audrey. Gusto pa sanang magpumiglas ng kan'yang asawa ngunit hindi n'ya ito hinayaan.Hindi sila pwede sa loob ng operating room ngunit ng makita ni Gracie ang kan'yang kapatid ay tumango lang ito at senenyasan sila na magsuot ng PPE na agad naman nilang sinunod na tatlo.Nasa isang sulok lang sila habang nagmamasid sa ginagawa ng mga ito sa bata. Si Audrey naman ay tahimik na umiiyak sa tabi n'ya at naintindihan n'ya iyon kung bakit."Tres, I need more blood," maya-maya ay narinig nilang sabi ni Gracie sa kan'ya."I'm here! Kuhanan mo lang sa akin," agad na sagot n'ya rito."No! Marami na kaming nakuha sayo kanina. Kailangan na iba na—,""Just take from me, Gracie. Magkapareho kami ng blood type ni Tres," awat ng kan'yang kuya sa usapan nila ng doctor."Good! Maswerte ang batang ito na
AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup
BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la
AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a
AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus
AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n
AUDREY PRISCILLA...Pagkauwi nila ni Tres galing sa kanilang yatch date ay naging busy na ulit ang asawa. Naintindihan n'ya naman dahil marami itong kailangan na gawin sa opisina.At dahil hindi naman talaga s'ya interesado sa pera ni Berkin, ang share nito sa kompanya ni Tres ay hindi n'ya na pinansin pa. Ipinaubaya n'ya na lang sa asawa kung ano ang balak nito sa share ng matanda.Major stock holder ito ngunit ayaw n'ya ding gamitin ang pera nito at mas lalong ayaw n'ya na nasa kompanya pa ng asawa ang pera ni Berkin.Kaya si Tres na ang pinag desisyon n'ya kung ano ang gagawin nito sa shares ng matanda. Balak n'ya rin naman na magtatayo ng kan'yang sariling negosyo at gagamitin ang kan'yang pinag-aralan sa abroad.Ayaw n'yang pabigat lang kay Tres at alam n'ya na susuportahan s'ya ng kan'yang asawa sa kan'yang mga plano. Never n'yang naringgan si Tres na hinadlangan ang gusto n'ya bagkus ay nakasuporta lang ito palagi sa kan'ya at sa ugali ng lalaki ay mas lalo n'ya pa itong minaha
AUDREY PRISCILLA... The date that Tres prepared for them ay naging mainit at naging mitsa para punan nila ang pangungulila sa isat-isa. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay matagal na panahon din silang hindi nagkaroon ng oras ni Tres. Kaya siguro sinadya ng kan'yang asawa na dito sa laot mag date para walang disturbo at walang makakarinig sa kanila kahit pa magsusumigaw silang dalawa. Katulad na lang ngayon na nasa recliner chair s'ya habang nakahiga at si Tres at nasa paanan n'ya at nakasubsob sa kan'yang pagkababae. Itinaas lang nito ang kan'yang suot na dress at inalis ang kan'yang suot na panty kaya malaya itong nagagawa ang gusto nito ngayon. Nakasablay sa magkabilang gilid ng upoan ang kan'yang parehong binti at nagmukha s'yang manganganak sa kan'yang posisyon. Pero wala s'yang pakialam dahil ang kan'yang atensyon ay nasa asawa na nagpapaligaya sa kan'ya sa baba. Saksi ang maliwanag at bilog na bilog na buwan sa kanilang ginagawa. Nakatingala s'ya sa langit habang si Tres
AUDREY PRISCILLA...Wala na s'yang hihilingin pa dahil nasa kan'ya na ang lahat. Ang may mapagmahal na asawa, pogi at cute na anak at pinsan na sobra din kung alagaan s'ya at ang kan'yang tiyahin at tiyohin na sobra ang saya ng makilala s'ya ng mga ito.Idagdag mo ang mga magulang ni Tres na kasundo n'ya pati na ang mga kapatid nito na itinuring s'ya na kapatid. Napag-alaman n'ya sa kan'yang tito Anton na ama ni Anthony na patay na din ang kan'yang ama. Na bago ito namatay ay iniwan nito sa kapatid ang tungkol sa kan'ya kaya s'ya hinanap ng tiyuhin at pinsan.Nalulong sa droga ang kan'yang ama kaya pala nito iniwan ang kan'yang mommy. At nang gumaling naman ito sa pagiging adik ay s'ya namang pagdapo ng nakamamatay na sakit na cancer.Gusto daw s'ya nitong balikan ngunit wala na s'ya dahil nang mga panahong iyon ay pinatay na ni Berkin ang kan'yang ina at s'ya naman ay iniwan ng kan'yang ina sa isang cargo ship ng mga panahon na hinahabol ito ni Berkin para patayin. Ang barko ay bumi