Home / Romance / BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO) / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO): Chapter 91 - Chapter 100

206 Chapters

CHAPTER 91

AUDREY PRISCILLA... "Tres? Tres?" nagising s'ya na wala na sa tabi ang asawa. Dahan-dahan s'yang nag-inat at bumangon. Siguro ay nasa labas na ito dahil maaga talaga ito kung magigising. Naupo muna s'ya sa kama ng ilang segundo bago ipinasya na tumayo para magtungo sa banyo. Nahihirapan pa s'ya ng tumayo dahil sa sobrang laki na ng kan'yang t'yan. Ngunit kahit ganon at worth naman at masaya s'ya. Ilang buwan na lang ay lalabas na ang kanilang anak ni Tres at magiging buo na ang kanilang pamilya. Pumasok s'ya sa banyo at umihim muna bago nagsipilyo at naghilamos ng mukha. Mamaya na s'ya maliligo dahil kailangan na kasama n'ya si Tres. Nahihirapan kasi s'ya kapag mag-isa na maligo dahil hindi n'ya naabot ang ibang bahagi ng kan'yang katawan lalo na ang kan'yang paa. Ito ang dahilan kung bakit madalas ay tinatawag n'ya ang asawa kapag maliligo s'ya. Nang matapos ang kan'yang paghilamos at pagsipilyo ay lumabas na s'ya habang tinutuyo ng maliit na tuwalya ang kan'yang mukha. Nags
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more

CHAPTER 92

AUDREY PRISCILLA...Nalibot n'ya na ang buong bahay ngunit walang kahit na anong sign ng asawa. Malakas na kumalabog ang kan'yang puso ngunit hindi s'ya nag-iisip ng hindi maganda.Kampanti s'ya na hindi s'ya iiwan ni Tres at ito ang kan'yang pinanghahawakan ng mga oras na iyon. Kinalma n'ya ang sarili at nagpasyang pumasok sa loob.Dahan-dahan s'yang naupo sa sofa habang hindi mapakali sa kakaisip kay Tres. Ramdam n'ya na hindi nagsisinungaling sa kan'ya si Tres ng mangako ito na hindi s'ya iiwan.Pinagpawisan na s'ya dahil sa sobrang kaba at pag-alala sa asawa. Hindi n'ya alam kung ano ang kan'yang gagawin ng mga oras na iyon. Ilang beses na din s'yang tumayo at pabalik-balik ng lakad sa kanilang sala.Hindi na s'ya nakakain dahil sa mga naiisip. At hindi din s'ya nakaramdam gutom ng mga oras na iyon. Okupado ni Tres ang kan'yang isip habang malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib."Tres nasaan ka na ba?" mangiyak-ngiyak na sabi n'ya ng hindi na makayanan ang bigat na nararamdama
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more

CHAPTER 93

AUDREY PRISCILLA... Hindi pa s'ya nakakahakbang ay nakarinig s'ya ng katok sa pinto. Biglang nagliwanag ang kan'yang mukha ng maisip na si Tres ang nasa labas. Parang papel ang kan'yang mga paa sa gaan na tinakbo ang pinto para buksan. Dali-dali n'yang binuksan si Tres na may ngiti sa labi ngunit nawala ang kan'yang ngiti ng makita kung sino ang nasa labas. "I-Ikaw?" "Preccy kamusta ka na?" nakangiti na bati sa kan'ya ng pamangkin ni mang Julio na si Tisay. Biglang nalaglag ang kan'yang mga balikat dahil ang inaasahan n'ya na makita ay si Tres ngunit ibang tao ang dumating. "Preccy! Hoy! Ayos ka lang ba? Bakit mukhang kagagaling mo lang sa pag-iyak?" tanong ng babae sa kan'ya. Kaedaran n'ya lang ito at naging kaibigan na din dahil madalas n'ya itong nakakasabay sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke. "T-Tisay a-anong ginagawa mo dito?" nauutal na tanong n'ya sa babae. Napakamot ito sa ulo at nagpalinga-linga sa paligid na parang may hinahanap. "N-Nakakahiya man Preccy pero pw
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more

CHAPTER 94

AUDREY PRISCILLA... Ilang araw na ang nakalipas ngunit wala pa rin si Tres. Halos hindi n'ya na kayang mabuhay sa bawat araw na nagdaan kung hindi lang sa kan'yang dinadala. Kasa-kasama n'ya si Tisay sa kanilang bahay ni Tres at hindi alam ng babae ang mga pinagdaanan n'ya. Ayaw n'yang ipakita dito na may iniinda s'yang problema. Nakakatulong din ang babae na kahit saglit ay makalimutan n'ya si Tres. Palagi kasi s'yang pinapatawa nito at ipinanganak na yata si Tisay na kwela at kalog. Tinotoo din nito ang sinabi sa kan'ya na tutulongan s'ya nito sa mga gawaing bahay. Masipag ang dalaga at maaasahan sa kahit na anong trabaho. Kahit ang pag-aalaga sa kanilang mga pananim ni Tres ay ginagawa din nito. Nang dumating ang isang linggo na hindi pa rin nagpapakita si Tres sa kan'ya ay hindi na s'ya nakatiis. Kailangan n'yang gumawa ng paraan na mahanap si Tres. Naisip n'ya ang pinsan nito na s'yang contractor sa ipinapatayo nilang supermarket sa bayan. Dali-dali n'yang hinanap ang kan'y
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more

CHAPTER 95

AUDREY PRISCILLA..."Anong gagawin ko Tisay?" problemado na tanong n'ya sa babae."Hanapin natin! Tutulongan kita!" "A-Ano? Sigurado ka? Tutulongan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong n'ya sa babae."Aba, oo naman! Pinatuloy mo ako dito sa bahay mo kaya tutulongan kita hanggang sa makakaya ko no! Pero may problema tayo," sagot ng babae na ikinapagtaka n'ya."A-Anong problema?""Buntis ka at sobrang laki ng t'yan. Mahirap para sayo ang gumala para hanapin ang asawa mo. Baka kung mapaano pa kayong dalawa ng anak mo. Ako na lang ang maghahanap sa kan'ya, ayos ba yon? O di kaya ay tatawagan na lang kaya natin ang pamilya n'ya at itanong kung umuwi si Tres sa kanila?" suhestyon nito. Tama naman ang babae, sa sitwasyon n'ya ngayon ay mahihirapan s'ya na hanapin si Tres dahil limitado na ang kan'yang galaw."W-Wala akong numero ng pamilya ni Tres. H-Hindi ko nakuha eh.""Eh si Tres? Wala ka bang number n'ya?" dagdag na tanong nito. Nagpakawala s'ya ng hangin para maalis kahit papaano ang
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more

CHAPTER 96

AUDREY PRISCILLA...Lumipas ang ilang linggo at mag-iisang buwan ng hindi nagpapakita si Tres. Gusto- gusto n'ya ng lumuwas para hanapin ito ngunit ang kan'yang inaalala ay ang kan'yang anak.Naghintay pa s'ya ng ilang linggo pa at nagbabasakali na babalik ang asawa ngunit inabot na lang s'ya ng mahigit dalawang buwan ay walang Tres ang nagpakita.Hanggang sa hindi n'ya na makayanan ang bigat sa dibdib at ang paghihintay dito. Isang desisyon ang kan'yang ginawa ng araw na iyon habang nasa taniman ng gulay si Tisay.Dala ang isang bag na katamtaman lamang ang laki ay naglakad s'ya patungo sa sakayan ng tricycle. Hindi n'ya na makayanan ang lahat at ang paghihintay kay Tres kung kailan ito uuwi.Tamang-tama lang na pagdating n'ya ay mayroong bakanteng tricycle sa paradahan."Neng sasakay ka ba?" tanong ng driver sa kan'ya."Opo! Pahatid po ako sa sakayan ng bus manong," sagot n'ya rito. "Aba, luluwas ka? Eh mukhang manganganak ka na neng, ang laki na ng t'yan mo. Baka abutan ka ng pang
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more

CHAPTER 97

AUDREY PRISCILLA...Narating n'ya ang El Frio Building. Tumigil ang sinasakyan n'yang taxi sa harapan mismo ng matayog na building na pag-aari ng mga El Frio.Nanginginig ang kan'yang mga kamay at mga tuhod habang nakatingala sa mataas at matayog na building mula sa bintana ng taxi na sinasakyan."Ma'am dito na ho tayo," pukaw sa kan'ya ng driver. Ipinilig n'ya ang ulo at hinamig ang sarili. Hinarap n'ya ang driver at tipid na nginitian ang matanda.Kumuha s'ya ng pera sa kan'yang bag para ipambayad dito."Eto manong, bayad ko po. Maraming salamat," pasasalamat n'ya rito at inabot ang isang buong dalawang daan sa lalaki. Pagkatapos maabot sa driver ang kan'yang bayad ay binuksan n'ya agad ang pinto ng sasakyan para bumaba."Ma'am sukli n'yo ho," tawag pansin sa kan'ya ng driver ng makita na bumaba na s'ya."Sayo na po yan manong, maraming salamat po. Ingat po kayo sa pagmamaneho," sagot n'ya bago isinara ang pinto ng sasakyan.Umalis din agad ang taxi at naiwan s'yang nakatayo sa ha
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more

CHAPTER 98

AUDREY PRISCILLA... Narating n'ya ang pinto at dahil bahagya itong nakaawang at hindi naisara ng maayos ay sumilip s'ya sa para makita ang mga tao na nag-uusap sa loob. Ngunit ganon na lang ang kan'yang pagkagulat sa nasaksihan. Natutop n'ya ang palad sa kan'yang bibig ng makita ang nangyayari sa loob ng silid kung saan s'ya nakasilip. Si Tres ay nakaupo at ang isang babae na halos hubad na ay nakaupo sa kandungan nito. Pakiramdam n'ya ay nanginig ang kan'yang buong katawan ng makita ang eksenang iyon. Sa ilang buwan na nagsama silang dalawa ni Tres ay ipinaramdam nito sa kan'ya na mahalaga s'ya at hindi ito nagsasawa sa kan'yang presensya. Ngunit sa isang iglap ay bumalik sa dating Tres ang lahat. Ang Tres na nakilala n'ya noong una. Ang Tres na walang pakialam sa ibang tao at ang tanging mahalaga lang dito ay ang magamot ang libog na nararamdaman sa pamamagitan ng iba't-ibang lalaki. Akala n'ya ay nagbago na ito. Akala n'ya ay tuloy-tuloy na ang ipinaramdam nitong pagmamahal
last updateLast Updated : 2024-10-03
Read more

CHAPTER 99

AUDREY PRISCILLA...Dali-dali s'yang umalis at pumasok sa elevator. Sobrang bigat ng kan'yang dibdib ngunit pinigilan n'ya ang sarili na mas umiyak pa.Nakarating s'ya sa baba ng hindi bumagsak ang kan'yang mga luha. Nagpapasalamat s'ya na napigilan n'ya ang sarili hanggang sa makarating sa unang palapag ng El Frio building.Bumukas ang elevator at dali-dali s'yang lumabas. Hindi alintana ang mga tao na nakaabang sa labas ng elevator. Deritso lang s'ya sa paglakad hanggang sa pinto.Narinig n'ya pang tinatanong s'ya ng gwardya ngunit hindi n'ya ito pinansin. Tuloy-tuloy lang s'ya sa paglakad hanggang sa tuloyan na makalabas.Hindi n'ya alam kung saan s'ya pupunta ng mga oras na iyon ngunit tuloy-tuloy pa rin ang kan'yang paglakad. Gusto n'yang makaalis sa lugar na iyon at makalayo kay Tres. Wala ng dahilan pa para manatili s'ya at ipagdiinan ang sarili sa lalaki. Narinig n'ya na ang lahat at ayaw n'ya ng magpakatanga pa sa ikalawang pagkakataon kay Tres.Hindi n'ya na napansin na mal
last updateLast Updated : 2024-10-03
Read more

CHAPTER 100

BLAYRE JOAQUIM... SIX YEARS LATER...... "Tres nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" nagulat s'ya ng biglang pinukpok ng kapatid na si Uno ang mesa. Binisita s'ya nito sa opisina at may sinasabi ngunit hindi s'ya nakikinig dito. "What?" inis na tanong n'ya sa kapatid. Naihilamos ni Uno ang palad sa mukha at kita sa mukha nito ang frustration. "Fvck you! Kanina pa ako salita ng salita dito pero hindi ka pala nakikinig na gago ka!" galit na singhal sa kan'ya ng kapatid. Walang emosyon n'ya lang itong tiningnan at tinungga ang alak sa baso na hawak. "Umalis ka na kuya! Hindi ako interesado sa mga proposals mo!" taboy n'ya rito kahit hindi naman narinig kung anong klaseng proposal ang pinagsasabi nito. "Sigurado ka Tres na ayaw mong makinig sa sasabihin ko? Baka magsisi ka sa huli at magigising ka na lang na wala na ang lahat ng mga pinaghirapan mo!" may diin na sermon sa kan'ya ng kapatid. Ibinato n'ya ang hawak na baso sa pader at nabasag iyon dahilan para maglikha ng tunog.
last updateLast Updated : 2024-10-03
Read more
PREV
1
...
89101112
...
21
DMCA.com Protection Status