CHAPTER 50: REPLACEDKaagad akong nag-iwas ng tingin nang yakapin ni Evelyn si Blake. I can't watch them! Masakit! But I know that they need to talk. Ayaw ko namang masaktan lalo si Evelyn. She's too pure. Nagmahal lang siya. Wala siyang kasalanan.Instead of evaesdropping, I chose to walk back inside the Hotel and called Rafael. Sa kanya na lang muna ako magpapasundo. Baka mag-uusap pa sina Blake at Evelyn. Wala rin namang text message si Blake."Oh? Bakit?" pabalang na sagot ni Rafael.Napangiwi ako. Gusto ko siyang babaan na ng tawag pero kailangan ko siya. He's the one who always fetch me after work. Minsan ay may sleepover sila ng tropa niya kaya iyong asawa ni Ate Baby na tricycle driver ang sumusundo sa akin para raw safe akong maka-uwi. "Sunduin mo 'ko," pinantayan ko ang pagsusungit niya. "Pumunta na si Kuya Pogi, ah?" nagtatakang tanong niya.I let out a sigh and lied, "May emergency siya. Sunduin mo 'ko," utos ko ulit."Oh, 'ge! Basta may bayad, ah?" pilyong dagdag niya.
Last Updated : 2024-09-05 Read more