PAREHONG napaawang ang labi nina Toni at Hazel ng maabutan nila si Aling Fatima na ang sarap ng tulog, napapalibutan ito ng mga puzzle na sa palagay nila ay ilang araw ng sinusubukan na buohin. “Akala ko ba ay may sakit si Aling Fatima?” kunot ang noo na tanong ni Toni kay Joemar na kadarating lamang. “A-Ah, o-oo, may sakit nga siya. N-nakita mo naman, nanlalalim ang ilalim ng kanyang mga mata.” Mas mukhang puyat ang matanda, kesa ang may sakit, napansin agad iyon ni Hazel. “Pwede bang iwan mo kami ni Haz– I mean ng kaibigan ko, Joemar? Sige na, lumabas ka muna ng silid, gusto namin na makausap si Aling Fatima ng sarilinan.” Bago lumabas, saglit na tinitigan ng lalaki si Hazel, kinukurpirma na tama ang kanyang hinala. Si Hazel nga ito! Pagkalabas ni Joemar, inalis ni Hazel ang kanyang sumbrero at facemaska, saka siya naupo sa gilid ng kama na naroon. Tinapik naman ni Toni si Aling Fatima upang gisingin. Nang dumilat ang matanda, agad itong naupo at dumampot ng piraso ng puzzle
Dernière mise à jour : 2024-11-02 Read More